"Brandon" tawag sa akin nitong si Velvet kanina pa siya na parang hindi mapakali.
"Oh" I respond.
"Ok lang ba tigil tayo sa next gas station?" her voice were shaking.
"Bakit?" I answered without looking at her, I just continue driving.
"Nasusuka kasi ako" ramdam ko na ang hirap sa boses niya.
"OK hold on" sabi na, lasing na siya she's just pretending that she's okay.
"Thank you talaga ah. hik hik... hindi naman talaga ako malakas uminom eh. Hik hik..." sinisinok pa siya.
"Okay andito na tayo." bumaba ako ng kotse at inalalayan siyang makatayo, ang bigat niya she can't barely walk. I grabbed her waist para mapunta ang bigat niya sa akin ayaw ko naman siyang buhatin nakakahiya sa mga tao sa paligid.
Andito lang ako sa labas ng cr, naririnig ko siyang sumusuka, kawawa naman. Since wala naman tao sa cr I decided to go inside and help her bahala na kung may biglang pumasok.
"Are you okay?" nakatungo siya sa bowl ng cr at nakahawak ang dalawang kamay niya sa haligi ng cubicle. Inayos ko ang buhok niya dahil g**o g**o na.
"I think I'm okay na" maluha-luha na ang mga mata niya dahil sa dami niyang sinuka, naawa talaga ako sa itsura niya ngayon. Parang kanina lang ok pa siya. Inalalayan ko siyang makapunta sa lababo sa labas.
Ngayon mukhang na siya basang sisiw. Hinilamusan ko kasi ang mukha niya para mahimasmasan siya, kumuha ako ng paper towel at pinunasan ang basang mukha niya at inayos ko din ang magulo niyang buhok after that hinawakan ko ulit siya sa bewang niya at inalalayan na maglakad pabalik sa kotse.
Inadjust ko ang upuan niya para makahiga siya ng bahagya, dahan-dahan ko siyang iniupo at iniwanan ko muna siya saglit para makabili ng mineral water.
"Velvet?" tinawag ko siya ng makabalik ako sa kotse, nakatulog na siya. Niyugyog ko siya para magising pero walang epek. I opened the light to check her, she's sleeping soundly. She looks so tired.
"Velvet?" I called her again, pero hindi talaga siya magising. Paano na to'? Paano ko siya ihahatid I don't know where she live?
Nagisip ako. Anong gagawin ko sa kanya?
Tawagan ko kaya si Salve? Para doon ko na siya patulugin. I dialed the number of Salve, pero hindi siya sumasagot. I also tried to call Eddie but same thing they were not answering my call.
I glimpsed at her pero bumalik ang tingin ko sa kanya then now I can't help but to stare at her. Now ko lang napansin ang lungkot sa mga mata niya na kahit nakapikit siya mukha siyang depressed.
Sinuntok ko ng paulit-ulit ang manibela ko, I dunno what to do with her? Saan ko ba siya dadalhin? Tinignan ko ulit siya at napailing ako ng paulit-ulit. Wala na akong choice kargo de konsensya ko na siya, wala na akong iba pang pwedeng dalhan sa kanya. I started the engine at nagsimula na ulit magmaneho pauwi sa bahay ko.
Nang makarating na kami sa labas ng pad ko, agad kong binuksan ang gate at ipanasok ang kotse ko sa garahe. Nagulat ako ng bumukas ang mga ilaw sa loob at nakita kong lumabas si Nanay Teresa, agad akong napangiti ng nakita ko siya.
"Oh iho andito ka na pala." Siya ang Yaya ko since bata pa ako, siya na din ang tumayong pangalawang nanay ko.
"Thanks po Nay, nga pala may kasama ako pwede po bang paayos ng guestroom ko."
"Sige"
"Salamat po."
Pumasok na si Nanay ako naman ay bumalik sa kotse ko. Tulog na tulog pa rin siya.
I put my arm behind her legs at ang isang kamay ko naman sa likod niya at binuhat ko na siya palabas ng kotse at naglakad na ako papunta sa guestroom. Since nasa second floor ang kwarto ko hingal na hingal ako ng makarating kami, I gently lay her down.
Parang pagod na pagod naman siya at ang lalim ng tulog niya. Hindi man lang niya namamalayan ang mga nangyayari. Inutusan ko na din si Nanay Teresa palitan siya ng damit, pumunta muna ako sa kwarto ko para mag hot bath.
"Ok na iho, napalitan ko na siya ng damit niya pinahiram ko muna siya ng damit ko." Ani ni Nanay na nakaupo sa gilid ng kama. Nagpaaalam na din siya na lalabas na at magpapahinga na daw siya.
Habang sinasara ko ang pintuan, I heard her groaned, nilingon ko siya at nakita ko siyang nagpalit ng pwesto. Nakatagilid na siya ngayon. Umupo ako sa tabi niya at tinignan siya.
I gazed at her face, she have a pair long eyelashes, expressive eyes, she have a straight-edge nose and she also have a glossy pouty red lips or I should better describe it as a seductive and tempting lips.
I shook my head in astonishment. How could I describe her like this, I scratched my forehead and grinned at myself.
This is unbelievable.
"Babe" she whimpered.
My eyes widened when I saw tears trying to escape from her closed eyes.
"You told me .. You love me, pero bakit?" she said in between sob, Dang! Why she is crying out of the blue? I dunno but there is like a magnet between us that it made me lie down next to her and wrap my arms around her unconsciously, maybe to comfort her.
"B-bakit mo ko i-iniwan?" she silently sob. I cupped her face and gently caress it. I'm not sure what I'm doing but maybe it can help her. I think she's dreaming.
"I love you babe" she softly said, nagulat ako when she hugged me. Pinatong din niya ang legs niya sa legs ko.
I can't breathe. Hindi naman mahigpit ang pagkakayakap niya sa akin but I feel suffocated right now. I shut my eyes and all the world drop deads.
I lift my lids slowly pero ayaw pa magbukas ng mga mata ko, I wanna know bakit parang may naririnig akong ingay sa labas ng kwarto ko. I rolled my body to the side at niyakap ang unan ko.
Teka! Bakit parang hindi unan ang kayakap ko.
"Good Morning nak" is that my mom? I felt a poke at my back. I opened my eyes and saw my Mom grinning.
"Brandon!." I blinked for so many times, to make sure kung tama ba na si Mommy ay andito. Nagtataka ako bakit hindi maalis ang ngiti sa mga labi ni Mommy sa akin at hindi na siya nakatingin sa akin. Nilingon ko ang katabi kong unan.
Darn! Hindi pala talaga unan ang katabi ko.
Si Velvet!!..
"Who Is she anak?" nataranta akong napaupo, nag unat-unat naman si Velvet. Halatang hindi niya alam na nasa ibang lugar siya, humikab pa siya without covering her mouth. She then opened her eyes and she's just looking at the ceiling.
Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanila ni Mommy, bakit ba kasi bigla na lang sumusulpot tong Mommy ko. Ngayon pa talaga na may kasama akong babae dito sa pad ko. Patay ako nito..
"Hi good morning iha, Mommy ako ni Brandon how are you? Nak what's her name?" my mom greeted her when their eyes meet. Agad na napaupo si Velvet at takang taka kung nasaan siya. Her eyes are roaming around my room.
Hinintay ko si Velvet kung magsasalita siya kaagad pero mukhang wala pa siya sa ulirat.
"Velvet Ma." I answered first.
"Hello po.. Good morning po" matagal bago nakapagsalita si Velvet, she looked at me with so much confusion in her expression. My mom moved to the side to reach Velvet and give her a peck in her cheeks. Until now my mom smile were still there. Ano bang meron?
"Sige maiwan ko muna kayo, naabala ko kasi kayong dalawa. I'm really sorry hindi ko naman alam na andito pala ang girlfriend mo nak. Mauna na ako pupuntahan ko pa si Daddy mo may meeting kasi siya ngayon sabi ko lang sa kanya na dadaanan muna kita dahil miss na miss na kita. Then mamayang gabi we will have a dinner please bring Velvet with you para naman makilala siya ng daddy mo. Okay?" sa akin naman lumapit si mommy at hinalikan ako sa noo ko and also give me a quick hug at nagpaalam na din siya.
Hinatid ko na lang si mommy sa tingin, I don't have much energy right now para tumayo. Sobrang bilis ng mga pangyayari, but mom forgot to close the door. Tumayo ako at sinara ito.
"Anong ginawa mo sakin?" mahinang sambit ni Velvet habang yakap-yakap ang sarili niya. Paglapit ko sa kanya, bumuhos ang sunod-sunod na luha sa mga mata niya.
"Bakit ako andito, sabi mo ihahatid moko" ang lakas na ng hagulgol niya, wala akong masabi. Hindi ako makasingit sa kanya.
"Bakit iba na ang damit ko? Bakit... bakit... bakit...?" sinuntok niya ako sa braso ko at sa dibdib ko. Paano ako mageexplain ang daldal niya.
"Kala ko mapapagkatiwalaan kita bakit moko pinagsamantalahan? Ganyan ba talaga kayong mga lalaki huh? Bakit.. bakit..bakit.. bakit ..bakit?" she keeps on punching me, umiiwas na ako ang sakit na kasi eh.
I did not take advantage of her, oo siguro pero slight lang. I just hugged her. Yun lang. Ang OA nitong babae na to'.
"Ano pa maipagmamalaki ko sa mapapangasawa ko? Magnanakaw ka , magnanakaw. Holdaper, Hinostage mo ako. Sisigaw na ako ng r**e!!!" napakunot ang noo ko. Pinipigilan ko lang ang humagalpak ng tawa. Is she crazy?"
"Rapeeee"
"Rapistttt."
"Ni-r**e niya ako."
Tinakpan ko ang bunganga niya. Ang kulit niya grabe, pero kinagat niya ako kaya tinanggal ko ang kamay ko.
"Sana ninakaw mo nalang ang bag ko, ang cellphone ko ang sweldo ko diba? Waa... Bakit katawan ko pa kinuha mo huh?" teka hindi talaga ako makasingit sa babaeng to.. Ang daldal niya grabe.
"B-bakit kasi ang katawan ko pa. Meron naman akong pera dito, pwede naman yun na lang eh." Napakamot ako sa batok ko, kung hindi lang ito babae malamang nakotongan ko na to. Nanahimik siya for a moment pero hindi ang mga luha niya.
"Husshhhh" pag-aalo ko sa kanya. Pinunasan ko ang luha niya. Nakakaawa siya na nakakatawa dahil ang OA niya
"I did not do anything that will harm you. Okay?" Nagulat siya sa sinabi ko. Tinanggal niya ang kamay ko na nasa mukha niya.
"Hindi ako ang nagbihis sayo, si Nanay Teresa papakilala ko siya sayo mamaya" mukhang naniniwala na siya, she gently wiped her tears. At nagiwas siya ng tingin sa akin.
"At isa pa hindi kita type para pagsamantalahan ka. You're not attractive enough to get my attention" iniangat niya ang mukha niya at tinignan ako ng masama.
"A-hh.. Okay! Mabuti na yung maliwanag. Ikaw naman kasi hindi kaagad nagsasabi. Hinintay mo pa akong lumuha ng sangkaterba dito. Nakakainis ka alam mo ba yun?" Paninisi niya sa akin nang-irap pa ah.
Ako pa talaga may kasalanan ah. Ayos..!