TAHIMIK lang na umiinom ng beer si Chloey sa pub habang kaharap niya si Van sa lamesa. Hindi niya maintindihan ang sarili niya ng mga oras na iyon. Sobrang bigat ng dibdib niya na halos hindi na siya makahinga.
Pagkatapos nang conversation nila ni Michael ay halos wala na siya sa maayos na katinuan. Umiyak lang siya ng umiyak. Halo-halo ang nararamdaman niya dahil sa nalaman. Hindi rin niya lubos maunawaan kung bakit nangyari sa kanilang dalawa ni Michael ang mga bagay na iyon. Nagsimula siyang kwestyunin ang buhay na meron siya ngayon. Naging mabuti siyang tao at wala siyang kahit na sinong inapakan na iba. She was living her own life with Michael.
Nakita na lang ni Chloey ang sarili niya na nasa pub at umiinom. She just couldn't contain her emotions right now.
"Why life is unfair to me?" mapait na sinabi niya kay Van.
Napabuntong-hininga si Van sa sinabi niya. "Chloey, this is not your fault. Wala kang kasalanan sa nangyari sa inyo ni Michael. You just need to move on."
"Move on? How can I move on when I already know the reason behind our breakup?"
"Chloey, naririnig mo ba ang sinasabi mo? Hindi ikaw yan. Ibang Chloey na ang kaharap ko, diba?"
Napatingin siya kay Van. Halata sa kislap ng mga mata nito ang labas na pangamba.
"I really don't know, Van." malungkot na sagot niya dito. "I just need a drink to clear my mind."
Hinawakan ni Van ang palad niya ngunit binawi din niya iyon sa binata. At that moment, she sees the pain in his eyes. But what she can do? Gulong-gulo ang isip niya ng mga oras na iyon. She's aware of her feelings for Van. He brought her joy, laughter, and wonderful memories to share.
Masyado pang maigsi ang panahon para lang masabi niya na nakalimutan niya si Michael. Eight years of being in a relationship with Michael are not easy to forget. Lalo pa't maganda ang pagsasama nila ng binata. It's nearly a perfect one.
"Chloey, hindi sagot ang alak para ma-clear ang mind mo ngayon. Let's go home." ani ni Van.
Tumayo ito at hinawakan ang braso niya para alalayan siya. Ngunit tinabig lang iyon ni Chloey.
"Leave me alone, Van."
Kita niya ang pagkairita sa mukha ni Van sa sinabi niya. "Chloey, you're asking for my help right? You're asking me to save you. Kaya dapat makipag-cooperate ka. Now, let's leave."
Nainis siya sa sinabi nito. "Hindi mo 'ko naiintindihan kaya ganyan ang sinasabi mo."
"Okay, fine. Bahala ka magkalasing ka dyan at magpaka-lungkot ka dyan."
Pagkasabi niyon ay tinalikuran siya nang binata at walang lingon-likod na inalisan siya nito. Napahawak si Chloey sa noo niya. Parang gusto niyang pagsisihan ang inasal niya sa binata. Hiningi niya ang tulong nito pagkatapos ay ganoon lang ang magiging asal niya?
She sighed. Ang akala niya malayo na siya ngunit parang hindi pa pala.
Maya-maya ay naramdaman ni Chloey ang paghawak ni Van sa mga braso niya. Bumalik ang binata sa pub para sa kanya. Doon niya naramdaman ang unti-unting pag-iinit na naman ng mga mata niya. She was thankful enough for Van. Hindi siya nito iniiwan kahit na sobrang gulo ng isip niya.
"I-I'm sorry if I act this way."
Bumuntong-hininga si Van. "You need a rest not alcohol, Chloey."
Hindi naman na nakipagtalo si Chloey sa binata at sinunod na lang ang gusto nito. Habang naglalakad ay nakaalalay lang sa kanya ang binata pero hindi ito kumikibo. Nang nasa tapat na sila nang unit niya ay si Van na ang nagbukas ng pintuan. Doon siya muli nagsalita.
"Michael has no choice. He needed to do that for my sake."
"Says who?" ani nito na kahit nabuksan na ang unit niya ay nakatalikod pa din sa kanya ang binata.
"His father wants me dead if he does not marry-"
"Damn it, Chloey!"
Napapitlag siya nang bigla na lang magmura si Van. Galit na humarap ito sa kanya. "He f*****g has a choice, Chloey. And he chose to hurt you. To leave you! Ginawa nila yan sayo dahil they have selfish reasons!"
"Hindi gagawin ni Michael na iwan ako dahil lang sa pera!"
Hinawakan ni Van ang magkabilang braso niya. "Ginawa na niya, Chloey. Iniwan ka niya dahil sa personal na interest niya! Wake up, Chloey. Lalo ka lang masasaktan kapag pinagpatuloy mo pa yan."
"Hindi mo 'ko naiintindihan. No body understands me!" pasigaw na sabi niya dito.
"Wala ako dito kung hindi kita naiintindihan, Chloey."
Pilit siyang kumawala sa mahigpit na pagkakahawak ni Van. Nang papasok na siya sa unit niya ay muling nagsalita ang binata.
"Kahit anong gawin mo, that bastart already married to someone else. Hindi mo na maaalis ang katotohanan, Chloey."
Sa sinabi ni Van ay parang piniga nang husto ang puso niya. Hinawakan niya ang dibdib niya. Feeling niya hindi na naman siya nakakahinga.
"S-stop it, Van."
"I won't stop, Chloey. Hindi ako titigil hanggat hindi mo na-re-realize na wala na kayong pag-asa."
Imbes na sagutin ang binata ay pumasok na lang si Chloey sa loob ng unit niya at nanghihinang sumandal siya sa pintuan. Naramdaman ulit ng dalaga ang pag-iinit ng mga mata niya. Nang hindi na niya napigilan ay umiyak siya ulit. Bakit nga ba ganoon na lang siya kahina ng mga oras na iyon? Na halos lahat ng katotohanan sinabi ni Van ay sobrang sakit para sa kanya?
Maya-maya ay narinig niya ang mahihinang katok ni Van.
"Chloey, I'm sorry if I hurt you with my words. Hindi ko lang gusto na nakikita kang nahihirapan.." ani ni Van sa kabilang pintuan.
Pinili na lang ni Chloey na huwag sumagot sa binata. Maya-maya ay muling nagsalita ito.
"You have been through a lot. I know hindi magiging madali ang daan natin. Pero sana huwag mong bibitiwan ang mga kamay ko, Chloey."
Sa sinabi ng binata ay lalong umagos ang luha sa mga mata niya.
"I'm sorry." she murmured while crying. Pero alam niyang hindi siya naririnig ni Van sa kabilang pintuan.
"Chloey, open the door please. Honey, please talk to me. Let me fix this please?" pakiusap ng binata sa kanya. "Ayokong lumipas ang gabi na ganito tayo."
Ilang sandali lang ay awtomatikong binuksan ng dalaga ang pintuan. Kitang-kitang sa mukha ng binata ang labis na pag-aalala nang makita nito na umiiyak siya.
"My God. I'm sorry." ani ni Van sabay kayap sa kanya nang mahigpit. Hinalikan ni Van ang pisngi niya para tuyuin ang luha niya. "I'm so sorry for hurting you, Chloey. I'll never do that again."
Umiling-iling siya. "Please, never get tired of me."
Bilang sagot ay mas niyakap pa siya nang mahigpit ni Van. "No, never. I promise you that. How can I get tired of my own life?"
Tinitigan siya ni Van. "You're my life now, Chloey."
Van took hold of her face and gave her an intense kiss. Chloey simply squeezed her eyes shut so he could kiss her. Same feelings as when we shared their first kiss together. Intense but very passionate kiss. She can admit that Van is a better kisser than Michael.
Hindi niya alam pero ibang feelings ang nararamdaman niya kapag hinahalikan siya ng binata. Iba kasi ang pinaparamdam ng mga halik ni Van. Yung pakiramdam na para bang tinatanggal ng mga halik nito ang kung anumang sakit na nararamdaman niya sa puso niya. His kisses are healing her heart.
Awtomatikong ipinatong niya ang mga kamay sa batok ni Van at mas tumingkayad pa para mas maramdaman niya ang mga halik ng binata. Mas lumalim pa ang mga halik nito dahil sa ginawa niya. Niyakap siya ni Van sa beywang at binuhat. Inupo siya nito sa dining table niya at doon pinagpatuloy ang paghalik nito sa mga labi niya.
Mas naging mas mapusok ang mga halik ni Van na para bang may hinahanap sa buong pagkatao niya. Chloey suddenly moaned as his kisses deepened. Lalo siyang nakaramdam ng kuryente sa buo niyang pagkatao niya nang sinumulan himasin ni Van ang neck niya. Van just looked into her intensely emotional eyes when he made the decision to release her lips.
"Van.." she murmured while looking in his lips.
"Chloey, you know how much I love you?"
Ibig na sagutin ang sinabi ng binata ay siya na ang humalik sa binata. Mas mapusok at mas mapaghanap. Halos hindi na napigilan ni Chloey ang sarili niya. She can now admit that she got addicted to his kisses.
Muling kumalas sa halik niya si Van na para bang pinipigilan nito ang sarili. "Chloey, I don't want to take advantage-"
Hindi pinatapos ni Chloey kung ano ang gustong sabihin ni Van ng mga oras na iyon. Hindi ni alam ni Chloey kung ano ang pumasok sa isipan niya o influence ba ito ng alak. She grabbed his neck to kiss her torridly. Halik na mapaghanap at parang hindi makuntento. Ganyan ang halik nila ngayon ni Van. Hindi niya alam kung paano nito nahubad ang blouse niya nang hindi binibitawan ang mga labi niya.
They just kept kissing passionately. Chloey gasped when she felt his hand on her breast as it searched for something treasure.
Van lift her without releasing her lips. Namalayan na lang ni Chloey na nakahiga na siya sa bed niya while Van is on top of her. He grabbed her both hands upward as if she was trying to let go of him anytime.
"Van.." she murmured between his lips.
"I'll never let you go.."
"Never."
Chloey kissed him passionately again after uttering that word. She couldn't stop herself. She wanted Van to take over her body and make his body mine.
"I'm crazy about you, Chloey."
"Sshh." she murmured and kiss his lips again torridly.
Wala na sa sarili si Chloey nang mga oras na iyon. Lust and pain has taken her whole body that moment. She decided to give her body to Van.