Bella
Nakalabas na rin kami ng ospital. Nagpapagaling na rin si Zayn sa apartment na tinutuluyan naming mag-ina. Araw-araw din ang pagbisita ni Zac sa aming anak.
He's still mad at me. Hindi kami nag-uusap maliban na lang sa kung tungkol sa anak namin ang topic.
"I'll bring him to Manila. He's still going to live with me pag okay na ang anak natin," ani Zac.
Nasa salas kami ngayon ng apartment ko. Napatayo naman ako sa aking kinauupuan. Nabigla ako sa sinabi nito. Akala ko nagbago na ang isip niya. Kung ganoon ay seryoso siya sa sinabi niya. At ilalayo niya talaga sa 'kin ang anak ko.
"You're being selfish, Zac! Ako ang ina ng bata! Kaya hindi mo siya pwedeng ilayo sa 'kin!" Naiinis na sabi ko. Hindi niya pwedeng basta-basta na lang kunin ang anak ko!
"Listen to yourself, Bella!" Aniya.
Napatayo siya sa sofa.
"You're the selfish one from the very beginning! You hide Zayn's existence from me!" Umalingawngaw ang kanyang boses. Mabuti na lang tulog na ang anak namin sa kwarto. Ayokong marinig niyang nag-aaway kami ng kanyang daddy.
"I told you. You can live with us. He still needs a mother while he's growing up," he said seriously.
"So, ano? Ipagsisiksikan ko ang sarili ko sa 'yo? Eh, 'di ba, may anak ka na sa ibang babae! Anong gusto mong mangyari, huh, Zac? Na maging sampid kami ni Zayn sa pamamahay mo? Nababaliw ka na ba?" Galit kong sabi rito. Napupuno na ko sa kanya!
"What?" Naguguluhan niyang tanong. "Ako? May anak na sa ibang babae? Who the f*ck told you that?" Tumaas ang kanyang boses at nag-igting ang kanyang panga. Punung-puno ito ng iritasyon.
At nagmamaang maangan pa siya! Palagay ko nga ay kasal na sila ni Haley eh!
"Talaga? Hindi mo alam? Oh, come on, Zac. 'Di ba, kasal ka na kay Haley? May anak na nga kayo eh," sumbat ko rito.
"What?! F*ck! Who told you that?! I'm going to strangle that person to death!"
Nagbabantang sabi nito. He's raging mad. Bigla akong nakaramdam ng takot. This is the second time I've seen him raging mad. Pero hindi ako pwedeng magpatinag sa galit niya.
"Huwag ka ng mag-maang-maangan Zac. Haley told me everything!" Sigaw ko sa kanya.
That's the reason why I left him four years ago.
"So, that's the reason why you left me?"
His eyebrow raised. Habol niya ang kanyang paghinga.
"You believed with that wicked b***h! Right Bella!? Hindi mo man lang ako hinintay makauwi! Naniwala ka agad sa babaeng yun!" His voice rise. Galit na galit ito.
"Bakit? Hindi ba totoo? Haley brought your son with her to your condo that day!"
"F&ck Bella! Did you believe her lies? That stupid b***h! I won't forgive her!" He gritted his teeth.
Humugot siya ng malalim na hininga para ikalma ang sarili.
"Her son is not mine. I did a paternity test secretly. I relied on my trusted men to do that. And our DNA didn't match. She lied to me. Not just me. Pinaniwala niya rin ang mga magulang ko at ang pamilya niya na anak ko nga ang batang 'yun. Nu'ng una palang duda na 'ko. Pero nu'ng lumabas ang resulta, I immediately cancelled the wedding plans. And believe me, I had no plans on marrying her. My controlling father was behind that. Until he learned that Haley's son is not mine. He had a heart attack. He died months after."
I was shocked. So, pinaniwala lang pala ako ni Haley na may anak na sila ni Zac. Napakasama niya. Ginamit niya pa ang inosenteng bata para lang pakasalan siya ni Zac.
"Do you believe me now?"
I just nodded.
"I planned to tell you everything after I got back from Japan. But you already left," aniya sa malungkot na tinig.
"I can show you the DNA results if you want. And to tell you the truth, I didn't love her. I never did. Nagbalik na ang lahat ng ala-ala ko two years ago. I never loved her kahit nu'ng hindi pa ako naaaksidente. I remembered that she took advantage of me while I was so drunk one night. The next day, I was so pissed off. Then I decided to go far away, far from everything. And that's when I found myself on that remote island. Then my plane crashed."
So ganu'n pala ang nangyari. Hindi ako makapaniwala sa aking nalaman. I'm so mad at myself for believing Haley's lies.
"So...who's the father of her son?" Tanong ko kay Zac.
Gusto kong matapos na 'tong mga tanong sa isip ko.
"She had a fling back then. A wealthy businessman. She told me the truth after I left that day. She was so broken because I hurt her feelings. And she needed someone to comfort her," he said.
Now I can finally breathe. I felt relieved knowing that Zac had no child with Haley.
I regretted my impulsive decisions in the past. I regret leaving Zac. My tears keep flowing down my face. Naalala ko ang lahat ng sakit na dinulot ng isang kasinungalingan. Mag-isa kong binuhay ang anak namin ni Zac. Bigla ko na namang naalala ang lahat. Kaya naman hindi ko na napigilang umiyak sa kanyang harapan.
Nang makita ni Zac ang aking mga luha ay bigla niya akong nilapitan. Niyakap niya ako at sinandal sa kanyang matigas na dibdib.
"Hush now. Hindi ko na hahayaang magkalayo tayo. I love you, and Zayn. Let's start anew, love," aniya habang hinahaplos ang aking buhok. Hinahagkan hagkan niya rin ang aking ulo. Lalo tuloy akong napaiyak. Niyakap ko siya ng mahigpit.
I love him so much. Ang tanga ko lang dahil napaniwala ako ng babaeng 'yun sa kasinungalingan niya!
She's really a great actress! May paiyak-iyak pa siyang nalalaman nu'ng puntahan niya ako sa condo ni Zac. At ako naman si gaga, naniwala.
Napagdesisyunan namin ni Zac na bumalik sa isla pagtuluyan ng gumaling ang anak namin. I want to tell my parents the truth. Na may anak na kami ni Zac.
"Love, can we make love tonight?" He said softly while hugging me tight.
Nakaupo kami ngayon sa sofa. Ngayon lang kami nagka-ayos ulit. Pero heto na agad siya. Humihirit na.
"Baka magising ang anak natin," ani ko.
Kumalas ako sa kanyang yakap.
"Hindi 'yan. Let's do it quickly," he said and grinned.
"Love..." I said.
"Love, please? It's been four years since I had s*x."
"What? Do you mean?..."
"Yep. I never touch other girl when you left me."
Talaga lang, ha? Eh, 'yung babaeng kahalikan niya sa bar? Hindi niya ba ginalaw 'yun?
"Really?" Napahalukipkip ako habang nakataas ang isang kilay.
"So, sino' yung kahalikan mo sa bar that night? I saw you both kissing in front of me," naiinis kong sabi.
Hindi na sila nahiya at sa harapan ko pa talaga sila naghalikan nang gabing 'yon. Natawa naman siya sa sinabi ko.
"I just kissed her to make you jealous. At walang nangyari sa 'min maliban sa halik na nakita mo."
Napairap ako sa kanya. So sinadya niya 'yun? At nagtagumpay nga siya na pagselosin ako.
"I miss you so much, love. You had no idea what I've been through since you left me. I got depressed. I drowned myself in alcohol. Wala na akong ganang mabuhay nang mga panahong iniwan mo ko. At nang malaman kong may iba ka na, mas lalo akong nasaktan."
Ramdam ko ang sakit sa kanyang tinig. Parehas lang kaming nasaktan ni Zac.
"I'm sorry, love. Babawi ako sa 'yo," ani ko.
Hindi ko alam na pinagselosan niya rin pala si Tyler noon. Ang buong akala niya ay pinagpalit ko siya sa iba.
"Really? So....we have to make love tonight then," he grinned.
"Sige na nga. Mukhang hindi mo ko titigilan, eh," I said. He chuckled.
Now that everything's okay between us, we can start living as a complete family. Zayn would be very happy. He loves his father so much.