Chapter Seven: Manipulative Sadist

2120 Words
Chapter Seven: Manipulative Sadist Rica's POV Maraming nangyari matapos ang kasal nila Ate Chari at Kuya Zac. Sinong mag-aakala na ang dating bad boy ay mapapatino ni Aunt Chelsea? Sila naman ngayon ang meron nitong 'romantic entanglement'. Ang weird kung paano nagko-connect at correlate ang pami-pamilya namin, gaya na lang nina Ate Chari kay Mr. Luis na ex ni Nanay at ngayon father-in-law na ni Ate. That's really awkward. Dumagdag pa itong si Eeshan. Parang gusto rin niyang makigulo sa mga angkan namin. His kiss gave butterflies in my stomach whenever it pops in my mind. Grabeng distraction ang ginawa n'ya sa akin. Simula nung nakita ko si Eeshan, hindi na siya nawala sa isip ko. I knew and felt that I love him already. Lalo na nang hinalikan niya ako. I feel an extreme guilt, gusto ko ng makipag break kay Jared. Tutal, hindi naman ako masaya sa kanya. Lagi niya akong sinasaktan emotionally at physically pa nga. I never felt the magical romantic spark with Jared na sinasabi ni Ate gaya nang na love at first sight siya kay Kuya Zac. Gusto ko rin yung idea sana na kung sino ang una kong naging boyfriend ay siya na hanggang dulo kaya nagtitiis ako. Isa pa, walang nagtangkang manligaw sa akin, si Jared lang. Hindi kasi ako sexy, I'm chubby lalo na noong teenage years ko, buti ngayon nawawala na ang aking baby fats. I'm so full of insecurities. Lalo na nang sinabihan ako ng "mataba" ng crush ko na barkada ni Jared. Yun yung una naming pagkikita, family gatherings noon ng mga Cruszi at sinama ako ni Cassie. Grade six ako no'n while Jared is two years older than me kaya nasa middle school na siya. Kahit na hindi siya kagwapuhan gaya ng mga pinsan niyang Cruszi, siya yung pinaka-approachable. Parang he's fun to be with. Hindi gaya ng mga pinsan niya na may intimidating aura na para bang seryoso lagi sa buhay at negosyo. Since then, we started dating secretly ng one year. Bata pa kasi ako no'n. Yung spark? I felt that kay Eeshan. Hindi ako pinatulog ng mahiwagang mensahe niya sa kanyang Dad Sev, yung sinabi niya in Hindi language. Wala talaga akong matandaan ni isang word kaya hindi ko ma-google translate at hindi rin naman ako matutulungan nila Cassidy at Ace kaya wala akong magawa kundi dumiresto mismo kay Eeshan. Isa pa, nami-miss ko na siya. I added him on sss and direct messaged him. [Hi, Eeshan. Do you remember what you said sa Dad mo na hindi namin maintindihan. Honestly, hanggang ngayon hindi ako pinapatulog no'n. Kaya I humbly ask you to answer me, maawa ka naman sa sleepless nights ko... What did you say to your Dad that day?] I was shocked and got excited when he replied right after he had seen my message. [Hello. If I'll tell you what I had said to my Dad, are you ready to break up with your boyfriend? What I said that day might end your relationship.] Oh dang! Anong ibig niyang sabihin? Lalo akong na-curious at na-excite. Matagal-tagal ko rin ninamnam ang chat niya, matagal kong tinitigan ang screen ng CP ko at alam kong matiyaga rin siyang naghihintay ng sagot ko. Nainip na yata siya sa reply ko kaya nagtype na siya, mukhang mahaba-haba na namang message yon. [If you're not yet ready, better not to ask me. Please, don't contact me anymore. Just forget it. I don't want to be the reason of someone's heartache.] Wala talaga akong maisagot at nakikita kong nagta-type na naman siya. [I'm sorry for your sleepless nights. Same here.] Muntik na akong mapasigaw sa message niya. Hindi ko inaasahan na siya rin pala. What does he mean? Lalo niya akong binabaliw. Magrereply pa sana ako nang bigla niya akong binlock. "Dang!" Sigaw ko. I threw my phone, stumped my foot, and pulled my hair. I got so damn frustrated! "Rica!" Nagulat ako sa boses ni Tatay. I was so embarrassed. Nasa kalagitnaan nga pala kami ng family bonding namin, pinapanood namin ang wedding video nila Ate. Nandito nga pala sila Mamita Jessica, Papito Dylan, Ate Chari at Kuya Zac. Nagbabakasyon ang lolo't lola ko rito samantalang sila Kuya Zac ay dito muna titira hanggang