"Mahahanap kaya nila yon?" tanong ni Risk habang nakatingala sa sobrang taas ng puno. "Mahahanap nila yon. Tiwala lang." sabi naman ni Kill at hinawakan ang ulo ni Risk na parang bata. "Ah. Hindi ako bata! H'wag mong hawakan ang ulo ko." naiinis na sinabi ni Risk. "Tch. Hindi ka talaga nagbago." sabi ni Kill. Meanwhile, sa gilid. Tinatakpan ni Bloom ang bibig niya sa sobrang kilig. Sa tagal na kasi ng panahon na gusto niya si Pipe ay ngayon lang nagkaroon ng pagkakataon na napansin siya nito. "Bloom. Ayos ka lang ba?" tanong ni Kill. Natauhan naman kaagad si Bloom at tumingin kay Kill. "Oo. Ayos lang. Bakit?" "Namumula ka kasi. May sakit ka ba?" tanong ni Kill at hahawakan na sana niya sa noo si Bloom nung sumingit si Risk. "Wala. Wala siyang lagnat. Baka kinikilig lang siya." sabi

