Never Katulad ng plinano ni Exe noon ay naging magkaklase nga kami sa sumunod na pasukan. Simula nang maging kami ay wala pa kaming pinag-aawayan. Wala rin naman kasi akong ginagawang ikakagalit niya. Kinikimkim ko lang rin iyong nakita ko sa cellphone niya. Hindi ko iyon pinapakialaman dahil privacy niya parin naman iyon. Napahikab ako habang pinapanood si Exe na may kung anong binabasang mga libro dito sa loob ng library. Ang rami pang nasa gilid niyang mga librong babasahin niya rin ata. Pagdating sa pag-aaral, nakikita ko sa kanya kung gaano siya kapursigido. Kahit na minsan ay hindi naman siya nakikinig sa klase o kaya ay mukhang walang pakialam. Pero nagsasarili siyang sikap para mas marami siyang matutunan. Ginawa kong unan ang dalawa kong kamay na nasa desk habang tinititigan

