Mapapatawad mo ba ako? Inihatid rin naman ako ni Exe pauwi. Hindi na lumabas iyong Papa niya kahit ang kapatid niya noong naroon ako. Pinapamukha talaga sa akin ng dalawa na ayaw nila akong makita. Iyong si Tita Clara lang ang nag-aasikaso sakin. Ipinapakita niya sa akin ang mga solo pictures ni Exe noong bata pa siya. Ang kabataan nito. Natawa pa ako lalo na't may isa siyang picture na hubo't hubad siya at may hawak na stufftoy. Umiiyak daw siya ng araw na iyon dahil hindi makita ng Mommy niya iyong paborito niyang damit kaya mas pinili niyang huwag nalang magdamit. Panay kwento ang Mommy niya tungkol sa kanya at minsan ay naluluha pa. Masyado itong emosyonal sa mga bagay bagay. Kaya siguro ganoon rin iyong babae. Napapagsabihan lang ay humahagulhol agad ng iyak. Kung gaano naman kae

