Chapter 15

1928 Words
Lumipas ang mga araw na normal na ulit ang buhay ko. Pasok ako sa work sa gabi, gig naman pag weekends. Lagi din ako hatid sundo ni Hampton At hindi ko alam kung tama ba na payagan ko siya na ipakita ang nararamdaman niya sa akin Ilang beses ko naman na sinabi sa kanya na friends lang talaga kami eh. Kasalanan ko ba kung makulit siya? Hindi ako expert sa ganito kaya, hindi ko talaga alam ano gagawin ko. At eto nga si Hampton nagpupumilit na samahan ako papuntang Makati ngayon titignan ko kasi ano na nangyari sa titulo ng bahay namin, nakareceive kasi ako ng notice sa banko noong nakaraang araw at hindi ko yun maintindihan hindi ko na din pinaalam kay Mama baka mamroblema lang siya. Tatapusin lang daw niya ang meeting niya pero hindi ko na siya mahintay pa kailangan ko makarating ng maaga dun alam niyo naman dapat maaga lagi pag nagpupunta sa mga ganitong lugar dahil madaming tao at mahaba ang pila. Kaya bumyahe na ako, galing pa akong work kaya goodluck sa akin. Pagdating ko sa office ng banko, grabe 8am palang pero ang dami ng tao. Ayaw ko pa naman naghihintay ng matagal. Lalo na galing pa ako sa shift antok na nga ako eh. Ilang oras din ang nakalipas bago ako tinawag. Tiningnan ko ang relos ko. OMG!! 11am na. Tatlong oras na akong naghintay ang bagal bagal talaga ng sistema natin tinubuan na ako ng ugat kakahintay. Hayss.. Pumasok na ako sa office ng tao na incharge sa bahay namin. "Hello good morning Mam" bati ko sa taong kakausapin ko. "Hello good morning din Ms. Santino right?" tumango lang ako. "Ako pala si Mrs Reyes. Ano ang maipaglilingkod sayo?" inabot ko sa kanya ang letter na nareceive namin about sa bahay. At binasa niya ito. "Ms. Santino idouble check ko lang ito maiwan muna kita saglit." tumango lang ulit ako. Wala na akong energy. Pagod na ako kakahintay kumbaga sa cellphone 10 percent na lang ang battery ko. Ganon na lang ang energy na natitira sa katawan ko din. Speaking of cellphone narinig ko itong tumutunog kaya naman malamya ko itong hinanap sa loob ng bag ko. Si Hampton. "Hi Vet, sorry ngayon lang ako nakatawag kakatapos lang ng meeting namin grabe ang tagal hindi tuloy kita nasamahan. Sunduin na lang kita diyan ngayon, Nasaan ka na ba?" hindi pa ako ng Hello! Ang haba na ng sinabi niya. "Ayos lang ako, kakatawag palang sakin ang tagal ko nakapila eh buti nalang maaga ako dumating." "Pupunta na ako diyan, susunduin kita."anito, ang layo pa talaga nito baka trapik na ng ganitong oras. "Hindi na may pasok ka pa later, kaya ko na to. Pauwi na din naman ako eh" tanggi ko sa kanya. "Ayaw ko, gusto ko safe ka paguwi mo" he insisted, ang kulit wala na ba ako time para sa sarili ko? Kailangan lagi siya kasama? "Please wag ka na makulit, I'll text you naman if nasa house na ako. Kaya ko na to.You need some rest too. Ok wag mo na ako isipin" after kong magsalita bigla siyang nanahimik. Tinignan ko ang screen ng cellphone ko pero andon pa rin naman siya. "Hello? Andyan ka pa ba?" narinig ko na lang ang isang malakas na buntong hininga. "Oo, nalulungkot lang ako. Hindi na kita nakasama kaninang kumain, tapos hindi pa kita nasundo dahil maaga ang meeting ko hindi pa kita nahatid kasi may meeting ulit. Miss na kita eh. Pagod ako today gusto lang naman kita makita, pampatanggal ng pagod ko." Hays! Ayan na naman siya. Gusto niya lagi na lang kami magkasama pati sa office tinutukso na kami. Ang dami na kasi nakakapansin na lagi kami magkasama, sa break, sa pagpasok pati sa paguwi. "Hampton naman eh, nakakinis ka na. Wag ka ngang ganyan okay. Promise I'll be fine here. Just take a rest okay, I'll text you pag nasa bahay na ako.?" Nakita kong pabalik na si Mrs. Reyes kaya nagpaalam na ako kay Hampton buti na lang at hindi na siya nangulit. "Ms. Santino, upon checking nakasanla ang bahay niyo. Limang taon na ang nakakalipas. At ngayon halos dalawang taon na itong walang hulog at base sa mga nakita kung information we're just giving you 6 months to pay the remaining balance kung hindi mareremata ang bahay at kailangan namin ito kunin." paliwanag niya sa akin, ang kaninang inaantok na pakiramdam napalitan ito ng sobrang gulat. Nagising ang lahat ng parte ng katawan ko. Nanlumo ako sa mga narinig ko. Sino naman magsasanla nito? Pinakita sa akin ni Mrs.Reyes ang computation ng utang daw namin. Hindi ko talaga maintindihan kung sino ba tong nanghiram ng ganitong kalaki na pera. Lalo akong nanlumo ng makita ko ang total price ng dapat pa naming bayaran. Ano to kahit ibenta ko lahat ng gamit ko hindi kakasya. Ano ba nangyayari? Nagpaalam na ako kay Mrs Reyes, binigay niya sa akin ang mga papers na hawak niya kanina tungkol sa utang namin. Pagkalabas ko ng opisina niya ay agad akong napasandal sa pader. Nakakatitig ako sa papel na hawak ko. Saan naman ako kukuha ng ganitong kalaking pera? P564295.84 Para akong pinagsakluban ng langit at lupa ngayon. Ang bahay namin ang tanging natitirang alaala ko na lang sa Papa ko. Hindi ko papayagan na mawala ito sa amin. Pero paano, saan ako kukuha ng pera? Naglakad lakad muna ako sa labas hindi ko alam saan ako papunta. Nang may narinig ako. Kumakalam na ang sikmura ko. Huling kain ko 2am pa nung break ko sa work. Wala akong makita na fastfood, tumingin ako sa kaliwa, kanan, likod at harap. Saan naman ako kakain? Puro building lang ang nakikita ko. Naglakadlakad ulit ako. Sa wakas may nakita rin akong kainan. "Good afternoon Mam" bati sa akin ng waitress, inalalayan ako ng staff makahanap ng vacant table. Iniabot niya sa akin ang menu tinignan ko ito at umorder na. Grabe na talaga ang gutom ko. Abot hanggang talampakan. "Give me chicken subgum, chowmein and pork fried rice" hindi naman ako gutom sa order ko? Dahil na rin sa stress kaya kailangan ko kumain ng madami, magiisip pa ako kung saan ako maghahagilap ng pera na yan. Ang tagal ng order ko, sana pala sinabi ko bilisan grabe na kasi ang tunog ng tiyan ko. Dumating na din ang order ko after 20mins. Kumain na ako at PG mode muna ako. Nakalimutan ko ng saglit ang problema ko ang sarap pala ng pagkain dito. Mabilis lang ang ginawa kong kain need ko umuwi kaagad dahil may pasok pa ako later. Nagpunta muna ako ng cr mahaba din biyahe ko pauwi mamaya, baka maabutan pa ako ng trapik lalo na Friday ngayon. Paglabas ko ng c.r may biglang bumulong sa tenga ko na ikinagulat ko ng sobra. "Hi Mine" muntik na akong mapatalon sa gulat. Paglingon ko ang antipatikong si Brandon lang pala. "Mine mo mukha mo, hindi mo ba alam na nakakagulat ka huh. Bigla bigla ka na lang sumusulpot tapos manggugulat ka pa. Eh kung sapakin kita ngayon huh?" napahawak pa ako sa dibdib ko sa sobrang gulat ko talaga ang lakas ng t***k ng puso ko tuloy ngayon. Hinawakan niya ako sa braso at hinatak papunta sa mesa niya. Huh andito rin pala siya? "Sorry naman, nagulat din ako ng makita kita dito eh" nagulat pa siya sa lagay na yan ah. Sino ba ang nagulat na nakangiti? Paki-explain nga sa akin. "Bakit wala ba ako karapatan magpunta ng Makati?" I answered with my sungit tone. "Sino kasama mo?" tanong niya sa akin. "Ako lang bakit?" ismid na sabi ko. "Good, care to join me?" hay naku wrong timing talaga tong lalakeng to. Sana kanina pa niya ako nakita para nakalibre ako diba? Magkano din ang nagastos ko sa kinain ko. "Tapos na ako kumain eh, pauwi na nga ako eh. May inasikaso lang ako" "Wag ka muna umuwi ihahatid na lang kita, please stay. Hindi mo man lang ba ako na miss?" miss mo mukha mo. Tagal niyang hindi nagparamdam at bakit ko naman siya mamimiss. Bago pa ako makasagot umalis siya para sagutin ang tawag sa cellphone niya. Saglit lang ang tawag niya at bumalik rin siya kaagad dito. "Mine hindi mo talaga ako namiss?" humirit pa siya ulit. Need ko yata talaga sagutin siya. Paulit-ulit eh. "Bakit naman kita mamimiss? Eh isa kang sakit sa ulo ko" I smiled secretly medyo lumungkot kasi ang itsura niya. Akala ko talaga hindi ko na siya makikita ulit. "Ganon ba? Sabagay bakit mo ba ako mamiss eh andiyan naman na ang ex mo" nagulat ako sa sinabi niya? EX? Ano daw? Pinaulit ko sa kanya ang sinabi niya hindi ko alam if tama ba ang narinig ko. "Sabi ko hindi mo ako namiss kasi andiyan na ang ex mo. Kayo na ulit diba?" buti pa siya alam na kami ulit ni Mateo, ako kasi hindi eh. "Saan mo naman napulot yang chismis na yan?" pano niya kaya nasabi yun? "Basta" aba pinagtritripan na naman yata ako nito eh. Pinilit ko siyang sabihin sa akin. "Eh kasi nakita ko kasi kayo ng pumunta siya sa bahay mo" stalker ko ba siya at alam niya na nagpunta ex ko sa house? Pero paano niya nasabi hindi naman niya alam itsura ni Mateo. Wala na akong pic sa sss ko ni Mateo. Ano ba to hindi ko magets? "Buti ka pa nakita mo ex ko na nagpunta sa bahay? Ako kasi hindi eh." Kailangan ko malaman kung ano ang trip niya pinilit ko talaga siya. Kung pano niya nalaman yun at kung ano nakita niya. "Eh nakita ko siya hinatid ka, yung black na mazda 3" hindi ko talaga napigilan tumawa. Ang dami kong tawa! Bakit naman niya naisip na si Hampton ang ex ko aber? Sinabi ko sa kanya na friend ko lang yun. "Oo akala ko ex bf mo kasi hinalikan ka kasi niya" napatigil ako sa pagtawa ko. Feeling ko napahiya ako. Ang dami pala niyang nakita pati pala yung halikan ako ni Hampton. Nakakahiya! "Nakita mo pala yun. .Wala yun friend ko lang yun, kaya ba hindi ka na nagpakita sa akin?" tanong ko sa kanya, baka yun nga ang dahilan kaya hindi na siya nagpakita sa akin akala ko nga tapos na ang deal na napagusapan namin. Since ang tagal niyang hindi nagparamdam. "Hindi naman sa ganon, alam mo naman kasi ang usapan natin diba? Remember? You can do what you want and I can do what I want basta discreet lang. So I gave you time kaya hindi na muna kita inabala. Since I thought it's your ex boyfriend." Ganun pala yun. Naalala ko nga na sinabi niya yun. "But don't forget we still have a deal. Tuloy padin yun." May masayang part ng katawan ko ng narinig ko ito. Hindi ko alam kung saan parte. Naalala ko bigla ang problema ko. You know sa kaperahan??? Pero nakakahiya... Paano ko kaya sasabihin sa kanya? Sa kanya ko nalang kaya isangla yung bahay, tapos hulugan ko na lang? Ting! Ting! Ting! Ang galing ko talaga magisip! Pero! Kaya ba ako masaya kasi eto na ang sign ni Lord na sasagot sa problema ko. So masaya ang utak ko. Tama! Masaya ang brain ko. No more worries. Excuse me? Sabi ng puso ko. Pwede ba heart. Hindi ka kasali sa kasiyahan ko. Tsupe ka muna.! Hindi ako masaya dahil nakita ko ulit siya, masaya lang ako dahil baka siya na ang sasagot sa problema ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD