"Sabihin mo sa'kin ang plano." "Hanapin mo ang susi ng bawat kulungan. Pakawalan mo ang mga tao. Pakiusap. Kailangan namin ng tulong mo." sabi ni Pipe habang naglalakad na ulit si Fade papunta sa ibaba ng palasyo kung nasaan ang kulungan. "Heh. Sinisimulan ko na yan. Wala na kayong dapat alalahanin." "Fade." tawag sa kanya ni Data. Bigla na lang siyang napahinto sa paglalakad nang marinig niya ang boses ni Data. "Data." tawag niya rin dito at medyo naluluha siya. Masyado matagal na kasing hindi sila nag-uusap. "Fade. Malapit na kami. Hintayin mo kami. Fade. Gusto na kitang makita." sabi ni Data. "Hm. Hihintayin ko kayo." sabi niya at tumuloy na sa paglalakad. "Fade. Saan ka nakatira ngayon?" tanong ni Airy. "Ice. Sa mama ni Risk." sabi ni Fade at nagtago siya sandali sa isang pade

