After umalis ni Vice ay agad akong naglinis ng bahay niya medyo makalat kasi. Nang matapos ako ay agad kong kinontak si Nadine, pupunta kasi ako sa bahay namin para maglinis din para may kasama naman ako sa paglilinis at bibigay ko na din ang mga pasalubong ko sa kanila.
Pagdating ko sa bahay ay wala pang sampung minuto ay andito na si Nadine
"Uy babaita! Namiss kita, ngayon naniniwala na talaga ako na buhay ka pa." sigaw nito pagpasok sa bahay at patakbong pumunta sa akin sabay yakap.
"Miss na miss din kitang bruha ka. Sorry ah nag-alala ka sa akin." Paumanhin ko, kagabi kasi ay todo sermon sa akin si Nadine ng magusap kami sa f*******:. Akala niya nga daw deadbols na ako, grabe siya diba? Porket hindi nagparamdaman deads na kaagad, masyado siyang harsh noh?
"Kwentuhan mo naman ako! Ang dami mong utang na chika sa akin lalo na kay jowabels mo ah masyado ka ng masikreto ah, parang others na ako!" nagtatampo na sabi nito.
"Sige magkwekwento ako pero tulungan mo muna ako maglinis kasi kaunti lang ang time ko, may pupuntahan pa ako mamaya." Sabi ko, maggrocery pa kasi ako tapos magluluto pa. Para bago umuwi si Brandon may pagkain na siya, nakakahiya naman sa kanya diba? Umpisa na to ng pagiging chimay ko eh.
Una kong kinuwento kay Nadine ang about sa business na tinayo namin sa Bicol pero dahil hindi pa rin ako nakaligtas about Brandon ay sinabi ko na rin na kasama ko si Brandon for one week doon.
"Shocks! Ang sweet besh, imagine ah? He didn't know your exact location sa Bicol pero hinanap ka niya. Isn't it amazing? Isn't it so wonderful, grabe ang sweet niya ang cute pa niya. Ang haba ng hair mo besh." Kinikilig na sabi nito habang nagpupunas ng maalikabok na table sa kitchen.
"Kaya nga eh, never kong naisip na susundan niya ako." Tumalikod ako sa kanya dahil hindi ko maiwasan na mapangiti sa sobrang kilig. Sa tuwing maiisip ko kasi ang effort niya sa paghahanap sa akin, parang ang sarap lang damahin. Pero sa tuwing maiisip ko na may ibang dahilan kaya niya ako hinahanap ay I really feel upset, but that's the deal I need to live with it. No feelings attached yan ang dapat.
Inabot na din kami ng hapon kakalinis at kwentuhan. Hindi ko pa nasasabi sa kanya na hindi na ako titira baka kasi dumami pa ang tanong niya. Naikwento niya din ang about kay Hampton na bumalik na naman daw ito sa pagiging babaero at halos iba iba ang kasama araw araw.
Nalungkot naman ako sa kinwento niya hindi na din ito nagpaparamdam sa akin kahit sa f*******: wala rin. Nagpaalam na si Nadine ng bandang alas dos dahil may pasok pa daw siya mamaya pinauna ko muna siya at sumunod din akong umalis.
Habang nasa byahe ako ay tumawag si Brandon at hinabilin na sabay daw kami mag dinner maaga daw kasi siyang uuwi kaya naman after kong maggrocery ay nagluto na ako.
Habang nagaayos ako ng mga plato sa mesa ay may naramdaman akong yumakap mula sa likod ko. .
"I miss you mine." he whispered and kissed me on my left cheek. Nakakahiya hindi pa ako nakakapagpalit ng damit amoy ulam ako. Inalis ko ang braso niya na nakapulupot sa akin at lumayo ng bahagya sa kanya.
"Halika na kain na tayo." Yaya ko sa kanya, umupo naman siya at hinayaan lang ako na pagsilbihan siya. Tinanong niya din ako kung kamusta ang araw ko. Masaya ako dahil marami siyang nakain, nagustuhan niya ang luto kong pininyahang pork.
Pagtapos namen kumain ay nanood kami ng tv . Nagkwento rin siya about sa work niya at masaya daw siya kasi smooth na ulit ang operation sa Cebu site nila. Kaya eto naisipan niya ng uminom kami for a simple celebration coz as per him it's an achievement na kasama siya sa pagresolba ng problema nila sa Hotel.
"I'm happy for you ang galing mo, sana magtuloy tuloy lang ang success mo." sabi ko sa kanya. Napangiti naman siya at nag cheers kami sa iniinom namin at sabay kaming shumot.
Halos maubos namin ang isang bote ng tequila. Nagpaalam na ako sa kanya na matutulog na ako nahihilo na din kasi ako one on one ba naman kami dito sa tequila na to.
"Teka lang mine, wala bang goodnight kiss ako diyan?" humabol pa siya sa akin sa hagdan. Yumuko ako dahil mas mataas ako sa kanya at dinampian siya ng halik sa noo niya.
"Okay na yan sige goodnight. Sweetdreams." Sabi ko sabay ngisi. Patakbo akong umakyat ng hagdan dahil alam ko na ang pwede niyang gagawin. Remember si Boy Hila tong si Brandon, for sure hihilahin na naman niya ako.
Lumipas ang mga araw at dumating na ang araw na pupunta na kaming Cebu. Mabait naman sa akin si Brandon wala kami naging problema sa panahon na andito ako sa bahay niya.
"Let's go Velvet baka mahuli tayo sa flight natin." sigaw ni Brandon na nasa baba na. Kinuha ko na ang bag ko baka daw kasi magstay kami dun for one week. Ihahatid kami ngayon nila Eddie at Salve papuntang airport.
"Ingat kayo sa byahe ah." pagpapaalam ng dalawa sa amin.
Nakarating kami ng matiwasay sa Cebu sinundo kami ng driver nila sa airport. Pagdating namin sa Hotel ang daming sumalubong sa amin sa entrance kasama na ang parents ni Brandon.
"Iha mabuti at nakarating kayo ng safe. Welcome to Cebu." bati ng mommy niya nagbeso-beso kami pati ng daddy niya.
"Namiss ko po kayo ang ganda pala dito sa Cebu." Ang laki ng Hotel dito sa Cebu at sobrang maaliwalas since malayo ito sa polusyon.
Pinaghanda kami nila mommy niya ng lunch ang daming pagkain kasama namin kumain ang ibang staff at mga stockholders pinakilala nila ako na fiance ni Brandon. Nahihiya ako kaya ang mga kilos ko ay bilang lang pero andyan lang si Brandon para alalayan ako. Hindi ako sanay sa mga gatherings ng mga mayayaman kaya I dunno how to act right. Pagkatapos ng lunch ay dumeretso kami sa opisina ng daddy niya may paguusapan daw kaming apat.
"Brandon kinakabahan ako, ano kaya sasabihin nila?" naramdaman ni Brandon na nanginginig ang kamay ko na hawak niya. He looked at me seriously and give me an assurance smile. Andito na kami ngayon sa labas ng office ng daddy niya.
"Everything's gonna be fine, just trust me okay." He squeezed my hand and hold it tight as we enter his daddy's office.
Tahimik lang ako habang nakaupo at nakikinig sa paguusap ni Brandon at ng daddy niya.
"Iha sorry sa narinig ko na balita na nasa ibang bansa daw ang Mama mo para alagaan ang Lolo mo na may sakit?" nagulat ako sa sinabi ng mommy niya. Tumingin sa akin si Brandon na parang sinasabi na sumangayon na lang ako. Kaya malungkot na tumango na lang ako.
"Sabi din ni Brandon na doon ka na sa bahay niya nakatira ngayon dahil nga kasi magisa ka lang sa bahay mo at natatakot siya na baka hindi ka ligtas. Tama ba?" dagdag ng daddy niya. Hala hotseat ako. Hindi ko alam anong isasagot ko kaya si Brandon ang sumasagot para sa akin. Para siguro hindi kami mabuking.
"Paano yan sa kasal niyo wala ang Mama mo?" bahid ang pag-aalala ng mommy niya.
"Mom sa ngayon ang mahalaga lang po ay maging legal ang pagsasama namin napagusapan namin ni Velvet na simpleng kasal lang muna saka nalang kaming papakasal sa simbahan pagayos na ang lahat. Okay lang naman po yun sa inyo diba?" napatingin ako kay Brandon, hindi ako nainform sa plano niya kaya I don't really have an idea with what he's talking about.
"Ganon ba anak. Sige kung yan ang gusto mo aayusin ko na ang civil wedding niyo sa madaling panahon. Sayang at wala ang Mama ni Velvet hindi niya masasaksihan ang unang kasal niyo." sabi ng daddy niya.
Parang tumigil ang mundo ko, eto na yun. This is it na talaga! Wala ng urungan ba to?
Kinagabihan nagkaron ng salo-salo para sa nalalapit na kasal namin ni Brandon. Inimbitahan ng Daddy niya lahat ng stockholders at mga ibang kaibigan nila. They announced our upcoming wedding and said that it will be a private wedding so only the families and relatives are invited, they also informed them that there will be a second wedding at doon ay open na ito for everyone.
Medyo napagod ako sa pakikipaghuntahan at parang ang sakit ng panga ko sa kakangiti kanina sa party. Hindi pa tapos ang party ay tumakas na kami ni Brandon. Napansin niya siguro na hindi ako okay that maybe I'm just faking my smile kanina.
Nagulat na lang ako ng dalhin niya ako sa rooftop ng Hotel. There's a wooden chair for two niyaya niya ako maupo doon.
I looked up and stars were everywhere tahimik din ang paligid napayakap ako sa sarili ko dahil ang lamig dito.
"Anong ginagawa natin dito?" tanong ko kay Brandon.
He just smiled at me at tumingin din sa langit katulad ng ginawa ko kanina, I saw amazement in his eyes.
"Ang ganda ng mga bituin ano?" he glanced at me. I just nodded coz I suddenly remember someone.
"Have you ever seen a shooting star?" I asked.
"Never, but if given a chance to see one tonight. I'd probably wish, like what the myth say that don't forget to wish if you see a shooting star passing by."
"Talaga? I already saw one before. Pero hindi naman natupad ang wish ko." I said sadly, I saw one before. Kami ni Mateo actually, I wished that our relationship will last forever.
Pero wala nga palang forever...
I looked down and sigh while I'm rubbing my hands. Maybe the myth about shooting star is the one that is not true.
"B-Brandon pwede bang bumaba na tayo, ang lamig kasi." Yaya ko sa kanya, I'm just wearing a halter dress and it's above the knee kaya ang bilis ko lamigin.
"Velvet okay lang ba pumasok muna ako sa kwarto mo?" paalam nito. Pinapasok ko na lang siya naupo ako sa sofa at tahimik lang. "Bakit parang nagiba ang mood mo? Masama ba pakiramdam mo?" hinawakan niya ang noo ko at leeg chineck if may lagnat ako.
Until now kasi pabalik-balik sa isip ko ang nalalapit na kasal namin. Mixed emotions ako ngayon, until now inaabsorb pa rin ng utak ko ang sitwasyon ko.
"Okay lang ako Brandon don't worry." Akala ko ay uupo siya sa tabi ko pero nagulat ako ng lumuhod siya sa harap ko.
He got something in his pocket, it's a little box. Hinawakan niya ang kaliwang kamay ko while holding the other box on his other hand.
"Velvet, we met few months ago and I never imagine that I will enjoy most of the time that were together. Pwera na lang yung mga times na tinatarayan mo ako dahil minsan nakakatakot ka na. Kahit na deal lang to', I still want to know your answer. I still want to propose and make sure that it's really okay with you.. For you to spend your time, give me your patience for the next few months or maybe years.... Will.. you... Marry me?" pinigilan ko ang matawa paano naman parang timang si Brandon, hindi mo maintindihan ang mukha niya kung nahihiya ba or kinakabahan or kinikilig. Hindi ko maintindihan.
Inilabas niya ang singsing na nasa kahon at hinawakan ulit ang kamay ko sabay suot ng singsing sa daliri ko.
"Hoy bakit sinuot mo na? Hindi pa ako nakakasagot eh." Maktol na biro ko sa kanya. Tinignan niya ako at hindi ko na napigilan ang matawa.
"Hindi ko na kailangan ng sagot mo. Tatanggi ka pa ba? Swerte mo na nga sa akin. Lahat na ng description ng Mr. Dreamboy ay nasa akin na." pagmamayabang niya. Tumayo ako at tinulak siya, sobrang hambog eh.
Nang makatayo siya ay agad niya akong niyakap. I tried to pushed him away but his hugged is getting tighter.
Magkayakap lang kami for the past few minutes, inihilig ko ang ulo ko sa dibdib niya dahil sa sobrang tahimik ng paligid ay pakiramdam ko ay naririnig ko na ang t***k ng puso niya.
His heartbeat turned into a beautiful music in my ears.
Habang tumatagal ang pagkakayakap namin lalong gumaganda ang musikang naririnig ko.
May sakit na yata ako.
Lagi ako nakakarinig ng magagandang musika pag magkayakap kami.
Hindi kaya may dala siyang music box?
I enjoyed hearing it tho.
Parang mga anghel na kumakanta.
Masarap sa pakiramdam.
Sabayan pa ng dagundong ng t***k ng puso ko.