Chapter 16

1333 Words
Bella "Be sure that he'll spend his entire life in jail," ani Zac sa kausap niya sa telepono. "Sisiguruhin kong mabubulok siya diyan," aniya. Napansin ko ang pag-igting ng kanyang panga. Habang nakakuyom naman ang isang palad nito. Galit na galit siya sa taong nakasagasa sa anak namin. Naririnig ko pa ang mahihina niyang mura matapos kausapin ang kanyang tauhan. Dahil biktima ang anak namin ng hit and run. Kaya naman pinahanap niya sa kanyang tauhan ang kung sino mang gumawa nu'n kay Zayn. I can't blame him. He's the father of my son. At kung sino mang nakabangga sa anak namin ay napakasama niya. Tinakbuhan niya ang inosenteng bata. Paano na lang kung hindi namin nadala ng mas maaga ang anak ko sa ospital. Lumabas na ang doctor ng anak ko sa loob ng ICU. At agad ko naman itong tinanong. Nasalinan na rin siya ng dugo mula kay Zac. "How's my son, Doc?" I said. Puno pa rin ang aking boses ng pag-aalala sa kalagayan ng anak ko. "Don't worry, Ms. Bella, he's okay now matapos siyang masalinan ng dugo. But he's still unconscious. Kailangan pa niyang manatili sa loob ng ICU for the next 48 hours para maobserbahan," aniya bago tuluyang umalis sa harapan namin ni Zac. Si Zac naman ay nanatiling tahimik sa upuan sa labas ng ICU katabi ko. I can't stop crying about what just happened to my baby. He's too young to experience this. Parang pinipiga ang puso ko. "Patawarin mo ako Zac. Hindi ko ginustong mangyari to sa anak natin. I'm sorry," hingi ko ng tawad kay Zac sa paos na boses. Wala akong narinig na salita mula sa kanya. Alam ko na galit siya sa 'kin dahil sa nangyari sa anak namin. Ilang araw din ang lumipas bago nagising ang anak namin. Nilipat na rin siya sa regular room ng hospital. May benda pa rin siya sa ulo. "Mommy, where's daddy?" Ani ng anak ko. Nakilala niya na rin ang kanyang ama. At naging malapit agad ito sa isa't isa. "Bumili lang ng pagkaen natin, 'nak. Mabilis lang 'yun," ani ko habang hawak ang munting kamay ng aking anak. "Mommy, sabihin mo kay daddy sa 'tin na siya tumira." Nabigla ako sa sinabi ng aking anak. Parang may kumurot sa puso ko sa isiping hindi mangyayari ang gusto niya. "Sige, sasabihin ko sa daddy mo. Pero busy kasi sa trabaho 'yun, baby." "Kahit na Mommy. Hindi niya ba tayo mahal kaya ngayon lang siya nagpakita?" Hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang tanong ng anak ko. Kasalanan ko ito dahil pinagkaitan ko siyang makilala ang kanyang ama. Dati nabu-bully siya ng kanyang mga kalaro dahil tinutukso itong walang ama. Pero isang beses niya lang tinanong kung nasaan ba ang kanyang ama. Napalapit kasi ang loob niya kay Tyler. At parang naging father figure niya ito. "Daddy!" Sigaw ni Zayn nang makita niyang papasok ang kanyang ama mula sa pintuan ng kwarto. "Hey, son. Huwag ka masyadong malikot. Hindi ka pa magaling," ani Zac. Inilapag niya na ang binili niyang pagkaen at prutas sa mesa. Masyado kasing maligalig ang anak namin. Hindi ito mapakali sa kanyang pagkakahiga sa kama habang may suwero pang nakakabit sa kanya. "Daddy, kelan po ba tayo uuwi? Ayoko na po dito, eh. Sabi mo sasakay tayo ng eroplano kapag magaling na 'ko." Halatang inip na inip na ang aming anak. "Oo, basta 'pag magaling kana. Sasakay tayo ng eroplano ko. Okay?" "Yehey!" Tuwang-tuwang sabi ni Zayn. Parehas na parehas sila ng kanyang ama. Mahilig din sa eroplano. "Daddy, kasama ba natin si Mommy? Gusto ko kasama si Mommy." Nagkatinginan kami ni Zac. Hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nakakapag-usap ng maayos. "Ah, 'nak..." Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil nagsalita muli si Zac. "Yeah, kasama ang Mommy mo kung gusto niyang sumama sa 'tin." He smirked. "Mommy...Mommy...Sasama ka sa 'min ni daddy, ha!" Makulit na sabi ng anak ko. Ngumiti na lang ako dito. Nakatulog na ang anak namin. Nasa gilid ng kama si Zac habang hawak ang munting kamay ng anak namin. "So, all along you planned this. How can you be so cruel, Bella? You hide our son from me!" aniya. Tumaas ang kanyang boses. Galit parin siya sa ginawa ko. Pero wala akong choice. Wala kaming puwang ni Zayn sa buhay niya. May anak na siya sa iba. Ano na lang ang iisipin at mararamdaman ng anak ko? "Kung hindi pa siya nag-agaw buhay hindi ko malalaman na may anak tayo. You're so cruel Bella!" His eyes were turning red. Parang pinipigilan niya lang ang pagbagsak ng kanyang luha. "I'm sorry." Iyon lang ang nasabi ko. Tears flowing down my face. "From now on, I'll take care of him. He's gonna live with me," aniya habang nakatingin sa anak namin. "He needs me. I'm his father, Bella! For f*ck sake!" Madilim ang kanyang mukha. "No! Hindi pwede! Ako ang nagpalaki sa kanya! Wala kang karapatan na kunin siya sa 'kin, Zac!" Ani ko sa galit na tinig. Galit ako sa kanya. Ganun-ganon na lang 'yun? Hindi niya pwedeng kunin ang anak ko sa 'kin. Kung ayaw niyang umabot kami sa korte. "I'm not saying na kukunin ko siya sa 'yo. You're his mother. Alam kong mami-miss ka niya. You can live with us if you want to," seryosong sabi nito. Ano raw? No way! Nababaliw na ba siya? May anak na sila ni Haley. Ang mangyayari ay magiging sampid kami ni Zayn sa pamamahay niya? Hindi pa ko nahihibang. "Nababaliw ka na ba?" Nag taas ako ng kilay sa kanya. "Hindi ako titira sa isang bahay kasama ka!" Ani ko "Fine! So I have no choice then. I'll get him and he would live with me without you! And that's final!" Aniya. He gritted his teeth. "You can't do this to me, Zac!" Napaluha na lang ako sa isiping hindi ko na makakasama ang anak ko kapag nakalabas na ang anak ko sa ospital. Mayaman si Zac at kaya niyang gawin ang kung anu man ang gusto niya. Kahit pa ang ilayo sa 'kin ang anak namin. Nakarinig ako ng katok sa pinto bago ito bumukas. Pumasok dun ang napakagwapong si Tyler. Napatayo agad ako sa aking kinauupuan. Magkaharap kami ni Zac sa magkabilang side ng kama. Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Zac. "Bella, how's Zayn?" Nag-aalalang tanong nito. Lumapit ito sa akin at yumakap. Gumanti din naman ako ng yakap sa kanya. "Okay naman na siya, natutulog lang ngayon. Kaylangan niya pa kasing magpahinga. Magtatagal pa kami ng ilang araw dito sa ospital," ani ko. Narinig kong tumikhim si Zac. At nang magtama ang mga mata namin ay nakita ko ang madilim niyang mukha. "So, he's..." Wika ni Tyler nang mapalingon siya kay Zac. "Yep. I'm Zayn's biological father," ani ni Zac sa malamig na tinig. "Oh, halata nga. You look so much like him. By the way, I'm Tyler," ani Tyler at agad naglahad ng kamay kay Zac. Samantalang tinitigan lang ito ni Zac. Then he smirked. Agad namang nagbawi ng kamay si Tyler. "Anyway, I brought foods," aniya at humarap na sa 'kin. "Thanks Tyler," nginitian ko ito ng inabot niya sa 'kin ang dala niyang pagkaen mula sa isang kilalang restaurant. Napatingin siya sa kanyang mamahaling relo na suot. "Oh, I almost forgot. Hindi na ako magtatagal dito Bella. I have to go. Just tell Zayn, to get well soon." I smiled and nodded. "Mag-iingat ka," ani ko. Ngumiti lang ito at tumango sa 'kin. At naglakad na palabas ng kwarto. Nang mapagawi naman ako ng tingin kay Zac ay agad itong nag-iwas ng tingin sa 'kin. Nag-igting ang kanyang panga habang kuyom ang isang palad. He's so unfriendly towards Tyler. Tyler is such a nice guy. And he's just concern about Zayn's condition. Kung nagseselos man siya rito ay wala naman siyang karapatan. At saka isa pa, magkaibigan lang kami ni Tyler. But there's no reason to tell him that and explain my connection with Tyler.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD