Chapter 32

1783 Words
Kinabukasan niyaya ako ni Brandon mamasyal para naman daw malibot ko ang magagandang tanawin dito sa Cebu. Una naming pinuntahan ang mga Museum mahilig pala siya sa mga historical places nag-enjoy naman ako dahil ang dami kung nakita na mga preserved items at nalaman na mga history ng kung sino sino. Hindi ko to masyado alam hindi kasi ako interested sa History subject noong nag-aaral pa ako. Naubos ang oras namin kakalibot sa iba't ibang museum dito. Yun kasi ang Itinerary namin for the day. "Pagod ka na ba?" biglang tanong sa akin ni Brandon andito kami sa panghuling museum na daw na pupuntahan namin. Ang Fort San Pedro National Museum. "Yeah madami pa naman akong energy, kaya ko pa." nakangiting sagot ko. "Good madami pa tayo pupuntahan sa mga susunod na araw. Kaya dapat lagi kang madaming energy." nakangising sabi ni Brandon. Nagpatuloy kami sa paglilibot sa loob, kung dati sa libro ko lang naiimagine ang mga places na ganito ngayon ay abot tanaw ko na at nahahawakan ko pa ang ibang mga items dito sa museo. Ang sarap siguro mabuhay noong panahon ng mga Lola't Lolo natin napakasimpleng pamumuhay lang, maaliwalas na kapaligiran at malinis na hangin. Nakapitong Museum din kami na pinuntahan ang dami kong bagong kaalaman ngayon about sa History ng ating bansa feeling ko nga ng fieldtrip ako. Nagdrive na ulit si Brandon sabi niya may pupuntahan daw kami na special place syempre kinulit ko siya kung saan yun pero mamaya ko na lang daw malalaman pag andon na kami. Sana hindi na lang niya sinabi diba para surprise na lang. Kaya nanahimik na lang ako at nakamasid sa paligid. Tinapik ako ni Brandon hindi ko namalayan na nakaidlip pala ako "We're here." He said with a small smile. Nagulat na lang ako when he commanded me to turn around then he placed a blindfold over my eyes. "Anong eksena to? May piring pang effect?" pasigaw na sabi ko sa kanya. Hindi kasi ako maka-react kanina wala pa ako sa wisyo kagigising ko lang, narealize ko na lang ng wala na akong makita. "Basta wait ka lang. Excited ka na noh?" pangaasar pa niya. "Hoy siguro ihuhulog mo ako sa bangin noh? Kaya siguro may takip ang mga mata ko para hindi ko makita ang pagkahulog ko." Inis na sabi ko habang naka-nguso. "Grabe ka naman. Ayaw ko naman na ganon ako mamamatay, lasog lasog naman ang katawan ko niyan pag nakita ako ng mga SOCO." Hysterical na sabi ko. Gusto ko man tanggalin ang piring ko kaso parang magiging KJ naman ako. Narinig ko nalang ang halakhak niya na lalong lumakas dahil nasa loob pa din kami ng kotse at kulob. "Pag may nangyari sa aking masama ikaw talaga ang una kong mumultuhin hinding hindi kita tatantanan." pasigaw na sabi ko. He wouldn't stop laughing, siguro may gagawin talaga siyang masama sa akin. Ito na ba talaga ang kabayaran ng utang ko? Ang mawala ng maaga sa mundong ibabaw? Nalungkot ako bigla. Tumigil na din siya sa pagtawa niya. Narinig kong bumukas ang pintuan ng kotse sa side niya. Ilang segundo lang ay binuksan na din niya ang pinto sa side ko at inalalayan akong makalabas. Nagsimula na kaming maglakad, his left hand is holding my waist while his right hand were entwined with my left hand. Ramdam ko naman ang pag-iingat niya sa akin while we are walking since wala akong makita. Pero kinakabahan pa din ako. Lalo ng maramdaman ko na may mga hagdan kaming inaakyat!. Ano na nasaan ba kami? "Sinasabi ko na eh. Ano bang ginawa ko sayo bakit mo ako ginaganito? Gusto ko pa mabuhay." maiyak iyak na sabi ko, kinakabahan na talaga ako. Tumigil ako sa paglalakad gusto ko na sana alisin ang piring sa mata ko. Bigla ko naman naramdaman ang hininga ni Brandon sa pisngi ko. "Again, i already said it before. Don't you just trust me? Trust me because I will never do anything that will harm you. Okay?" he whispered softly. Then I felt his warm lips on my cheek. Waa! Sana hindi niya nakita na nagtayuan ang mga balahibo ko. Nahiya ako sa mga inasal ko sa kanya. Kaya ng hinila na niya ako para maglakad ulit ay sumunod na lang ako. "Okay fine basta siguraduhin mo na matutuwa ako dito sa mga pinaggagagawa mong ka-echosan ah." mataray na sabi ko trying to compose myself. I can feel my cheeks burning kasi. Natapos na din ang pagakyat namin ng hagdan ngayon naman ay patag na ang nilalakaran namin at parang kahoy ito compare kanina na gawa sa bato ang daan na tinatahak namin. "Relax lang mine malapit na tayo." Ani Brandon, napansin niya siguro na ang bagal ko na maglakad. Dinadama ko kasi ang hangin bigla kasing lumamig at napakasarap amuyin bawat dampi ng hangin sa aking balat dulot nito ay kiliti. Parang nasa tuktok kami ng bundok ang sariwa ng hangin at ang lamig. "We're here" inalalayan niya ako umupo. Aba may upuan at mesa naman pala dito. Akala ko talaga kung nasaan na kami. Dahan-dahan niyang tinanggal piring sa mga mata ko, kinusot-kusot ko muna to dahil biglang lumabo ang mata ko. When I clearly see where we are hindi ko alam kung ano ang ire-react ko. Napanganga na lang ako sa nakita ko sa paligid. Lalo ng abutan ako ni Brandon ng isang boquet of flowers. We are here in a huge floating native nipa hut restaurant, nakakamangha ang ganda nito idagdag mo pa ang papalubog na araw. Unti-unting lumiwanag ang paligid dahil sa mga floating candles. Ang eng-eng ko talaga na pagisipan si Brandon ng masama, bakit kasi may blindfold pa na nalalaman pwede naman wala na para naman hindi na ako napaparanoid. "You like it?" lumingon ako kay Brandon, I just nodded and give him a smile. Hindi ko muna siya pinansin busy ako ilibot ang mga mata ko sa paligid. Actually andito pala kami sa second floor, meron palang restaurant pa sa ibaba at may mga maliliit na nipa hut pa sa paligid. Ang ganda ganda talaga lalo na ng nagbukas na din ang mga ilaw sa paligid. Tumayo ako at pumuwesto sa unahan, kinuha ko ang cellphone ko at pinicturean ang papalubog na araw, mga floating candles pati na ang kabuoan ng floating restaurant. Ang pagpula ng paligid ay signal na papalubog na ang araw at parang ang romantic naman nito habang andito kami. Hindi ko namalayan na andito na pala si Brandon sa likod ko. Niyakap niya ako mula sa likuran ko at ipinatong ang baba niya sa kanang balikat ko. I can already feel his breathe. "It seems like you really like my surprise, hindi mo na ako pinapansin eh." tumango lang ako. Nagtampo pa ang loko, masaya lang ako. It's just that I really love watching the nature. Parang nakakaalis ng stress at alalahanin sa buhay. "Thank you for bringing me here Brandon." I said at hinaplos ko ang kamay niya na nakayakap sa akin. Ganon lang ang pwesto namin for few minutes nakatingin sa paligid habang yakap niya ako. Napakislot ako nang may biglang tumugtog na banda. Napabalikwas ako at napatingin sa likod ko humiwalay naman sa akin si Brandon then he grabbed my hand and hold it tight. Merong tumutugtog ng violin, cello at clarinet. My heart skip a beat when I heard the beautiful song they were playing, nakakakilig! Ang ganda, kahit walang kumakanta. "Let's dance" Brandon stepped forward, he started to walk then he stop in front of the orchestra. He put his free hand on my waist I looked at him questioningly, and he put my hand on his shoulder. I smiled and held tighter. He started swaying side to side, with me trying to copy him. "Please just look at me, don't look anywhere . Just look at my eyes" he commanded, napansin niya kasi na naiilang ako. Tinaas niya ang baba ko para tignan siya, sa una hirap pa akong titigan siya. Nakikipagtitigan lang ako sa pisngi niya. Tinaas niya ulit ang baba ko. "Please" he begged. "O-Okay." yun lang ang nasagot ko. Brando I were slowly swaying together to the beat of the song. He slipped his hand up from my waist to run his fingers into my hair. Eto na naman ang puso ko. Please wag ngayon, wag kang hyper please. Pakiusap ko sa puso ko ang lakas na naman kasi ng t***k niya. Sa tuwing magkalapit kami ni Brandon, feeling ko magkaka-heart attack ako. Pakiramdam ko maaga akong matitigok, pag laging ganito kabilis ang t***k ng puso ko. Hindi ko na mapigilan ang t***k ng puso ko kakaiba siya ngayon. I never felt this before nangangamba ako. Takot na takot na ako sabayan pa ng makahulugan na tingin ni Brandon sa akin. Napabuntong hininga ako ng malakas. Parang anytime lalabas na sa lalamunan ko ang puso ko. Please wag ngayon. "Velvet just relax. Wala naman akong ginagawa sayong masama ah."he said and pulled me closer to him. Hinawakan niya ang pisngi ko at ngumiti sa akin. Napansin kaya niya na hindi ako okay? Inalis ko ang tingin ko sa kanya. Nakipagtitigan ako sa leeg niya. Hindi ko na kaya pa siya tignan sa mga mata niya. There's something in his eyes that is sparkling every time na titignan ko ito. "Velvet, until now I don't know why your ex decided to leave you. Kung ako sa kanya hindi kita papakawalan." Mahinang sambit niya. Itinaas ko ang tingin ko sa kanya, nakatingin pa din siya sa akin. Anong ibig niyang sabihin? Sorry slow. Napasinghap ako ng niyakap na niya ako ng tuluyan. Sa daming beses na niya akong niyakap ngayon lang ako hindi makahinga. Hindi naman mahigpit ang pagkakayakap niya pero parang ngayon unti -unting nauubos ang hininga ko. "Velvet sorry if I will always treat you like this. Naadik na yata ako pasayahin ka." He whispered in my ears. Napalunok ako ng wala sa oras. Alam kung tapos na ang banda tumugtog pero eto na naman ang mga musika sa pandinig ko. Dumadalas na siya tuwing magkayakap kami ni Brandon. "B-Brandon please pwede ba yung slight lang. Baka ma-miss ko kasi yung ganitong treatment mo, lalo na pag tapos na ang deal natin. Pa-fall ka naman eh." Nagulat ako ng maisantinig ko ito. Hindi ito inutos ng utak ko, pero bakit naisantinig ko. Sino ang may sala? Waa! bwiset kang puso ka. Nahiya ako sa sinabi ko gusto ko bawiin please pakirewind. Ang hirap ng ganitong pakiramdam!.. Kinikilig ako na hindi naman dapat... Kasama ba to sa deal namin? Ang kiligin ako at pakiligin niya ako? This is too much...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD