???????????? ???? ???? ???, ???
WARNING: Contains violence and harassment.
Nakangiti ako nang malawak habang papunta sa condo na tinutuluyan ng boyfriend ko. 3rd Anniversary na namin ngayon at gusto kong mag celebrate nang kasama siya.
"Baby, tara na kasi..."
"Baby naman, kakatapos lang natin ah?" Rinig kong tinig at natatawang sabi ng babae. Natigil ang mga paa ko sa harap ng pintuan kung nasaan ang boyfriend ko.
Humigpit ang hawak ko sa dala kong regalo para sa boyfriend ko. Nagbabadya nang bumagsak ang luha ko, ngunit para pigilan, huminga ako nang malalim saka hindi nagdalawang-isip na kumatok sa pinto.
"s**t!" Narinig ko sa loob ang nagmamadali nilang kilos. Ngumiti ako nang mapait para magpanggap na walang narinig.
"Sino ba kasi—"
"Hi, Mahal... " Bati ko kay Jason. Natigilan siya nang makita ako pagkatapos niyang buksan niya ang pinto. Napatitig siya sa'kin kaya ngumiti ako.
Pero nawala ang ngiting 'yon nang makita ko ang napakaganda at makinis na babaeng nasa tabi niya.
"C-Claire... anong ginagawa mo dito?" Mula sa pagkabigla ay napalitan nang pagkakakunot-noo ang emosyon niya. Na para bang nakakairita akong makita. Na para bang kwestiyonable para sa kaniya ang pagdalaw sa kaniya. Na para bang kahit kailan wala akong karapatang pumunta dito.
Wala pa siyang sinasabi pero ramdam ko na ang pamumukha niya sa'kin na wala talaga akong halaga sa kaniya.
Gano'n kasakit.
"A-Ahm.. " Tumikhim ako para pigilan ang pagpiyok ng boses ko. "Anniversary natin—"
"Claire, siya si Amanda. My girlfriend, My beautiful girlfriend."
Binalingan niya ang babae sa tabi niya. Parang sinakal ang puso ko sa isiping pinagdidiinan niya pang maganda ang bagong girlfriend niya samantalang ako... eto lang.
Nangilid ang luha kong tumingin sa babae. Nakataas ang kilay nitong nakatingin sa'kin. Katulad ni Jason, parang hindi welcome sa kanila ang presensiya ko rito.
Kumirot ang puso ko. Parang may milyon-milyong nakatusok sa dibdib ko, sa buong katawan ko na gusto ko nalang maglupasay sa sahig, saka yumuko at doon ibuhos ang emosyon. Napapakagat labi akong nagbaba ng tingin upang 'di nila makita ang luha kong tuloy-tuloy nang bumagsak.
Alam kong may girlfriend siya. Ako lang 'tong si tanga na pilit 'di iniintindi 'yon, at iniisip na mahal niya parin ako— na hindi niya ako kaya lokohin.
Hindi ko na kaya... ang sakit sakit na. Paulit-ulit nalang niya ako tinataboy, siguro ito na ang oras para sumuko ako.
Dahil kahit anong laban ko, hinding-hindi ako mananalo.
Hindi na ako nakipag-away pa, dahil naro'n parin ang disgusto sa mga mukha nila. Sa halip ay umalis akong bagsak ang balikat.
"OH, IKAW bata na bata ka! Buti naisipan mo pang umuwi, ano? Siguro pumunta ka na naman do'n sa Jason na 'yon at maghapong nakipaglampungan! Grabe ka talagang bata ka!"
Pagkauwing-pagkauwi ko ay walang humpay sa pagdada na bibig ni tita Maricel ang bumungad sa'kin. Nagbaba lang ako nang tingin at 'di sila pinansin. Wala ako sa mood para makipag-sagutan sa kanila.
"Hoy!"
Bago pa ako makarating sa kwarto ko ay napadaing ako nang marahas na hilahin ni Tita ang buhok ko. Patuloy parin sa pagbagsak ang luha ko dahil sa nangyari kanina.
My girlfriend. My beautiful girlfriend.
Hindi ko naririnig at dinadamdam ang sakit ng mga salita at paghila ni tita sa buhok ko dahil masyadong okupado ni Jason ang utak ko. Wala e. Mahal ko siya. Sobra ko siyang minahal hanggang sa dumating nalang ang punto na nagbulag-bulagan ako dahil sa sobrang pagmamahal sa kaniya.
"Aaahhh!" Doon ay napahiyaw na ako ng malakas dahil sa sakit nang sampalin ako ni Tita. Pagkabagsak ko sa sahig ay ang sabay nito ang paglabas ng dugo sa bibig ko. Napasuka ako at nalasahan ang sariling dugo.
"Ano?!" Hinila ulit ni Tita ang buhok ko kahit hindi pa ako nakakabawi sa mula sa pagkakasampal niya.
Ah... pagod na talaga ako. Malapit nang bumagsak ang katawan ko sa pagod.
"Hindi ka talaga madadala, 'no? Ikaw na nga 'tong pinapakain— pinapag-aral— tapos kalandian pa ang aatupagin mo?! Ano bang hindi mo maintindihan, ha?!! Bakit hindi mo ipasok diyan sa kokote mo..." Mariin niyang dinuro ang noo ko. Napapapikit ako sa sakit nang maramdamang bumabaon ang kuko niya. "Na pag-aaral muna ang unahin mo para makatulong ka sa'min nang Tito mo! Masyado ka nang pabigat!"
Marahas niya akong binatawan at iniwan doon na parang isang basura. Hindi na ako nakagalaw at doon nalang humagulgol sa pag-iyak.
Ano pa bang aasahan ko? E, ganito sila palagi sa'kin. Kahit kailan hindi nila ako tinuring na tunay nilang anak. Kahit man lang bilang pamangkin o tao nalang, hindi nila maitrato ng maayos. Kahit kailan, hindi ko naramdamang may mga magulang ako o kahit kamag-anak man lang.
Ano bang may'ron sa araw na 'to at napakamalas ko?
Mula sa pagkaka-upo ay tumayo ako saka dumeresto sa kwarto bago pa ako pag-initan ulit ni Tita. Malapit na talagang bumagsak ang katawan ko sa sobrang pagod. Hingal na hingal at matamlay akong pumasok sa kwarto.
Ila-lock ko na sana ang pinto pero nahinto 'yon nang bigla ay may kamay na humarang doon para hindi 'yon tuluyang masara. Binalot ako ng kakaibang kilabot dahil alam ko kung sino ang nasa likod ng pintong 'yon.
Abot-abot ang kaba kong itinulak ang pinto para sumara parin 'yon. Alam kong kapag hinayaan ko itong makapasok, para narin akong nagpapasok ng mabangis na buwayang lalamon sa buo kong pagkatao.
Ngunit kulang ang lakas ko. Malakas ang pwersang ibinigay niya kaya natulak ako sa kama dulot ng panghihina. Doon ay nakita ko ang nakangisi at mala-demonyong mukha ni Tito. Tahimik niyang isinara ang pinto.
"T-Tito..." Kinakabahan ako nang sobra. Pati paghinga ko ay bumibigat. Parang may bumara sa lalamunan ko nang makita si Tito. Lumuluha akong nakatingin sa kaniya na iniisa-isa nang hubarin ang mga damit.
"Mas malala ang magiging parusa mo. Bakit ba isinasara mo parin ang pinto kahit alam mong ako ang papasok dito?"
Napalunok ako nang bigla ay dumilim ang mukha niya at tumalim ang paningin sa'kin. Sumiksik ako sa pinakadulo ng kama na akala mo ay makakatakas pa ako sa kaniya. Nang salubungin ko ang mga mata niya ay mas lalo akong nanginig sa takot. Nag-aalab ang mata niya sa galit at pagnanasa.
Halos mapahiyaw ako nang sumampa na siya sa kama kaya itinikom ko ang bibig bago pa makagawa nang ingay at bugbugin pa lalo ni Tito.
Hindi alam ni Tita o ng bf kong nire-r**e ako ni Tito sa t'wing may pagkakataong mag-isa lang ako sa kwarto.
Bumuhos ang luha ko nang punitin niya ang damit ko. Pinigilan niya rin ang paggalaw ng braso ko sa pamamagitan ng paghawak niya ng mahigpit sa dalawa kong pulso.
"P-Please tito..." Mahina ang boses ko at halos nauubusan na ng lakas pero pinipilit paring magmakaawa.
"W-Wag po... maawa ka po sa'kin tito..."
Hindi niya ako pinakinggan. Itinuloy lang ang gusto niyang gawin sa katawan ko.
ISANG MALAKAS na sampal ang natanggap ko sa kaniya matapos niya akong pagsamantalahan. Nanlalabo ang mga mata ko dahil kanina pa ako walang tigil kakaiyak simula kay Jason—Tita at Tito.
Pagod na ako. Gusto ko nang magpahinga.
"Sa susunod na umalis ka ulit ng bahay nang hindi ko alam, tandaan mo... maghapon kitang papagurin." Ngumisi si Tito na nakapagbigay nang sandaling kilabot sa'kin. Saka siya lumabas nang kwarto at iniwan ako pagkatapos akong babuyin.
Ayoko na. Pinagdikit ko ang tuhod saka doon tahimik na umiyak.
Ang malas ko. Bakit ba nabuhay pa ako kung ganito lang rin naman ang mararanasan ko?
Nakatulala ako. Wala nang nagbabadyang luha ngunit seryoso na ang aking mukha. Parang may sariling utak ang katawan ko para tumayo saka kinuha ang lubid at isinabit sa kahoy ng kisame.
Tinimbang ko pa kung kaya ba ako nang lubid at kahoy. Nang matantiya ay saka ko isinakbit ang lubid sa ulo ko.
Bago ko maitumba ang upuan, tumulo ang isang butil ng luha mula sa mga mata kong napakalungkot. Ngumiti ako sa kawalan.
Makakapagpahinga narin ako, sa wakas. Sana maging masaya kayong lahat dahil wala nang magiging pabigat sainyo.
Sinipa ko na ang upuang nagbubuhat ng bigat ko. Nang umangat ako sa ere ay nakamulat pa ang mga mata ko na parang walang kahit anong sakit na nararamdaman at hinintay nalang na malagutan ng hininga. Dumidilim na ang buong paligid at ramdam ko nang dumidiin ang pagkakasakal ng lubid sa'kin. Unti-unti, pumikit na ang aking mga mata.
✍️: Janess Manunulat|@janesscious
• Work Of Fiction