Lumipas ang ilang lingo.
"Sir Brandon, i just wanna remind you of your board meeting later at 1pm" paalala sa akin ng sekretarya ko. 7am pa lang nagstart na ang trabaho ko hindi ko namalayan na 11am na ngayon at hindi pa ako nag-aagahan.
Nag-unat unat ako, I've been very busy for the past few weeks. Meeting doon meeting dito. Eto na ang start ng new career ko, wala na rin akong time lumabas. Ilang araw na ako niyaya nila Eddie na lumabas pero I'd rather rest pagdating sa pad kesa lumabas nakaka-stress ang work ko ngayon. Kailangan alamin ko lahat at ang dami dami nito.
Ang dami ko pang babasahin na kontrata and it's almost lunch time nararamdaman ko na rin ang gutom. Parang hindi ko to matatapos before my meeting. Napalingon ako sa cellphone ko, may tumatawag.
Si Mommy
"Hello anak, how's your day?" agad na bati ni mommy.
"Oh mom so tiring, I have a lot of things to do pa and I need to finish it today." medyo reklamo ko sa kanya, nakakapagod na fulfilling naman ang trabaho ko.
"Yah masanay ka na, but once nagamay mo na yan madali na lang yan. I know you can do it I have trust in you." ganyan ang mom ko napaka supportive.
"Thanks mom how about you? How are you?" tanong ko medyo bihira kasi kami magusap this past few days.
"Doing pretty good. By the way lagi tayo naguusap pero hindi mo nababanggit sa akin si Velvet? How is she?" nagulat ako. Akala ko hindi na siya interesado sa kasal namin. Lagi niya ako kinakamusta but only now she asked about Velvet. Ano kaya sasabihin ko? Yung totoo kaya. "I can't go back pa sa Manila and meet her parents we're so busy here sa Cebu, hope we can meet them soon." Patay paano na to? Kinalimutan ko na ang about don at nagpakabusy na ako sa work then ito na naman. Malaking problema to.
"Mom she's fine. Busy lang din siya sa work niya kaya bihira kami magkita" pagsisinungaling ko. After what I saw last time hindi na ako nagparamdam sa babaeng yun. Hindi kasi ako makasarili baka yun kasi ang kaligayahan niya, kaya ako ito nagpapakalunod na lang sa trabaho ko.
"Anak, even if you're busy make sure to have some time for her. Baka magalit siya sayo dahil wala kang time sa kanya" nagaalalang sambit ni mommy, napahawak ako sa batok ko. Eto na naman ako pro-problemahin ko na naman ang deal na to.
"Don't worry mom, I will. So paano po I'll go back sa mga gagawin ko medyo madami pa po and I have a meeting after lunch, kakain po muna ako. Talk to you later mom." para lang matapos na ang pagtatanong ni mommy about Velvet kaya nagpaalam na ako sa kanya.
"Ok nak. I miss you and Velvet, can't wait to see her again" binaba ko na ang phone. Napasandal ako sa swivel chair ko at napadekwatro habang nilalaro ko ang hawak kong pen.
Kamusta na kaya siya? Hindi ko na kasi siya pinuntahan, hindi ko na din siya tinawagan or tinext. Aside from busy ako sa work ayaw ko na rin kasi makigulo pa sa kanya. I know she's happy right now.
Pinagpatuloy ko na lang ang pagbabasa ng mga contracts. At sa sobrang dami hindi ko namalayan lunch time na. Makababa na nga ng makakain before ng meeting ko.
Nagdrive ako papunta sa malapit na restaurant gusto ko ng iba namang ambience kaya sa labas ko napiling kumain. Pag-upo ko napadako ang tingin ko sa labas at parang nakita ko si Velvet na naglalakad. Lumabas ako at hinabol siya, ang daming tao kaya sa isang iglap lang ay nawala na siya sa paningin ko. Tumakbo ulit ako baka sakaling maabutan ko siya. There you go I saw her again
"Velvet" hinihingal na sigaw ko. Lumingon ang babaeng nakatalikod sa akin. Napahiya ako.
Hindi pala siya si Velvet kamukha lang pala ng buhok niya. Nanlulumo akong bumalik sa restaurant. Saktong pag-upo ko sa mesa ko ay siya namang dating ng order ko. Sinimulan ko ng kumain at ini-enjoy ang bawat nguya ko sobrang gutom ko at lalo pa akong nagutom sa ginawa kong pagtakbo kanina.
While I'm sipping my red tea, my eyes caught someone. Ilang beses kumurap ang mga mata ko baka kasi mapahiya na naman ako. Papunta ito sa restroom, sure na ako na siya na to.
Pero ano naman ginagawa niya dito?
Naglakad ako papuntang restroom at inabangan ko siyang lumabas. Sana hindi na ako mapahiya this time. Naupo ako sa malapit na bakanteng upuan sa cr at kumuha ng newspaper para itakip sa mukha ko. Panaka-naka ay sumisilip ako para makita if palabas na ba siya.
After few minutes na paghahantay ay nakita ko na siyang lumabas ng cr, nang malagpasan na niya ako ay agad akong tumayo at sumunod sa likod niya.
"Hi Mine" I whispered in her ear. Agad siyang lumingon sa akin, I smiled at her. Pero siya nakakunot ang noo niya na mukhang galit na galit sa akin.
"Mine mo mukha mo, hindi mo ba alam na nakakagulat ka huh? Bigla bigla ka na lang sumusulpot tapos manggugulat ka pa. Eh kung sapakin kita ngayon huh?" she hissed, medyo malakas ang boses niya kaya naka-attract kami ng atensyon sa mga tao dito sa restaurant. Hinawakan ko ang braso niya at hinila papunta sa mesa ko.
"Sorry naman, nagulat din ako ng makita kita dito eh" hindi ko talaga inaasahan na bigla ko siyang makikita. Kakabanggit lang ni mommy ang about sa kanya kanina and then ngayon ito nagkita kami ng hindi inaasahan.
"Bakit wala ba ako karapatan magpunta ng Makati?" mataray na sagot niya, inalalayan ko siyang makaupo at ng makaupo na din ako ay ang taas ng kilay niya. Galit pa rin siya sa akin ah.
"Wala ako sinabi ah" I said while laughing, I can't help it, I missed her katarayan at ang mga galit na galit looks niya.
"Ok fine,whatever" she said and looked away.
"Sino kasama mo?" tanong ko.
"Ako lang bakit?" akala ko kasama niya ang lalaki niya.
"Good, care to join me?" alok ko.
"Tapos na ako kumain, pauwi na nga ako eh. May inasikaso lang ako" mahinahon na sagot niya buti naman at kumalma na siya.
"Wag ka muna umuwi ihahatid na lang kita, please stay. Hindi mo man lang ba ako na miss?" nahiya ako bigla sa huling sinabi ko, nakita ko na naman na tinaasan niya ako ng kilay. She's about to respond pero biglang tumunog ang cellphone ko.
Tumatawag ang sekretarya ko.
"Excuse lang mine ah, I need to take this call" tumango lang siya, lumabas ako at sinagot ang tawag.
"Sir, your meeting will be in 15mins from now" sabi ng sekretarya ko.
"Please cancel the meeting I have an emergency right now that I really need to attend. Just reschedule it tomorrow okay? Thanks" binaba ko na kaagad ang tawag na yun baka mainip si Velvet at bigla akong iwan. Bumalik na ako kaagad sa mesa namin.
"Mine hindi mo talaga ako namiss?" tanong ko ulit sa kanya pagkaupo ko pa lang.
"Bakit naman kita mamimiss? Eh isa kang sakit sa ulo ko" nalungkot ako ng bahagya, kinuha ko ang red ice tea ko at napainom bigla kasing nanuyo ang lalamunan ko.
"Ganon ba? Sabagay bakit mo ba ako mamiss kung andiyan naman na ang ex mo" hindi ko napigilan kaya nasabi ko to sa kanya.
"Huh?" gulat na sagot niya "Pakiulit nga? Anong ex?" nagmamaang-maangan pa siya. Hays!
"Sabi ko hindi mo ako namiss kasi andiyan na ang ex mo. Kayo na ulit diba?" I saw a question mark in her face.
"San mo naman napulot yang chismis na yan?" nakalumbaba na tanong niya.
"Basta" tipid na sabi ko.
"Buti ka pa alam mo na nagkabalikan kami ng ex ko, ako kasi hindi ko alam eh. Sana man lang ininform mo ako" Sabay tawa niya. So hindi sila? Bakit ang sweet nila noong nakita ko sila. "So saan mo ba nasagap yang chismis na yan?" tanong niya ulit. At hindi pa rin mawala ang ngiti sa mga labi niya.
"E-eh e-eh" paano to paano ko sasabihin na sinundan ko sila noong nakaraan.
"Ano sabihin mo na?" pangungulit niya. Napakamot na lang ako sa noo ko. Nakakahiya!
"Eh kasi nakita ko kasi kayo ng pumunta siya sa bahay mo" at nakita ko lahat ng kasweetan niyo. Gusto ko pa sana idagdag pero pinigilan ko ang sarili ko.
"Buti ka pa nakita mo ex ko na nagpunta sa bahay? Ako kasi hindi eh." Medyo malungkot na sambit niya. Huh naguluhan naman ako bigla. So sino yung nakita ko? "Ano ba nakita mo?" dugtong na sabi niya.
"Hmm nakita ko siya na hinatid ka, yung black na mazda 3" sagot ko, sabay tumawa siya ng malakas.
"Ah ayun pala. Porket hinatid ako ex boyfriend ko na kaagad? Hindi ba pwedeng friend ko lang yun?" nakahinga ako ng maluwag sa mga sinabi niya. Nabunutan ako ng tinik sa dibdib.
"Oo akala ko ex bf mo kasi hinalikan ka kasi niya." hindi ko na talaga napigilan sabihin. Natigilan siya sa pagtawa niya at seryosong tumingin sa akin.
"Nakita mo pala yun. .Wala yun friend ko lang yun, kaya ba hindi ka na nagpakita sa akin?" she said shyly then she looked down. I can't find the right words to answer her, natahimik ako for awhile pati siya ay tahimik lang.
"Hindi naman sa ganon, alam mo naman kasi ang usapan natin diba? Remember? You can do what you want and I can do what I want basta discreet lang. So I gave you time kaya hindi na muna kita inabala. Since I thought it's your ex boyfriend." Paliwanag ko sa kanya. Iniangat niya ang ulo niya and smiled a bit.
"Yah I remember that" sang-ayon niya.
"But don't forget we still have a deal. Tuloy pa din yun." Wala siyang choice. Hindi ko akalain na sa ganitong tagpo ko pa masasabi sa kanya to. At least hindi pinagplanuhan natuloy pa din.s
"Akala ko ligtas na ako hindi pa pala" she said while laughing I can't help but to stare at her, Namiss ko siya ng kaunti lang. Masaya na ako at na confirm na tuloy pa din ang deal namin yun ang pinakamahalaga.
"Hindi ah, busy lang ako sa work kaya hindi kita nabibisita" pagsisinungaling ko.
"Ah mukha nga eh. Infairnes bagay sayo ang formal formalan na damit mayaman na mayaman ang dating" talagang tinignan niya pa ako mula ulo hanggang paa.
Hiningi ko na ang bill ko and while waiting.
"May lakad ka pa ba?" tanong ko sa kanya..
"Wala naman, pero may pasok ako mamaya sa work"
"Ok lang ba if samahan mo ako sa Hotel" naalala ko na madami pa pala akong pipirmahan.
"Hmmm, ok lang"
Pumunta na kaming parking lot. At dumeretso sa hotel.
"Good afternoon sir" bati ng mga staff sa akin pagpasok pa lang.
"Nakakahiya naman ang suot ko, naka jeans lang ako at simpleng t-shirt" sabi niya habang nakayuko. I held her hand and squeezed it kaya napatingin siya sa akin.
"Don't worry okay? Your simplicity makes you more beautiful." I said to her assuring her that she really looks good. Kahit ba na plain white t-shirt lang ang suot niya. Oo na aaminin ko na! Mas gusto ko siya na simple lang. She looks lovely in my eyes.
Nakarating na kami sa office ko at pinagbuksan ko siya ng pinto.
"Wow ang laki ng office mo ah. Parang bahay lang namin to ah." She said amusingly while her eyes are roaming around.
She's still standing at nakatingin pa rin siya sa paligid ng opisina ko.
"Nga pala, tapusin ko lang tong mga pipirmahan ko na papeles umupo ka muna diyan" naupo na ako sa tapat ng laptop ko at sinimulan na buksan ang mga papeles na nilapag ng sekretarya ko. Medyo madami pa ito.
"Kamusta na pala parents mo? Bumalik na ba sila" she asked at nakita kong nakaupo na siya sa couch while looking at the magazine rack.
"Hindi pa, busy sila sa Cebu ngayon madami kasing investor sila na kinakausap. Actually kinakamusta ka nga nila." I said while looking at my paperworks.
"Talaga, pakisabi din kamusta din." aniya I just nodded at nagpatuloy lang ako sa pagbabasa ng mga kontrata at siya naman ay nagbabasa ng magazine.
"Velvet?" I call her.
"Yes?"
"Pag natuloy ba tong deal natin wala bang masasaktan? Like wala bang biglang susugod sa akin at patayin ako dahil inagaw kita sa kanya?"prangkang tanong ko sa kanya, napatingin siya sa akin. Hindi naman ako natatakot sa maaring mangyari sa akin if ever, natatakot kasi ako na masaktan si Velvet, ang damdamin niya.
"Bakit mo natanong yan?" nagtatakang tanong niya.
"Akala ko kasi talaga yung lalaki na kasama mo ex mo. The way he act he seems so inlove with you." lalaki ako and I know how to tell if a guy is into a girl. Sa mga tingin pa lang ng lalaki na kasama niya, I know that she likes Velvet or scratch that I can sense that he loves her.
"Ganoon ba ang pagkakaintindi mo?" mahinang sambit niya.
"Oo! So ano mo yung lalaki na yun?" curiosity is killing me.
"Well isa siya mga boss ko sa office friend ko siya since college. He said he likes me. Okay na ba?" parang naiirita siyang sagutin ang tanong ko.
"Okay, naniguro lang ako." I said to myself. Pinagpatuloy ko na ang ginagawa ko. Mukhang hindi naman siya interesado sa lalaki niya. Binalot ng katahimikan ang opisina ko, nang biglang tumunog ang intercom ko.
Ang sekretarya ko...
"Sir you have a call on the other line, would you like to answer it?"
"Who's on the other line?" my eyebrows lifted when I heard the name of the caller.