"Airy ayos ka lang?" tanong ni Pipe sa kanya. "Ayos lang. Nadagdagan ang inspirasyon ko." nakangiting sinabi ni Airy. "Naalala n'yo ba yung sinabi ni Nico sa atin? Yung nagsabi sa kanya na darating tayo?" tanong niya pa. "Oo bakit?" "Isa sa Fairy Warrior yon. Si Tita Pen." "Paano mo nasabi?" "Hm? Nakita kong nag-disguise siya bilang ermitanya kaya naitago niya ang magos niya." "Saan na tayo pupunta ngayon?" tanong ni Data. "Sa mga elf." sagot ni Airy. "Pero saan natin sila mahahanap?" "Sa lugar nila." Mabilis silang nakapunta sa bahay ng mga elf pero wala ang lahat doon. Nasa loob sila ng bahay ng mga elf at halos nakayuko na sila sa sobrang baba ng bubong. "Baka naman nagmimina sila?" tanong ni Bloom. "Hindi. Sa tingin ko naghihintay sila ng bibiktimahin." sabi ni Pipe. *crea

