Chapter 19

1509 Words
Bella Flashback....... 4 years ago Umalis ako ng condo ni Zac ng hindi alam kung saan pupunta. Dala-dala ko ang maleta laman ang aking mga gamit habang patuloy parin sa pag-iyak sa mga nalaman ko. May anak na si Zac sa ibang babae. Mabubuo na ang pamilya nila ngayong nakabalik na si Zac. Masakit. Sobrang sakit. Parang dinudurog ang puso ko. Hindi ako makahinga sa sobrang sakit na nararamdaman. Ganito siguro talaga kapag sobrang mahal mo ang isang tao sa buhay mo. Pero mas pinili ko na lang na magpaubaya. Ayokong makasira ng isang pamilya. Ikakasal na si Zac kay Haley at may anak na sila. Wala na akong puwang sa buhay ni Zac ngayon. Kaya mas pinili ko na lang na umalis ng hindi nakakausap si Zac. Sinamantala ko na nasa Japan siya nang mga oras na ito. Iniwan ko rin ang credit cards na binigay niya sa akin. Pati ang cellphone. Pero kahit naman iwan ko ang cellphone du'n. Kabisado ko pa rin ang number niya. Pero never ko siyang tatawagan. Buo na ang desisyon kong lumayo. Masakit lang isipin na sa loob ng isang buwang pananatili ko sa kanyang condo sa Taguig ay hindi niya man lang nabanggit ang tungkol kay Haley at sa kanilang anak. Ang plano nilang pagpapakasal ay nilihim niya rin sa 'kin. Ano'ng gusto niyang mangyari? Gawin akong kabit? Hell no! Hindi pa ako nahihibang. Oo mahal na mahal ko siya. Pero hindi tamang mahalin ko pa rin siya gayong makakasira lamang ako ng isang pamilya na malapit ng mabuo dahil sa pagbabalik ni Zac sa buhay nila. Tinatagan ko na lang ang aking loob na magsimula muli na walang Zac sa buhay ko. Naghanap ako ng mauupahang maliit na apartment dito sa Maynila. Napadpad ako sa Makati para dun humanap ng apartment na matutuluyan. Bukas ay maghahanap na rin ako ng trabaho. Nakahanap naman ako ng trabaho sa maliit na restaurant. Kahit pa paano naman ay nakapag-aral ako hanggang highschool sa isla dahil may eskwelahan naman dun. Napagpasyahan ko rin na i-enjoy ang pananatili dito sa Maynila. Para naman makalimutan ko ang tungkol kay Zac. Araw-araw ko pa rin kasi siya naiisip. Nagpunta ako sa bar para mag-enjoy kahit sandali. Hindi naman ako umiinom ng alak. Pero ngayon ay susubukan ko para naman panandaliang makalimot. Nakakaisang baso pa lang ako ay parang masusuka na ako. Ganito siguro kapag hindi ka talaga sanay uminom ng alak. Makalipas ang ilang oras ay napagpasyahan ko ng umuwi sa apartment ko. Pasuray-suray akong naglakad palabas ng bar. Marami na ring lasing sa labas. Naglalakad ako palabas ng may bumangga sa aking bulto. Isang lalaking may matipunong pangangatawan. Napaupo ako sa sahig at dali dali naman akong inalalayan ng lalaking nakabangga sa akin upang tumayo. "You okay?" Ani ng baritonong boses ng lalaki. Nag-angat ako ng tingin para tingnan kung sino ang bumangga sa 'kin. Naniningkit na ang aking mga mata sa kalasingan. Isang guwapong lalaki ang nabangga ko. Matangkad ito. Maputi. Matangos ang ilong. At may manipis at mamula mulang labi. "I'm sorry," aniya Siya pa ang humingi ng tawad kahit na ako naman ang may kasalanan. Ngumiti ako sa kanya at humingi rin ng paumanhin. Naglalakad na ako palabas ng bar. Hindi ko namalayan na madaling araw na pala kung 'di ko pa tingnan ang relo na suot ko. Hindi pa ko nakakalayo sa bar ay may grupo ng mga lalaki na humarang sa 'kin. Mukhang may tama na ng alak ang mga ito. "Hey, Miss beautiful. What's your name?" Ani ng isang lalaki na amoy na amoy ang alak ng magsalita ito malapit sakin. Pulang-pula na rin ang kanyang mga mata. Hindi ko sila pinansin at dire-diretsong naglakad palayo sa kanila. Ngunit hindi pa ko nakakalayo ay marahas na hinigit ng lalaki kanina ang braso ko. Hinarap ko ang lalaki para tanggalin ang pagkakahawak niya sa braso ko. "Ano ba? Let me go!" Ani ko na naiinis na. Wala ba siyang magawa sa buhay niya at ako ang gusto niyang pagtripan. "Wala pang babaeng nangangahas talikuran ako." He smirked. "Come with me." Hinila niya ako papunta sa kotse niya pero nagpupumiglas ako. Hindi naman siya inaawat ng mga kaibigan niyang halatang mga lasing na. "Let me go sabi! Ano ba? Sisigaw ako dito!" Nagbabantang sabi ko. Natatakot na ako sa kinikilos nitong lalaki na 'to. Bangag na siya sa alak. Siguro nga ay nakahithit pa ang isang 'to. "Eh, 'di sumigaw ka! No one cares," inis niyang sabi. "Saan mo ba ako dadalhin?" Ani ko takot na takot na ko dahil hindi ko alam kung ano'ng balak niya sa akin. Hindi niya naman pinansin ang sinabi ko. Patuloy pa rin siya sa paghila sa braso ko na masakit na ngayon. Mas lalo akong kinabahan sa uri ng pagtitig niya sa katawan ko. Nakasuot ako ngayon ng backless cross drawstring ruffle, bundle wais, v-neck strap, mini dress summer red vintage. Nakita ko ang sunod sunod niyang paglunok nang mapagawi ang kanyang mga mata sa dibdib ko. He also licked his lower lip. "Damn! You're f*cking sexy, Miss! Just spend the night with me beautiful." Ano raw? Nababaliw na siya! Nagpumiglas parin ako pero malakas siya. "Bitawan mo sabi ako!" Bulyaw ko. Parang sasabog na ang puso ko sa sobrang kaba. Ayaw pa rin akong bitawan ng lalaking 'to kahit anong panlalaban ang gawin ko. "Bitawan mo siya!" Ani ng baritonong boses. Sabay naman kaming napalingon sa lalaking nagmamay-ari ng boses na 'yun. "Who the hell are you?" Nakataas ang isang kilay na tanong ng lalaking nakahawak sa braso ko. "I'm his boyfriend. So f&ck off!" Sabi nito sa galit na tono. Nakahinga naman ako ng maluwag ng bitawan ng lalaki ang aking braso. Napahawak na lang ako sa braso ko dahil parang nagkapasa ito sa higpit ng hawak niya kanina. Siya 'yung lalaking nabangga ko kanina. Mabilis naman na pinaharurot ng lalaki na may masamang balak sa 'kin kanina ang kotse niya palayo sa 'min. "Thank you," ani ko sa lalaki. Nahiya ako at namula. Ang sabi niya ay boyfriend ko daw siya para lang pakawalan ako ng lalaki kanina. "No worries. I can't stand seeing you being harassed by that bastard." He clenched his jaw. "Pauwi ka na ba?" Tanong niya. Tumango naman ako. "Tamang tama pauwi narin ako. I'll give you a ride home," aniya. Nahihiya naman ako dahil iniligtas niya na nga ako sa walang-hiyang lalaki kanina. Ngayon ay ihahatid niya pa ako pauwi. "Hindi na...Salamat na lang ulit," ani ko at nginitian ito. "You sure? Let me give you a ride home. You're drunk. Baka mapagtripan ka ulit," aniya. Sa huli ay pumayag na akong ihatid niya sa tinutuluyan kong apartment. Sa mga sumunod na araw ay nakita kong muli ang lalaking tumulong sa 'kin nu'ng gabi sa bar na pinuntahan ko. Naging customer siya ng pinagtatrabahuhan kong restaurant. Nagkausap kami at naging kapalagayan ko agad siya ng loob. Dahil madalas na siyang kumain sa restaurant na pinagtatrabahuhan ko. Naikwento kong mag-isa lang akong namumuhay dito sa Maynila. Inalok niya ako ng magandang trabaho sa hotel na pagmamay-ari niya sa Makati. Mas malaki ang sahod. Kaya naman hindi na ako nagdalawang-isip na tanggapin iyon. Alam niya naman ang educational background ko at sabi niya na magagawan niya daw ng paraan 'yun dahil siya naman ang may-ari ng hotel na papasukan ko. Nagsimula na akong magtrabaho bilang concierge sa hotel na pagmamay-ari ni Tyler. Mas gusto ko ang trabaho dito. Mas marami rin akong nakikilalang tao. Naghahanda na ako papasok sa trabaho nang may maramdaman akong kakaiba. Parang may gumagalaw-galaw sa tyan ko. Nu'ng isang araw pa masama ang pakiramdam ko. Palagi na lang akong nagsusuka. At naging maselan sa pagkain at pang-amoy. Tinawagan ko si Tyler para sabihing hindi ako makakapasok ngayon dahil masama ang pakiramdam ko. Agad niya naman akong pinuntahan sa tinutuluyan kong apartment dahil sa pag-aalala sa kalagayan ko. "Maybe you're pregnant," seryosong sabi ni Tyler. Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Oh no! Naalala ko na sa tuwing may mangyayari sa amin ni Zac ay hindi siya gumagamit ng proteksyon. Pero kahit naman nu'ng nasa isla pa kami ay wala rin siyang proteksyon na ginagamit. Ang kaibahan lang nu'ng nanirahan na kami sa condo niya ay hindi na siya nag-abalang hugutin yung kanyang pagkal&laki sa loob ko. Lagi niya yung pinuputok sa loob. "I'll buy you a pregnancy test kit. Just stay here, okay?" Ani Tyler. Mabuti na lang at may kaibigan akong katulad ni Tyler. Umalis na siya para bumili nu'n. Samantalang ako naman ay nanghihinang napaupo sa sofa. Ano ng gagawin ko? Hindi ko puwedeng ipaalam kay Zac ang tungkol sa pagbubuntis ko. Hindi maari. Ayokong gumulo ang sitwasyon. Kaya naman nakapagdesisyon na akong mag-isa kong bubuhayin ang anak namin. Kakayanin ko 'to para sa anak ko. Siya ang magiging inspirasyon ko para magpatuloy lang sa buhay kahit pa mahirap ang sitwasyon ko ngayon. Mahirap maging isang dalagang ina. Pero wala akong magagawa kung 'di tatagan ang loob ko. Alam kong kakayanin ko 'to mag isa. Alam kong hindi kami pabayaan ng Panginoon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD