Chapter 19: Let go

1721 Words
NAGTATAKBO PAPUNTANG SALA si Diezel habang kinikilig. Napangiti pa siya noong huli. Masaya siya para sa mga kaibigan dahil nagkaroon na ang mga ito ng pagkakataon na maiparamdam sa isa’t isa ang pagmamahal na naudlot dati. Trip niya lang talagang sumigaw para batiin ang dalawa. Hindi niya rin naman alam ang gagawing reaksyon dahil nahiya siya bigla sa mga ito. Siguradong naabala niya ang dalawa. Nang papunta siya sa sala ay gano’n na lamang ang gulat niya nang hilahin siya ng kung sino. Hindi pa ito nakontento at isinandal pa siya sa dingding. Ramdam niya tuloy ang malakas na pagtama ng likuran sa pader. Seryosong mukha ni Quest ang nasilayan niya Biglang lumapad ang kanyang pagkakangiti. Akala niya’y wala ng balak ang dalaga na pansinin siya. "Ang bilis mo naman, darling. Hindi ako ready. Dito talaga natin sa kusina gagawin?" pilyo niyang tanong dito. Noong una ay hindi nakuha ni Quest sinabi niya. Patunay na ang pagkakakunot ng noo nito. “Get lost,” malamig na wika nito. Nawala ang ngiti niya ng makita ang ipinagdukdukan nito sa dibdib niya. Iyon ang bagay na matagal niya ng iniiwasan at pilit kinalilimutan. "Quest, ilayo mo sa akin ‘yan." "Hindi ako papayag na umalis ka rito kung hindi mo gagamitin iyan." "D4mn it!" sa isang iglap lang ay bumalik sa kanyang isipan ang lahat. Gustuhin niya mang iyong takbuhan, ngunit may parte sa kanyang isipan na alam niyang hindi niya iyon matatakasan. Kumuha ng mansanas si Quest sa lamesa. Hinila nito ang kanyang kamay at dinala siya sa itaas na bahagi ng bahay. "Aalis ka lang kung matatamaan mo ito." Binitiwan ni Diezel ang pana at palaso na ibinigay ni Quest. Naiinis niyang hinimas ang sintido nang pulutin nito iyon at pilit na ibinibigay ulit sa kanya. "I'm right. Until now, you can't escape from the past, Diezel." Napangisi siya sa panghahamon ni Quest. "Akala mo ba madali?” pagak siyang natawa dahil sa mga narinig. “Sa tuwing nakakakita ako ng lintik na palaso at pana, sinisisi ko pa rin ang sarili ko! Kung hindi dahil sa mga iyan, hindi ka mag-aagaw buhay. Hindi ka lalayo sa akin, at hindi mo mararanasan ang lahat ng ‘to!" Naupo siya sa silyang malapit sa kanyang kinatatayuan. Ramdam niya ang panghihina ng tuhod niya dahil sa samo’t saring memorya na tumatakbo sa isipan niya. Iyon ang bangungot ng kahapon na pilit niyang tinatakasan. Kahit na minsan ay hindi siya nakaramdam ng matinding pagod na katulad ngayon. Si Quest lang ang nakakagawa nito sa kanya. "I tried. Believe me. But fvck this memory, Quest" dinuro-duro niya ang kanyang sintido, saka inuntog-untog ang kamay sa kanyang ulo. "You know what's bad about having this kind of gift? When you want to forget, but you can't! Whether I like it or not, I remember everything, Quest." "You can't escape from the past, Diezel! So what if I nearly died?” walang buhay na tanong nito. “The fact that I am okay, and alive is your call to move on! Do you understand that?” “It's easier said than done,” mahina niyang bulong habang nakayuko. “You can use your weakness as your strength, Diezel. You said that to me. Just believe in yourself." Hindi siya sumagot sa sinabi nito. Nakayukyok pa rin ang kanyang ulo. "Bakit hindi mo pa rin mapatawad ang sarili mo? Ako ang muntikang mamatay. Hindi ikaw. Lumayo ako para hindi mo sisihin ang sarili mo, pero hanggang ngayon nakakakulong ka pa rin sa kwarto ng takot!" Umiiling na saad nii Quest. "Mapipilitan akong lumayo sa iyo ulit kung hindi mo magagawang patawarin ang sarili mo." Nang makita ni Diezel na tumalikod si Quest ay nakaramdam siya ng matinding takot. Hindi niya na yata kakayaning mawala pa ito sa kanya. Tama na ang matagal na panahong pagkakawalay nito. Sa dami ng pinagdaanan ng dalaga ng dahil sa kanya ay hindi pa rin nito makuhang magalit. Narito pa rin ito upang tulungan siya. Gano’n si Quest sa mga taong importante rito. Kahit na mukha itong matigas sa labas ay hindi pa rin maalis ang katotohanan na napakabuti ng puso nito. Sandaling huminto si Quest sa paglalakad, “hindi ko ginustong lumayo nang matagal. Nagkataon lang na noong handa na akong bumalik, ang tadhana naman ang pumigil sa akin. Dinala niya ako sa lugar na ito… sa lugar na nakalimutan kong maging tao…” isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan nito. “Hindi mo ako masisisi kung ganito ang mga sinasabi ko. Traydor pa rin ang puso ko. Hindi ko ito kontralado pagdating sa ‘yo,” sabi nito bago magpatuloy sa paglalakad. Hindi niya malaman kung saan niya napulot ang lakas para pulutin ang palaso at pana. May mahika talaga ang mga sinasabi ni Quest sa kanya. Inignora niya ang panginginig ng kanyang mga kamay at tinitigan ang hawak nitong mansanas. Dahil sa paglalakad ni Quest, mas nahihirapan siyang asintahin iyon. Isa pa, ngayon niya na lamang muling nahawakan ang pana at palaso. Hindi niya inaalis ang atensyon doon sa takot na masaktan ang dalaga. Kinalkula niya ang layo nito at bilis ng paglakad ni Quest. Nang makuha niya ang tamang tyempo ay walang pagdadalawang-isip na pinakawalan ni Diezel ang palaso. "Curse you!" nagulat ito sa kanyang ginawa nang bumaon ang mansanas.Gano’n na lamang tuloy ang sama ng tingi ni Quest. "Takot na yata akong mawala ka," natatawa niyang pag-amin dito habang kumakamot sa batok nang nakangiti. Tumakbo siya papunta sa direksyon nito noong huli at kinuha ang mansanas na may palaso na nasa kamay ng dalaga. "Asintado oh—aray naman!" Isang batok ang ibinigay nito sa kanya kaya hindi naituloy ang sasabihin. Muli, naramdaman niya ang pag-ikot ng kanyang mundo. “Masakit iyon ah!” nakanguso niyang pagrereklamo kay Quest. “Tssk,” pumalatak ito matapos na pagsalikupin ang kamay ang habang nakatingin sa kanya. "Bakit ba paborito niyo akong batukan? Ganyan na yata ang paraan ng pagpapakita ng pagmamahal!" nakasimangot niyang wika. "Sa susunod, magsusuot na ako ng helmet para may proteksyon ang ulo ko sa inyo." "Because of this man, I can't accept the fact that I'm wasting my saliva," naiiling na wika ni Quest habang bakas na naman sa mukha ang blangkong reaksyon. Nakangiti niya itong inakbayan. "Moody! Hanggang ngayon ba binibilang mo pa rin ang haba ng sinasabi mo?" Hinawi nito ang kamay na nakaabay sa dalaga. Seryoso naman itong humarap sa kanya matapos na hawakan ang magkabilaan niyang pisngi. Wala na. Gano’n lang kabilis. Tunaw na ang galit niya rito. "Ipangako mong babalik ka, Diezel. I want to see the de la Vega again." Pagtango lang ang naging sagot niya rito dahil pakiramdam niya’y nahihipnotismo na naman siya sa malamlam na mata ng dalaga. BINABAYBAY NA NI Blaze at Diezel ngayon ang daan patungo sa Seldron. Katulad ng dating dinaanan ni Zina at Blaze ay sa masusukal na parte sila dumadaan. Napailing si Blaze nang may mapagtanto. Kahit anong saulo niya sa mga daanan ay hindi niya pa rin iyon matandaan. Mabuti na lamang at kasama niya si Diezel. Napakaraming pagliko ang kanilang ginagawa. May mga paakyat at palusong pa iyon. Kung wala lang talaga siyang kasama, hindi malabo na kanina pa siya naligaw. Kaya naman, lihim siyang bumibilib kay Diezel. Siraulo lang ang kaibigan niya pero maasahan ito sa maraming bagay. "What's the feeling of having a photographic memory, Diezel?" hindi niya maiwasang tanungin. Napakabilis ng mga mata ni Diezel. Sa isang tingin lang ng kaibigan niya ay nalalaman nito ang kamalian sa isang bagay. "Good and bad. Good because I can help someone using my ability. Bad because I remember everything even if I want to forget,” pag-amin ni Diezel matapos ng malalim na pagbuntonghininga. Kaagad niyang pinayuko si Diezel nang makarinig siya ng mga tumatakbong sasakyan mula sa kalayuan. Katulad ng bilin sa kanila ni Quest, hindi sila maaaring makita ng kahit na sino na tumatawid sa isa pang bayan. Isa iyon sa mga batas na ipinagbabawal ng pinuno sa lugar. Mayamaya pa ay nasipat na niya mula sa malayo ang tatlong sasakyan. Kung nahuli lang siya nang kaunti ay hindi malabong makita na sila roon dahil matarik at walang puno ang kanilang dinadaanan. Maging ang lupa ay tuyot din. Lantad na lantad sila. "What's the feeling of having sensitive hearing?" bulong ni Diezel sa kanya habang ginagaya ang paraan ng pagtatanong niya. "Good and bad," panggagaya niya rin dito. "Good because I can use it to pay attention to everybody without getting distracted. Bad because when we are in a motel, I hear the moans and scream in every unit,” nakangisi niyang pag-amin sa kaibigan. Natawa ito. "Naalala mo pang lahat ng iyon?" "Yes," walang pagdadalawang-isip niyang sagot. "Kasalanan mo rin naman! Palpak ka sa pagkuha ng hotel, Blaze. Palaasa ka kase sa ‘kin kaya hindi mo alam ang maraming bagay!" Napailing na lamang si Blaze at hindi kinontra ang kaibigan. Totoo naman kase ang sinabi nito. Isa pa, magsimula pagkabata hindi niya na naranasan ang normal na ginagawa na tao dahil sa mundong kanyang kinamulatan. Isa pa, si Sage ang gumagawa ng maraming bagay para sa kanila magkakaibigan. Ito ang parati nilang takbuhan sa maraming bagay. Muli niyang itinutok ang tingin sa mga sasakyang naroon. Ibinaba niyang panandalian ang bag na may lamang gamot na ipinadala ni Zia. "Papunta sila sa Seldron." "Seldron?" "Yung pupuntahan natin, Blaze. Ang shunga mo talaga sa direksyon! Kaya dapat lagi kang may kasama. Dahil kung wala, maliligaw ka talaga. Pangalan pa nga lang ‘di ka na sure." "That's why you are here, right?" "Tsk! Paano pala kapag nawala—" "It will never happen," kontra niya kaagad bago pa matapos ang sasabihin ni Diezel. Kung may isa mang bagay na ipinangako si Blaze sa sarili bago magtungo sa misteryosong lugar na ito, iyon ang wala ng malalagas sa kanilang pamilya. Hindi na siya papayag na may magdusa pa sa kanila. Nagpatuloy sila sa paglalakad patungong Seldron nang tahimik. Matagal din na walang kibuan sila ni Diezel. Alam niyang pinili nitong hindi magsalita dahil sa lalim ng iniisip niya. Kaagad namang dumako ang tingin ni Blaze sa madilim na kalangitan sa kabilang dako. Ilang metro na lang ay nasa bahagi na sila ng lugar na umuulan. Senyales na nasa Seldron na sila—ang bayan na pinakamisteryo para sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD