"B-Brandon please pwede ba yung slight lang. Baka ma-miss ko kasi yung ganitong treatment mo, lalo na pag tapos na ang deal natin. Pa-fall ka naman eh." Pagkasabi ko nito ay lumuwag ang pagkakayakap sa akin ni Brandon, nagkaroon ako ng tyempo para humiwalay sa kanya. I hurriedly went back to our table hindi ko alam ano ang gagawin ko, my heartbeat is not acting right it is beating unusual para bang naghahalo-halo ang mga emosyon na nararamdaman ko ngayon. Lord wag naman po ngayon ayaw ko po ng nararamdaman ko. I glimpse at Brandon, sumunod na rin siya sa akin at naupo. Medyo nagiba ang timpla ng itsura niya, we are silent for a moment. Yumuko at nanginginig na nilaro ko ang mga daliri ko, hindi ko alam why I feel so tense right now. "K-Kain na tayo gutom na ako." pambasag ko ng katahimi

