UUWI KA OH, BUBUNTISIN KITA?

1493 Words
"YU HOOOOO!" "OH, YEAH! YEAH!" "WOOOOOHHHHH!" "ANG SAYAAAAA!" Sinasabayan nang pag-indayog ng katawan ko ang tugtog na nagmumula sa paligid. Pumipikit-pikit pa ang mga mata habang nagsasayaw at itinataas nang bahagya ang mga kamay. "Kath! Halika na!" "KATHERINE!" Wala akong ibang marinig kundi ang musikang parang may kapangyarihan na kusang sumayaw ang katawan ko. "KATH!" Natigilan naman ako sa pagsasayaw nang hilahin ni Amara ang braso ko. "T-Teka! Mara— ba't ka ba nagmamadali?" Tanong ko sa kaniya na para bang hindi siya mapakali. "Umuwi na tayo." Seryoso niyang sambit. "Ano?" Tanong ko ulit dahil hindi ko narinig ang sinasabi niya. Nandito kasi kami sa bar na lagi naming tinatambayan kaya malabong magkausap kami nang maayos dahil sa lakas ng music. "UWI NA TAYO!" Bigla ay sigaw niya. Nagsalubong ang kilay ko. Mag-aaya aya siya kanina ta's uuwi rin pala kami agad? Siya pa nga 'tong excited dahil sa wakas pumayag akong sumama sa kaniya tapos ngayon naman para siyang takot na takot dahil pinapauwi na siya ng Mama niya. "Uwi agad? Wala pa nga tayong isang oras dito, eh." Reklamo ko. Nag-eenjoy pa nga ako sumayaw sa dancefloor tapos sisirain niya moment ko. Psh. Nangunot noo naman ako nang makitang pinagpapawisan siya. "Anyare sa'yo? May sakit ka ba?" Nagtatakang tanong ko at sinuri ang noo niya. Wala naman siyang lagnat pero para siyang binuhusan nang malamig na tubig dahil sa hitsura niya. Kabado siyang tumingin sa'kin. Wala sabi-sabing hinila niya ako sa sofa at umupo. Nilabas niya ang cellphone niya at may pinakita sa'king message. Kunot-noo ko 'yong tiningnan. Harry: What the hell is wrong with you and you bring her there in that f*cking bar?! If someone would dare to touch her and bring her anywhere, I swear that I will find and kill you. I don't even care if you are friends with her. Nagtaasan ang kilay ko sa nabasa. Lalo namang tumaas ang kilay ko na halos umabot na sa bubong ng bar nang makilala kung sino ang nagtext. Walang ganang binalik ko kay Amara ang cellphone niya. Kinakabahan naman siyang tumingin sa'kin. "Kath.. d-dapat hindi na pala kita d-dinala dito. A-Ayaw ko pang mamatay kaya please...umuwi na tayo." Nagmamakaawa niyang sabi habang hinihimas-himas pa ang palad ko. Tumawa naman ako ng mapait. "Don't worry, hinding-hindi ko hahayaang mangyari 'yon." Sagot ko na nakatulala at nawawalan na nang gana. Wala nang silbi ang tugtog ng musika dahil sa inis na nararamdaman ko. "Pero Kath... kilala mo si Harry. H-He can kill anyone he wants to kill. He can find anyone he wants to find..." Hindi parin makapali si Amara habang nagsasalita. Bumuntong-hininga nalang ako. Tama nga siya. He can do whatever he wants. Isa pa, Harry is not an ordinary guy. Masyado siyang nakakatakot kaya hindi na ako nagtataka na ganito nalang matakot si Amara sa kaniya. "I know, Amara. Hayaan mo na ako dahil kaya ko namang umuwi mag-isa. Hindi na ako bata para bantayan." Alam niyang seryoso na ako dahil binaggit ko na ang pangalan niya. Napatitig nalang siya sa'kin saka napahinga ng malalim. Bumuntong-hininga ako saka hinarap siya. "Relax, Mara. You're not going to die, okay? So please, get home and take a rest. Don't worry about me, kaya ko na ang sarili ko." Pagpapahinahon ko sa kaniya. Napangiti nalang ako nang ngitian niya ako nang malawak. "Okay, okay. I'll go na. Take care." Tumayo siya saka lumapit sa'kin para halikan ako sa pisnge. Tiningnan ko lang siyang palayo nang naglakad na siya palabas. I know that Harry can't do it. Matalik na kaibigan ko si Amara at hindi niya siya papatayin. And speaking of the devil, siya ang dahilan kaya nandito ako sa bar ngayon. I saw him yesterday with that f*cking girl na grabe makalingkis sa kaniya. Flashback Nanlumo ako nang makitang hinalikan niya ito sa pisnge kaya gano'n nalang ang saya nang makiring babae. Gigil akong iniwas ang tingin sa kanila at pinigilan ang sarili na puntahan sila. Well, sino ba naman ako sa kanila? Sa kaniya? Wala naman kaming relasyon ni Harry at hindi namin alam ang status nang relasyon namin ngayon. Pero isa lang ang alam ko. I'm falling inlove with him. Tinungga agad ang isang bote ng beer nang maalala ang nangyari kahapon. Tumayo ako at pilit na sumayaw ulit sa dancefloor. Pinikit ko ang mga mata ko at itinaas ang dalawang kamay habang pinapakiramdaman ang musika. Kusa lang sumasabay ang katawan ko sa ritmo. Pero natigilan ako at napasinghap nalang bigla nang may maramdaman akong