PROLOGUE
"Kilala mo ang bagong lipat na studyante?"
Umiling ako. "Wala akong oras Dyan." Binalingan ko ulit ang notebook ko. Nasa canteen kasi kami.
"Hala Kj mo naman? Gwapo siya bes, anak ng may ari school na 'to." anito sa kinikilig na boses.
"Saan siya galing?" tanong na saad ko, Habang sa notebook parin naka tingin.
"Sa LA, Dahil pambansang tsimosa ako nalaman kong triplets sila. Siya ang kuya dahil siya daw unang lumabas. Model din daw siya sa LA kaso umuwi dito dahil bored daw duon." pumalatak 'to.
"Ang ganda kaya sa america. Pangarap ko maka punta duon!" Tulala siyang timingin sa langit.
"Saka bes, 19 years old ang laki na nang katawan. Yummy." Inirapan ko siya. Mahilig talaga to sa yummy eh, kaya nag mumukhang coffee mate na.
Nag ring ang bell kaya agad kaming tumayo.
"Saksakan daw ng pogi." Rinig kong sabi ng freshmen.
"Talaga? Grabe talaga ang angkan ng mga kleron. Ang po pogi."
"Sinabi mo pa, mamaya punta tayo sa building nila. Silipin natin." iyan lang naman ang mga naririnig ko sa mga high school students na mga babae. Nagkatinginan kami ni Shela at tumawa. "Tara na nga ma le-late na tayo." Hinila niya ang kamay ko sabay takbo. Pag dating namin sa loob nasa lamesa na si sir at mukhang nauna pa sa amin dumating. Napalunok kami ng mag interup kami sa kaniyang klase.
"Sorry sir, we're late." ngumuso kami.
Tumaas ang kilay ni sir. "Sige pasok!" Pag kakita ko may naka upo sa bangko ko. Lalaki at may hikaw na itim sa dalawang tenga niya.
"Upuan ko yan." Sabi ko. Hindi siya nakakarinig dahil may earphones siya sa tenga.
"Upuan ko yan!" Kinalabit ko siya at tiningala niya ako. Nag salubong ang dalawang kilay niya.
"Yes?" He muttered.
"U-upuan ko yan." sabi ko ulit. nakita kong inalis niya ng tuluyan ang earphones niya.
"This is yours?" Turo niya dito.
"Oo." kinagat ang aking labi.
"Sir!" Nagulat ako ng itaas niya ang kamay niya. "Kaninong upuan to sir?" Sigaw niya. Nakita ko si Sir na napalunok.
"Miss tolintino, sa ibang upuan ka na lang." sabi ni sir at nag iwas ng tingin.
"Sir ito po ang upuan ko eh-"
"Just find another seat miss Tolintino!" tinignan ko iyong lalaki at bumalik sa pag e-earphone Di nakikinig sa lesson, feeling matalino, Pina ikutan ko siya ng mga mata. Dahil walang bakanteng upuan. Nanatili lang akong naka tayo, Kainis na araw 'to...
...
Buong araw naka tayo lang ako, Tapos yong lalaki hindi rin nakikinig at nag ce- cellphone at nag e earphones. Walang kayang sumuway sa kaniyang mga teachers, naka pag tataka dahil nga kanina ko lang siya nakita. nilapitan ako ni Shella. "Bes si Nikko iyon." Kilig na sabi niya. Habang ako nililigpit gamit ko at ready na umuwi sa dorm. inirapan ko nalang siya uli.
"Taray bes kinausap ka?" She playfully said.
"Eh ano naman?" Bore na sabi ko. "Wala akong paki alam sa kaniya." nag simula ako mag lakad.
"Ay taray na bes, sabagay sa ganda mong 'yan? Marami ka pang gwapo na makikita kesa sa kaniya, dahil akin lang siya." Tumakbo siya. Na-una siyang lumabas pero hinintay naman niya ako. habang nag lalakad kami sa hall way ang mga stundyante ay nag sisitakbuhan. Nagkaka gulo at dahil kami lang dalawa ni Shella sa daan tumakbo na 'rin kami at nakisali sa mga tao. pinag kakaguluhan dahil uwian na halos lahat ng studyanteng nandito. nakakarinig ako ng suntok, sipa at mura ng isang lalaki. Pamilyar pero hindi ko gaano naririnig nang sumingit kami ng sapilitan. kitang kita ko kanina ang kausap ko na may binubugbug at sinisipa. Wala siyang galos, wala siyang dugo pero unlike sa mga na bugbug niya napuno iyon ng pasa at dugo. Napa lunok ako. Patuloy parin niya ito ina atake.
"What is this-" sumulpot ang mga teachers pati principal pero na bitin ang pag sasalita nila ng tignan sila nong lalaki.
"Don't stop me." Seryosong sabi niya sa mga guro. Napapa awang nalang ang labi ng mga teacher dahil wala silang magawa. sisipain na sana niya ang dalawang lalaking nakahiga ng mag tama ang mga mata namin. nanlaki man ang mga mata ko dahil naka tingin siya sa gawi ko. Hindi sa iba kung hindi saakin. Umalon ang Adams apple niya. Pero nabigla ang lahat ng umalis siya at iniwan ang mga lalaki. Agad na ni rescue ng mga guro ang dalawa. Wala akong alam pero nakita ko nalang ang sarili kong tumulong at patayuin ang dalawa.
"Kleron siya eh. Kaya niyang gawin ang lahat. Astig!" Rinig kong sabi ng mga ka klase kong lalaki.
"Grabe ang lakas ng mga suntok niya. Parang hulk lang ang dating." Sabi naman ng isa.
"Rinig ko nga noon, assassin daw ang daddy niya pero dahil natatakot ang mga taong ibulgar ang lahat nanahimik nalang sila. Lahat silang nga Kleron may mababangis na awra." Sabi naman ng isa.
"Gusto ko nga maging Kleron balang araw. Tayo na nga."
Sino ang mga KLeron? Tanong ng isip ko.