manganak si Ate para mabantayan ni Nanay. Maselan kasi ang pagbubuntis niya. Lahat sila nakatingin sa akin pati si Riel na naka-kalong sa lap ni Kuya Zac. "Anong nangyayari sa'yo?" Tanong ni Nanay. "Nag-aaway na naman kayo ni Jared?" Banas na tanong naman ni Tatay. "Ah hindi po." Nakayuko kong sagot dahil sa kahihiyan. "Isa na lang, namumuro na yang boyfriend mo--" sabi ni Tatay at tumingin kay Kuya Zac. "Pagsabihan mo nga yang pinsan mo--" halatang galit na si Tatay at tumingin na lang sa tv para manood. "Malayong-malayo sa'yo." Napangiti na lang si Ate, sobrang flattered na pinuri ang asawa niya. Well, Kuya Zac is indeed to be commended and proud of. "Kakausapin ko po, Dad--" "No! It's Eeshan!" Sabat ko kay Kuya Zac. Nananahimik kasi si Jared, ayoko siyang masisi. Agad kong tinakpan ang bibig ko, nabigla lang ako. Nakatulala silang lahat sa akin at sa sobrang kahihiyan, tamakbo ako palabas ng entertainment room at dumeretso sa kwarto ko. Magsho-shower na sana ako nang kumakatok si Ate sa pinto. Pinapasok ko naman siya para mag-usap kami. Alam kong tungkol ito kay Eeshan. "You can't deny it." Bungad agad ni Ate nang pinakita niya ang naiwan kong cellphone. Nabasa niya ang conversation namin ni Eeshan. "Sorry for intruding into your private matters. Concern lang kami ng Kuya Zac mo--" "It's ok, Ate. I've done it to you too. We're now even. Anyway, wala lang yan." She raised her eyebrow. Hindi siya naniniwala. "Alam mo, nung nakita ko kayong magkatabi ni Eeshan sa airport, nasabi ko sa sarili ko na bagay kayo kaso sayang dahil nagpapaka-tanga ka sa pag-ibig. I was glad nang makita ko ulit kayo sa wedding na magkasama. You know what, hindi lang ikaw ang sumusulyap kay Eeshan--" Kumikinang ang mga mata ni Ate habang sinasabi niya yan parang kinikilig. "Nahahagip ng cam yung mga pasimpleng tinginan niyo. You know, may inamin si Zac sa akin, yung wedding nila Nanay that's the first day we've first met 'di ba? Sabi niya, he's always taking a stolen glance at me too. Kaya he knows, Eeshan likes you too. Kasi gano'n din si Zachary sa'kin." We both giggle while holding each other's hands. Ganoon kaming mga girls pag kinikilig. Bago ako matulog, na-realize ko, kung magkapatid kami ni Ate, at magkapatid si Kuya Zac at Eeshan, may possibility na pwede kami ni Ate na maging future 'mag-bilas' ?! ~~~~~~ I heed the advice of Ate na makipag usap ng maayos kay Jared. Pinuntahan ko siya sa office niya where Uncle Nick is training him. I told him that I'm breaking up with him because I have to. Wala ng pali-paliwanag. Syempre hindi niya yon matanggap. I already expected it. Lagi naman akong nakikipag-break, pang-ilan na ba namin ito pero this time threatened na siya dahil ramdam niyang seryoso na ako. Kumapit siya ng mahigpit sa braso ko at tumitig ng matalim. "Kayo na ni Eeshan?" Just as I expected, alam niya na about Eeshan pero mali siya ng iniisip. "No." I answered. Lalo niyang hinigpitan ang kapit niya kaya gusto ko ng kumawala. "Give me your phone!" Utos niya. Pero ayaw ko ibigay kaya sapilitan niyang kinuha sa akin. Dito na kami nagkapisikalan ng matindi. May nabasag pa na display sa kanyang table kaya dumating si Uncle Nick para kami awatin dahil malakas na ang sigawan namin. "Jared! Rica Myles! Nag aaway na naman kayo? At goddammit dito pa sa office!" Sigaw niya. "She's breaking up with me. How can I keep calm, Tito?!" Sabi ni Jared na pasigaw. "For the nth time. Goodness, hindi pa ba kayo sawa sa kaka-away at break niyo? Sobrang toxic na--' "She's cheating on me!" Sigaw ni Jared. I got tongue-tied, hindi ko siya niloloko. Siya nga ang ilang beses ko ng nahuling nambababae. Kaya pati si Uncle Nick ay nagulat. "She's having an affair with Eeshan! Porke guwapo yung bumbay na yon, itatapon mo na ako? Five years, Rica! T@ng ina!" Pinisil na naman niya ang braso ko, nasasaktan na ako kaya pinigilan na siya ni Uncle Nick. "Jared, let her go! And don't you dare lay a finger on my niece!" Napilitan siyang bitawan ako. Kung wala lang si Uncle Nick siguradong may pasa na naman ako. Pinipilit kong huwag manginig but I can't. Kasalanan ko naman kung bakit ganyan ang trato sa'kin ni Jared. "Rica, you're not breaking up with me. Understood? Halika na, ihahatid na kita." Hinawakan niya ang kamay ko at hinila paalis. Nagpaalam na kami kay Uncle Nick na parang walang nangyari. Akala ko ihahatid niya ako sa bahay pero doon niya ako dinala sa kanilang mansyon. Nakita kami ni Donya Wanda na papunta sa room ni Jared kaya binati ko siya kahit na kinakaladkad ako ng anak niya. Alam niyang sinasaktan ako ni Jared kapag pinapasok nito sa kwarto. Wala namang magawa si Donya Wanda dahil isa rin siyang battered wife. Agad akong hinagis ni Jared sa kama pumikit na lang ako at tinakpan ang aking pisngi sa aktong sasampalin niya ako. Hinintay kong lumapat ang kanyang palad sa aking mukha pero napigilan niya ang kanyang sarili. Iminulat ko na ang mga mata ko, lumuluha siya. "I'm sorry, Bibi. I just love you so much," ang sabi niya habang hinihimas ang aking pisngi. Niyakap ko na rin siya habang nakasubsob na ang mukha niya sa aking dibdib na parang baby. "Do you think it's time to... Alam mo na--" Tumitig siya sa akin at pagkatapos naman sa aking labi. I know what he means. "Jared, please--" "Kiss lang--" "No." Mariin kong tutol tulad ng dati. Dito niya na tinangkang halikan ako kaya sinampal ko siya at tinulak para lumayo sa'kin. "This is the reason, Jared. Nakukunsensya ako. Never ka ng magiging first kiss ko--" Umusog ako hanggang maabot ang headboard ng kama, lalayo na ako kung sakaling mananakit siya ulit. He smiled bitterly after I told him that. "Taena, Rica! Limang taon! Hiniling mo sa'kin na huwag kang gagalawin kahit halik, Rica, hindi ko ginawa. Kaya nga napilitan akong mambabae--" "Kaya nga I'm breaking up with you. You don't deserve me. Mambabae ka hanggat gusto mo, I don't care anymore. Please set me free." "Bakit? Dahil may Eeshan ka na? Aminado naman akong wala akong panama do'n sa bumbay na yon. Pangit ako, hindi rin ako matalino, alam ko. Pero ako lang ang tunay na nagmamahal sa'yo." Hinawakan niya ang mga kamay ko habang umiiyak. Hinihintay niyang sabihin ko ang pampakalma niyang mga salita ko, gaya ng, 'you're the most handsome man', 'ikaw lang ang lalaki sa buhay ko'. Pero hindi ko na magawang sabihin... "Magpapakamatay ako, Rica, pag iniwan mo 'ko. I'll sho0t my head and will take your conscience to my grave. We will both rot in hell." ~~~~~~~ SA WINTERFIELD UNIVERSITY First day namin nila Cassidy at Ace sa college. Excited ako syempre pero hindi siguro kasing excited noon gaya ni Ate. Sobrang head over heels siya kay Kuya Zac kaya kinuha ang kursong hindi naman niya gusto para lang maging classmates sila. Si Jared kasi ay ahead ng two years sa akin kaya Third year na siya, of course, dito sa Winterfield kaya lagi naman kaming nagkikita at wala ng espesyal do'n. Ang nagpapa-excite na lang sa akin ay ang college life itself. "Oh my gosh, Sissy. Look at that!" Excited na sabi ni Cassie habang tinuturo ang building ng Department of Chemistry, ilang metro lang ang layo sa amin. Wala naman akong makitang kakaiba dahil malalim ang iniisip ko, nasa Balesin pa, doon sa seashore kung saan kami nag-usap ni Eeshan. Kinuyom na ni Ace ang pisngi ko at hinarap sa target na gusto nilang ipakita sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang nakita ko si Eeshan nakasandal sa tabi ng pintuan ng classroom at busy na nakatingin sa cellphone. Huminto ang paligid nang tumingin siya sa direksyon namin at nginitian ako. Ahhh my heart-- ~~~~TO BE CONTINUED ~~~~ Sorry po for lame writing... Author's Note: pasensya na po kung slow updates ito kasi may contract na ako sa Am@zon K!ndle vella!!! Need ko rin po kumita ng malaki. bukod don, may once in a lifetime chance na for broader audience worldwide. Dito po kasi ay free lang ito. Kaya syempre mas priority ko po sulatan yon. But rest assured, mag UD po ako at tatapusin ko ito. Kahit mga 10 lang ang nagbabasa nito. Salamat po sa support. Mag UD lang po ako pag may 20 comments na. TY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD