Chapter 15

1736 Words
Bella Ilang araw na ring magulo ang aking isipan simula nung di-inaasahang pagkikita namin sa bar ni Zac. He's still the same. Mas lalo siyang gumwapo. Pero napansin ko rin ang kanyang pagbabago. Nakipaghalikan siya sa isang maganda at sexy na babae sa bar. May nangyari kaya sa kanila pagkatapos ng gabing 'yun? Hindi ako pinapatulog sa pag-iisip kung may nangyari nga sa kanila ng babae niyang kasama. Naging playboy na ba talaga siya simula nu'ng iniwan ko siya? Eh, 'di ba may anak na sila ni Haley at saka 'di ba may plano silang magpakasal dati? Baka hindi natuloy? Utang na loob, Bella, apat na taon na ang nakalilipas! Saway ko sa sarili ko habang tumutulo ang aking luha. Mahal ko pa rin pala siya kahit anong tanggi ko sa aking sarili at pilit nililimot ang mga masasayang ala-ala na nangyari sa 'min bago ko siya iwan. "Mommy, why are you crying po?" Ani ng aking anak na si Zayn Bradley. Napansin niya pa lang nakatulala ako sa sofa dito sa tinutuluyan naming apartment sa Cebu. Tatlong taong gulang na siya mahigit ngayon. Napakagwapo at napaka cute talaga ng anak ko. Halos walang nakuha sa 'kin. Lahat ng facial features niya namana niya sa kanyang ama. Pati na rin ang kanyang ugali. Ang katigasan ng ulo nito at pagiging mainitin ng ulo ay manang-mana sa kanyang magaling na ama. "Wala baby, ibibili na kita mamaya ng bike. 'Di ba gustong gusto mo 'yun?" Ani ko kay Zayn. Ilang beses niya na sinabi sa 'kin na gusto niyang magkaroon ng bike. Naiinggit kasi siya sa mga kalaro niya. "Talaga Mommy?" Manghang tanong niya. "Yehey!" Tuwang-tuwa ito at nagtatatalon pa. "Oo, 'nak. Basta huwag kang magbibisikleta sa kalsada ha," ani ko. "Opo, Mommy. Promise po." "Ang cute-cute talaga ng baby ko. Halika nga dito. Pupunanasan kita. Pawis na pawis ka nanaman kakalaro mo sa labas," ani ko. Lumapit naman agad ito sa 'kin. "Magpapakabait ka dito lagi ha. Hwag magpapasaway. Okay?" Naiiwan kasi siya lagi dito mag-isa. Pinapahabilin ko lang siya madalas sa kapitbahay namin. Abala kasi ako sa pagtatrabaho sa isang maliit na factory dito sa Cebu. Kung minsan ay walang gawa kaya sa gabi naman ay rumaraket ako bilang singer sa bar. Halos nawawalan na nga ako ng time sa anak ko. Gusto ko kasing makaipon para makapag-aral siya sa isang private school pag mag-aaral na siya. Binuhay ko ng mag isa si Zayn. Pero kinaya ko naman ng hindi humihingi ng tulong sa iba lalong lalo na sa kanyang ama. "Opo Mommy. Love you," ang sweet-sweet talaga ng baby ko. "Love you too, baby Zayn." At hinalikan ko siya sa kanyang pisngi. "Mommy, sama po ko mamaya ha? Saan po ba tayo bibili ng bike?" "Sa mall baby. Sa SM," ani ko. At nagluto na ako ng aming tanghalian. Pagkatapos ay papaliguan ko na rin siya para makapunta na kami sa mall. Nagpunta na ako sa bar na pag-aari ni Tyler. Si Tyler ay nakilala ko din sa bar sa Maynila. Mabait siya at naging malapit din ang aming loob sa isa't isa. Hanggang sa nag-confessed siya sa 'kin na gusto niya ako at tanggap niya raw ang buong pagkatao ko. Kahit pa may anak na 'ko. Malapit din ang loob niya kay Zayn. Parati niya itong binibigyan ng pasalubong kapag dumadalaw siya sa apartment na tinutuluyan ko. Gwapo naman si Tyler Miranda. May lahi siyang French and Spanish. Kilala rin ang pamilya nila dito sa buong Cebu dahil isang negosyante ang kanyang mga magulang. Galing siya sa isang prominenteng pamilya. Pero hindi ko alam kung bakit sa dinami-dami ng babae sa mundo, ay ako pa ang nagustuhan niya. Gayong sinabi ko naman sa kanya na hanggang kaibigan lang talaga ang turing ko sakanya. Naiintindihan naman niya iyon pero handa siyang maghintay sa 'kin. Napansin ko na nandito na naman si Zac. Umiinom mag-isa. Hindi ko alam pero parang nasasaktan ako nang makita ko ang reaksyon niya nu'ng gabing sinabi ko na may anak na ako. Bumagsak ang panga niya at parang nanghina ang kanyang buong katawan. I saw pain written on his handsome face. Kung alam niya lang na anak niya ang pinagbuntis ko. Pero hindi na mahalaga 'yun. Ayoko ng balikan ang nakaraan. Wala rin namang dahilan para malaman niya na nagkaroon kami ng anak. Ayoko ng magulong buhay. Masaya na ako dito sa Cebu dahil tahimik ang buhay naming mag-ina. Alam din ng magulang ko kung nasaan ako. Pero nilihim ko sa kanila na may anak na kami ni Zac. Ayokong maging komplikado ang lahat. Mas pinili kong manatili kami dito ng anak ko dahil gusto kong matupad ng anak ko ang magiging pangarap niya paglaki nito na hindi ko natupad sa aking sarili. Gusto kong mabigyan siya ng magandang kinabukasan. Tahimik lang si Zac sa isang tabi habang nakaupo sa bar stool. May ilang babae na nagpapansin sa kanya at lumalapit pero hindi niya pinapansin ang mga ito. Abala lang siya sa pag-inom ng alak at parang may malalim na iniisip. Gusto ko siyang puntahan at yakapin. Gusto kong itanong kung okay lang ba siya. Pero agad ko ring pinawi ang mga tumatakbo sa aking isipan. Hindi maganda na magkaroon pa kami ng koneksyon. May anak na siya sa ibang babae at malamang kasal na sila. Mas gugustuhin ko na lang na palakihin ang aming anak na mag-isa. Alam kong makasarili ako sa ginagawa ko. Pero eto ang mas makakabuti sa 'ming mag-ina. Nagising ako sa isang sigaw ng aming kapitbahay. Tanghali na pala. Wala naman akong pasok ngayon sa factory na pinagtatrabahuhan ko kaya okay lang. Humahangos na tumatakbo papasok ng bahay namin si Aling Lilia. Napabalikwas ako sa aking hinihigaan dahil sa kanyang mga sigaw. "Bella! Bella! Nasa'n ka? Ang anak mo! Naku! Diyos ko!" Aniya. Kababakasan ng pagkabalisa ang kanyang tinig. "Ano pong nangyari?" Kinakabahang tanong ko. Wala ang anak ko sa loob ng bahay namin. Malamang naglalaro ito sa labas kasama ng mga kalaro niyang kapitbahay din namin. "Iha, Si Zayn...Naaksidente!" Hinihingal niyang sabi. Para naman akong mauupos sa aking kinatatayuan sa sobrang pagkabigla. Nanginginig ang aking katawan. At ang aking puso ay parang sasabog na sa sobrang kaba at takot sa nangyari sa aking anak. "P-po? Ano hong nangyari sa anak ko?" Takot na takot na tanong ko kay Aling Lilia. "Nabangga siya ng kotse habang nagbibisikleta sa kalsada..." Hindi ko na narinig pa ang ibang sinabi ni Aling Lilia dahil nagtatakbo na ako ng mabilis palabas ng aking apartment. Tigmak na ng luha ang aking mukha dahil sa labis na pag-iyak. Nagdadasal ako sa aking isipan na sana okay lang ang anak ko. Na sana hindi malubha ang pagkakabangga sa kanya. Siya ang buhay ko. Hindi ko kakayanin kung mawawala siya sa 'kin. Dinala na siya ng ambulansya sa pinakamalapit na ospital. Nasa ICU na siya ngayon. Tumilapon kasi siya sa bike niya kaya nag-aagaw buhay ngayon ang aking anak. "Doc, ano na pong lagay ng anak ko?" Tanong ko sa doctor na naka-assign sa anak ko. "Hindi pa rin siya nagigising sa tinamo niyang head injury. Marami ring nawalang dugo sa kanya. Kailangan agad siyang masalinan ng dugo," ani ng doctor. "Sige po, Doc, kuhanan niyo na po ako ng dugo," ani ko habang walang patid pa rin ang aking pagluha. Lumaban ka lang anak. Nandito lang si Mommy. Gagawin ko ang lahat, wag ka lang mawala sa 'kin. Kinuhanan na nga ako ng dugo ng doktor pero ganu'n na lang ang gulat ko na hindi kami match ng dugo ng anak ko. O+ ang blood type ko samantalang AB- ang sa aking anak. "Pasensya ka na Miss, wala na rin kaming supply ng AB- dito sa hospital," aniya. "You can ask your family if their blood type match with your son, because we really struggle to find donors of that blood type." Bumagsak ang aking katawan sa kanyang sinabi. Wala akong pamilya dito. Paano na ngayon! Ano'ng gagawin ko! Nanginginig ang aking mga kamay habang kinukuha ang aking cellphone sa bag ko para tawagan si Tyler. Siya lang ang makakatulong sa 'kin ngayon. Pero lalo akong nanlumo dahil O+ din ang blood type niya. Nakiusap ako na baka meron siyang kapamilya na may blood type na match sa anak ko. Pero wala din. Ang sabi niya ay gagawa daw siya ng paraan kaya wag akong mawalan ng pag-asa. Wala na akong pakialam kahit tigmak na ng luha ang aking mukha. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa mga oras na ito. Ano ng mangyayari sa anak ko! Mahal na mahal ko si Zayn! Biglang sumagi sa isip ko ang ama ng anak ko. Si Zac. Malamang siya na lang ang natitira kong pag-asa na makakatulong sa akin ngayon. Dahil siya ang ama ng aking anak. Dugo't laman niya si Zayn. Pero paano? Saan ko siya hahagilapin? Kailangan ko siyang makausap. Bawat oras ay mahalaga ngayon. Nasa delikadong sitwasyon ang anak namin. Kailangan ko ng tulong niya. I need to set aside everything that happened in the past. Ang tanging hiling ko lang ay mailigtas si Zayn sa kanyang malubhang kalagayan. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sa anak ko. Naalala ko na nakasave pa rin sa phone ko ang lumang number ni Zac. Pero naisip ko na baka nagpalit na siya ng number dahil ilang taon na ang nakalilipas. Gayunpaman, ay sinubukan ko pa ring kontakin ang old phone number niya. Tumunog naman iyon. Pero walang sumasagot. Nag-send na rin ako ng text message. Pero sa pang-apat na tawag ko ay may sumagot na. "Hello, Who's this?" He said in his husky voice. Hindi pala siya nagpalit ng kanyang number. Patuloy pa rin ako sa pag-iyak. Nakailang beses siyang nagtanong bago ako nagsalita. "Zac...Si Bella 'to." Sumisinghot-singhot na sabi ko. "What's wrong? Are you okay? Why are you crying?" Sunud-sunod niyang tanong. So, concern pa rin pala siya sa 'kin. "Wala ng oras, pumunta kana dito sa hospital. Dito ko nalang ipapaliwanag ang lahat. Please Zac, kailangan ko ng tulong mo ngayon." ani ko habang humahagulhol. I need him to save my child! Our child! Binigay ko sakanya ang eksaktong address ng hospital. Mahina akong nagdarasal na sana nandito pa siya sa Cebu ngayon. Na sana dumating siya agad. I need him. Zayn really need his help. Siguro naman nandito pa rin siya kasi ilang beses na rin siyang umiinom sa bar tuwing gabi kung saan ako kumakanta.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD