Nakaakyat na sa itaas sila Airy. Tahimik, maraming ulap, may isang malaking bahay, at mga sanga ng halaman ang nakikita nila ngayon. Sa likod ng makakapal na ulap na mga yon ay maraming tao, halos walang ulap na dumadampi sa syudad na yon, maraming tao na nagtatago kay Queen Fright, mga nagkakagulo. Maraming nagulat sa kanilang pagdating. "Anong kailangan n'yo dito?" tanong ni Jak. "Jak. Teenager. No magos. No skills. Magic seeds ang weapon niya." sabi ni Data habang ine-examine niya ang buong paligid niya. "Anong lugar 'to? Talaga bang nandito yung librong hinahanap natin?" tanong naman ni Airy habang nasa tabi naman niya si Drown. Kahit na naturuan na siya ng mga technique ay hindi niya pa rin kayang lumaban. "Sabi ng mga elf nandito daw. Edi hanapin natin." sabi naman ni Pipe at hin

