Bella
I'm two months pregnant now with our second child. Zac and I were very happy when we learned that I was pregnant.
Everything seems fine. We love each other after everything we've been through.
He proposed to me during our hot air balloon ride in Bohol. Just the two of us. It was a surprising romantic engagement and I was on cloud nine.
It's an amazing experience watching the Chocolate Hills and their surroundings from above with the man you love.
Love will quite literally be in the air when you're swept up in the beauty of the sky. He popped the question and I said "yes". We're now engaged! He gave me a diamond ring na mas mahal pa ata sa buhay ko.
We planned to get married on the island where my parents live. The island where we shared so many memories. The place where it started it all.
We're in Zac's mansion here in Manila. Nakaupo ako sa malaking couch sa living room ng kanyang malaking mansyon.
Si Zac naman ay nasa kanyang opisina. Abala siya bilang CEO ng Evans Corp.
"Mommy...Mommy..." Tawag ng aking anak na si Zayn. Nagtatakbo siya papasok sa loob ng mansyon. Hingal na hingal at madumi na naman ang damit.
"Oh, saan ka na naman ba nagpunta? Pawis na pawis ka na naman," ani ko sa makulit kong anak.
"Sa garden po, mommy. Naglaro ako doon kasama si Zenki."
Ang tinutukoy niya ay ang alagang aso na Corgi dito sa mansion.
"Halika nga dito pupunasan kita. Lagot ka na naman sa daddy mo mamaya."
Hindi siya masaway sa pakikipaglaro rito.
"Mommy, gusto ko po baby girl ang kapatid ko po," aniya. H
indi pa namin alam kung ano ba ang gender ng ipinagbubuntis ko.
"Bakit? Ayaw mo ba ng baby boy din?" Ani ko habang pinupunasan ang kanyang likod na basang-basa sa pawis.
"Gusto ko po ng girl kasi ang cute-cute po. Tulad ng anak nina Tita Vivienne."
Ang tinutukoy niya ay 'yung 1 year old na anak ng kapitbahay namin nung nakatira pa kami sa Cebu. Lagi niya kasi itong nilalaro at pinapatawa nu'ng du'n pa kami nakatira. Hindi naman pumipirmi sa bahay ang magaling kong anak.
Hinimas-himas ng kanyang munting palad ang aking tiyan. Ang gusto ko rin sana ay babae naman ang anak namin ni Zac. Baka kasi kapag lalaki ay ma-stress lang ako lalo sa sobrang tigas ng ulo, parang itong panganay namin na si Zayn.
"Love, gusto ng anak mo babae ang sunod na anak natin," ani ko kay Zac habang magkayakap kami sa kwarto.
Ang anak naman namin na si Zayn ay may sariling kwarto dito sa mansiyon.
"Gusto ko din na babae sana next. Para kamukha mo naman." aniya. Natawa nalang ako.
"Baka nga kamukha mo ulit. Kasi ikaw ang pinaglilihian ko," ani ko.
Hinahanap-hanap ko kasi ang amoy niya. Lagi kong sinisinghot ang mga damit nito pagwala siya rito sa bahay.
'Pag nasa opisina naman siya ay lagi ko siyang tinatawagan. Gusto ko kasing marinig ang kanyang boses. Kung minsan ay pumupunta pa ko dun kahit ayaw niya.
Ayaw niya raw na mapagod ako. Gusto ni Zac na dito lang ako lagi sa bahay at magpahinga.
"Love, parang gusto ko pa rin na mag-aral. Iba kasi pag may pinag-aralan, eh," ani ko.
Gusto kong matupad ang mga pangarap ko na hindi ko natupad noon. Kahit naman isa na akong ina ay pwede pa rin naman akong mag-aral. Para naman nababagay ako sa magiging asawa ko na isang CEO. Nakakahiya kasi successful si Zac. Samantalang ako ay hindi nakapag-aral ng college. Marami pa namang mapanghusgang tao sa mundo. Isipin nila na hindi ako nababagay sa magiging asawa ko.
"Sure, ano'ng course ang kukunin mo?" Aniya.
"Hmm...pag-iisipan ko pa, love. Baka hindi na kasi bagay sa 'kin ang Tourism na course kasi may anak na tayo. Baka business-related course na lang para matulungan kita sa pagpapatakbo ng negosyo," ani ko.
"If that's what you want, love. I'll support you all the way," he said and smiled at me.
"Let's sleep, love. I'm tired," he said.
Matutulog na sana kami nang may biglang kumatok sa aming kwarto.
"Mommy...Daddy..." Ani ng anak namin na si Zayn.
Tumayo naman si Zac para pagbuksan ng pinto ang anak namin.
"Hey, little man. Bakit nagising ka?" Ani Zac at kinarga na ito papunta sa aming kama.
"I had a nightmare Daddy. Napanaginipan ko pong iniwan mo kami ni Mommy," ani Zayn na naiiyak.
Mahal na mahal niya talaga ang Daddy niya. Little Zac nga kung tawagin ito ng mga kaibigan ni Zac. Kamukhang-kamukha kasi ng daddy niya at nakuha pati ang kulay ng mata na asul.
"That won't happen, son. Your Mommy and I are getting married soon," ani Zac at hinalik-halikan sa pisngi si Zayn.
"Talaga po, Daddy?"
"Yes. So, you better sleep now in your room."
"No, hayaan mo na siya na dito sa kwarto natin matulog ngayong gabi," ani ko.
"You want to sleep here?" ani Zac.
"Yes, daddy. Daddy tell me stories po para makatulog ako," request ng anak namin.
"Okay, I will."
Pumuwesto na sa gitna ang anak namin para tabihan ang Daddy niya. Natutuwa akong pagmasdan ang mag-ama. Enjoy na enjoy ng aming anak ang kwento ng daddy niya. Kaya naman unti unti na itong nakatulog sa pagitan namin ni Zac.
Nalulungkot akong lumaki si Zayn ng wala si Zac sa tabi nito. Kaya naman labis ang pagmamahal na binubuhos ni Zac sa anak namin para mapunan ang kanyang pagkukulang ng mga panahong hindi niya alam na may anak kami.
Nakaramdam ako ng pagsisisi sa ginawa ko. Pero sa mga panahong yon kasi ay namayani ang takot sakin. Takot na mawala sa piling ko si Zayn.
Makalipas ang ilang buwan ay nalaman na namin ang kasarian ng pinagbubuntis ko. At nagkatotoo nga ang hiling ng mag ama. Babae ang magiging anak namin. Kaya ganu'n na lang ang tuwa nila nang malaman ito.
"Bella, look at you, you're so pretty. Parang hindi buntis, ah. Hindi halata ang tyan mo. Sexy pa din," ani Amber at ngumiti ito.
Nandito kami sa isla. Ngayon kasi ang araw ng kasal namin ni Zac. Inimbitahan ko ang mga malalapit kong kaibigan. Pati narin si Tyler ay nandito ngayon. Hindi ko naman puwedeng kalimutan ang aking malapit na kaibigan nu'ng mga panahong iniwan ko si Zac. Hindi na rin siya pinagseselosan ni Zac.
Paano, may apple of the eye na si Tyler. Last week kami dumating dito sa isla pero mabilis ding nagkamabutihan ang pinsan kong si Kelsey at si Tyler. And they really look good together. Siguro ay tinadhana talaga silang magkita dito sa isla. Nawala na rin ang tampo sa 'kin ni Kelsey noon. She accepted the fact na mahal talaga namin ni Zac ang isa't isa. And she realized that her feelings towards Zac wasn't love. That she's just admiring him for his looks and cold personality.
"Thanks, Amber." ani ko at nginitian ito. Si Amber naman at Liam ay mukhang nagkakamabutihan na rin. Hindi na sila mapaghiwalay. Kahit saan magpunta si Amber ay nakasunod si Liam sakanya. Siguro sila na talaga ang para sa isa't isa. Nakikita ko naman na parehas masaya ang dalawa kong kaibigan. Kaya naman masaya ako para sa kanila.
Guwapong-guwapo naman ang aking groom sa suot nitong tan suit, sa panloob ay white shirt at white pants naman sa baba.
"Hey, love. Come over here," tawag sa 'kin ni Zac.
Si Zac ay naging abala sa pag-organize ng wedding namin dito sa isla. Ang anak naman namin na si Zayn ay cute na cute sa kanyang suot na match sa kanyang daddy. Siya ang aming ring bearer.
Ang suot ko naman ay off-the-shoulder A-line gown with floral embroidery na gawa ng isang sikat na designer. Zac willingly spent too much money on our wedding day. He wants our wedding day memorable for both of us.
Marrying the man you love feels like heaven. And I can proudly say, I'm the luckiest bride on earth!