Chapter Five: Deal or No Deal?
Yvo's POV
Hindi ko akalain na maaangkin ko si Charity. Suntok sa buwan na makuha siya. Una, dahil mag-ninang kami, mahigit dalawang dekada ang age gap namin. Pangalawa, galit sa akin ang kuya niya dahil ako ang dahilan ng aksidente nina Charielle at Zachary. Pangatlo, hindi kami bagay kahit saang anggulo tignan. Isa siyang sikat na model at artista samantalang ako ay isang hamak na bad boy, panira sa imahe ng tatay kong mayor.
Pagtapos ng sx namin hindi pa rin siya naniniwala na pangarap ko talaga siyang ikama at seryoso ako sa kanya. Kahit na I made it passionately instead of rough and wild sx.
"Yung pinag-jajabolan ko lang noon, naka-sx ko na ngayon. Ako pa ang naka-una." Pag amin ko sa kanya habang yakap-yakap ko siya.
Mukhang hindi pa nag sink in sa isip niya yung sinabi ko, kaya nilinaw ko, "I mean, yung pinagpapantasyahan ko while jerking off, nagmanifest na sa totoong buhay. Ikaw nagpa-tangkad sa akin. Alam mo ba yon?"
"Ah pinagjaj*k*lan?"
I laughed when she said 'pinagjaj*k*lan' in a very casual and elegant way. Hindi bagay sa kanya ang salitang balbal. She's too demure. Ganoon yata talaga pag matanda na'ng dalaga. Masyado ng seryoso sa buhay.
"Yes, pinag-jajabolan since I was thirteen. Yung cover girl ka ng mga men's magazine, meron ako lahat no'n, nakatago sa closet ko. See how I fantasize you? Bumili pa ako ng kopya kahit na it's just a click away sa mga website."
"Hindi ako naniniwala. May Chari ka ng binabakuran no'n."
"Edi h'wag ka maniwala. Lalong hindi ka siguro maniniwala kung sasabihin kong ikaw yata ang first love ko at hindi si Chari."
Natawa na lang siya. Hindi ko naman siya pinipilit maniwala eh.
One year lang tanda ni Chari sa akin kaya natural lang na siya ang ligawan ko pero si Charity talaga ang pinagpapantasyahan ko dahil fully -developed at sobrang hot niya dati pa. Para kasing nakikita ko si Chari in the future, magkahawig kasi silang mag tyahin.
"In my teenage years, ikaw yung pang girlfriend material. Paano naman poporma ang isang gaya ko? Nagtataka nga ako bakit hindi ka niligawan nila Ninong, eh nasa iyo na ang lahat."
"Niligawan ako ni Nick, kaso alam mo na, magulo ang pamilya namin, ayaw na namin makigulo. Saka ayoko ng mas bata sa akin. Si Pol naman, may girlfriend siya no'n."
"Ayaw mo sa mas bata? Paano naman ako?" Wala siyang maisagot kaya iniba ko na lang ang tanong.
"Wala ka bang naging boyfriend?"
"Wala." Simpleng sagot niya.
Hindi naman lingid sa kaalaman ko na first and unforgotten love niya si Mr. Luis Cruszi kaya siya nagpakatandang-dalaga at tuluyan nang sinarado ang puso sa mga lalaki.
"Matapos akong landiin, pakiligin ng lalaking yon, he dumped me. Dahil lang sa galit siya kay Kuya at Ate Jess. Alam mo ba kung gaano kasakit gamitin? Paasahin? Gawing tanga--"
Ang lungkot ng boses niya. Hindi pa rin niya masambit ang pangalan ng lalaking nanakit sa kanya. Will she carry the weight of her sad love story throughout her life?
"Pero sobrang tagal na no'n, wala na yon sa'kin. Naka move-on na at natuto na rin."
Kahit alam kong masaya na rin siya para kina Mr. Luis at Mrs. Casey pero may sugat na hindi basta-basta maghihilom.
She doesn't deserve to be treated like that. Ako, hindi na nakakapagtaka kung never 'kong mapapa-ibig si Chari. Aminadong mas higit si Zac sa akin, milya-milya. Deserve kong i-reject dahil dapat lang yon sa'kin. Pero si Charity...
Mabait at matino siya. She deserves all the love and respect from a man.
Hindi naman niya kailangan ng lalaki para maka survive pero alam kong may pangarap din siyang bumuo ng pamilya.
Ako, kailangan ko siya.
Mahihirapan akong patunayan ang sarili ko pero willing akong gawin lahat, whatever it takes.
May pag-asa pa, lalo ngayon, sa'kin niya pinagkaloob ang pagkabab@eng iningatan sa mahabang panahon.
Alam kong dala lang ng init at lungkot kung bakit niya nasabi kanina yung 'Yvo, I want you'. Pero mamahalin din niya ako, eventually. I will wait till her 'want' becomes 'love'.
Hinimas-himas ko ang kanyang long and shiny black hair na napaka lambot at bango na kailangan niyang i-maintain dahil siya ay model ng shampoo.
Hindi ko inasahan na yayakap siya sa akin. Ngayon lang ulit ako kinilig sa tagal na ng panahon.
Meron siyang binubulong na hindi ko gaanong marinig.
"Ang sabi ko, nung nasa Canada ka, may babae ka bang kasama sa bahay?" Napilitan siyang lakasan ang kanyang boses.
"Meron naman. Maputi, matandang dalaga, at green eyes din." Sagot ko.
"Are you trying to make me jealous?" She asked seriously.
"Hindi naman. Dinedescribe ko lang yung kasama ko sa bahay," sagot ko. Alam kong hindi siya magseselos dahil hindi naman niya ako mahal.
"Sexy?" Tanong niya na parang may halong insecurity.
"Fluffy."
"Aso ba yan?" Nakangiti niya ng tanong.
"Pvssy."
Natawa na lang siya at mahinhing hinampas ang aking dibdib.
Sa gitna ng kapalagayang-loob namin, tumunog ang cellphone niya.
Dahil malapit lang siya sa akin, alam ko na kung sino ang kausap niya at ano ang pinag-uusapan nila.
Isang producer na nag aalok ng pelikula. Napakunot-noo ako nang marinig kong R18 ang inaalok nito at pumayag naman siya.
Gabing-gabi na pero nag-abala pa talagang tawagan siya ng producer. Obviously, he wants her so badly.
Pagtapos nilang mag-usap, dito ko na inilabas ang inis ko. Kahit na wala akong karapatan sa mga desisyon niya sa buhay at bilang artista, trabaho lang ni Charity, walang personalan.
Nauunawaan ko naman na si Charity lang talaga ang best choice sa R18 movies na may 'cougar' theme, yung pang 'milf'. Siya kasi ang pinaka-hot sa mga beteranang artista na ka-edad niya. Plus the fact na wholesome ang image niya at hanggang pakita lang sa men's magazines ang daring niyang ginawa.
[I can do the role. May real life experience na ko sa pagiging 'cougar'. Haha.] Masayang sabi niya bago putulin ang linya at nagpapantig ng tenga ko.
"Ginamit mo lng ako para may reference sa role? Pvta." I asked sternly when I went on top of her.
"Bakit ka galit? Ginamit mo lang din naman ako..." She said nervously.
"Yun ba tingin mo? Nag gagamitan lang tayo? I'm using you for what? To satisfy my lust? Kung l*bog lang, Charity, I can pay a lot of high-end wh0res. But I bothered begging someone to ask for your house key and creep in here like a criminal just to see and be with you tonight."
She just smirk and gently pushes me away. "Kung sino mang 'someone' yang sinasabi mo, magsama kayo. Ok na, nakuha mo na ako, ano pa ba gusto mo? Don't tell me, gagawin mo kong girlfriend--'
"So you really think, it's just a one night stand?" Medyo galit na ako kaya seryoso ko siyang tinitigan.
"Ano pa ba? Fvck buddies?"
"Lovers!" I said, almost a shout. Then she fell silent. I understand kung mahirap siyang paniwalain. Napahiga na lang ako ulit sa tabi niya. Nakaka-frustrate kasi.
"If you're h0rny and feel like fvcking, you can ask me anytime. No need to make me feel and believe that I'm loved, things like that--"
"I want a serious relationship and not a fck buddy! Pinagsawaan ko na yan. Hindi pa ba sapat yung apat na taon para mag bago? How long do I have to prove myself?"
"Tama na, Yvo! Ok na ako sa ganito. You don't have to prove yourself. I don't need you or any man in my life. Ok na ako mag-isa."
"So, hanggang ganito na lang tayo? Wala man lang bang feelings yung sx natin? Hindi mo ba iiyakan yung virginity mo?"
"Inubos ko na yung luha ko kay Luis. I promised myself, hindi na ako iiyak dahil sa lalaki. Yung virginity ko, bakit ko iiyakan kung kusa ko namang binigay sa'yo? Na-enjoy ko naman. Sa mga oras na 'to wala pa akong pinagsisisihan."
I'm glad to hear that kahit na finally vinoice-out niya na si Luis, obviously affected pa rin siya. Nawalan tuloy ako ng galang sa hinahangaang lalaking yon.
"So, what are we? Friends with benefits? Low-key lovers gaya nila Zac at Chari noon?" I asked na may halong pagpipigil.
"Mag-ninang."
"Mag-ninang na nagkak****tan." I said on my disappointment.
"Hey! Watch your words. Ang sakit sa tenga. Bakit ba parang ayaw mo? Eh totoo namang mag-ninang tayo."
"I want more than 'mag-ninang', Charity. I want to get married too. Build a home with the woman whom I love and loves me too--"
Siya naman ang pumaibabaw sa akin at hinawi ang buhok na bahagyang tumatakip sa mata ko. "I like your hairstyle, it looks good on you. Ang gwapo naman ng inaanak ko."
Napangiti ako sa pambobola niya, oo na kinikilig ako.
"Oh, goodness, si bad boy nagba-blush. That's so cute. Naniwala ka naman agad? Ang sarap pala mambola ng womanizer--"
Ah she's just teasing me, talaga ba?
"Gwapo naman talaga ako. If not, papayag ka ba kunin ko virginity mo? Dalawa lang naman ang dahilan para bumigay ka sa'kin, una, dahil gwapo ako, pangalawa, you love me. The first one is more believable than the latter."
"Or it can be both."
Abot tenga tuloy ang ngiti ko, hindi ko maitago ang pamumula ng mukha ko. Then she stares at me at sumeryoso.
"Alright, if you want a serious relationship then I'll give it. Sasakyan ko yang trip mo. You can have me all day, do as you please. Just for a month. Pero parang awa mo na, don't you ever tell anyone about us fvcking."
"You're not getting younger, Charity, ako naman bad boy. Parang hindi bagay sa image natin maging secret lovers."
"That's it! Ano na lang sasabihin ng lahat? Isa akong ped0phile? Pumatol sa inaanak kong patapon? Walang-wala na ba--"
Natahimik siya nang ma-realize na she's being insensitive at brutally honest sa akin.
Kahit tanggap ko na but still it hurts. What she said had slapped the reality right into my face.
"Ano bang ikinahihiya mo, yung pagiging patapon ko o age gap natin?"
"Both." She lay down on my side and turned her back kaya pinihit ko siya palapit sa akin, back hugged her,.and whispered in her ear.
"Ano bang masama? Nasa 21st century na tayo. Open-minded na mga tao--"
"Pangarap akong maging sister-in-law ng Mama mo at hindi maging manugang. My ghad, I can't believe this. Yung anak pa ng best friend ko ang una kong magiging boyfriend. Just imagine that."
Charity was talking about Mama being in loved with her brother, Rafael. Kaso si Mr. Richards ay badly in love with Mrs. Jessy kaya wala ng nagawa si Mama kundi mag move on at si Papa nga ang nakatuluyan niya. Mahigit twenty years din ang age gap nila. Hindi pa politiko si Papa no'n and Mama came from a well-off family kaya naniniwala akong true love ang meron sila.
My point is, my parents would understand and accept our relationship if ever na maging kami ni Charity.
"Hindi ka na lugi sa'kin, as you said. Gwapo ako. Mabait na ako--"
"And I'm too old for you. Nakakahiya nang i-flex. Pumayag na nga ako sa kung ano mang gusto mo 'di ba? Basta no strings attached. Para kahit pagsawaan mo ako, iwan mo ko for other girls ay ok lang-.-"
Ok, I understand. Nahihirapan pa rin siya magtiwala at natatakot masaktan. She just needs an assurance.
"No strings attached pa rin kaya? Kahit na sa deal ko na ito, for sure magbabago ang isip mo--" I said.
"What's the deal?"
Dito ko na napukaw ang atensyon niya pero bago ko siya mapapayag sa deal namin, gusto ko munang ikwento ang mga nangyari sa akin sa Canada.
Naalala ko tuloy yung araw na sumuko ako sa mga pulis dahil sa car accident nila Chari at nagpalipas ng ilang araw sa detention cell. It's so horrible.
Si Charity lang ang nando'n para sa'kin...
She needs to know some details behind it. Kaya ako nagbalik, not just to pursue her, but also to protect her. Her life is probably in great danger in the coming days...
~~~~~TO BE CONTINUED ~~~~
Author's Note
Comment naman po pls. Nakakatamad kasi magsulat pag alam mong wala naman nagbabasa. Start pa lang kaya wala pa sa exciting part. Maraming twist po ito at medyo maaksyon kaya marami-raming chapters po ito.