dalawang braso na ikinulong ang bewang ko. Habang nagsasayaw ay ramdam na ramdam ko ang kabuoan nito mula sa likuran. "You look so gorgeous..." He sent shiver down to my spine when I felt his breath in my ears, exploring down to my neck. Ngayon ko lang naramdaman ang ganito. At bakit siya lang ang may kakayahan na magawa sa'kin 'yon. Bago pa ako mawala sa wisyo dahil sa kung ano sensayong ibinibigay niya ay mabilis akong umikot para makita ang mukha nito. Napanganga nalang ako nang makita ang gwapong mukha ni Harry. Sobrang bilis nang kabog ng dibdib ko habang nakikipagtitigan sa kaniya. Hindi ko maiwasang mapakagat labi nang bumaba ang tingin ko sa mapupulang labi. And I know, that he's staring at me too while I'm just staring at his red lips. Pero muling bumalik ang inis ko nang maalala ang ginawa niya kahapon. Nakataas na ang kilay kong tiningnan siya sa mata. Kita sa mga mata niya ang pagtataka. "What are you doing here?" Inis kong tanong sa kaniya. Ano nga ba ang ginagawa niya dito? Sana doon nalang siya sa makiring babaeng 'yon. "Sinusundo ka." Tugon nito na lalong nagpa-inis sa'kin. "Hindi na ako bata para sunduin." Mariin kong angil. Sinantabi muna ang nakakaakit niyang postura dahil gusto kong ibuhos lahat ng inis ko sa kaniya. "Sa ayaw at sa gusto mo, iuuwi kita." Kita narin sa kaniya ang inis lalo na't maikli lang ang pasensya niya. Hinila naman niya ang kamay ko at naglakad paalis sa dancefloor pero mahigpit ko namang tinanggal 'yon sa kaniya kaya napahinto kami sa medyo madilim na sulok. Salubong naman ang kilay niyang huamrap sa'kin. "Pa'no kung ayaw ko?" Nang-iinsultong tanong ko saka pinagkrus ang braso sa dibdib. Bakit naman ako sasama sa kaniya? Tsk. "Don't try me, Katherine." Seryosong ani nito na nakapagpatawa sa'kin ng malakas. Yung tawang nakakainsulto at nakakainis. "So? Sa tingin mo porket kaya mong pumatay— o magpapatay ng tao, matatakot na ako sa'yo? Then, mali ka ng iniisip." Nanggigigil kong sabi. "Ayaw mo?" Mahina pero may diin nitong tanong. "Ayaw." "Talaga?" Paulit-ulit? Unli?! "Ayaw nga!" "Ah, ayaw mo umuwi. Edi dadalhin kita sa bahay ko." Aniya saka akmang hihilahin na naman ang kamay ko nang iiwas ko ito. "Ayaw nga sabi; eh!" Parang batang untag ko. "Uuwi ka o bubuntisin kita?" Natigilan ako sa sinabi niya saka nanlaki ang mga mata. Napangisi naman siya nang makita ang reaksyon ko. "I already told you, don't try me. Isa pang angal mo, at dito kita mismo bubuntisin."Nakangisi parin ang loko. Namula at natakot naman ako dahil baka totohanin niya ang gagawin niya. Pero hindi ako pwedeng magpatalo. "Kahit anong gawin mo, hindi ako uuwi at mas lalong hindi ako uuwi sa'yo!" Sigaw ko na ikinaseryoso ng mukha niya. Takte, parang gusto ko nalang kainin lahat ng mga sinabi ko. Kabado ako pero hindi ko pinahalata. Nakipaglaban lang ako nang pakikipagtitigan sa kaniya. Ngumisi siya nang nakakaloko at hinila ang bewang ko at isinandal sa pader. Napamulagat nalang ako nang bigla ako nitong siilin ng mainit na halik sa labi! Agad ko siyang itinulak nang namula ako sa hiya. Sh*t! May nakatingin na sa'min! Ayaw parin paawat ni Harry at pinagpatuloy lang ang ginagawa. Wala atang pakealam ang lokong 'to kung marami nang nanonood sa'min. "H-Harry, please..." Mahinahon kong sabi sa gitna nang paghalik niya sa'kin. Unti-unti narin akong napapapikit. Gusto na rin siyang halikan pabalik. Nakahinga na ako nang maluwang nang tumigil na siya at tinitigan ako sa mata. "Hindi ako titigil hangga't hindi mo sinasabing uuwi na tayo." Nambabanta niya pang sabi. Nanatili naman ang titig niya sa'kin, hinihintay ang isasagot ko. Bumuntong-hininga ako. Nakakahiya, baka dito niya pa ako lapain. "O-Oo na. Uwi na t-tayo." Wala sa sariling sagot ko. Napangisi naman siya. "Uuwi ka rin pala." Parang batang excited na sabi nito. Napasinghap nalang ako nang bigla ay buhatin niya ako! "H-Hoy! I-Ibaba mo nga ako! Siraulo ka ba?!" Singhal ko sa kaniya ngunit ningisihan niya lang ako. Binuhat niya ako na parang bagong kasal. Bagong kasal?! Hindi niya ako sinagot at tuluyan nang lumabas sa bar. Nang makalabas ay dahan-dahan niya rin akong ibinaba at binulungan. "Get ready, honey. After we get home, I'll do my very best para hindi ka na makaalis pa sa'kin. At sa magiging kama natin." He whispered seductively. Hala! B-Baka itatali niya ako sa kana para hindi makaalis tapos— waaaaaaaaaaa! I hate my mind! ✍️: @janesscious | Janess Manunulat
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD