Pagdating ko sa bahay nila hindi muna ako nagpark sa tapat ng bahay nila, inayos ko muna ang sarili ko. I want to surprise her para hindi niya kaagad malaman na andito na ako. Saktong bubuksan ko na ang pinto ng kotse nang may makita ako na kotse sa tapat ng gate nila.
Hindi tinted ang kotse nito kaya nakita ko na si Velvet yun at may kasamang lalake. Ang aga pa saan kaya siya nagpunta? Sino kaya kasama niya?
Pababa na sana siya ng kotse pero hinila siya nito. At HINALIKAN!
Lumabas na si Velvet sa kotse buti na lang at hindi siya lumingon dito. Tinapon ko sa basurahan ang dala kong bulaklak. Nanlulumo akong ini-start ang engine ng kotse ko. Hindi na ako bumaba para magpakita sa kanya at umalis na.
Eh ano naman kung my lalaki siyang kasama?
Hindi naman kami diba? Deal lang to for the sake of my parents request.
Pero bakit ang bigat ng pakiramdam ko?
Habang nagmamaneho ako, lutang ang utak ko. Hindi kaya sila na ulit ng ex boyfriend niya?
Pero paano na ang deal namin? Baka mag backout na siya kasi andyan na ulit ex niya?
Paano na ako?
Paano ko ipapaliwanag kina Mommy to?
Gusto ko siyang tawagan ngayon at itanong kung ano na ang plano niya since sila na ulit ng ex niya?
Kailangan matuloy to. Magagalit sila Daddy sa akin pag hindi natuloy ang kasal namin.
Pero paano naman si Velvet? Andyan na ulit ex niya?
Magiging makasarili ako kung pipilitin ko siya sa deal namin. Alam ko kasi mahal pa niya ex niya.
Pero hindi talaga pwede, madami ng nakakaalam na ikakasal na ako. Pano pag hindi natuloy. Mapapahiya sila Mommy at Daddy na hinding-hindi ko naman na papayagan na mangyari.
Tinigil ko ang kotse, nagpark muna ako. Baka maaksidente ako pag pinagpatuloy ko pa ang pagmamaneho. Ang dami kung tanong sa sarili ko after ko makita ang eksena ni Velvet at ng ex niya. Paano na ako ngayon? Nasuntok ko ng paulit-ulit ang manibela ko. Nang-gigil ako.
Bakit pa kasi bumalik yung ungas na yun eh?
Pinakalma ko lang ang sarili ko at dumeretso na ako sa Hotel, doon na lang ako magpapalipas ng oras kahit 3pm pa ang meeting ko.
Gusto ko siya tawagan pero anong karapatan kong tanungin siya? Kailangan ko ng sagot sa mga tanong ko. Paano na ako? Pero natatakot ako marinig sa kanya, natatakot ako sa mangyayari sa akin once nalaman nila Mommy to.
I stayed in my office na hindi pa rin masagot ang mga katanungan ko, lumipas ang oras na wala akong ginawa kundi ang magisip. Tumawag na ang sekretarya ko to remind me about my meeting. Buti na to para madivert naman ang utak ko sa ibang bagay. Kanina pa kita iniisip Velvet! Nakakai-stress ka..
Natapos ang meeting namin ng 6pm. Matagal din ang ginugol ko sa meeting na yun I learned a lot from that. Madami pa talaga akong pwedeng matutunan matagal pa ang training ko 1month ito.
Nagkayayaan na mag dinner sa may MOA. Natapos kami ng mga 8pm. Nasa kotse na ako, tumingin ako sa cellphone ko. Wala man lang text or tawag ni Velvet. What do I expect? Nakita ko ang date today it's Saturday naalala ko sabi niya ang gig niya talaga ay weekends. I decided to go sa bar kung saan siya ng kumakanta.
Umuwi muna ako, naligo at nagpalit. I decided na kakausapin ko siya later sa bar. I need to know what's our plan if itutuloy pa ba niya. I think I will offer her more. Baka sakaling hindi magbago isip niya.
Past 9pm pa lang ang dami ng tao, buti na lang nakakuha pa ako ng mesa sa my sulok nga lang. Tinawag ko ang waitress at nag order ng beer.
"Hi sir welcome back, mukhang wala po kayong kasama ah?" sabi ng waitress, siya yung waitress na nagsabi samin ng name ni Velvet.
"Eto ang order ko, combo1" binigay ko na sa kanya ang order ko, hindi ko na siya sinagot sa sinabi niya bakit ako lang mag-isa ngayon.
"Thank you sir, nga po pala kakanta po si Velvet mamaya abangan niyo na lang" na feel niya ba na si Velvet ang dahilan bakit ako andito?
Pumunta talaga ako ng maaga dito para makausap ko muna siya bago siya mag-perform. Naka ilang bote na din ako ng beer, sana lang good news ang makuha ko sa kanya. Hindi kasi kakayanin ng Mommy pag nalaman na hindi tuloy ang kasal namin. Lahat ng matataas na katungkulan sa Hotel ay alam na ikakasal na ako soon. Pati ang mga kamag-anak namin, Halos lahat. Malaking kahihiyan to pag nagkataon at hindi ko kayang mangyari yun. Not now!
Kailangan talaga matuloy to. Kahit ano hilingin ni Velvet ibibigay ko matuloy lang talaga to. Sabihin niya lang.
Napadako ang tingin ko sa may main entrance, si Velvet dumating na tatayo na sana ako nang makita ko na may nakasunod sa kanya. Naupo ulit ako. Ung ex niya kasama niya, nanlumo akong kinuha ang baso ng alak ko. Nilagok ko ang beer ng tuloy-tuloy..
Tinawag ko ulit ang waitress at umorder ulit ng beer. Parang ang sikip na ng dibdib ko. Ginawa ko lang na parang tubig ang alak.
Nasa stage na siya at nakafocus na ang ilaw sa kanya. Sobrang ganda niya sa suot niyang black dress na hanggang tuhod at semi high cut boots. Sabi nga nila pag inlove ang babae blooming, dahil siguro andyan na ulit ex niya. Yung ex naman niya nasa unahan pa talaga. Kumanta na siya at narinig ko na naman ang maganda niyang boses.
Nakafocus lang ang mga mata ko sa kanya. Nang may biglang lumapit sa akin at naupo sa tabi ko.
"Hi" bati niya I looked at her. Mukhang matangkad siya kahit nakaupo, maputi, sexy din siya at sobrang ikli ng suot niya na palda kaunti na lang makikita ko na ang panty niya. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa.
"Seems like your alone Mr. Handsome. Care if I join you?" malanding sabi niya.
"Baka magalit ang boyfriend mo at dito ka sakin nakaupo ah. Ayaw ko ng gulo." wala sa mood na sabi ko. Binaling ko ulit ang paningin ko kay Velvet.
"No I don't have a boyfriend right now mga friends ko lang kasama ko, kanina pa kasi tinitignan mag-isa ka lang kaya nilapitan kita." She said,
"Ah ok" Tipid na sagot ko. Binigyan ko na lang siya ng beer ayaw ko naman maging rude at paalisin siya. Hinayaan ko na lang siya.
"By the way I'm Bella and you are?" inilahad niya ang kamay niya sa akin gusto siguro makipag-shakehands.
"Brandon" Tinignan ko lang ang kamay niya at tumingin ulit kay Velvet. Hindi ako interesado sa kanya.
"Maybe if you want we can join our friends there." Ang kulit niya hindi ba niya ba pansin na hindi ko siya trip? I glanced at her.
"No thanks I want to be alone" pagtingin ko ulit sa stage wala na siya kaagad. Madilim na ulit ang stage.
Puntahan ko kaya siya sa dressing room niya? Tatayo na sana ako pero nakita ko siyang andon sa mesa ng lalaki niya.
Ang lapit nila sa isat isa, inakbayan pa siya. Napa Sh!t na lang ako. Mukhang malabo ko na siyang makausap ngayon. Bantay sarado siya ng ungas na yun.
Wala akong choice kundi kausapin tong katabi ko. Ang boring niya kausap. Dumako ang paningin ko sa mga taong biglang nagpuntahan sa dance floor. Nakita ko sila Velvet at ang ex niya na papunta sa dance floor.
"C'mon Brandon let's dance" hindi naman ako sumang-ayon sa gusto niya pero hinila na niya ako papunta sa dance floor. Hindi man lang ako nakita ni Velvet busy kasi siya sa pakikipaglampungan sa lalaki niya. May kasama nga akong magsayaw dito pero sa kanila ako nakatingin.
Ang sweet nila, nanginginig ang katawan ko sa inis. May sinasabi sa kanya yung lalaki niya at titig na titig sa kanya. Ito namang babae na to mukhang kilig na kilig pa. Malamang namumula na ang mga pisngi niya hindi ko lang makita dahil madilim.
Naitulak ko bigla si Bella ng makita kong hinalikan si Velvet ng bwiset niyang ex. Kitang kita ng dalawang mata ko, Bella tried to put her hands again on my shoulder pero pinigilan ko siya at naglakad na ako paalis ng dance floor. Padabog akong umupo ng makabalik ako sa mesa ko.
"Kainis ka naman hindi pa tapos ang kanta eh" reklamo ni Bella, sinundan niya pala ako.
"Can you just leave me alone, you're starting to irritate me" tinignan ko siya ng masama. Ang lakas ng t***k ng puso ko, hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Buti na lang umalis na siya dahil baka sa kanya ko pa mabaling ang inis ko.
Umorder ulit ako ng isa pang set. Ang dami ko ng nainom pero parang hindi ako nalalasing. Yung waitress kanina siya rin ang nagserve sa akin.
"Sir mukhang ang dami niyo na pong nainom ah?" puna nito.
"Hindi naman, ok pa ako. Sige dalhan mo ulit ako nito. Salamat" maya maya ay nasa stage na ulit si Velvet. Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Hindi ko maipaliwanag. Sinunggaban ko na lang ulit ang beer na walang kamalay-malay. Alak pa!
Sumasakit na ang ulo ko kakaisip. Inubos ko lahat ng beer na inorder ko. Pang ilan na ba to? Natawa ako sa sarili ko pang 16 na bote ko na pala ito. Pero hindi ko pa rin maramdaman ang epekto nito. Natapos na ang last set niya. Andon na naman siya sa mesa ng ex niya.
Hindi niya ba ako nakita simula pa kanina? Alam ko napadako ang tingin niya dito kanina pero hindi man lang niya ako pinansin. Nang makita kong tatayo na sila sa mesa nila. Nagmadali akong pumunta sa parking lot. Kakausapin ko na talaga siya ang dami ko ng nainom malakas na siguro ang loob ko na kausapin siya kahit andiyan pa ang lalaki niya.
Pumasok ako sa kotse ko at hinintay silang makalabas. Ayun nakita ko na sila lumabas lumabas ako ng kotse ko at nagtago. Hawak ng lalaki niya ang mga gamit niya at mukhang masaya pa siya pati na yung lalaki niya habang nag-kwekwentuhan papunta sa kotse nito.
Gusto ko sana lapitan at kausapin siya. Pero nagdalawang isip ako.
Baka kasi masaktan ko lang siya pag kinausap ko siya.
Baka mag away sila.
Umalis na sila pero sinundan ko sila. Ewan ko ba feeling ko stalker na ako sa ginagawa ko ngayon.
Huminto sila sa isang Starbucks na malapit lang dito.
Gusto ko mang magkape hindi na ako bumaba, baka makita niya ako.
After 30mins lumabas din sila. Sinundan ko ulit sila. Buti na lang hinatid na niya si Velvet, akala ko saan pa niya dadalhin tong babae na to.
Nagpark ako ng malayo sa kanila para hindi niya ako makita. Yung tipong park na makikita ko pa din sila.
Bumaba na si Velvet at agad siyang niyakap ng lalaki niya. May pinaguusapan sila. Puro yung lalaki lang ang ngsasalita ano kaya yun? Hinawakan pa niya si Velvet sa magkabilang pisngi nito. Nanginginig ang kamay ko habang hawak ang manibela ng kotse ko.
Gusto ko lumabas ng kotse...
Gusto ko sila sugurin.....
Pero bakit ko ba gagawin yun? Extra lang ako sa lovestory nila. Hindi ako kasama.
Hinalikan niya si Velvet buti sa noo lang. Nakakadami na tong lalaki niya ah. At gustong gusto naman niya huh?
After that umalis na yung lalaki niya. Gusto ko sana magpakita kay Velvet pero anong sasabihin ko? Nawala na lahat ng lakas ng loob ko. Nilamon na ng kaba. Kinakabahan ako na hindi ko alam ang dahilan bakit.?
Umalis na lang ako at umuwi na. Ngayon ko naramdaman ang tama ng alak. Duwag pala ako.