5 hours / months later... nagtatago na ang mga huling nakaligtas na Fairy Warrior. Nabalitaan na rin nilang humaba ang oras at mabilis silang tumatanda. Nagtipon sila sa isang malaking puno malapit sa lagusan papunta sa kabilang mundo. "Pen. Anong balita?" tanong ni Geo. Nakaupo silang tatlo sa gilid ng puno at nag-uusap habang nakatago sa hood nila. "Nakuha ni Fright si Roger, yung asawa ni Song. Ngayon, naghihintay na lang siya sa tamang panahon para patayin si Airy." sagot ni Pen. "Ikaw Stairs? Anong balita sa Fairy Ring?" tanong ni Geo kahit sa loob niya ay naaapektuhan pa rin siya nung desisyon niyang lumayo. "Good news. Nahanap ko na. Ihahatid na ba natin 'to sa kanila?" tanong ni Stairs. "Saan naman natin sila hahanapin? Malawak ang mundong yon." sabi ni Pen. "Alam ko na. Suma

