Chapter 18: Stay

1928 Words
HINDI NILA MAINTINDIHAN ang lungkot at agam-agam na nararamdaman. Sigurado si Goldee sa bagay na iyon. Talo pa nila ang bibitayin habang kumakain ng pananghalian. Ngunit anong magagawa nila? Hindi imposible na ganoon ang mangyari sa kanila. Tanging pagnguya at lagutok lamang ng pinggan ang maririnig. Pare-parehong hindi maipinta ang mukha ng lahat. Natapos sila nang walang umiimik. Ibang-iba iyon sa ambiance kaninang umaga nang biruin nila si Diezel. "Is this some kind of last supper?" mahihimigan ang sarkasmo sa boses ni Quest. Suot-suot pa rin nito ang hoody na puti. Minsan tatanungin na ni Goldee si Quest kung ito lang ba talaga ang alam nitong porma? Kase iyon lang din ang suot nito nang nasa kulungan sila. Pagak na natawa si Diezel. "Para namang mawawala kami niyan. Isipin niyo na lang na mangangapit-bahay kami sa Wonton. Nanonood ng nag-aaway doon." "Wardron kase," nakasimangot na pagtatama ni Goldee. "Diezel, you don't need to come with me—" Hinampas ni Diezel ang lamesa kaya hindi na naman natapos ni Blaze ang sasabihin. "Tapos, ano maliligaw ka. Alam mo ba ang daan papunta at pabalik? Hindi porque nandito na si Goldee tapos na ang pagkakaibigan natin. Walang ganoon oy!" "Pwede namang umalis kayo kapag maayos na ang satellites at server ni Zina," suwestyon ni Goldee. "We don't have much time, Goldee. Ilang buhay ang nakasalalay ngayon dito. Hindi rin naman natin magagamit nang matagal ang server at satellites dahil sa mga taga-Eastron. Katulad nga ng sabi ni Zina, malalaman nilang may papasok sa looban ng Wardron kapag gumamit tayo niyon," paalala naman ni Alluka. Napabuntonghininga siya. Paulit-ulit na lang ang diskusyon nila ngunit wala pa ring napagkakasunduang plano. "Wala na talaga akong magagawa. Kasali na siya sa labang ito. Puntahan niyo si Kuya Taigo. Siya lang ang nakakaalam ng lahat ng pasikot-sikot sa buong Reiffton City. Alam mo pa naman ang daan papunta sa Seldron, Blaze?" tanong ni Zina. "Hindi na." "Are you serious, Blaze?" gulat na tanong ni Zina. “Sabi sa inyo! Tapos iyan aasahan niyo?” tanong ni Diezel. “Kung uutusan niyo iyang manligaw ng pusa, ang pusa pa ang susundan niya pauwi kase hindi niya na maalala ang dinaanan niya pagbalik!” Namula naman ang mukha ni Blaze. Lalong-lalo na ang taynga nito. Napakamot pa ito sa ulo noong huli at nagtakip ng mukha. Ang pinipigil na tawa ni Goldee ay tuluyan ng kumawala. "Pasensya na kayo guys. Mahina ang isang iyan sa direksyon," lalong lumakas ang tawa ni Goldee. “Bata pa lang kami ganyan na iyan!” "Ginto..." mahihimigan ang pagbabanta sa boses ni Blaze. "Sorry. I can't help it, Blaze!" ani niya. Huminto na ito sa pagtawa. "Muntikan na nga akong mamamatay dahil sa lalaking iyan kase naligaw kami sa gubat." "See? Hindi mabubuhay nang mag-isa si Blaze kapag walang GPS!" panggagatong naman ni Diezel. "O kaya, dapat lagi iyang may map! Dapat kase hinihiram mo ang gamit ni Dora, Blaze. Grabe ‘no? Twenty-thirty na sikat pa rin ang gala na iyon. Pa-seminar ka kaya sa kanya, Blaze?" Mas lumakas ang tawa ni Diezel nang mapansing lalong namula ang mukha ni Blaze. Hindi naman maiwasang mapangiti ni Goldee. May mga bagay na nagbago na talaga kay Blaze magsimula nang makasama nito si Diezel. Marunong na ito kahit papaano na kontrolin ang galit. Alam na rin nito kung paano mabiro o magbiro at hindi dapat parating seryoso. Kung ang dating Blaze ito, baka kanina pa bumulagta si Diezel. Natutuwa siya sa nakikita ngayon. Hinawakan niya ang kamay ni Blaze at ngumiti. "Everythings gonna be fine, Blaze. Nandyan naman si Diezel. Hindi ka iiwan ng ulupong na iyan kahit ipagtabuyan mo pa siya." Pinisil ni Blaze ang palad niya bago tipid na ngumiti. "Nagmumukha naman akong kabit nito," nakangusong pahayag ni Diezel. “May tao rito! Mahiya sa mga walang jowa.” Sumimangot si Goldee. "Kaunti na nga lang iisipin kong may relasyon kayo ni Blaze—" "That's bullshᵢt, Goldee. Do you want me to kiss you right here, right now?" seryosong tanong ni Blaze nang ilapit ang mukha sa kanya. Kaagad naman siyang pinamulahan ng mukha. Lumayo rin siya kaagad sa binata. “Hindi mabiro!” Tumayo naman si Zina at kinuha ang isang remote na nakapatong sa center table tsaka pinatay ang ilaw. Mayamaya pa ay lumabas ang hologram image ng buong Reiffton City sa gitna ng lamesa matapos nitong pindutin ang remote. "As you can see, this is the whole city. The north side is the Northon which is the alpha. The east is the Eastron and this is it. Wardron is located on the west side, and the last one is Seldron. The south part of the town." Nag-zoom naman sa hologram ang Eastron at Seldron. Inagaw ni Diezel ang remote kay Zina at ibinalik sa buong imahe ng Reiffton City. Ilog ang nagiging division ng kabuuan ng Reiffton. Ang umagaw sa atensyon ni Goldee ay ang blurred na parte sa gitnang bahagi. "Ano ang isang ito, Zina?" tanong ni Diezel kay Zina. Nagkibit-balikat si Zina. Halatang wala itong alam kung ano ang nasa gitnang bahagi ng buong syudad. "Hindi ko rin alam. Hanggang ngayon ay isa pa ring palaisipan sa akin kung anong misteryo ang mayroon sa parteng iyan." Inagaw muli ni Zina ang remote kay Diezel. "Ito ang daan, Diezel. Kailangan mo pa ba ng mapa?" tanong ni Zina at kukuha pa sana ng papel upang mag-print ng mapa. "No need. He can remember everything without trying so hard," pigil ni Quest kaya bumalik na si Zina sa upuan. “Magkakakilala talaga kayo ‘no?” namamanghang tanong ni Zina. "You really know me, darling." Kininditan ni Diezel si Quest, ngunit ganoon pa rin ang mukha ni Quest. Blangko. Kaya natawa na lamang si Goldee. Idol na yata ni Diezel si Xenus. Marami na talaga siyang na-miss na pangyayari sa buhay ng pamilya. Muling tinitigan ni Diezel ang pupuntahan. Mukhang nagpaplano na ito ng ruta na daraanan habang nagkikwento si Zina. Tumayo naman si Blaze at pumasok sa kwarto na pinaghahatian nila ni Diezel upang maghanda. Dahil limang kwarto lamang naroon ay dalawang tao ang umaakupa sa bawat silid. Habang ang isa naman ay white room na ginagamit ni Zina. Dito maaaring pagmasdan ang ibat-ibang parte at kilos ng nasa Reiffton City. Sa kasamaang palad ay hindi ito gumagana ngayon. HINUBAD NG BINATA ang lahat ng saplot sa katawan bago tumapat sa shower. Nagkusang umandar ang shower dahil sa sensor function nito. Hinayaan ni Blaze na maglandas ang tubig sa kanyang katawan. Habang dumadaloy ang tubig patungo sa kabuuan ng kanyang katawan ng binata ay patuloy rin siyang nagtatanong ng kung anu-ano kahit alam niyang walang sasagot sa kanya. Ang isipan lamang niya ang patuloy na maingay. Gustuhin niya mang patahimikin iyon ay hindi niya magawa. Maraming agam-agam ang tumatakbo roon. Nababagabag din siya sa maaaring kahihinatnan ng lahat. Sana ay katulad na lamang ang buhay ng manibelang kanyang parating minamaneho. Sa ganoong paraan kase ay makokontrol niya ang lahat. Buo rin ang loob niya sapagkat alam niya kung saan patungo ang bawat pagkabig niya ng sasakyan. Ngunit hindi ganoon ang buhay. May mga bagay na hindi mo inaasahang mangyayari dahil parte ito ng reyalidad. Parang wala siyang buhay na nagsabon ng katawan at nag-shampoo ng buhok. Muling umagos ang tubig sa shower nang tumapat ulit si Blaze sa shower. Natapos siya nang hindi namamalayan ang lahat. Tila kumikilos siya nang hindi nag-iisip. Alam naman ng katawan niya ang gagawin dahil araw-araw niya iyong ginagawa. Itinapis ng binata sa kahubaran ang tuwalyang itim at ibinuhol ito sa kanyang baywang. Lumabas siya ng banyo habang pinapagpag ang basang buhok Tinitigan niya ang damit na nakasalansan sa kabinet. Napailing siya. Pakiramdam niya ay manghuhula si Zina at alam ang pagdating nila. Kumpleto ang mga pangangailangan nila sa katawan at naroon itong lahat na nakaayos. Narinig niya ang pagbukas ng pinto at pagsarado nito. Nasa likuran siya ng cabinet na katabi ng higaan kaya hindi niya makikita kung sino iyon. Naramdaman niya ang paglakad nito papalapit sa kanyang direksyon. Pinabayaan niya lamang sa pag-aakalang si Diezel iyon. "Blaze, alam kong hindi ka ayos," panimula nito. Nabitawan niya ang damit na susuotin dahil sa pagkabigla. Paanong naging parehas na maglakad si Diezel at Goldee? Kaparehas ng paglalakad ng mga de la Vega. "Pero naniniwala akong magiging maayos din ang lahat. Nang mapunta ako sa kulungang iyon, ang akala ko ay wala ng pag-asa. Pakiramdam ko, sa lugar na iyon na ako malalagutan ng hininga. Araw-araw akong pinapatay ng isipan ko dahil sa mga agam-agam na gumugulo sa akin. Pero hindi ko alam kung bakit pa rin ako nakakapit at hindi bumibitaw. Umaasang may hihila sa akin sa kabila ng pagkalunod ko. Blaze, huwag mong hahayaang mabago ka ng mga pagsubok na nangyayari ngayon. Mahirap makabalik sa dati mong sarili. Alam ko iyon dahil napagdaanan ko." Sandali itong nanahimik. Hindi niya pa rin magawang umimik. "Ipangako mo sa aking babalik ka. Ako naman ang maghihintay sa ‘yo." Naramdaman ni Blaze ang paggalaw ng kama. Bago pa man ito makaalis nang tuluyan ay isinarado niya ang pinto ng cabinet at sumampa sa higaan. Mula sa likuran ay hinila niya si Goldee at niyakap ang dalaga. Ipinulupot niya ang braso sa katawan nito nang napakahigpit. Gusto niyang damahin ang presensyang hatid nito. Gusto niyang marinig ang t***k ng puso nito. Iyon ang unang beses na nagawa niya iyon. Marami siyang napalagpas na bagay noong hindi niya pa alam na mahal niya pala ito. Kahit tuloy magkasama sila sa iisang bubong dati ay madalang lamang ang naging pag-uusap nila. "Stay still. I won't bite you. Just let me hug you for a minute, Goldee." Ipinikit niya ang kanyang mga mata... Tila mahikang nakaramdam siya ng kapayapaan. Umaasa rin siyang habang yakap niya ang dalaga ay nararamdaman nito ang nais niyang ipabatid dito kahit wala siyang sinasabi. "I put scars in your heart every time. But here you are always, giving your forgiveness and I wonder why,” isang malalim na paghinga ang pinakawalan ni Blaze. “I'm sorry for everything..." "Blaze..." Musika sa kanyang pandinig ang boses nito. Hindi niya maiwasang huwag mapangiti. "I'm sorry if the man that you love is hard headed. He's still working on being a man that you can be proud of." "Stay the way you are, Blaze. I'm fine with that." Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Diezel. Nanlalaki ang mata nito at tinakpan ng dalawang kamay nang makita ang pwesto nila ni Goldee. Napatayo naman si Goldee dahil sa gulat ng pagbukas ni Diezel ng pinto. Nagkamali ito ng pag-apak at bumagsak sa ibaba. Hindi naman siya nagdalawang-isip na daluhan ang dalaga ngunit nagkamali rin siya ng tayo ar sumabit ang paa sa kumot. Ginawa niya ang lahat upang hindi mabagsakan ang dalaga ngunit dahil sa ginawa niyang iyon ay natanggal ang tuwalya niya na naging dahilan ng pagtatakip kaagad ng mga mata ni Goldee. "Hala rated spg! Popporn! May popporn na nagaganap dito!" eksaheradong sigaw ni Diezel at dali-daling isinaradong muli ang pinto. Humarap sa kanya si Goldee nang makatayo silang pareho matapos niyang alalayan. Bumaba ang tingin ni Goldee sa kanyang katawan. Napalunok ito nang may mapagtanto. Kaagad kaseng namula ang mukha ng dalaga. Dahil sa pagkagulat ni Goldee, hindi nito napansin na patuloy pa ring hinahagod ng tingin ang hubad niyang katawan. "Enjoying the view?" nakangisi niyang tanong dito. “Ahhh ano—” Tumingin ito sa kisame matapos magkulay kamatis ang mukha. Kalaunan ay dali-dali itong tumakbo palabas nang walang maapuhap na salita. "Cute…" nakangisi niyang turan bago umiling.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD