BAKIT hindi mo ako pinakilala doon sa mga bisita mo kanina? Napalingon si Kendra sa malakas na boses at galit pa na si Lara. Nagtutupi siya ng mga nilabhan habang ito ay katatapos lang mag-cutics. Pulang-pula pa talaga tinalo pa siya sa haba ng kuko nito. Siya nga ni minsan ay hindi naranasan ang magcutics gayong lagpas bente na siya. Hindi niya na lang pinuna at sinagot ang tanong nito. “Hindi ko sila bisita mga amo ko sila. Saka hindi magandang makilala mo sila.” Sagot niya. Ngumisi si Lara at nakapaang lumapit sa kanya. “Bakit? natatakot ka bang mapunta sila sa akin? sabagay, laspag ka na kasi!” “Lara, ‘yong bunganga mo huh!” sinaway niya ang kapatid pero hindi ito nagpatalo. “Masakit ang katotohanan.” Sabat pa ni Lara. Tumayo siya at sinampal niya ito. Ngunit ang hindi niya a

