Natapos na din ang first set ko, pahinga muna ako ng 30 minutes. I went back to my dressing room. Matatapos na naman ang araw ko after this. Sana lang paguwi ko makatulog ako kaagad.
Kailangan ko ng mgdesisyon if what will I do. Tagal ko ng naka emotional leave, hindi kaya matanggal na ako? Pero naintindihan naman daw ako ng manager ko, sabi nya ah..
"Boss, sige na please payag ka na... I really need space and time to think. . Sobrang kailangan ko ng leave na to' sige na boss please."
"Velvet, I know what you're going through right now, but you know naman I can only give you maximum of two weeks"
"Boss please! three weeks please huling hirit na"
"Vet that's all I can give you 2 weeks lang. Sensya na"
"Ay anak ng kabayo" nagulat naman ako dito kay Jane, bigla bigla na lang sumusulpot.
"Velvet. Sorry nagulat ata kita, lalim ng iniisip mo ah." Tinabihan niya ako, si Jane ang isa sa mga close ko na waitress dito sa bar.
"Ah hindi naman" pagsisinungaling ko.
"Break ko din kasi dito nalang ako tambay ah" mas pinili ko pa sa dressing room ko na lang tumambay pag break ko. Ayaw ko kasi sa labas mausok amoy sigarilyo.
"Ok lng. Madami customers ngayon eh noh tiba tiba na naman si Caleb, akinse nga pala ngayon kaya sweldo madaming pera ang mga tao ngayon.."
"Oo at ang dami fafa noh? Teka speaking alam mo ba grabe pinapatanong nung nakajam mo kanina kung anong name mo. Alam mo yun nakakahiya ang nangyari sa akin kanina, hindi ako makapagsalita ng maayos ng andon ako sa table nila at kinukuha ang order nila. Ang gwapo niya. Grabe!" my jaw dropped literally, ang OA ni Jane ah. Para siyang bulate na nilagyan ng asin ngayon grabe ang kilig niya. Kinilig na siya don sa antipatiko na yun?
Nakakakilabot ah. Ang baba ng taste pala nito ni Jane.
"Talaga" wala sa mood na sabi ko. I crossed my legs at kinalikot ko ang cellphone ko.
"Oo mukhang type ka, chance mo na to Vet. Malay mo siya na pala si Mr. Right, ang magpapasaya sayo?" I glared at Maja, as in ang talas ng tingin ko sa kanya.
Yung lalaki na yun? Mapapasaya ako? Eh unang araw pa lang kami nagkita kumukulo na dugo ko sa kanya.
"Ikaw talaga friend lagi kang assuming. Saka wala na ako tiwala sa mga boys, sasakit lang ang bangs ko sa mga lalaki na yan." I said bitterly.
"Naku hindi naman yata lahat friend, pero aminin mo fafable ang isang yon" pagmamalaki niya pa.
Nagkibit balikat lang ako, ayaw ko ng humaba pa ang usapan namen about sa mga boys. Isa lang naman ang gusto ko eh.
Sya lang. Si Mateo . .
Ang BABE ko......
"Cge labas muna ako tapos na ang break ko, goodluck sa next set mo ah" nagpaalam na si Jane, ako naman nag retouch muna.
Lumabas na ako para mag restroom.
Ano ba yan may nakabangga na naman ako...
Yung totoo? Uso ba banggaan ngayon?
Oh wala lang ako sa sarili ko? Kaya lagi ako nakakabunggo
"Ay sorry Velvet, hindi ko napansin parating ka pala." Ay bakit alam niya name ko? Napakunot ang noo ko saglit.
"Hi I'm Salve pala, kasama ako ni Brandon yung jammer mo kanina" nakikipag shake hands siya so inabot ko ang kamay ko.
"Ah ok lng medyo madilim hindi rin kita napansin, sensya na. Ah ikaw pala yung kasama ni Brandon" I apologized.
"Yes kami ng boyfriend ko, nga pala my set ka pa ba? If it's ok baka pwede ka join samen mamaya." Nagulat ako sa paanyaya niya, talagang ako jo-join sa kanila. Andon kaya ang antipatikong nilalang.
"Tatlo lang naman kami ako, si Brandon at ang bf ko" pagpapatuloy niya.
"Ahhhh, sorry may set pa kasi, saka nakakahiya naman" echos lng yun, ayaw ko talaga dun sa Brandon na yun.
"Ah hindi ah mababait yun, sige na kasi tatlo lang kami para naman may kausap si Brandon. Ok lang ba na ipakilala kita sa kanila? Please?" pagsusumamo niya. Ang cute niya, habang nagmamakaawa na sumama ako sa kanila.
"Until what time ba kayo dito?"
"Hindi ko pa sure, pero feeling ko matagal pa. Nag eenjoy pa kasi kami eh. Lalo na sa voice mo super ganda" pambobola niya sa akin.
"Uhm, ok cge pero later na lang pagkatapos ng last set ko ah" wala na ako nagawa, napa-oo na ako.
"Cge, ambait mo naman, friends?" nagshake hands ulit kami
"Sure, mukhang mabait ka naman at hindi nangangagat" biro ko at sabay pa kaming tumawa.
"Hehe! Hindi yung bf ko lng ang kinakagat ko" she smirked.
"Sige restroom muna ako ah, malapit na kasi ako sumalang, Thanks!" paalam ko sa kanya
"Sige mamaya ah aabangan kita sa backstage ah. Join ka samin ah"
"Ok sige."
Paglabas ko ng restroom wala na si Salve.
Umakyat na ulit ako sa stage. I glanced at their table, andun na pala si Salve. Kumaway at ngumiti siya sa akin, I smiled back.
"Welcome to my second set, you can still give me your request and greetings" hindi pa ako tapos sa sinasabi ko ang dami ng binigay ng waiter sa akin.
Natawa ako bigla, meron kasi dito nakasulat sa papel.
"Will you be my girlfriend?"
Kakaloka, yung iba naman.
"May I have your cellphone number?"
Ayun meron na din matinong ng request.
"Ok this next song is dedicated to Shelby, Eric said that I didn't plan it but you're the best thing that ever happened to me. Ang sweet mo Kuya ah. So Shelby hope yah like it." Kumumpas na ako sa banda ko to start the next song.
Napatingin ulit ako table nila Salve. I saw her smiling at me pati ang boyfriend niya.
Dumako ang paningin ko antipatikong nilalang. Ayun walang ka emo-emosyon ang tingin niya sa akin. When he saw me looking at him pinigil ko matawa dahil bigla siyang tumalikod.
Galit ba siya sa akin?
Kasi pinakanta ko siya dito?
Whatever. La ako care..
I looked away after he did that, pero parang hinihigop ang mata ko na tumingin ulit sa pwesto niya. And dang!, nakaharap siya ulit and he's looking at me again. This time hindi na niya inalis ang tingin sa akin.
At ang nakakainis, gusto kong sabunutan ang buhok ko. Dahil hindi na din naalis ang titig ko sa kanya. It feels like our eyes were glued na hindi na namin matanggal ang tinginan naming sa isa't isa.
Natapos ang kanta na nagtititigan kami.
OMG!
Baka isipin niya type ko siya.
No way!
No No No! To that arrogant, rude, sarcastic living thing.
Naging successful naman ang gabi ko na yun. Mukhang nag enjoy ang audience, humihirit pa nga. Pero tapos na ang set ko.
Bumaba na ako ng stage at nagulat ako ng may humila saken.
"Velvet, inabangan na kita ah baka takasan mo kasi kami eh." Si Salve talagang andito siya sa backstage. Nakakaloka.
"Naku nahihiya talaga ako eh, saka gusto ko na din umuwi medyo masakit kasi ulo ko" pagsisinungaling ko.
"Sige na please, it's only 2am I think this bar will close at 4am, 2hrs of your time lang then will bring you home" makulit talaga siya alam pa niya talaga what time mag close ang bar. Ok no choice na ako.
"Sige na nga, pero ok lang talaga sa mga kasama mo ah?"
"Yes ok na ok! Hinihintay ka na nga nila eh" ang laki pa talaga ng ngiti niya. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila na ako papunta sa table nila.
Nakarating na kami sa table nila, grabe ang kabog ng dibdib ko. Kinakabahan ako na ewan hindi ko maintindihan.
"Velvet meet my boyfriend Eddie and si Brandon. Single yan." I saw Brandon glared at Salve. Nakipag-shake hands sa akin si Eddie at ang masungit na living thing na to, tinignan niya lang ako. Diba ang rude talaga, ang bastos.
Lahat na yata ng synonym ng antipatiko nasa kanya na.
No choice siya ang katabi ko. Inayos ni Anne ang upuan sa tabi ni Brandon.
"What do you want Velvet?" alok sa akin ni Eddie.
"Ah ok na sa akin yang iniinom niyo." Pinagbuksan niya na ako at nilagay sa baso na may yelo.
"Brandon, kausapin mo naman si Velvet, baka mapanis laway mo diyan" sabay hagikgik ng magjowa.
"Ano naman sasabihin ko?" antipatiko talaga, sarap batukan eh.
"Ask something about her that will open a conversation" he doesn't care that I'm here, I can feel it.
"Ayos lang, kayo nalang kausapin ko wala yata sa mood tong tropa niyo." then I look at him, he looked at me too saglit lang then he continue with drinking his beer.
"Velvet where ka pala nauwi, hatid ka namin after" buti pa tong si Salve mabait sa akin.
"Ah sa Muntinlupa ako." I replied.
"Oh kami ni gf sa Paranaque, so medyo malapit lang." ani Eddie. Nagulat ako ng ilapag ni Eddie ang isa pang bote ng beer sa harap ko.
"Velvet eto pa oh, mukhang malakas ka uminom ah" nahiya naman ako bigla, hindi ko alam naubos ko na kagad yung isang bote ng beer. Hindi kasi ako mapakali, feeling ko naubusan na ako ng laway kakalunok dahil sa presensya nitong katabi ko.
"Hindi naman, hindi ko lang napansin ubos na pala" nahihiyang sabi ko. Napayuko tuloy ako sa hiya.
"Mukhang malakas naman ikaw uminom, wag ka na mahiya oorder pa ko" sabat ni Brandon, minsan na nga lang mgsalita ayos pa sa banat ah.
"Ok sure, hindi ba nakakahiya? Malakas kasi talaga ako uminom eh." pang asar lang nakakainis talaga, minsan na lang siya bumanat nakakainis pa.
"Sure order ka lang" sabay abot ni Vice sa akin ng menu.
At biglang sulpot ni Cita save by the bell, nagiinit na kasi ang pisngi ko sa hiya.
"Vet, tawag ka ni boss" bulong sa akin ni Cita.
"Excuse me guys" kay Salve and Eddie lang ako nagpaalam.
"Balik ka ah wait ka namen" sabi ni Salve.
"Yah I will" umalis na ako sa table nila
"Hi Vet" nandito ako sa office niya, inabot sakin ni Caleb ang bayad niya for my performance tonight. Nagulat ako ang laki nito than usual.
"Leb bakit ang laki naman nito?" nagtatakang sabi ko.
"Yup bonus mo yan, dahil ang dami nating customer and all of them were so happy and told me that they will start to go here every week because of you" then hinawakan niya ang kamay ko.
Friend ko si Caleb dahil kaibigan siya ng kuya ng bestfriend ko, but every time na kami lang dalawa, I can feel that there's something wrong. He was there when I'm so down, he once told me that he likes me but hanggang doon lang talaga ang tingin ko sa kanya. He is just my Boss.
"Thanks" I smiled at inalis ko na ang kamay ko sa pagkakahawak niya.
"No problem, uuwi ka na ba? Ihatid na kita?"
"Not yet, may nakilala ako kanina babalik pa ako sa table nila." buti na lang nakilala ko sila Salve, hindi kasi ako comfortable every time he will ask me to take me home.
"Yah I saw you nga kanina with them, wag ka iinom ng madami ah alam mo naman mabilis ka malasing" that's true mahina talaga ako uminom pero mukhang mapapasabak ako paglabas ko. They think kasi na malakas ako uminom.
"Thanks! I can manage naman, cge una na ako ah. Balik ako sa weekends." Nagpaalam na ako kay Caleb at bumalik sa table nila Salve.
"Yun kala ko hindi ka na babalik." Excited na sabi ni Eddie inalalayan niya ako makaupo sa tabi ni Brandon.
"I promise to Salve that I will come back eh" nagulat ako ang dami bigla ng food sa table.
"Inorder ni Brandon yan para sayo" si Salve na nakangisi habang nakatingin kay Brandon. "Diba Brandon?" pang-aasar pa nito.
"Talaga thanks Brandon" I smiled at him, pero tinignan niya lang ako ng saglit at nagiwas ng tingin after that.
"Tuwing kelan ka ng perform here?" tanong ni Eddie.
"Every weekends lang talaga ako dito, first time ko lang magperform ng weekday ngayon." Sagot ko, nilagyan ako ni Salve ng food sa platito.
"Talaga naku destiny na talaga na makilala ka namen friend" sabi ni Salve habang patuloy siya sa paglalagay ng pagkain sa harap ko.
Nakikita ko sa gilid ng mata ko na nakatingin sakin si antipatikong frog.
Napainom tuloy ako at nakalahati ko ang baso ko.
"Pulutan ka naman, baka malasing ka niyan hindi ka namin mabuhat" ani Brandon. Hindi ko kasi ginagalaw ang pagkain na binigay ni Salve. Nakakainis talaga minsan na nga lang siya magsasalita puro nakakainis pa.
"Sure thanks" kumain ako ng pulutan at ewan ko ba ininom ko na naman ang beer ko. Na tetense yata ako.
"Masarap din ang mga pulutan nila dito, babalik talaga kami dito lagi lalo na pag andito ka" ani Eddie, buti pa siya mabait sa akin etong kaibigan niya napa antipatiko.
"Yah right, magaling ang chef nila dito" sabay subo ko ng pulutan wala na akong hiya kumain, gutom na din kasi ako tanghalian pa ang last na kain ko.
"Velvet my boyfriend ka na ba ?" nabulunan ako bigla sa tanong ni Salve. Napainom na naman tuloy ako ng beer wala kasi ibang drinks.
"Friend you can call me nalang Vet, for short" mas kilala kasi ako dito na Vet and most of my friends just call me Vet too.
"Ah ok cge Vet, so meron ka bang boyfriend?" paguulit niya
"Ahh, wala na eh" nanlaki ang mata ni Salve, ano kaya nakakagulat dun?
"Narinig mo yun Brandon? Available si Vet" tinapik si Brandon ni Eddie busy kasi to sa cellphone niya.
"Ahhh ok" walang ganang reaksyon ni Brandon.
"Yaan mo na yan si Brandon torpe kasi yan paminsan minsan" bulong sakin ni Salve.
Sabay tawa niya at pati ako ay natawa na rin.
"Sarap mo pala kainuman eh, walang arte eto pa oh" alok ni Eddie, I just nodded at nilagyan na naman niya ako ng beer sa baso ko.
"Ah oo cowboy naman kasi ako saka hindi naman ako mayaman para mag inarte" kiming sagot ko at pinagpatuloy ko ang pagpapak ng pulutan.
"Magkakasundo talaga tayo friend" nag apir kami ni Salve mukhang mgkakasundo nga kami.
"Bottoms up tayo malapit na magsara ang bar eh sayang naman ang order natin" sabi ni Eddie.
Napaisip ako bigla ang dami pa kasi beer na andito sa table and it's almost 4am na.
"Sure ok lang sakin, Brandon kaya mo pa ba" pang aasar ko sa kanya ang tahimik niya kasi. Sana paguwi ko bagsak na ako para hindi na ako magisip pa. Nakakadami na din ako ng beer, pero medyo okay pa naman ako.
"Oo naman, gusto mo pabilisan pa kung sino mahuli may consenquece" hamon ni Brandon, habang nakatingin sa akin. Hindi ko maiwasan na mapataas ang kilay ko.
Bahala na si batman.
"Ano Vet payag ka ba?" tanong ni Salve.
"Yes game ako diyan" go lng ng go. Sana hindi mahirap ang consenquence. Baka kasi ako matalo.
Pinuno na ni Eddie ang mga baso namin. Bigla akong kinabahan.
"Ok game na ah" nakathumbs-up na sabi ni Eddie.
Kinakabahan ako. Sana hindi ako mapahamak sa gagawin ko. Nagbibilang na si Eddie.
1
2
3
"Game" sinimulan na namin lagukin ang isang basong puno ng beer.
Inom——- Lunok
Inom——-Lunok
Inom——-Lunok
Nanlumo ako ng matapos kong ubusin ang beer, ako ang last nakaubos.
"Wahhh" naisigaw ko talaga siya at tuwang tuwa naman ang magjowa and as usual wala na naman reaction si Mr. Antipatiko.
"Talo ako" with my malungkot na face. Pinahid ko ang basang bibig ko. Biglang umikot ang mundo ko.
"Akala ko malakas ka uminom, ang bagal mo pala" ayan na naman siya bumabanat na naman. Kunyari lang yun na malakas ako uminom pero feeling ko babaligtad na sikmura ko.
"So ano ang consequence ko?" mahinang sambit ko, nakakainis.
"Ikaw mgbabayad ng bill namen!" sabi ni Mr Antipatiko
Laking gulat ko, napakagat ako sa labi ko ngayon pa lang kinakalkula ko na if magkano ba ang naorder ng mga to. Naku mukhang madami na sila naorder kulang pa tong sweldo ko for tonight na pambayad ng mga to.
"Ganun?" mahinang sabi ko. Bakit ba kasi hindi ko muna tinanong ang consenquence. Ang tanga tanga ko!.
"Joke lang yun Vet, wag ka maniwala diyan kay Brandon treat niya yan saka bayad na to noh, kaw talaga Brandon pinakaba mo si Vet." sabi ni Salve.
Shocks! Akala ko ako na mgbabayad nito. I looked at Brandon at nakita ko ang laki ng ngiti niya tipong hanggang tenga na.
"Namutla ka ah? Kala mo ikaw na magbabayad noh?" he's laughing at nakahawak pa talaga siya sa tiyan niya. Inirapan ko siya and looked away. Bwiset! Pinagtripan niya ako.
"Nga pala Vet, amin na ang number mo eto oh lagay mo" buti nalang sumabat si Salve, hindi ko na alam isasagot ko dito kay Mr. Antipatiko. Iritang irita na ako sa kanya. Nilagay ko ang number ko sa cellphone ni Salve after that I looked at Brandon and shot him a death glared. Ang sama- sama niya para pagtripan ako.
"Ayan pinaring ko cellphone mo" Ani Salve, kinuha ko ang cellphone ko at sinave ang number niya.
"Ok saved na thanks" nahihilo na ako, sana makauwi pa ako ng maayos at buhay.
Napatingin ako ng may naramdaman ako na tumabi sa akin. Si Caleb.
"Hi guys, did you enjoy your night?" tanong ni Caleb sa kanila.
"Yes of course super enjoy, lalo na friends na kami ni Vet" masayang sabi ni Salve.
"K namumula ka na ah, hatid na kaya kita?" nagaalala na sabi ni Caleb.
"Nga pala si Caleb pala ang may-ari ng bar" pinakilala ko siya sa tatlo. At ano pa nga ba hindi na naman interesado tong isang katabi ko, tinignan lang niya si Brandon at hindi tumugon sa pakikipagkamay ni Caleb ang bastos diba?
"So hatid na kita, mukhang lasing ka na eh?" sasagot na sana ako ng sumabat si Mr.Antipatiko
"It's ok dude I'll take her home" ano daw? Lumingon ako sa kanya but he's looking at his cellphone. Ako ihahatid niya? No way...
"Ah ok good ingatan nyo siya ah, medyo lasing na eh. Mahina lang uminom to pero mukhang madami na siya nainom" ani Caleb sabay akbay sa akin.
"Hindi pa ako lasing Leb, mukha lang" pero lasing na talaga ako feeling ko nga hindi na ako makakatayo.
"Ok cge, I trust you text mo ko when your home na. I'll go ahead bahala na sila Cita magsara ng bar" then he kissed me on my cheeks then whispered me
"Take Care"
"Ingat ka sir" paalam ng magjowa.
"So hatid ka na namin?" tanong ni Eddie, gusto ko na din umuwi. Hays hilong hilo na ako. Kanina okay pa ako eh.
"Sure kayo? Medyo out of way eh. Magtataxi na lang ako" out of way talaga Paranaque sila ako Muntinlupa.
"Hindi ok lang si Brandon maghahatid sayo. Dalawang kotse kasi dala namen" si Eddie pero hindi naman kumikibo si Brandon.
Tumayo na ako, shocks nahihilo ako. Medyo napahawak kasi ako sa upuan pagtayo ko. Parang naging gelatin ang tuhod ko.
"Ok ka lang friend?" pag aalala ni Salve sakin.
"Oo ok lang ako, medyo nahilo lang ako" feeling ko hindi na ako aabot sa parking lot.
"Alalayan mo siya Brandon mukhang hindi na niya kayang lumakad" narinig kong utos ni Eddie.
"Ok lang ako Eddie" I smiled at them , kunyari lang kaya ko. Pero grabe talaga ang mundo ko umiikot. Feeling ko duling na ako.
"Akin na ang bag mo, nakakaawa ka naman alalayan na kita" hindi na niya hinintay na iabot ko sa kanya ang shoulder bag ko basta na lang niya hinila sa akin ito. He pulled me closer to him and his arm encircled on my waist.
Nakarating na kami sa parking lot na akay akay niya ako, habang nakalagay ang kamay niya sa bewang ko, Dikit na dikit ang balat namen. Naghalo-halo na ang pakiramdam ko with matching hilo at pakiramdam ko masusuka ako any moment at the same time goosebumps are all over my body knowing that sobrang lapit niya sa akin.
Binuksan niya ang passenger seat door at dahan-dahan niya akong inalalayan para makasakay.
"Ayos ka na ba diyan Vet?" si Salve na nakasilip sa bintana.
"Yes ok naman ako. Thank you sa inyo ah" nakipagbeso-beso muna sa akin si Salve bago sila nagpaalam ni Eddie. Lumingon ako kay Brandon after they leave.
"Thank you Brandon ah, sorry mabigat ako" nakatingin lang siya sa akin. Hindi man lang siya nagreply sa sinabi ko. He started the engine and still I did not get any response.
Nilakasan niya ang aircon, Jusko lalo akong nahilo ng maamoy ko ang pabango ng sasakyan niya.
"So san ba ang bahay mo?"
"Ah mag expressway na lang tayo ako na magbabayad ng tollgate." nakakahiya naman kasi hatid na niya ako tapos nakaabala pa ako. Kaya kahit tollgate man lang ako na magbabayad.
"Ok" tipid na sagot niya.
Hindi pa kami nakakalayo, shocks nasusuka talaga ako... Paano ba to?
"Brandon." hala nasa lalamunan ko na feeling ko susuka na ako anytime.
"Oh"
"Ok lang ba tigil tayo sa next gas station?" ang higpit ng hawak ko sa seatbelt ko. Lord wag muna nakakahiya sa kanya pag dito ako sa kotse niya sumuka.
"Bakit?" he asked me pero sa daan lang siya nakatingin.
"N-nasusuka.. kasi ako" Oh my gulay hindi ko na kaya. Buti na lang may malapit na gas station na. Lalamunan ko help me pigilan mo muna ang suka ko.