"Oh no." sabi ni Fade sa bestiang kaharap niya. Agad naman siyang hinatak ni Helium sa dilim at tinakpan ng bibig niya. "Shh. H'wag kang maingay. Hindi nakakakita ang bestiang yan pero magaling siyang makiramdam. Kung mag-iingay ka, lalo lang siyang magwawala." bulong ni Helium sa kanya. Agad namang tinanggal ni Fade ang pagkakatakip sa bibig niya at huminga ng malalim. Walang sagot-sagot ay gumawa ng paraan si Fade para malito ang nasa harap niya. Sa labas ng selda, isa ding dambuhalang bestia ang nagwawala na ginawa ni Fade. Natuon naman doon ang atensyon ng bestia. Nang mapansin nilang ayos na ang lahat ay lumabas na si Fade sa selda at dumiretso na sa pinanggalingan niya. "Sandali lang Fade." sabi ni Helium habang sumusunod siya patungo sa lagusan. "H'wag ka ng sumunod kung gusto

