Very wrong Kumalat sa school ang isang issue na lubos na sumira ng imahe ni Adiane. Na nilalandi niya si Exe. Pero mukhang hindi naman siya nagpapaapekto. Hindi niya iyon pinapansin. Suspended rin naman kasi si Exe kaya siguro ngayon lang sila nagkalakas ng loob na pagsalitaan ng masasama si Adiane. Nakaupo ako sa bench habang may binabasang libro nang sumulpot bigla si Blaire sa harapan ko. Sa tiyan niya agad ako napatingin. Hindi pa iyon lumolobo. "Nasan si Exe?" tanong niya, galit ang ekspresyon ng mukha. "Suspended siya. Sinuntok niya iyong Principal." Paliwanag ko sa kanya na mas ikinasira ng ekspresyon ng mukha niya. "Alam mo hindi sana ako makikialam sa inyo ng boyfriend mo. Pero hindi rin naman aasa si Adiane kung hindi niya pinapaasa! Kung nagmamalasakit lang naman pala si

