TULALA sa kawalan ang dalaga habang hawak ang pregnancy test at hindi nga nagkamali si Lyndon dahil two lines ang nakalagay sa PT ibig sabihin ay buntis talaga siya. “Hindi ka pa nga nakakabili ng mansyon natin dagdag palamunin pa ‘yang sa tiyan mo! ke-tanda tanda mo na hindi ka nag-iisip?” Napakurap si Kendra nang putakan siya ni Lara na animo’y ito ang nakakatanda at ang bumubuhay sa kanila. “Hindi naman ito magiging pabigat dahil—” “Anong hindi? sa tingin mo kapag malaki na ‘yang tiyan mo makakapagtrabaho ka pa? kahit sinong lalake hindi ka na kakastahin dahil sa malaki mong tiyan! ang bobo mo palibhasa poro kalibugan lang ang alam mong gawin!” Napapikit nang mariin si Kendra at sobra ang pagtitimpi niya. Hindi na lamang siya kumibo at pumasok na lang sa kusina at nagluto para

