Sana nga Naligo kaming dalawa ni Exe. Medyo malamig iyong tubig pero nakakaya naman. Panay tawa ako dahil sa pang-aasar ko sa kanya. "Wala namang tao! Malayo sila oh!" Humalakhak ako. "Stop being naughty, Shayne." Nailing siya. Ngumisi lang ako. Hinawakan kong muli ang dulo ng tshirt niyang suot ko at nag-akmang hubarin itong muli kaso ang bilis ng kamay niya at naipulupot niya agad iyon sa akin. Nadikit ako sa dibdib niya. Niyayakap niya ako gamit ang isa niyang kamay. Humalakhak ako. Narinig ko pa siyang sumambit ng ilang mura. "Ano?" Natatawa kong hinuli ang mga mata niya. Halatang asar na asar siya sa akin. "Of you didn't stop then you'll regret this night." may diin ang pagkakasabi na ikinakurap ko. I'm sure he's not joking. Halata rin kasi sa mukha niya. "Eh kasi tinapon mo

