Chapter 6

3897 Words
"Dito na ang bahay ko, salamat Brandon at pasensya na kanina ah. Ang OA ko kasi." Hinatid ako ni Brandon pauwi sa house, hindi na ako tumanggi since he insisted. Tumigil na si Brandon sa tapat ng bahay namin. Nilingon ko siya na hiyang-hiya pa rin ako. "It's okay." He answered flatly. "Paano nga pala tong damit na hiniram ko?" buti sakto sa akin ang mga pinahiram ni Brandon na damit I dunno kung kanino to basta inabot na lang ni Nanay Teresa kanina. "Itapon mo na lang." his voice was cold. Galit ba siya sa akin sayang din tong damit na to. "Ah okay, salamat ulit. Mauna na ako ingat ka." Binuksan ko ang pintuan ng kotse niya hindi ko na siya narinig na sumagot sa akin, yumuko ako bago siya umalis at kumaway sa kanya. After that pinaharurot na niya ang kotse saka na lang ako pumasok ng bahay ng hindi ko na siya makita. Pagpasok ko ng bahay ay nakita ko si Mama na nasa kusina at nakapamewang ang sama pa ng tingin niya sa akin. "Anong oras na? Maghahapon na at sino yung naghatid sayo?" tanong ni Mama, lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. Hindi ako makasagot hindi ko kasi alam paano ako mageexplain. Pagdating kay Mama open ako sa kanya all about me alam niya. She's my bestfriend, my true friend. Pumunta ako sa ref at kumuha ng malamig na tubig. "Velvet." She yelled. Humarap ako sa kanya at yumuko. "Ma, wala po yun. Friend ko lang po, may pinuntahan lang po akong officemate kanina kaya late na ako nakauwi. Sorry po." Hindi ako makatingin kay Mama, coz I'm lying. "Pero bakit iba ang damit mo? Hindi mo damit yan ah." Napakagat ako sa labi ko ng sobrang diin, patay na. "Tumingin ka sa akin! Yung totoo saan ka galing?" she's mad na. I looked at her slowly, ang hirap magsinungaling. "Ma, sorry po nag-inuman po kasi kami. Nasuka ako sa damit ko, kaya pinahiram ako ng officemate ko ng damit." Agad akong nilapitan ni Mama at piningot ako, napangiwi ako sa sakit. "Kaw talagang bata ka. Ang paginom ng alak wala yang magandang idudulot sayo, saka yung naghatid sayo nanliligaw ba yun sayo?" nagpapadyak ako sa sahig, naloloka na ako sa Mama ko ang daming tanong feeling ko nakasalang ako sa lie detector test ng NBI. "Hindi Ma, wala akong manliligaw. Hindi na po mauulit promise. Pwede na po ba akong umakyat sa kwarto ko? Magpapahinga lang ako." Buti naman pumayag na si Mama, pagod na pagod ang utak ko sa araw na ito. Agad kong chinarge ang cellphone ko sobrang lowbatt after that padabog kong inihiga ang katawan ko sa kama at tinitigan ko ang kisame. I remember the scene we had, on how I scold Brandon with my wrong accusation. Hiyang hiya ako halos lamunin ako ng lupa when he introduced Nanay Teresa, she told me that she's the one who changed my clothes. Pero kasalanan ko ba na magisip ng ganon? Haller dalawa lang kaya kami sa kwarto tapos wala pa akong maalala sa mga nangyari. I don't even know how I end up in Brandon's room. Sabi ko magpapahinga ako pero ang utak ko laging binabalik ang mga pangyayari kanina. Ganoon na pala katagal akong nagiisip kasi naman when I checked my phone 80% na ang battery niya. Tinanggal ko ito sa saksak at naglogin ako sa f*******: ko. Puro mga chismis, kabitteran, video ng kung ano-ano lang ang nakikita ko. Pero sa last scroll ko, biglang gusto kong ibato ang phone ko. Mateo posted a picture of him with her new girlfriend with captions of #bosslady #youmademehappy Nagwala ako, hinagis ko lahat ng unan pati ang kumot ko. Ang sakit pa rin pala. Akala ko kasi forever na kami ni Mateo. Pareho lang pala sila ni Papa, iniwanan kami ni Mama. Nakita ko ng bata pa ako paano nagmahalan ang parents ko but when Papa decided to go abroad lahat nagbago. Hanggang sa nawalan na kami ng komunikasyon sa kanya tinalikuran na niya kami ni Mama. Lalo akong nasaktan, ganoon ba talaga ang mga lalaki? Hindi marunong makuntento? Ganoon lang ba sila mahilig mang-iwan? Ang dalawang lalaki na mahalaga sa buhay ko iniwanan na ako. Matagal ko ng natanggap ang about kay Papa, I just need to learn how to accept that me and Mateo are really over. Wala na, tapos na kailangan ko na talagang mag move-on. Once again I cry, tears pouring down my cheeks, unable to let go I let my tears to flow from my stinging eyes. Ang bigat ng pakiramdam ko ngayon, pakiramdam ko wala na akong karapatan maging masaya. I closed my eyes maybe this can help ease the pain. Mabigat pa ang talukap ng mga mata ko, pero ang ingay ng cellphone ko. Kinapa ko ito sa kama ko, nakatulog ako ng wala man lang unan sa ulunan ko. Naalala ko hinagis ko nga pala ang mga ito. Nang makapa ko na ang cellphone ko, my eyes are half open at pinindot ko ang button para sagutin ang tawag. "Hello" inaantok pa na sagot ko. "Please be ready I'll fetch you at 7 sharp okay" binuksan ko ang mga mata ko at tinignan ang screen ng cellphone ko, unregistered number ang tumatawag. Biglang nagising ang diwa ko. "Huh sino to?" "Brandon." napaupo ako sa kama ko ng wala sa oras. Paano niya nalaman ang number ko. At bakit niya ako susunduin. "Anong meron?" takang tanong ko. "Wala akong choice, remember my Mom invited you to come with us for a dinner tonight. She called me again to remind me about it. So be ready wear something formal." Napakamot ako sa noo ko, ano ba kasi pinagsasabi nito. "Ayaw ko may pasok ako sa work later" I decided I need to move on and fix my situation, I have a job and I need it now. "Babayaran ko na lang ang araw mo dodoblehin ko pa, magagalit sa akin ang Mommy pag wala ka. She threatened me when she called me kaya mag-ayos ka na." ma-awtoridad na sabi niya. Sobra akong naguguluhan. Kailangan ba talaga andon ako hindi ba sila makakakain pag wala ako? "Ok gotta go. See yah" he hung up at iniwan niya akong lutang at wala sa sarili. Nakatitig lang ako sa cellphone ko, akala ko pa naman hindi ko na makikita ang antipatikong to. After few minutes bumalik na ako sa ulirat, nilapag ko na ang cellphone ko sa bed side table at pumunta sa tokador ko para maghanap ng masusuot ko. Papasok na ako sa work. Tumunog ulit ang cellphone ko, patakbo ko itong kinuha. Malamang si Brandon to, buti tumawag siya para matalakan ko siya. Sinagot ko ito ng walang kaabog-abog. "Ano na naman? Ang kulit hindi nga ako pwede! May pasok ako at hindi ako pwede umabsent. Wala akong pakealam sa pera mo." asar na sabi ko sinigawan ko pa siya. "Ane dew?" napatingin ako sa screen ng telepono ko. Shocks si Nadine pala. "Ay sorry bes, kala ko yung makulit ko na caller ko" for sure kaya siya tumawag dahil kukulitin na naman niya ako na pumasok na. "Sinong makulit na caller mo?" usisa niya. "Wala yun, papasok na ako bes don't worry." Pagiiba ko ng usapan. "Buti naman, sige kita kits later. For sure matutuwa ang buong team sa pagbabalik mo." Saglit lang ang paguusap namin. Nagpaalam na ako kay Iza at naghanda na para maligo. Paglabas ko ng banyo saktong may tumatawag na naman, ngayon tinignan ko na kung sino ang caller. Unregistered number na naman baka si Brandon na to. "I'm on my way, see you in a bit" then he hung up Bastos talaga hindi man lang ako hinayaan makapag-hello, sana ngtext na lang siya para hindi nakakainis diba? Ang sarap niyang sabunutan. Pampasira ng araw talaga yung lalaki na yun. Nagpatuloy ako sa pagbibihis. Nakaupo ako sa tapat ng salamin habang nag aayos ng buhok ko ng magbukas ang pintuan ng kwarto ko. "Nak, my bisita ka. Wala ka ba pasok ngayon?" si Mama, sino naman kaya ang bisita ko. "Sino daw yun Ma?" "Brandon daw name niya. Binigyan niya nga ako ng flowers at brownies. Mabait at magalang siya infairness at masarap ang dala niyang brownies. May dinner daw kayo ipapakilala ka daw niya sa Daddy niya." Hindi ko naitago ang panlalaki ng mata ko. Anong ginagawa niya bakit niya binanggit yun kay Mama. "Ma, eh kasi." Hindi ko alam anong sasabihin ko, nakatingin lang ako sa Mama ko na nakangiti sa akin na makahulugan. "Ikaw talaga anak, masyado ka ng malihim sa Mama mo. Matagal naman na kayo wala ni Mateo. Okay naman na mag-entertain ka ng manliligaw basta lang dito sila pupunta sa bahay para makilatis ko." My jaw dropped, ano daw? Ano bang pinagsasabi nitong Brandon na to sa Mama ko. "Mama naman eh." Maktol ko. "Sige na bilisan mo na diyan. Bababa muna ako kausapin ko muna siya." Iniwanan ako ni Mama na nanlulumo. Anong problema ba nito ni Brandon at dinadamay pa niya ako sa kahibangan niya. Agad akong nagpalit ng damit , sasama na lang ako para matapos na tong kalokohan ni Brandon. Hanggang ngayon hindi ko pa rin magets bakit ako invited and his Mom don't even know me. Siyempre lalo naman si Brandon we just met yesterday then ngayon dinner with his family. Kakaloka! Papasok na dapat ako bakit pa kasi ako dapat kasama? "Magagalit sa akin ang Mom pag wala ka. She threatened me when she called me awhile ago" naalala ko ang sinabi niya kanina. Bakit naman magagalit Mom niya sa kanya aber? I'm just a stranger. I don't even know them, malaking palaisipan talaga. Whatever! Ok na din yun makalibre man lang ng dinner. Makababa na nga. Pagbaba ko sa kwarto ko nakita kong kausap ni Brandon si Mama. May hawak siyang bouquet ng bulaklak. "Hi" bati niya sa akin, agad siyang tumayo ng makita akong pababa ng hagdan. "Hi, thanks" inabot niya sakin ang flowers na dala niya. Bakit ano meron pati ako may bulaklak din? "Tita, salamat po sa tiwala. Alis na muna po kami ni Velvet, ihahatid ko din po siya after." Nagpaalam na si Brandon kay Mama. Hinatid kami ni Mama sa labas, inalalayan ako ni Brandon makaupo sa passenger's seat. "Ma, sara mo maigi mga pinto at gate ah. Love u ma" habilin ko kay Mama bago kami tuluyan umalis. Ang pormal ni Brandon ngayon, saan naman kaya kami magdi-dinner? Kinakabahan ako baka mamaya sosyalin ang puntahan namin tapos ang simple lang ng blue dress na suot ko. Nag wedge lang din ako at konting make-up. Baka mapahiya ako nito. Tahimik lang si Brandon habang nagmamaneho hindi man lang niya ako kinakausap or magexplain ano ba talagang nangyayari. "Where are we going?" ako na ang unang nagsalita. "Sa Makati, andun kasi sila Mommy" he answered firmly. "Bakit kasi kailangan kasama pa ako doon? Pwede naman na kayo-kayo lang." "Do I need to answer that?" wow, napasandal ako ng madiin sa upuan. Grabe talagang lalaki na to'. He's so impossible. "Of course, first of all we just met yesterday wala pa ngang 24hrs tayong mgkakilala then you gave me flowers, for what? Then I need to be present on your family dinner I'm just a stranger you know? Tapos hindi ka magpapaliwanag sa akin bakit?" inis na singhal ko sa kanya, napatingin siya sa akin at napailing. Napahawak ako sa bibig kong madaldal. Bakit pa kasi natanong ko what is the meaning of the flowers he gave me? Baka isipin niya feeling ko nanliligaw siya. Ang tanga ko. "Okay, akala ng Mommy ko that you're my girlfriend. Nakita lang naman niya tayo kanina sa kwarto ko." Nagulat ako sa sinabi niya, napasinghap ako at nagpahalukipkip. "I'm sorry to hear that, just tell her the truth. Madali lang naman yun eh sabihin mo friend mo lang ako, sabihin mo na lang ang totoo tapos bababa na ako wag mo na ako isama." He looked at me sharply, I rolled my eyes in disbelief. "Sana ganoon lang kadali, my Dad already know what my mom saw eaelier, he is conservative and he can't accept it, if they will find out that we don't even know each other and then you're in my room alone with me. So what do you think they will assume?" pagpapaliwanag niya. Napasapo ako sa noo ko. "Hindi ko pa din gets, sorry slow" slow na kung slow pero hindi ko talaga maintindihan. " I don't want them to be disappointed with my actions." he continued explaining. Pero eto ako still, hindi ko pa rin maintindihan. Nanahimik na lang ako at hindi na nagsalita. Binaling ko na lang ang atensyon ko sa labas, ang trapik pala. Andito pa lang kami sa may Alabang. "Velvet." I felt a poked in my arm. Nakatulog pala ako hindi ko man lang namalayan na andito na kami. A valet opened the door for me, sosyal nasa isang hotel kami. Inabot ni Brandon ang susi dito at sumakay ito sa kotse ni Brandon. Bigla akong kinabahan, nag ririgodon ang dibdib ko. Bakit dito kami kakain napakasosyal dito ang damit ko napakasimple lang nakakahiya talaga. Pagpasok namin sa entrance ng hotel ang daming bumabati kay Brandon, at kilala siya ng mga staff dito. Brandon grasped my hand and hold it firmly. "Nakakahiya, ang panget ng attire ko sa lugar na to" I muttered, inililibot ko ang mga mata ko sa paligid. Puro kasi mga nakaformal ang mga nakikita ko ako lang ata ang simpleng suot dito. "Don't worry you looked stunning with your blue dress." He looked at me and give me a coy smile. Talagang pinalakas niya pa ang loob ko ah. "Mr Aleman this way." Sabi ng isang staff, he pressed the button of the elevator. Pinauna niya kaming pumasok at ng makarating kami sa second floor he politely assist us going to the restaurant. As soon as we entered I saw her mom waving at us. "Sorry we're late." Brandon apologized. Tumayo ang mom niya para lapitan ako. Nagbeso-beso kami. "Hello po good evening" bati ko sa kanila. I saw his daddy smiling at me lumapit din siya sa akin and give me a peck in my cheek. "Hi Velvet, nice to see you again. Akala ko hindi ka makakasama sabi kasi ni Brandon masama daw pakiramdam mo. Are you okay now?" her mom asked me, napatingin ako kay Brandon. Hindi ko kasi alam kung ano ang isasagot ko. "Mom, she's feeling better now. Dinalhan ko siya ng gamot." Si Brandon na ang sumagot. "Mabuti naman, iha this is my esposo, love siya ang sinasabi kong girlfriend ng anak mo. Ang ganda niya diba?" I felt my cheeks burning, hindi ko alam kung dahil sa papuri ba to or sa kahihiyan. Ano daw ako girlfriend ng anak nila? Juzmeyo Marimar. "Hello po nice to meet you, I'm Velvet nga po pala" pagpapakilala ko sa sarili ko. Brandon grabbed a chair at inalalayan ako makaupo. "Yea Velvet I want to formally introduce you to my mom and dad. Mom Dad this is Velvet my girlfriend." Pinilit kong ngumiti dahil ang tatamis ng mga ngiti nila sa akin. Pero ano ba tong pinasok ko? "Iha, how long have you been together? You know as a couple?" tanong ng mommy niya, ano isasagot ko? Oh my gulay.. "We've been dating for 3 months Mom" buti na lang siya sumagot,, hindi ko talaga alam sasabihin ko. Kinurot ko si Brandon dahil hindi naman ako nainform sa mga ganitong eksena. Tumingin siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Oh that's good to know at least your over about your friend Cham" sabi ng mommy niya tinapik naman siya ng daddy ni Brandon at may binulong. "Kaw talaga Love, don't mention it. Baka magselos si Velvet." Suway ng daddy niya. Nosebleed na talaga ako. What's going on? Parang gusto ko nalang mawala ng bigla. "How's my son to you Iha?" tanong ng daddy nya. Ano isasagot ko? Ni hindi ko nga kilala tong damuho na to. Tumingin ulit sa akin si Brandon na tipong sinasabi nito na sumagot ako ng maayos. "He's an almost perfect boyfriend po for me. He's so gentleman, thoughtful at ang sweet niya po sobra." Lihim akong napabuntong-hininga ano ba tong mga sinasabi ko. "That's very good to know" makikita ang sobrang tuwa sa ekspresyon ng mommy at daddy niya hindi talaga maalis ang mga ngiti sa mga labi nila. Buti na lang at dumating na ang mga pagkain namin at nabaling ang atensyon nila dito. Tahimik kaming kumain. Ang daming food iba't ibang klase, my Chinese, Mediterranean, Japanese, desserts at wine. "Son i guess you better focus here sa hotel, ako na bahala sa car business natin " his daddy breaks the silence. "Talaga Dad?" ani Brandon, nilagyan niya ng red wine ang baso ko. "So anak, ano pa ba ang hinihintay mo mag propose ka na kay Velvet?" sabi ng Mom niya. Gusto ko ng mag-walkout alam kong masarap ang pagkain na nakahain pero ano ba tong nangyayari sa akin. This is so much. "Yes ma malapit napo, sayang it's not a surprise anymore" natawa pa siya ah. Gusto ko ng umalis parang pinagtritripan nila ako. "Can you excuse me, I'll just go to the powder room" singit ko. Hindi na kasi ako makahinga sa mga kaganapan. Inalalayan ako ni Brandon tumayo. "Bakit ka sumama?" tanong ko sa kanya ng makita ko siyang naglalakad sa tabi ko. "Baka kasi hindi mo alam ang restroom?" aniya. "Siguro feeling mo tatakas ako ano?" asar na sabi ko sa kanya. Tinuro niya sa akin kung saan ang restroom. "Hindi naman, sige I'll wait you here." Pumasok na ako ng cr at natulala na lang ako sa salamin. Nagretouch lang ako saglit after nito magpapaalam na ako kay Brandon. "Are you okay?"tanong niya paglabas ko ng cr. Ang lakas ng loob niya na tanungin ako. Malamang hindi. "Sa tingin mo? You invited me for a dinner, brought me some flowers then ngayon your parents are acting weird! Mababaliw na ako sa inyo.?" inis na sabi ko "I'm sorry to put you on trouble, I'll explain it later okay" nagulat ako kasi hinawakan niya ang kamay ko at hinila na ako pabalik sa mesa namin. "Brandon we have an emergency meeting, samahan mo muna si Velvet maglibot sa hotel okay? Babalik kami iha." sabi ng mommy niya naiwan kaming dalawa ni Brandon. Kumuha na lang ako ng desserts baka sakaling makatulong ito matanggal ang inis ko dito sa katabi ko. Tahimik lang ako at hindi ko siya kinakausap. "Are you done?" he asked, tumango lang ako. Tumayo siya at inilahad ang kamay niya sa akin. "Let's go I'll tour you around." Padabog kong inabot ang kamay ko sa kanya ang nakasimangot na tumayo. Lumabas kami ng hotel at naglakad-lakad, we end up on a mini bar sa tabi ng pool. He ordered me strawberry shake and a vodka for him. Tahimik lang siya habang hawak ang cellphone niya, ginaya ko na din siya nagulat ako ng magring ang cellphone ko. Patay si Nadine.. "Excuse me" lumayo ako at sinagot ang phone ko "Hoy bruha, asan ka huh? Kala mo hindi ko alam I smell something fishy?" bungad ni Nadine ng sagutin ko ang phone. "May inaasikaso lang ako" pagsisinungaling ko. "Hoy Velvet, nagpunta ako sa bahay niyo kanina para sabay sana tayo pumasok sabi ni Tita umalis ka ng maaga pa lang at may kasama kang boylet? Sino itech?" ayan na. Lagot na, nakakainis kasi tong si Brandon eh. "I'll explain it to you some other time, sige na bes ah may ginagawa kasi ako. Text na lang kita." para lang matapos ang usapan alam ko hahaba pa to. "Hays ako na naman mag eexplain nito kay Boss, baka wala ka ng balikan na work. Naku ka talaga ayusin mo buhay mo." "Yes bes promise, I miss you na" paglalambing ko sa kanya yan. "Pupunta ako sa house mo bukas and you owe me ng madaming kwento about you and the new boylet, ang sabi ni Mudrakels mo gwapo ang boylet at my tsikot pa?" omg ganyan siya kailangan detailed lahat. "Sige sige na, pumasok ka na baka malate ka pa?" paglingon ko, dito nakatingin si Brandon at nakakunot ang noo niya. Problema non? Nagpaalam na ako kay Nadine at bumalik sa upuan ko. Pagbalik ko I have another fruit shake, naubos ko na kasi yung inumin ko kanina. "Pabalik na sila Mommy" He said without looking at me, hawak niya ang baso ng vodka niya. I sipped my shake at nagreply na lang sa text ni Nadine. "Hi Velvet, did Brandon tour you around? Para sayo bigay mo sa Mama mo. " andito na sila at may hawak na isang malaking box ng cake. Inabot ito sa akin ng mommy niya. "Opo." Maikling sagot ko. "Samahan mo ako let's go to the spa I need a massage right now. Ang sakit ng balakang ko. Hayaan muna natin si Daddy at si Brandon dito mag boys talk muna sila." Pilit akong tumayo at sumama kahit nahihiya ako. Naglakad na kami papunta sa spa ng hotel, sinalubong kami ng mga staff. Binigyan kami ng robe pampalit at dinala kami sa dalawang maliit na jacuzzi nagbabad muna kami. Ang sarap sa pakiramdam ang tapang ng aroma na nilagay pero sobrang bango. "How was it Velvet, it's relaxing diba?" magkatabi lang ang Jacuzzi namin. "Yes po nakakarelax." "Since nabili na namen malaking shares dito sa Hotel, si Brandon na mamahala dito did he tell you about it?" "Hindi pa po." ang yaman pala nitong lalaki na to kaya pala kilala siya ng mga staff. "I'm so happy na napalaki ko yan si Brandon ng matino at matalino. I told him that he need to study hard since siya lang naman ang tagapagmana ng natitirang business namin. This hotel we owned half of it our partner is a Japanese at hindi sila madalas dito so kailangan hands on na talaga." "Sa tingin ko po kaya naman na ni Brandon po I handle itong hotel." I respond. Medyo nahihilo ako hindi ko alam dahil ba sa amoy or sa stress. "You know what iha, una palang kita nakita alam kong bagay kayo ng anak. " I just smiled at her, wala akong masagot. Lalo akong nahilo. "Totoo yun iha, I know how to read people, I know when to tell a person is worth my time and worth my trust and you had it." Ambigat. Pwede ba magpakalunod na lang ako dito at biglang mawala. Smile lang ako ulit. "And I like you for my son, sa lalong madaling panahon aayusin na namin ang kasal niyo, ayaw ko na pakawalan ka pa niya. Baka magbago pa isip mo sa anak ko. At least pag kasal na kayo you two will always make a way to patch up things together diba" Napalunok ako ng sunod-sunod. Kinurot ko ang sarili ko baka nanaginip lang ako. Napangiwi ako sa sakit. This is unbelievable. "Diba iha? Mahal mo naman ang anak ko diba? Handa ka naman pag tiisan siya kahit anong mangyari Diba?" lamunin na ako ng tubig please!!! After that tuluyan ng nagdilim ang paningin ko...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD