Chapter 30

1920 Words
Nagtagal pa kami ni Brandon dito sa Bicol ng ilang araw. Tinutulungan niya kami sa mga business na tinayo namin ni Mama, he also gave us some advice on how to manage business effectively which is sobrang napahanga ako para kaming umatend ng isang training. He was so professional tahimik lang talaga kami ni Mama na nakikinig sa kanya.. Kilala na rin siya ng mga kamag-anak ko dito paano naman hindi, nagpahanda siya nitong nakaraang lingo pati mga kapitbahay namin nakakain din dahil sa sobrang daming pagkain na pinaluto niya. Animoy naging fiesta sa amin. Hindi ko to' plinano, ayaw ko siyang makilala ng mga relatives ko sa totoo lang. Alam kung hindi to tama dahil alam ko na darating ang araw na kailangan na namin maghiwalay. Parang mahihirapan pa ako dahil lahat ng mga kamag-anak ko ay tuwang-tuwa kay Brandon. Bukod sa mabait siya sa mga ito magaling din siya makisama lalong lalo na kay Lolo. At nakikita daw talaga nila kung gaano ako kamahal ni Brandon. The way he treated me, ang sweet kasi niya at hindi talaga pumapalya since dumating siya dito. Kahit ako hindi ko na maiwasan na hindi kiligin. Pero at the back of my mind hindi ko siya nagustuhan, baka kasi masanay ako. Pero hinayaan ko na lang siya mukha namang masaya siya sa mga ginagawa niya. "Mine mamili muna tayo ng mga pasalubong, sigurado ako maghahanap sila pagdating natin ng Maynila" yaya ni Brandon habang nagiimpake ako ng mga damit ko. Bukas kasi babalik na kami ng Maynila. "Sige wait lang ah ayusin ko lang tong dadalhin ko hintayin mo na lang ako sa labas." pinagpatuloy ko ang pagaayos ng mga damit ko after that lumabas na din ako. Nagpaalam kami kay Lolo at pumunta ng bayan. Ang dami naming nakita na mga souvenirs at pagkain na pasalubong. "Mamimiss ko ang mga luto ng mga Tita mo dito ang sarap kasi talaga feeling ko nga tumaba ako. Nagmana ka siguro sa kanila no?" ani Brandon habang ako namimili ng mga souvenirs na bibilhin ko. Sinagot ko lang siya ng isang maliit na ngiti, sobrang dami niyang binili para din daw kasi sa mga staff niya sa Hotel. Tumagal din kami ng halos dalawang oras pamimili. "Brandon salamat pala ah." sambit ko sa kanya habang naglalakad na kami papuntang terminal ng jeep pauwi. "Bakit naman?" nakangiting sagot niya. "Dahil sa mga tulong mo sa amin. Sobrang laking ginhawa ang pinahiram mo sa akin." Nahihiyang sabi ko napayuko pa ako ng bahagya. Until now kasi nahihiya pa rin ako kahit naman utang to, sobrang laki pa din. "Wala yun,you deserve to be happy. Wala ka kasing alam isipin kundi ang kapakanan ng mga mahal mo sa buhay at doon ako saludo sayo." He said while looking at me in my eyes. Kinuha niya ang hawak ko na plastic bag at hinawakan ang kamay ko. "Hanggat kaya ko I'm willing to help you." pahabol niya. "Thanks talaga ah." I replied with a smile. Inalalayan niya ako sumakay sa jeep ng makaupo kami ay agad niyang hinawakan ang kamay ko. Ganyan siya lagi kailangan lagi kaming holding hands, nasanay na din ako. Kinabukasan maaga kaming umalis paluwas na kami ng Maynila. Halos isang buwan din ako dito, usapan namin ni Mama ay ako na lang ang dadalaw dito which is pumayag naman siya hindi niya daw kasi maiiwan ang mga business na tinayo namin dito para na rin ma-monitor niya si Lolo. Brandon booked a flight for us kaya saglit lang ang byahe namin, nagulat ako ng makita ko sila Eddie and Salve sa waiting area. "Vet miss ka na namin" bungad ni Salve ng makalapit kami sa kanila. Agad kaming nagyakap at nagbeso-beso. "Oo nga Velvet buti nahanap ka ng magaling kung bestfriend. Hindi yan mapakali noong andito pa yan gustong gusto ka niya makita ayaw lang kasi umamin na inlababo na eh." Ani Eddie sabay nakatikim ito ng batok at sinamaan pa ng tingin ni Brandon. Sabay kaming natawa ni Salve sa dalawa. "Oo Vet denial king kasi yan." pangaasar pa ni Salve. Nagyaya na si Brandon na umalis na mukhang naasar siya sa dalawa dahil nauna na itong naglakad papunta sa kotse ni Eddie. Pagdating namin sa bahay ni Brandon ay nagpadeliver siya ng lunch namin. Pinamigay na din namin sa kanila ang mga pasalubong galing Bicol. Saglit lang din sila at umuwi na. "Velvet from now on dito ka na titira sa akin ah." Ani Brandon pagkapasok pa lang namin sa living room pagkaalis pa lang ng dalawa. Napalunok ako sa bigla. "Bakit naman may bahay pa naman ako? Saka hindi pa tayo kasal doon muna ako sa bahay ko." protesta ko, lumapit siya sa akin. "Ayoko! Pag nandon ka sa bahay mo hindi ko alam if safe ka doon magisa ka lang don at wala kang kasama." paliwanag niya. "Hintayin mo ako magbibihis lang ako at uuwi tayo sa inyo kukunin na natin mga gamit mo." Maawtoridad na sabi nito, napaupo na lang ako at napahilamos sa mukha ko. Hindi na ako nakapagsalita dahil ang bilis ng kilos niya, umakyat na siya sa kwarto niya. Ano gagawin ko? Titira na kami sa isang bubong natatakot ako. Kinakabahan na naman ako. Ilang minuto lang ay nakita ko na siyang bumababa sa hagdan. Agad niya akong hinila papunta sa garahe. "Mine bakit tahimik ka ayaw mo ba? Wag ka magalala okay hindi naman tayo matutulog sa iisang kwarto." Puna nito ng hindi ako nagsasalita. "Sa sala ka kasi matutulog."Sabay tawa niya. Ayan na naman siya pinagtritripan na naman ako. "O-Okay lang" mahinang sagot ko. Napansin niya siguro na nawala ako sa mood makipagusap sa kanya naramdaman ko kasing hinawakan niya saglit ang kamay ko at pinisil ito. "Wag ka na magtampo okay. Ganito rin naman ang setup natin later on. Nasabi ko na din kina Lola na uuwi tayong Cebu baka sa makalawa and they were so excited to see you. Inihahanda na din nila ang kasal natin."anito, napatingin ako sa kanya. Hindi ko expected na ganito kabilis. "Ambilis naman, paano pag hinanap nila ang parents ko?" may pangangambang tanong ko. "Ako na ang bahala kakausapin natin sila pagdating natin don." He said with an assurance. Nagpatuloy ako sa pananahimik, ang daming tumatakbo sa isip ko. Hindi ko na nga namalayan na andito na kami sa bahay. Pagpasok ko pa lang ay sobrang namiss ko na ang bahay namin isang buwan din walang tao dito. Pagbalik ko na lang ako maglilinis medyo madumi na kasi. Tinulungan ako ni Brandon magimpake hindi ko dinala lahat ng damit ko nagtira ako dahil gusto ko din umuwi dito paminsan minsan. Nararamdaman ko na ito na talaga ang simula ng deal namin, sobrang natatakot na ako. Hindi ko alam ano mangyayari sa amin pagkatapos nito. Paguwi namin sa pad niya ay tinulungan niya akong dalhin ang mga dala ko sa guestroom. Umalis na din siya kaagad nagsabi kasi ako na gusto ko ng magpahinga feeling ko pagod na pagod ako dahil kanina pa akong nagiisip. Humiga na ako kahit pagod na pagod ako sa biyahe ay hindi naman ako makatulog parang namamahay ako. Naisipan kung magbukas muna ng f*******: ko, Brandon gave me a laptop awhile ago para naman daw may magamit ako. Matagal din akong walang contact sa mga friends ko dahil wala akong mga number nila. Pagbukas ko ng f*******: ko ang daming messages simula pa nung huling access ko. Lahat sila ay worried dahil hindi nila ako makontak. Tumagal din ako ng dalawang oras sa pagsagot ng mga messages ko at pagbrowse ng newsfeed ko. Isa lang ang alam ko ngayon. Feeling ko nakamoveon na ako kay Mateo. Hindi na ako katulad dati na pag may nakita akong pic nila together with his new girlfriend na bigla na lang akong hahagulgol ng iyak. Masaya na din ako para sa kanila. Nag change din ako ng profile pic ko picture ko noong nasa beach ako. Sa kaka-browse ko nakatulog na ako. Nagising na lang ako sa alarm ng cellphone ko. Time to wake up na kailangan pagsilbihan ang hari may pasok na kasi siya sa work ngayon. Dahan dahan akong naglakad papunta sa kwarto ni Brandon magkatabi lang naman kasi kami ng room binuksan ko ang pintuan at nakita ko ang tulog na tulog na si Brandon napagod siguro siya kahapon. Pumunta ako sa kusina at tumingin ng pwedeng lutuin. Buti na lang may mga stocks pa tong isang to. Mamaya manghihingi ako ng pang grocery para may maluto naman ako sa mga susunod na araw. Natapos na ako magluto at maghain. Pag-akyat ko sa kwarto niya hindi ko alam paano ko siya gigisingin. Umupo muna ako sa gilid niya at nagisip. Naisipan kong tapikin siya sa braso sa binti pati sa pisngi at sa wakas ay gumalaw na din siya. "Brandon gising na papasok ka pa." bulong ko sa kanya nilapit ko ng bahagya ang mukha ko sa tenga niya para marinig naman niya ako. Wala akong narinig na response from him. Ikinagulat ko na lang ng bigla niya akong hapitin palapit sa kanya. "Uy masakit bumangon ka na nga diyan." Pagpupumiglas na sabi ko, I suddenly can't breathe. He's hugging me so tight and our eyes met. Mapupungay pa ang mga mata niya ng iminulat niya ito. Halos nagsabay ang paglunok at paghugot ko ng hininga. "Morning mine ang ganda naman ng umaga ko." he said and planted kisses on my forehead and cheeks. Bawat dampi ng mga labi niya sa balat ko pakiramdam ko ay nanginginig ang katawan ko. "B-Brandon bi-bitawan mo na a-ako kakain na t-tayo ng bre-breakfast." After I said this napakagat ako ng sobrang diin sa ibabang labi ko, sobrang lapit kasi ng mukha niya sa akin. Magkadikit na ang mga ilong namin. At nakakaloka, kahit bagong gising siya. I can still smell his fresh breath, Lord tulungan mo po ako. Unti na lang kasi feeling ko matutunaw na ako. Habang ako ay walang tigil sa kakakurap si Brandon naman ay sobrang titig sa akin. Wala naman ako muta as far as I remember naghilamos na ako ng mukha. Bakit ba kasi ganito siya makatingin? "Velvet did someone already told you that you have an impressive pair of eyes?" he said softly. Umiling lang ako, I can't spill any words from my mouth I'm still biting my lower lips. I saw him smirk when his eyes went down to my lips. "Do you know how inviting your lips are? It's so irresistible, you dunno how much I wanted to always taste it..." I slowly closed my eyes when I felt his warm lips on mine. When are kisses deepened, I pushed him hard para makawala ako sa pagkakayakap niya sa akin. Kahit hirap akong tumayo ay kinaya ko yun para makaiwas from him. This is not right... I'm starting to feel something I'm not familiar yet, everytime he kiss me. I'm afraid of what will happen next dahil alam kong nagugustuhan ko na rin ang ginagawa niya sa akin. Something I never felt before, when Mateo and I are still together. We never had this torrid kiss, smack lang sapat na. I tried to compose myself at tumayo ako ng tuwid habang nakapamewang. "Lalamig na ang niluto ko sayo na agahan ang tagal mong kumilos, tayo na!." singhal ko sa kanya sabay walk-out. Gusto kong magwala dahil hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin ang malalambot na labi niya. Inay ano ba to?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD