"Stairs. Sino siya?" tanong ni Geo kay Stairs. Si Geo ay may itim na buhok at sa dulo ay brown. Caramel ang kulay ng mata, mas matangkad kay Stairs, matipuno, gwapo. Naglakbay si Airy sa alaala ni Geo bago pa man ang kasalukuyan. Si Stairs ang matalik na kaibigan ni Geo. Magkaiba sila ng assigned kingdom pero mas madalas si Stairs sa East Fairy Land kahit na leader siya ng South. Si Geo naman ang leader sa East. Si Stairs ay may itim ang buhok at sa dulo nito ay may brown, nakatirintas ang buhok niya sa dalawang bahagi. Malapit sa pagiging red ang mata niya, maganda, medyo may kaitiman na parang amazona. Payat. Kumakain sila dahil panalo na naman ang laban nila mula sa mga piratang gustong sakupin ang kaharian ng Silangan. "Hm? Ah. Anak yan ni chief Music. Hindi ko siya kilala eh. Sa

