KUNG AYAW SAYO NI CRUSH, DAANIN MO SA DAHAS

1764 Words
KUNG AYAW SA'YO NI CRUSH, DAANIN MO SA DAHAS Me: Hi crush! Goodmorning!♡ Nagtatatalon pa ako sa tuwa nang makitang typing siya! Owemji!! TYPING SIYAAA!! Aaaa... Crush♡: Morning. Reply niya. Me: May pupuntahan ka ba mamaya? Gusto mo gala tayo? *After a *1* *2* *3* *4* *5* *6* *7* *8* *9* *10* MINUTES LATER!!!!! Arghhhh!! *11* *12* *13* *14* *15 Crush♡: Do you mean a date? No. It's a big NO, Clea. WHAT THE FUDGE?!! Wala pa nga, eh— basted na agad?! Naiinis na binato ko sa kama ang cellphone ko. Nakakabadtrip talaga ang crush ko na 'yon! Masyadong suplado! Sayang, gwapo pa naman, hmp! Magsisisipa pa sana ako sa paanan ng kama dahil parin sa inis nang marinig kong tumunog ang cellphone ko. *1 Message received from Crush?* Agad na napalitan ng malaking ngiti ang labi ko. Mahina akong napahagikhik. Abot langit parin ang ngiti ko nang buksan ang message niya. Pero nang mabuksan at mabasa ko na 'yon, pakiramdam ko nahulog ang puso ko. Crush♡: Clea, when will you stop? Hindi maganda sa babae ang naghahabol sa lalaki. Isa pa, hindi ko magugustuhan ang babaeng desperada— Hindi ko na tinuloy ang pagbabasa. Sumubsob nalang ako sa unan at doon umiyak. Nakakainis naman, eh! Bakit ba nagkagusto pa ako sa lalaking 'yon?! Ginawa ko naman ang lahat, ha! Ano pa bang kulang? Anong kulang?! Pangit ba ako?! Kapalit-palit ba ako— 'Teka! Paanong kapalit-palit, eh— hindi nga naging kayo!' Saad nang munting tinig sa isip ko kaya mas lalo akong naluha. Humanda ka sa'kin, Crush! Lintek lang ang walang ganti! Dali-dali akong bumangon saka inayos ang sarili. Pupuntahan ko ang bahay ng crush kong 'yon! Lagot siya sa'kin! _ ABOT-ABOT ang kaba na nararamdaman ko nang makipagtitigan sa pinto ng bahay ng crush ko. 'Clea, ito ang gusto mo, 'di ba? Edi panindigan mo!' Lakas-loob kong sabi sa sarili saka malalim na humugot ng hininga. Saka ko pinindot ng tatlong beses ang doorbell. Pagkabukas ng pinto ay saktong— WAAAAAAAAAHHHHH! SI CRUSSSSSHHHHH!! Halos hindi makalma ang puso ko sa pagtambol nang masulyapan ang gwapo niyang mukha! Dumagdag pa sa kagwapuhan nito ang suot niyang eyeglasses kaya naman nagmumukha siyang matalino. Ramdam ko rin ang mga paro-parong nagliliparan sa tiyan ko. Nagkarambol-rambol na ang sistema ko dahil sa maliit na distansiya naming dalawa! Bakas rin ang pagkagulat sa mukha niya nang makita ako. Ang gwapo... Siguro ay tumutulo na ang laway ko ngayon kakatitig sa kaniya. Naka-porma rin kasi ito at mukhang aalis. Hehe, buti nalang at naabutan kita. "Clea!" Napaitlag ako sa gulat nang sumigaw si Crush. Kanina pa pala nito iwinawagayway ang kamay niya sa harap ko ngunit ako lang 'tong masyado nang inabuso ang pagtitig sa kaniya. "Tsk. Why the heck are you here?" Kunot-noo nitong tanong sa'kin. Ngumuso ako. "Alam kong gwapo ako pero please lang, stop staring at me." Sarkastiko nitong sabi habang nakatingin sa'kin. Napalunok ako ng wala sa oras! Kung bakit naman kasi makalaglag panty ang kagwapuhan nito, eh! Tumikhim ako. "A-Ahm..." Sh*t! Ano nga ba 'yong plano ko? Nakalimutan ko na! Ikaw ba naman ang hindi makalimot kung si Crush ay kaharap mo lang! "What now, beautiful?" Nanlaki ang mga mata kong nag-angat nang tingin sa kaniya! O my M to G! Did he just called me beautiful?! Hala?! Beyowtipul?! Aaaa! Kung nananaginip lang ako ayaw ko nang magising pa! Gusto kong magtatatalon sa tuwa at sumigaw na akala mo'y teenager na nakakita ng sobrang gwapong nilalang! Ramdam ko ang pag-init ng mukha ko, namumula dahil sa kilig. Kinagat ko ang labi ko saka sandaling pumikit para pakalmahin ang sarili. 'Okay, self, si crush lang 'yan, ha? Easy ka lang at baka mapahiya ka pa sa harap niya.' Wala sa sarili akong tumango-tango, kausap ang sarili. Tama! Tama! "Kasi—" "Kung tungkol na naman 'to sa nararamdaman mo, kindly leave me, please." Putol niya sa sasabihin ko. Natigilan ako. "Wala akong pakialam diyan." Walang emosyon niyang sabi. Para naman akong nabato sa sinabi nito. Ano pa nga ba ang aasahan ko? Eh, ako lang naman ang may nararamdaman sa'ming dalawa! Kinagat kong muli ang labi ko dahil nagbabadya na naman akong maluha. 'Ang hina mo naman, self!' Naiinis kong saway sa sarili. Napa-angat ako bigla ng tingin sa kaniya nang marinig siyang malakas na suminghap ng hangin. "Damn it." Rinig ko pang bulong nitong mura kaya nagtaka ako. Bigla ay parang may ilaw na lumiwanag sa ulo ko! Aha! Napangiti ako ng palihim dahil sa naisip. 'Kung ayaw sa'yo ni crush, daanin mo sa dahas!' Napahagikhik pa ako kaya napalingon si crush. Nagtataka niya akong tiningnan habang ako naman ay umayos at seryosong nakipagtitigan sa kaniya. Gusto ko nang matawa sa sarili ko. Hahahaha! Pagkatapos talaga nito ay hindi ko na 'to uulitin. Nagtataka man siya sa reaksyon ko ay agad ko siyang tinulak papasok nang condominium niya. Nabigla siya. "Clea..." Bakas parin ang pagkagulat sa mukha niya ngunit 'di ako nagpatinag. Sinara ko ang pinto saka doon naman siya itinulak. Hindi na maipinta ang itsura niya nang lapitan ko siya. Agad kong dinakma ang dalawa niyang hita at isinabit 'yon sa magkabilang bewang ko! Umabante pa ako hanggang sa maisandal siya sa hamba ng pintuan para makakuha ng suporta sa pagbuhat sa kaniya. Ang bigat niya! Pero hindi ko pinahalata sa kaniya na nabibigatan ako. Sa halip ay pinakita kong seryoso ako sa ginagawa ko. "W-What are you doi—" "Makipag-date ka na sa'kin, Crush. Kung ayaw mo, hahalikan kita." Pagbabanta ko pa. Nanlaki ang mga mata niya. Lord! Patawarin niyo po ako sa ginagawa ko, huhu. "No—" Bago niya pa ituloy ang sasabihin niya ay nilapat ko na ang labi ko sa labi niya. Ramdam ko ang paninigas ng katawan niya. Ohhhhmyyyyggggggggg!!!!! Yong labi ni C-Crush...WAAAAAAAAHHHHH!!!! Para kaming statwa lang na magkadikit ang labi. Walang kahit sino sa amin ang gumalaw. Nakapikit rin ako ng mariin, dinadama ang labi niya. Pero halos magkanda-buhol buhol ang sistema ko nang magsimulang gumalaw ang labi niya. Nangatog ang mga tuhod ko. Gumaan rin ang pagkakahawak ko sa binti niya. Sobrang lakas ng t***k ng puso ko. Hahalikan ko na rin sana siya pabalik pero tumunog ang phone ko. Napatigil kami sa ginagawa. Nang maghiwalay na ang labi namin ay napababa ako ng tingin at namula ang mukha! Napagtanto ko na ang kahihiyan na nagawa ko kaya agad ko siyang nabitiwan at nilayuan! What the F, Clea! Hinalikan mo yung taong gusto mo na hindi ka naman kayang gustuhin pabalik! Masyado ka nang nagmukhang desperada! Lihim kong kinutusan sa ulo ang sarili at napapapikit sa inis. Argh! Tumunog muli ang phone ko kaya bahagya pa akong tumalikod kay Crush at dali-daling sinagot ang tawag. : ["Hello, Clea!"] Umirap ako nang makilala ang may-ari ng boses na 'yon. "Problema mo, Mark?" Naiinis kong tugon sa kaniya. Panira ng moment! Natawa ang boses sa kabilang linya. : ["Easy, baby. Tinawagan lang naman kita kasi baka nakalimutan mo na yung deal natin,"] Napatingin pa ako kay Crush no'ng tawagin akong baby ng haeop na 'to. Kitang-kita ko ang pagdilim ng mukha niya ngunit pinagsawalang-bahala ko na 'yon. Tss. As if namang magseselos siya 'di ba?! Asa, Clea. ASA! Napabuntong-hininga ako saka inalala ang deal naming dalawa. "Pwede bang tumanggi—" : ["Nope, baby Clea. Bawal kang tumanggi. Deal is a deal. Nakipag-deal ka na sa'kin, remember?"] Pigil niya sa'kin. Kainis! Bakit ba ako pumayag sa lintek na deal na 'yon?! Ang deal namin ni Mark ay makikipag-date ako sa kaniya kapag hindi ko napapayag si Crush na makipag-date sa'kin. At dahil maganda ako, inisip ko nang hindi siya tatanggi kaya pumayag ako sa deal namin dahil sa lakas ng kumpiyansa kong ako ang mananalo. Pero— tsk. Ayoko nang isipin. Bumuntong-hininga akong muli dahil sa kawalang magagawa. "Fine. Anong oras ba ang date natin—" Napahinto ako nang kuhanin ni Crush ang phone ko saka pinutol ang tawag at shinut-down. Nagtataka ko siyang nilingon. "T-Teka, kausap ko pa si Ma—" "I don't care." Matigas niyang sabi kaya napatitig ako sa kaniya. Owemji... bakit mukha siyang galit? Hindi ko pa siya nakitang ganito noon kaya natuyuan ako ng lalamunan. "Sino siya?" Seryosong tanong niya habang pinupukol ako ng masamang tingin. Hala... ano bang ginawa ko? "S-Si Mark—" "I didn't ask what is the fvcker's name. Ang tinatanong ko, ano siya sa buhay mo?" "M-Manliligaw ko... " Nanginginig kong sagot kaya naman tinitigan niya ako ng maiigi. Na-estatwa nalang ako sa kinatatayuan nang magsimula siyang maglakad nang dahan-dahan at malalim ang titig na ibinibigay sa'kin. Na para bang sinusuri sa reaksyon ko kung nagsasabi ba ako ng totoo. Napaatras ako nang wala sa oras habang siya ay kalmadong naglalakad palapit sa'kin. Paatras ako ng paatras habang siya naman ay paabante. Hanggang sa mesa nalang ang nasa likuran ko, senyales na wala na akong mauurungan. Waaaaa! Napalunok ako ng maraming beses nang ilagay niya ang dalawa niyang kamay sa magkabila kong gilid, ikinukulong ang katawan ko. Iniiwas ko ang tingin sa kaniya dahil sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. "Manliligaw lang?" Mapanganib ang boses niyang sambit. Napapapikit ako. "Then, why the hell he called you baby?! And, what's that? A date?!" Tumawa siya ng peke. "You're inviting me to have a date with you— but f*ck! Here you are— inviting someone else!" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya! Huhu, galit talaga siya! Tingnan mo nga naman ang topak ng lalaking 'to. Kanina tinanggihan niya 'yong alok ko dahil ayaw niya sakin ta's ngayon magda-drama siya, tsk. Bigla ay napaisip ako sa reaksyon niya. Nagseselos ba si Crush? Kahit alam kong imposible 'yon ay biniro ko siya saka ningisihan. "Nagseselos ka no—" "I am." Napatutop ako sa bibig ko dahil sa sinagot niya! WAAAAAAAAAAAAAA! Sobra-sobrang gift na 'to ah! Kahit panaginip lang, okay lang. Hehe! "So, don't you dare to date someone else, because from now on, you're only mine." Hala! Ano bang nangyayari dito kay Crush? Namula ang mukha ko. "Paano ako magiging sa'yo eh... h-hindi naman tayo—" "You kissed me, remember?" Pagpapaalala niya dahilan para matahimik ako. Nag angat ako ng tingin sa kaniya. "Pero—" Hindi niya ako pinatuloy sa pagsasalita sa halip ay hinalikan uli ako sa labi! Napapapikit ako. Ninanamnam ang labi niya. Dahan-dahan niyang ginalaw ang labi dahilan para manginig ang buo kong sistema. HAAAAAAAAAAAAAAAAA! Inilayo niya ang labi sa'kin saka ako tinitigan ng mariin. "Manahimik ka kung ayaw mong dalhin kita sa kwarto ko at doon ka paingayin ng husto." ✍️: @janesscious|Janess Manunulat
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD