Chapter 29

3520 Words
Ilang lingo na rin ang nakalipas simula ng pumunta kami dito sa Bicol. Maayos na ang kalagayan ni Lolo simula ng napacheckup namin siya . I decided to also put a small business here for my mom pinagtayo ko siya ng maliit na grocery store and piggery at salamat naman coz everything is doing well. Mama decided to stay here so she can take care of Lolo. Balak ko na din bumalik sa Manila next week. Tagal ko din walang kontak sa kanila. Paano ba naman nasira ang cellphone ko one time na magswimming kami nasa bulsa pala siya ng shorts ko, pati simcard ay nasira dahil nabasa. So I can't contact anyone of them. Wala din akong time mag-internet saka ang hina ng sagap ng signal dito kaya kahit magregister ako sa unlisurf sayang lang dahil puro loading lang. Naging busy na rin ako sa pagaasikaso ng pagtatayo ng business ni Mama. At isa pa nag-aalala ako baka isipin na ni Brandon na tinakbuhan ko na siya. Minsan kasi makitid ang utak non. Kaya after this week babalik na talaga ako Maynila para mapatunayan sa kanya na hindi ko siya tinakasan it's just that something happened. Maaga ako nagising para tulungan si Mama sa grocery store. Nauna na siya don para magbukas 6am palang kasi nagbubukas na siya. Naligo muna ako at naghain ng agahan para sabay na kami kumain ni Lolo, paupo na sana ako ng may biglang kumatok. Naglakad ako papunta sa sala para makita kung sino itong maaga naming bisita. "Oh D ikaw pala yan tuloy ka sakto sumabay ka na sa aming mag agahan ni Lolo." yaya ko sa pinsan ko. "May bisita ka pinsan. Teka lang tatawagin ko." Medyo nagdikit ang kilay ko sino naman kaya ang bisita ko bumalik na ako sa kusina nakalimutan ko nga palang timplahan ng gatas si Lolo susunod na lang naman yun si D dito. "Halika tuloy ka andito si Velvet." narinig kong tawag niya sa bisita ko. Lumingon ako at tinignan kung sino ang bisita ko na kasama ni D. Literal na nanlaki ang mga mata ko ng makita ko kung sino ito. Si Brandon... Nagulat ako dahil never kong naisip na pupuntahan niya ako dito. Nakita ko ang malaking ngiti niya ng makita ako. Nailapag ko ang tasa ng gatas ni Lolo ng hindi nakatingin dahil nakatitig lang ako kay Brandon natapunan tuloy ako. Napangiwi na lang ako dahil napaso ako. "Goodmorning po Lolo, goodmorning mine." bati niya sa akin. Lumapit siya at nagmano kay Lolo. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na andito siya. Mas nagulat ako ng lumapit din siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi ko. After that nginitian niya ako with matching kindat pa. Bakit kaya siya sumunod sa akin dito? E for Effort ah. "Oh siya Vet mauna na ako nakahain na din ang agahan sa bahay don na lang ako kakain. See you later. Brandon nice meeting you." tinapik niya sa braso si Brandon at lumapit sa akin. "Madami ka pang ikwekwento sa akin napakamasikreto mo talaga ah." bulong sa akin ni Diana, napangisi na lang ako. Nagpaalam na din siya kay Lolo at umalis na. Si Brandon ay napangko lang sa kinatatayuan niya at nakatingin lang sa akin. Hindi pa rin maalis ang mga ngiti sa mga labi niya. I rolled my eyes nakakainis ang aga-aga. "Oh ano tatayo ka na lang ba diyan at titignan ako? Maupo ka na kakain tayo ng agahan" yaya ko sa kanya. Inutusan ko muna siyang alisin ang bag sa katawan niya habang ako naglalagay ng plato niya. "Lolo si Brandon nga po pala." pakilala ko kay Lolo mukha kasing naghihintay siya na ipakilala ko sa kanya ang bisita namin. "Hello po Lolo kamusta na po ang pakiramdam niyo. Ako nga po pala si Brandon b-boyfriend po ng apo niyong si Velvet." pinanlakihan ko siya ng mata. Pero hindi niya ako pinansin binaling niya ang atensyon niya kay Lolo at nakipagkamay kay Lolo. Binigyan siya ng malaking ngiti ni Lolo. Hays ano ba ginagawa niya dito? Uuwi na ako sa Maynila eh sumunod pa siya dito. Lagot na ako! Ang dami ng makakaalam ng tungkol sa kanya. "Maayos naman na ang pakiramdam ko salamat sa aking apo sa pagpapagamot sa kin. Buti at nadalaw mo kami dito." sagot ni Lolo sa kanya. "Opo Lolo gusto ko po talaga sumama dito noong nakaraan kaya lang po naging busy ako sa work, pero since maluwag na ang schedule ko kaya po ako naparito para na rin makita ko po kayo." anito kay Lolo at sabay baling ng tingin sa akin. Ayan na naman ang mga ngiti niya. Kainis bakit ba kasi andito siya. Waahh! "Maraming salamat sa pagdalaw sa akin Brandon. Apo mukhang mabait itong kasintahan mo talagang dinayo pa tayo dito sa Bicol." i fake a smile, mabait ah. Akala lang ni Lolo yun. "Kain na tayo Lo. Kumain ka na diyan Brandon." sabi ko sa kanila, nilagyan ko ng pagkain sa plato niya si Lolo at hinayaan ko na lang si Brandon na kumuha ng sa kanya. Tahimik na kami kumain at ng matapos na kami ay nagpaalam ako saglit sa kanila. Magbibihis kasi ako at pupunta kay Mama. "Saan ka pupunta?" tanong sa akin ni Brandon paglabas ko ng kwarto. Hindi ko siya sinagot at tinuro ko na lang ang kwarto na pwede niya tulugan. Don na lang muna siya sa kwarto ko at tabi na lang kami ni Mama mamaya. "Ayan magpahinga ka muna alam kong pagod ka sa biyahe tinanggal ko na ang mga gamit ko diyan." Andito kami ngayon sa kwarto ko binigyan ko siya ng kumot at unan. "Okay lang ako, saan ka ba pupunta sasama ako" nakangusong sabi niya. "Kay Mama, dito ka na lang muna babalik na lang ako ng lunch time." hinawakan niya ako sa braso at pinaupo sa kama. "Iiwan mo na kaagad ako dito? Hindi naman ako pagod eh." Sabi niya at agad na niyakap ako. "Hindi mo ba alam sobra akong nag-alala sayo akala ko kung napaano ka na kaya sinundan kita dito hindi kasi kita makontak." Nagaalala siya bakit naman? Siguro dahil sa utang ko. Che! Nilayo ko ang sarili ko sa kanya. "Pwede naman siguro tayong magusap ng walang yakapan diba?" natawa ako sa nasabi ko at sa reaksyon niya na mukhang nalukot. "Hindi ba ako lang ang pwedeng yumakap sayo at humalik ipinagkakait mo na ngayon?" napabungisngis ako nakakainis talaga itsura niya mukhang naluging intsik. "Kung iniisip mo na tinakbuhan kita dahil sa utang ko uulitin ko never kong gagawin yun. Nasira ang cellphone ko kaya hindi mo ako makontak" paliwanag ko sa kanya. "Wala kang lalaki dito? Eh bakit hindi mo ako kinontak man lang sa f*******:?" singhal na sabi niya. Aba galit galitan ang peg na niya ngayon. "Mukha ba akong lalakero huh? Kapal mo ah. Walang internet dito saka malayo ang internet shop saka may bago man akong cellphone at simcard ngayon hindi ko naman alam cellphone number mo. Wag ka ngang tamang hinala diyan." pasingahal na paliwanag ko sa kanya. Tumayo na ako pero eto na naman kami ang lalaking mahilig manghila. "Teka lang naman mine" magkayakap na naman kami. Huggable ata ako at lagi akong niyayakap nitong lalaking to. "Namiss kita alam mo ba yun." bulong niya sa akin. Kinalibutan ako daig ko pa ang nakakita ng multo bigla kasing nagtayuan ang mga balbon ko sa katawan. I gasped for air para kasing naubusuan ako bigla ng oxygen lalo ng hinigpitan niya ang yakap sa akin. "Hoy umayos ka nga diyan my pamiss miss ka pang nalalaman." agad kong sabi ng makakuha ako ng tamang lakas. Umalis siya sa pagkakayakap sa akin at dinikit ang noo niya sa noo ko. Hindi ako makatingin sa mga mata niya kaya sa ilong niya ako tumingin. Infairnes makinis walang blackheads. Inaliw ko na lang ang sarili ko dahil para akong natutunaw sa mga titig niya. "W-wag mo ako t-titigan na-nakakairita." mahinang sabi ko sa kanya. "Gusto ko lang masiguro na totoong andito ka na sa tabi ko." Mas lalo akong naconscious sa sinabi niya. "You don't know how much I miss you. You made me crazy thinking of you" napakagat ako sa labi ko. "Hoy wag mo nga ako pinagtritripan. Remember hindi mo ako type. Kaya wag kang feeling diyan." mahinang sabi ko. Kailangan kung labanan ang pangaasar at pangtritrip niya. Natauhan yata siya, lumayo siya sa akin at napaupo sa kama. "Aalis ka na ba? Pwede ba sumama? Wait mo na lang ako sa labas magpapalit lang ako." tumango na lang ako. Makulit kaya wala na akong choice, lumabas na ako at hinintay siya sa sala. "Lolo aalis muna kami ah" nagpaalam na kami at umalis. Habang papunta kami ni Brandon sa store kinwento ko sa kanya ang mga ginawa ko dito na nagtayo ako ng maliit na business para kay Mama. Masaya ako dahil mukhang okay lang naman sa kanya. "Sabi ko naman sayo dati diba you can do whatever you want sa pera. It's yours anyway. Maganda yung naisip mo na business at least dito may magagawa siya at mababantayan pa ang Lolo mo." nakangiting sabi niya. holding hands while walking na naman kami pinagtitinginan na kami ng mga kapitbahay at naririnig ko ang mga sinasabi nila na kay gwapo ng kasama ko pilit ko tinatanggal kamay ko kaya lang malakas tong lalaki na to. Malalabo siguro ang mga mata nitong mga kapitbahay namin. Naglakad lang kasi kami exercise din to atsaka malapit lang naman ang store ni Mama mula sa bahay ng Lolo. "Oo nga I'm so happy coz everything is doing well. Pwede ko na iwan si mama dito." yun naman talaga ang plano ko. Uuwi na ako. "Excited ka kasi na hanapin ako kala mo kasi tatakbuhan ka eh. Pauwi na ako talaga next week." Natawa na lang siya sa sinabi ko at kinurot ang ilong ko. "Ang kulit mo eh noh. Hindi nga yon ang iniisip ko sayo okay. Nag-aalala lang talaga ako sayo, lalo na hindi kita makontak." paguulit niya. "Echosero ka talaga kahit kailan." "Saka hinahanap ka nila mommy hindi ko na alam paano magsinungaling remember before you go here sabi ko susunduin kita isasama sana kita sa Cebu kaso hindi na natuloy dahil nga pumunta ka dito." So yun lumabas na din ang pakay niya. Sabi na eh imposibleng pupunta siya dito ng walang malaking dahilan. "Ayun naman pala. Dahil kina mommy mo kaya mo ako hinanap. Echosero ka talaga eh kunyari ka pang miss mo ako at nag-aalala ka." Nagtatampong sabi ko inalis ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya at naunang naglakad na. Andito na kami sa tapat ng store namin. "Mama may bisita tayo." nginuso ko si Brandon na nasa labas. "Oh iho napadalaw ka. Hindi sa akin nabanggit ni Velvet na pupunta ka dito." medyo gulat na sabi ni Mama. "Eh kasi Mama pati ako hindi ko alam. Bigla na lang siyang sumulpot na parang kabute." wala sa mood na sagot ko. "Oo nga po eh miss ko na po kasi ang anak niyo." napakamot siya sa ulo niya, tinignan ko siya ng masama. Nagbibiro na naman siya. Echosero talaga. Sana hindi na lang niya sinasabi yun about sa miss na yan hindi naman totoo. "Sa tingin ko nga at dinayo mo pa talaga kami dito. Salamat ah oh siya Velvet igala mo muna siya dito para makita naman niya ang magagandang tanawin natin. Ayos lang ako dito pupunta daw ang Tiya Amy mo para samahan ako dito. Sige na." pagtataboy ni Mama sa amin ni Brandon. "Okay Mama sure ka ah? Sige aalis na muna kami, dadalhan ko na lang kayo ng tanghalian mamaya." lumabas na kami ng store at naglakad pabalik sa bahay. "Saan mo naman ako dadalhin?" tanong ni Brandon. "Sa dagat maglalakad lakad lang tayo kung gusto mo din maligo magdala ka ng damit." para naman siyang batang tuwang tuwa sa narinig at hinawakan na naman ang kamay ko HHWW naman kami pilit kong tinatanggal ang kamay ko pero ayaw niyang bitawan. Nabadtrip kasi ako ng slight sa kanya. "Wow masaya yan. Halika na bilisan mo." Excited na sabi nito. "Ilang araw ka bang hindi naligo at sobrang excited ka?" sabay kaming natawa. Kiniliti niya pa ako sa tagiliran. "Grabe ka naman naligo ako kahapon ah. Excited lang ako makalanghap ng fresh air." Andito na kami sa bahay at kumuha lang kami ng pangligo. Nag shorts lang ako at sando. Naglakad lang ulit kami malapit lang naman ang dagat dito mga 15mins na lakad. "Wow ang ganda ng dagat niyo dito bughaw ang kulay at ang linaw." Manghang sabi ni Brandon. Pumunta kami sa isang malaking puno at bumili siya ng maiinom namin. Sumilong muna kami mamaya na daw kami maligo. "Ang sarap ng hangin diba? Nakakagaan ng pakiramdam." sabi ko. "Oo ganito ang gusto ko ngayon ang marelax ang katawan at utak ko, kasama pa kita kaya enjoy na naman ang araw ko." he said and looked at me with his cute smile. Nag-init ang pisngi ko kanina pa siya ganyan. Hindi ko alam if totoo ba sinasabi niya or hindi. Basta ang alam ko hindi niya ako type at yun din ang dapat. "Bakit naman?" tanong ko sa kanya. "Madami kasi naging problema sa work tapos sumabay ka pa. Hindi kita makontak." seryosong sabi niya. Kasama pa talaga ako ah. "Tapos pagbibintangan mo pa ako na hinanap lang kita dahil sa utang mo. Hindi ba pwedeng namiss talaga kita?" agad akong napainom ng sobrang dami, at iniiwas ko ang tingin ko sa kanya. "Ewan" maikling sagot ko at nagkibit balikat na lang. Napausog ako ng maramdaman kong lumapit siya sa akin. "Wag ka masyado lumapit sa akin ah. Mainit diyan ka lang." suway ko sa kanya at umusog ako palayo sa kanya. "Eh bakit ka namumula? Lalapit pa lang ako sayo, siguro namiss mo din ako noh?" pangaasar niya. Tinignan ko siya at tinignan ng sobrang talim. "Bakit naman kita mamimiss huh? Hindi naman kita kaano ano" tinawanan ko na lang siya sakaling mawala ang pagkapula ko siguro sa init ng panahon lang to. Nagulat ako ng kilitiin niya ang paa ko, naka indian sit kasi ako ngayon. "H-hooyy ti-tigilan mo y-yan" sigaw ko sa kanya. Eto talaga panlaban niya sa akin eh ang kilitiin ako. Nang makakuha ako ng tyempo ay agad kong binaba ang buko juice ko tumayo at tumakbo. Lumingon ako sa kanya at biniletan siya. Agad niya akong hinabol binilasan ko pa lalo ang pagtakbo ko. Pero ang bilis niya din tumakbo. "Lagot ka sa akin pag naabutan kita." sigaw niya, ano kaya gagawin niya pag naabutan niya ako? Kaya takbo lang ako ng takbo kesehodang nawala na ang tsinelas ko, nakayapak na lang ako kakatakbo. "Mabilis ka pala tumakbo ah. Ayan na ako." pahabol niya, natatawa na lang ako medyo bumabagal siya at kanina pa niya ako hinahabol. Pagod na siguro siya. "Ang bagal mo naman, takbong pagong yata yan eh." nilingon ko siya at tinawanan tuloy padin ang pagtakbo ko. "Ah hintayin mo lang ako. Lagot ka talaga sa akin." hingal na sabi niya. Hindi ko napansin na may natapakan akong nakatusok na bato. Na out of balance ako sa sakit at napaupo na lang ako. "Ano pagod ka na? At nakaupo ka na diyan?" ani Brandon ng maabutan na niya ako. Hawak ko ang talampakan ko na sobrang sakit ngayon. Hindi ko siya sinagot at pinagpatuloy ang paghimas ko sa paa ko. Buti na lang walang sugat, nagulat ako ng binuhat niya ako at pumunta kami sa tubig. "Ano ba masakit pa ang paa ko. Ayaw ko pa maligo hindi mo ba nakita natusok ako." singhal ko sa kanya, kinuha niya ang paa ko at minasahe eto habang nasa tubig at nakasandal naman ako sa may malaking bato. "Sorry mas maganda to madaling mawawala ang sakit just trust me okay." seryosong sabi nito habang minamasahe ang paa ko. Pinagmasdan ko na lang ang ginagawa niya, tama nga siya unti unti na ngang nawawala ang sakit. "Thanks okay na ako." binaba ko na ang paa ko sa pagkakahawak niya. Hinawakan naman niya ang kamay ko at niyaya ako sa medyong malalim na parte ng dagat. "Hoy hindi ako magaling lumangoy ah baka malunod ako" sigaw ko sa kanya. Nilingon niya ako at tumigil din siya sa paglalakad. "Why don't you just trust me? Trust me with what I say and what I do." he said seriously. Ano kayang ibig sabihin niya? Hinawakan niya ako sa bewang at sabay ulit kaming naglakad papunta sa medyong malalim na parte ng dagat. "Okay fine. Basta wag mo ako pabayaan ah." Hindi ko na makapa ang buhangin sa ilalim. Kinabahan ako bigla. "Sisid tayo kahit mga 5mins lang." waaa 10sec nga lang yata ang kaya kong itagal sa ilalim ng tubig 5mins pa kaya. Patay na siguro ako non. "Ayoko ikaw na lang. Hindi ako makakahinga diyan. Malagutan ako ng hininga at baka hindi pa kita mabayar--" hindi ko na naipagpatuloy ang sasabihin ko. He claimed my lips and held my nape after that sabay naming ibinaba ang ulo namin sa ilalim ng tubig. Gusto ko maiyak ito na yata ang katapusan ko. Gumanti ako sa mga halik niya eto na lang kasi ang paraan ng paghinga namen ngayon. Hinila pa niya ako papalapit sa kanya. I did not hesitate at niyakap ko na din siya feeling ko kasi ay anytime hihigupin ako ng dagat sa sobrang emosyon na nararamdaman ko ngayon. He's kissing me torridly and passionately at nagulat na lang ako sa sarili ko when I responded. Ang lakas ng t***k na ng puso ko. Baka marinig na ng mga pating sa dagat bigla na lang kaming sugudin. He's caressing my back and It gave me an unexplainable feeling. Habol habol ko ang hininga ko while we're kissing. Tumagal nga siguro kami ng mga 5 minutes pero parang feeling ko ang tagal tagal na. Nanghihina na ako to think that it's my first ever torrid kiss. Humiwalay na ako sa kanya at itinaas ko ang ulo ko para makalanghap ng hangin. Hingal na hingal kaming pareho lumangoy ako sa medyo mababaw na parte at sumunod na rin siya. Naupo ako sa batuhan pagkaupo pa lang niya ay inakbayan na niya ako. "Thank you mine." anito. Bwiset muntik na akong maubusan na hininga tapos Thank you batukan ko to eh. "Thank you mo mukha mo muntik na akong mawalan ng oxygen don ah." sabay irap ko sa kanya. "Pangarap ko kasi gawin yun, to kiss someone special underwater. Hindi ko inexpect ikaw pala ang makakasama ko." masayang sabi niya. He put his head on my shoulder. "Thanks for making me happy" sabay hawak niya sa kamay ko. I felt it again, nakuryente ako sa hawak niya. May lahi yata tong electric eel eh. "Oo masaya ka na kasi namanyak mo na naman ako, m******s ka kasi" masungit na sabi ko. "Grabe ka naman, It's not about the kiss that made me happy it's about you. Masaya ako at kasama na kita ngayon." my heart started beating faster and faster, he squeezed my hand at lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Jusko sana hindi niya marinig ang kabog ng dibdib ko ngayon. "Halika na nga. Baka kuhain ka pa ng shokoy dito sa sobrang kakornihan mo." yaya ko sa kanya. Inalis niya ang ulo niya sa balikat ko at tinignan ako. "Dito muna tayo gusto pa kita masolo." tutol niya. "Hindi mo ba talaga ako namiss? Yung totoo?" he asked me while looking straight into my eyes. Hindi ko masagot ang tanong niya, "Ewan ko" i said and looked away. Agad naman niyang binawi ang ulo ko at iniharap ulit sa kanya. "Kasi ako miss talaga kita ewan ko ba kung bakit? Wala na kasi akong naririnig na mataray. I really missed you big time." ano ba tong lalaking to. Nakakainis. He's making my heart skip a beat. Humarap siya sa akin at hinawakan ang dalawang pisngi ko. "Please look at me.. I want to see what's in your eyes. I want to know if you feel the same thing." naku naman! Nakakahilo ang mga tingin niya. His face moved closer to mine. "Please look at me and don't ever dare close your eyes" i got hypotized. I closed my eyes when i felt his warm lips on mine. He kissed me, so gently at first that i melted. I pressed closed against him as the kiss deepened, curling my arms around his neck. Ang mga alon sa dagat ay tila naging magandang musika sa aking tenga. Isang ritmo na nagdagdag ng buhay sa namatay kung puso. Hindi ko na pinigilan ang damdamin ko at nagpaubaya na sa matatamis na halik niya. Ang sarap lang sa pakiramdam. What did he do to me for me to feel like this? I know it's wrong but it seems right for me. Oh Brandon please stop, dikta ng utak ko. Pero ang puso ko iba ang sinasabi. Ayos lang yan hayaan mo maging masaya ka.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD