My First Letter To Chloey
"My Dearest Chloey,
Good morning! ☺️
I saw you earlier today and my heart skipped abit when you smiled at me. I couldn't understand why I
am feeling this way. May I know what's your secret to make my heart pounding like crazy?
Your smile, My Dear Chloey. That was the sincerest smile I got in this lifetime. I wish I could ask for more. And I wish I had more time seeing you.
You made my day again, My Dear Chloey. See you again tomorrow. 😊"
------------------------------------
AGAD sinagot ni Chloey ang intercom nang makita niya na galing sa General Manager ang tawag.
"Yes, Sir Michael?" ani niya sa kabilang linya.
"Ms. Chloe." sagot ni Michael sa kanya.
Si Michael Bueno ang boss niya at General Operations Manager ng buong company nila, ang Mega Fashion Magazine. She worked as Executive Secretary for Michael Bueno. Simula pa lang ng career ni Michael sa company nila ay siya na ang Executive Secretary nito kaya naman kabisado na niya ang bawat galaw ng boss niya.
"Come to my office, please." ani nito sa kanya.
Napakunot noo siya sabay tingin sa wrist watch niya. Cleared naman ang schedule ni Michael ngayon araw at napa pirma naman niya lahat ng memos and proposal na dapat basahin nito.
Agad na tumayo si Chloey at kumatok ng mahina sa door ng opisina ni Michael.
Pagkapasok niya nang opisina ay naabutan niya si Michael na nakatayo at naka dungaw sa labas ng building. Agad na nagningning ang mga mata ni Chloey habang pinagmamasdan ang likod ni Michael. As usual, he's wearing a gray long sleeve that matches his physique. He's 6 feet 2 inches kaya naman halos agaw pansin talaga ang height nito sa karaniwan and stand out pa ang aura ni Michael.
"Sir Michael?" Agad na tanong ni Chloey kay Michael pagkapasok ng office ng huli.
Lumingon agad sa kanya ang binata and he smiled at her sweetly. Sumenyas si Michael na lumapit siya na agad naman niyang sinunod.
Michael grab her hand tightly. She can feel his warmth hand.
"I miss you, Chloey.." he murmured to her as he gently push her towards his body.
Her heart skipped a beat. Matagal na silang magkasama ni Michael pero hindi pa din nagbabago ang reaksyon ng katawan niya lalo na't kapag magkadikit ang mga katawan nila.
College pa lang silang dalawa ni Michael ay may 'mutual understanding' na silang dalawa. Bansag pa nga ng mga classmates nila ay inseparable silang dalawa. Laging magkasama at hindi naghihiwalay. But for her, Michael is her soulmate. She loved Michael more than everything in this world. Sa madaling salita, si Michael lang ang naging mundo niya simula nang magkakilala sila. Si Michael Bueno lang ang ginawa niyang mundo at alam niyang hindi niya makakaya kung mawala sa buhay niya ang binata. Kaya nga hindi na nagtataka ang iba na pati sa work ay magkasama sila.
Hindi mahalaga kay Chloey ang 'label' nila ni Michael. What's important to her is her happiness and love for him. Masaya na siya don. Sobrang saya.
"Hmm, what happened?" Bulong niya sa binata habang hawak niya ang bewang nito.
She gently caressed his face and looked at him. Maputi si Michael, well obvious naman dahil half chinese ito na bumagay sa makapal na itim na kilay ng binata. Malinis din ito sa mukha na halos hindi makikitaan ng balbas at bigote. Medyo may pagka maselan kasi ito sa mukha dahil katwiran ng binata ay laging may nakakasalamuha ito na mga clients.
"Masama bang ma miss ka? Hmmm? Chloey?." bulong nito sa tenga niya.
Agad na nakaramdaman ng kilabot si Chloey sa ginagawa ni Michael.
"Mike, baka may biglang pumasok." Ani ni Chloey sa binata.
Nagkibit balikat lang si Michael. Hindi nito pinansin ang sinabi niya at tuluyan na siyang niyakap ng husto.
"I don't care kung may makakita. And what's wrong with that?" Sagot ng binata sa kanya.
Wala na siyang nagawa kundi gantihan na lamang ang yakap ni Michael sa kanya. The truth is matagal na talagang gusto ng binata na i-announce ang relationship nilang dalawa sa buong company. She just rejected the idea. Gusto niya kasi ma enjoy ang office life niya at ayaw niyang mailang sa kanya ang mga kasamahan niya sa office dahil lang malalaman ng mga ito na girlfriend siya ng anak ng may ari ng company na pinapasukan nila. Ayaw ni Michael ang idea niya pero kalaunan ay nirespeto na lang ng binata ang kagustuhan niya.
Maliit lang ang circle of friends niya, and she better keep it that way. Alam naman nang malalapit nilang kaibigan ni Michael ang relationship nila ng binata. Masaya na siya kahit hindi i-announce nito sa buong mundo ang relationship nila basta ang mahalaga magkasama silang dalawa ni Michael. Wala nang mas hihigit pa doon. She was contented and happy.
Halos four years na din siyang executive secretary ni Michael at masasabi niyang na-eenjoy niya ng husto ang work niya. Bakit nga ba hindi? Halos araw-araw niyang nakakasama ang pinaka importanteng tao sa buhay niya.
"You need to rest, Mike." Aniya niya sa binata.
Mike ang tawag niya dito kapag sila lang dalawa ang magkasama. She preferred calling him his nick name.
"I know, Chloey. Did you know na ikaw lang ang nakakapag pa alis ng pagod ko?" Aniya ng binata sabay tingin sa dalawa niyang mata.
Her heart felt happy right now. Yung kislap ng mga mata ni Michael kapag naglalambing ito sa kanya ay hindi pa din nagbabago.
She knows from the start na siya lang talaga ang mahal ng binata.
She grab his face at throw a sweet and gentle kiss.
"Mike, I know you. What's wrong? Alam kong may nangyari." Ani ni Chloey sa binata.
Pagkarinig ni Michael sa sinabi niya ay agad na bumuntong hininga ang binata. Inalalayan siya nito na umupo sa ibabaw ng table niya na agad naman niyang sinunod sabay hawak nang mahigpit sa kamay niya.
"Anthon wants something from me." Ani ng binata na halatang may diin ang bawat pagbigkas.
Anthon is his father's name. Anak si Michael sa unang girlfriend ni Anthon na hiniwalayan ng father nito para magpakasal pure blooded Chinese. Nagpakasal pa din ang ama ni Michael kahit na alam nitong pinagbubuntis na nito ang huli.
Hindi naman nilihim ng binata sa kanya ang family history nito. Lahat ng bagay ay sinasabi sa kanya ni Michael that's why she respect him so much.
Kinuha niya ang kamay ni Michael at mahigpit niyang hiniwakan. Hindi naman na lihim sa kanya na maraming conflict sa pagitan ng mag-ama.
"Did he tell you what is it, Mich?" Tanong ni Chloey sa binata.
Umiling si Michael. "Not yet. He just said that we need to talk later at his house. Kabisado ko na siya Chloey. "
"Mich, you'll do good. Ikaw ang reason why Mega Fashion Magazine is in the peak right now and your father knows that. You made the company number one in this industry because of your abilities. Please don't forget about that." Malumanay na bigkas ni Chloey kay Michael na punong-puno nang assurance.
Malambing na hinaplos ni Michael ang pisngi niya na agad naman niyang hinawakan ang kamay nito at pinisil.
"This is one of the reasons why I love you, Chloey. You never failed to make me feel better." Kinuha ng binata ang kamay niya and kissed her hand.
"Kaya huwag ka na masyado mag-worry. Alam ko naman kaya mo lagpasan kung anuman ang ibabato sayo ng father mo. Remember, ibang Michael ka na ngayon compared to our college days. Your much tougher today, Mich."
"Thank you, Chloey." Ani ng binata sabay malambing na yakap sa kanya. "Imagine, what am I right now without you? You're my peace in this crazy world."
Michael kissed her forehead and looked to her eyes. Kitang-kita sa kislap ng mga mata ng binata ang pagmamahal nito sa kanya.
"Talaga ba? Then you should treat me to a dinner, Mich. You owe me big time."
"Hmmm. Let me think." Ani ni Michael sabay haplos sa likuran niya. "See you at the condo later. I'll treat to nicely." Bulong ng binata sa tenga niya na halos magbigay sa kanya ng kilabot sa buong katawan. "Be ready, Chloey."
She blushed. Alam niya ang tinutukoy ni Michael.
Marahang niyang hinampas ang binata na ikinatawa nito nang malakas. Magsasalita pa sana siya ng biglang tumunog ang cellphone ng binata. Agad na kumunot ang noo ni Michael pagka kita sa caller nito.
"You should answer the call, Mich." aniya.
He sighed.
"Anthon." Agad sabi ni Michael pagka sagot nito ng tawag ng ama.
Ilang minuto nagsalita si Anthon sa kabilang linya at halata sa mukha ni Michael na hindi nito nagugustuhan ang sinasabi ng ama nito.
"I know what you want, Anthon. And I will not fall for that!" Madiing sabi ni Michael.
Kahit hindi aminin ni Chloey ay medyo kinabahan din siya sa nagiging usapan nila ng ama ng binata. She has seen the disagreement between Michael and his father but this time, medyo worst ang argument ng mag-ama. Kitang-kitang niya iyon sa mga mata ng binata. Sa totoo lang, ngayon lang niya nakita na magalit ng husto ang binata.
"I will not regret my decision, Anthon. And you're not a father to me."
Pagkarinig niya sa sinabi ni Michael ay agad niyang hinawakan ang kamay nito. Tumingin sa kanya ang binata at kitang-kita niya sa kislap ng mga mata nito ang galit at helplessness.
"Okay." madiing sabi ni Michael. "I'll go to your house but let me tell you this, Anthon. You will never get what you want. I'll make your life a living hell and I will make sure of that."
Ilang segundo na nakakalipas matapos ang pag-uusap ng mag-ama ay hindi pa din kumikibo ang binata. Halatang pinapahinahon muna nito ang galit. Maya-maya lang ay humugot ng malalim na hininga si Michael sabay baling sa kanya.
"Care to tell me, Mich?" Mahinahong sabi niya kay Michael.
Michael just stared at him. Halata sa mga mata nito ang pag-aalala.
Maya-maya ay umiiling lamang ang binata. Hinawakan nito ang magkabilang braso niya at tinitigan siya sa mga mata.
"Let me just fix it first, Chloey. I promise you that I can fix it." Ani nito sabay halik sa noo niya. "Later, Chloey. I will tell you everything. Let me just meet him first."
Tumango siya. "I trust you, Mich. Whatever it is. But please remember, I will always here for you."
"I'll go ahead, Chloey."
"I'll call Mang Berto, Mich." tukoy ni Chloey sa driver nito.
Umiling lang ang binata sabay halik ulit sa lips niya.
"Tell Mang Berto to drive you to the condo. I'll see you later, Chloey."
Napabuntong-hininga na lang si Chloey habang pinagmamasdan ang pintuan. Aaminin niya sa sarili niyang kinakabahan siya sa kung anuman ang pangyayari sa pagitan ni Michael at ang ama nito. She never seen Michael like that.
Pero malaki ang tiwala niya sa binata. Alam niyang malalagpasan nito kung ano man ang conflict sa pagitan ni Anthon.
Tinignan niya ang wrist watch niya. Quarter to five na at need niya pang i-prepare ang meetings ni Michael for tomorrow and she need to prepare din para sa dinner date nila ni Michael.
I hope everything is fine,Mich. ani niya sa isip niya.
CHLOEY prepared delicious meal for Michael. Kasaluyukan siyang nasa condo ng binata at hinihintay na lang ang pagdating nito.
Actually, sa loob ng ilang ng relationship nila ni Michael ay halos doon na din siya nakatira sa condo. Nasa Bacolod kasi ang parents niya at doon na nag retire ang mga ito sa hometown nila. They decided to retire two years ago kaya naman mas minabuti na lamng nila na ibenta ang property nila sa Manila. They decided to buy a land in Bacolod. Hindi mayaman ang pamilya nila. Both teachers ang parents niya at siya lang ang nag-iisang anak ng mga ito.
Masasabi niyang maswerte siya dahil na inlove sa kanya si Michael. Minsan hindi niya maiwasan na makaramdam ng insecurities lalo na kapag nakakasalamuha niya ang mga alta na nakapaligid sa binata. Nawawala lang ang insecurities na nararamdaman niya dahil pinaparamdam ni Michael na siya lang ang mahal nito. Although, she decided na ilihim ang relationship nila ng binata. Mas importante para sa kanya kung anong klaseng relationship ang meron sa kanila ni Michael.
Chloey decided to text Michael. Halos dalawang oras na din kasi siyang naghihintay sa condo ngunit no response from him.
Minabuti na lang muna ni Chloey na manood ng Netflix habang nag hihintay sa binata. Ngunit halos hindi din niya maintindihan ang pinapanood niya dahil sa pag-aalala sa binata. She decided to call Michael ngunit hindi sinasagot ng binata ang tawag niya.
Chloey started to get worried. Ngayon lang hindi sinasagot ni Michael ang tawag niya. At doon siya tuluyang hindi mapakali.
She waited until 11PM but Michael hasn't returned home. Chloey decided to call him again but no answer.
Hindi niya maiwasan mag-alaala ng husto. Never pa ginawa ni Michael na hindi sagutin ang tawag niya o siputin siya sa date nila. Kaya nag decide na si Chloey na puntahan si Michael sa bahay ni Anthon.
She grabbed her phone and car keys. Pupuntahan na niya si Michael. She can't wait any longer.
Papalabas na siya ng condo ng biglang tumunog ang phone niya. Pagbukas niya ng phone ay tumambad sa kanya ang isang link na sinend ni Alice, isang associate sa office nila ni Michael.
"Is this legit? Engaged na si Sir Michael ?"
Kumabog ng husto ang dibdib niya pagkabasa sa message nito sa group chat nila sa viber. Ipinikit muna ni Chloey ang mata niya.
Relax, Chloey. Sa panahon ngayon marami ng fake news..
Pakonswelo niya sa sarili. Then she decided to click the link. Nag-appear ang isang article website from local tv station. Nandoon ang picture ni Michael at ng isang sikat na local artist.
HAILEY KIM GOT ENGAGED WITH HER NON-SHOWBIZ BOYFRIEND.
Halos hindi na maintidihan ni Chloey ang buong article. Ramdam niya din kasi ang panginginig ng buong kalamnan niya sa nabasa.
Umiling siya. Never gagawin sa kanya ni Michael ang bagay na yun. Mahal na mahal siya ng binata.
She composed herself first. Ilang minuto muna siyang nanatiling nakatayo. Need muna ni Chloey na i-regain ang sarili niya dahil mag d-drive pa siya papunta sa bahay nina Anthon.
Ilang minuto lang ay nasa kotse na siya. Habang nag-d-drive ay maraming tumatakbo sa isipan niya. What if totoo talaga ang balita na engaged na si Michael? Ayaw man niya pero sobrang nasasaktan na siya sa ideya na yun. But she trust Michael. Hinding-hindi nito magagawa na masaktan siya.
Halos thirty minutes din ang naging byahe niya papunta sa isang kilalang Village sa Makati. Nakapasok naman siya agad dahil may sticker ang gamit niyang kotse ni Michael.
Papalapit pa lang siya sa bahay nila Anthon ay halatang may party na kasalukuyang nangyayari. Doon pa lang ay sobrang kabog na ng dibdib ni Chloey. Hindi na niya halos na i-park ng maayos ang kotse at dali-dali siyang bumaba.
Dahil bukas ang gate ng mansion nila Anthon ay hindi siya nahirapan pumasok. Mayaman talaga ang pamilya ni Michael at ma impluwensya halata din sa mga bisita na nasa loob.
Sophisticated ang pagkaka design ng party sa garden ng mansion. Halatang may mga sinasabi din ang bawat bisita doon.
Sa dami ng tao ay pilit hinahanap ni Chloey ang binata. Hoping na sana ay hindi niya makita doon si Michael. Na hindi totoo lahat ng nabasa niya sa article.
Please, please. Michael please sana wala ka dito..
Ilang minuto na siyang naghahanap nang may biglang nagsalita sa microphone.
"Can I have your attention, please."
Agad na tumingin si Chloey sa nagsasalita. Kung hindi siya nagkakamali, si Anthon.
"Please welcome our newly engaged couple. Michael and Hailey."
Kasabay ng palakpakan ng mga bisita ay ang paglabas ng isang couple na nanggaling pa sa loob ng bahay.
Halos huminto ang mundo ni Chloey ng makita ang bagay na labis niyang kinatatakutan. Si Michael!
Dahil sa labis na pagka shock ay nabitawan niya ang car keys.
Kung ang buong crowd ay nag sasaya si Chloey ay parang binibiyak ang puso niya ng mga oras na iyon. Bigla na lang parang tumahimik ang buong paligid niya at si Michael lang din ang nakikita niya.
Ramdam na din ni Chloey na unti-unting nag iinit ang mga mata niya na anuman sandali ay nagbabadya ang mga luha niya.
Ilang sandali lang ay nagtama ang mga mata nila ni Michael. Sa umpisa ay kita sa mga mata ng binata ang shock nang makita siya nito. Ngunit maya-maya ay iniiwas nito ang mga mata sa kanya.
Doon ay halos mamatay si Chloey sa sakit ng nararamdam niya.
Michael..