Ikaw ang mahal niya Nasa labas lamang ng bintana ang aking tingin. Dalawang araw ko nang hindi nakakasama si Exe rito sa eskwelahan. Lunch time na pero heto ako, walang ganang lumabas. Mas excited pa akong umuwi. Excited akong makita siya at makausap ulit siya sa kwarto ko. Nakagawian na ata naming mag-usap tuwing gabi hanggang sa kapwa kami makatulog. Naramdaman ko ang isang imahe ng lalakeng inukupa ang upuang nasa tabi ko. Mabilis akong napalingon dahil akala ko ay si Exe iyon pero nagkamali ako. Iyong weird ko palang kaklase. "Ba't ka umupo?" tanong ko habang magkasalubong ang aking kilay. "Because it's vacant?" Sarkastiko nitong sabi habang nakataas pa ang isang kilay. "Pag nalaman ito ni Exe ay magagalit iyon." may diin kong sabi na ikinakibit lamang ng kanyang balikat. "Ala

