Crazy Over You : Chapter 1. Train station encounter
Prologue:
"Anong kaguluhan to?!" Sigaw ko, nang madatnan kong ang best friend ko at ang girlfriend ko ay nag papambuno.
"Soya! Nahuli ko sya kung gaano sya ka obsessed sayo, she even stalked you and even tried to harm you para malayo ka sakin. Di ko hahayaang masaktan ka!" Paliwanag ng Girlfriend ko.
"What the hell? Ganyan kahalang ang sikmura mo para baliktadin ako Kaye?!" Kontra naman ni Scia sa paliwanag ni Kaye. "Soya, kilala mo'ko, sana hindi pa huli ang lahat at hindi pa nalalason yung utak mo sa mga kasinungalingan niya."
"Sandali nga! Naguguluhan na'ko sa pinag sasasabi nyo! " Ang tangi kong nasambit dahil hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko.
" Yung teddy bear na bigay mo sa girlfriend ko, akala mo hindi ko malalaman na may camera don? " Dagdag pa ni Kaye sa akusasyo nito kay Scia.
Tangan ang regalong teddy bear ng kaibigan ay agad na tiningnan ito ni Soya kung mayroon mang kamera itong nakatago. Nanginginig niyang tinanggal ito at tinitigan habang nangingilid naman ang kanyang luha. Hindi siya makapaniwala sa kanyang mga natuklasan.
Chapter 1
Soya's POV
I just found myself na naipinta sa aking mukha ang scenario sa isip ko nang di namamalayan and it's weird kasi nasa istasyon ako ng tren at malelate na sa trabaho ko pero nagawa ko pang mag day dreaming. Naputol lang yung mga ilusyon ko nang marinig ko na nasa destinasyon na ako.
"Ahhg!" Bahagya akong dumaing nang mabangga ako sa isang babae na tila nagalit pa sa akin
" tsk! " Tugon niya habang ang mga mata niya ay nasa sulok. " Ni hindi man lang maalam mag sorry, nagawa pakong titigan ng masama" aniya nang pabulong sabay talikod.
Nang mga oras na iyon ako ay naiwang tulala at namamangha sa nakita ko. Siyang siya nga, yung babaeng iniisip ko kanina lang. Hindi ko makakalimutan yung araw na yon. Yung jacket nyang suot na nag fade na yung kulay kaka wash and wear pero hindi kinabawas ng kapogian nya. Yes ampogi nya para sakin. Nadadama ko na kakaiba din sya tulad ko. Ewan ko pero ang lakas lang ng dating niya. Ang old school na techy yung datingan nya. Yung mga tipo ng tao na animoy mga taong naka babad sa computer magdamag kaka gawa ng program, mga taong acidic kakakape. Nahahack ang mga wifi sa mga restau. Tapos yung mga pormahan e yung naka hoodie, naka salamin, naka flat shoes, tapos yung style ng buhok medyo messy. Tulad nya na naka messy bun, nag aagawan ang pagka pogi at kagandahan nya.
"Soya naman, alam mo namang short tayo ngayong araw sa crew, tapos nagawa mo pang mag pa late ng isang oras! May balak ka ba talagang pumasok?" Pag sesermon sa akin ng aking bestfriend na si Scia , Short for Simplicia. Ambantot talaga ng pangalan ng tao na to, buti nalang bumawi sa sipag.
"Tatlong oras na nga lang tong duty mo, pambihira." Pagpapatuloy nito. "Sorry na Scii! Dami kong gawain kagabi e nakatulogan ko na nga sa table tapos ayun pag gising ko, boom! Late nanaman ang eabab na to". Pangangatwiran ko.
" Anong ea, ea, pinag sasasabi mo nanaman? Alam mo gutom lang yan, hindi ka nanaman siguro nakapag almusal." Bagamat naiinis ay nag aalala.
" Hindi pa nga e, tara ah, mamaya, ako naman yung taya don't worry."
Ilang taon ko nang kaibigan si Scia dahil mula kolehiyo ay siya na ang aking kasa kasama. Siya ang aking kasabay tuwing papasok at uuwi dahil madadaanan lamang ang bahay namin patungo sa bahay nila. Andami na naming napag daanan at malalim na ang aming pagkakakilanlan dahil halos kapatid na ang turing ko sa kanya. Infact sa kanya pa ata ako unang nag open tungkol sa aking gender identity marahil ay ramdam kong parehas kami. Amoy na amoy ko ang kabadingan nya anytime na may chics na nadetect ang kanyang sensor. Maraming beses na din kaming inaasar sa isat isa ng aming mga kakilala ngunit parehas kaming diring diri ang reaksyon dahil hindi namin maimagine yung mga pinag sasasabi nila, pero dedma kami. Maraming bagay ang alam niya sa akin tulad ng mga natitipohan ko.
" Sigurado ka bang kaya ng budget mo?" Pag uusisa ni Scia.
"Ano ka ba namab frenny, anong palagay mo sakin poorita?" Depensa ko.
"Owkey, fine, rich tita hahaha" sambit ni Scia habang panay ang tuhog ng fishball.
" Nga pala, nakita ko kaninang umaga yung crush mo" panunudyo ni Scia.
" You mean, yung nerdy cutie patootie?, hulaan ko, inorder nanaman nya yung usual nya na inoorder which is yung..."
" Lasagna" sabay naming sambit ang paborito kong pasta.
"Feeling ko tuloy ginawa sya para sakin hihi." Kinikilig kong sambit sabay subo ng fishball.
"Hope so, sa dami mong failed na pakikipag date, e sana nga umayos na". Aniya habang naka tingin sa alapaap na parang iniimagine ang mga pangyayari.
Agad akong nabilaokan sa mga sinabi niya. "Grabe nga yun! Traumatizing! Pakiramdam ko sinumpa ako. Una, so keisha, yung ambaho baho at dumi dumi ng suot ko sa date dahil may nangyaring di inaasahan, pinahihiya ko daw sya sabay iniwan ako, Pangalawa, yung kay Jane na aso, nawala ko, hindi ko naman sinasadya yun e ang alam ko tinali ko talaga yun, sobrang galit nya. At huli, yung napatid ako at sumbsob ako sa spaghetti ni tita, mader ni luke. Perstaym ko mag entertain ng lalaki ah, inisip ko kase na baka ekis talaga ko sa mga babae, pero wala". Mahaba kong daing habang sinasariwa ang mga tagpo, mga nakakahiyang tagpo.
"This is the 100th time mong inirarant sakin yang mga kamalasan mo sa dating, pero til now natatawa padin ako, ang malas mo nga no? " Pang aasar pa ni Scia.
"Sus, palibhasa bahag ang buntot mo, never kang sumubok!" Pang aalaska ko sa kanya.
"Susubo lang, hindi susubok. I mean ng fish ball" aniya.
"Inosente ka ba talaga, baka mamaya kung ano na yang hinubo ah, este sinubo"gatong ko.
"Kadiri ka namang babae ka, kakilabot!" Nandidiri niyang tugon.