Chapter 17: The Truth Untold

1683 Words
TUMAYO SI DIEZEL na pupungas-pungas pa ang mga mata. Matapos magsipilyo ay lumabas itong hindi pa tapos magmumog. Masyado siyang napagod sa mga kaganapang nangyari kagabi kaya naman naging malalim at mahaba-haba ang tulog niya sa magdamag. Ngunit pinagsisihan niya ang paglabas sa kwarto ng nasa bibig pa ang tubig. Nalunok niya minumumog na tubig nang maabutan ang nakakakabang tagpo. Pare-parehong nakatingin ang mga kaibigan niya nang seryoso kay Blaze at ginigisa ito. Kung nakamamatay lang ang tingin ng mga nakaupo sa hapagkainan kanina pa bumagsak si Blaze. Tatalikod na sana siya upang bumalik sa kwarto ngunit galit na tinawag ni Alluka ang kanyang pangalan. "At saan ka pupunta, Diezel?" "Magbabanyo? Nadyigebs ako sa nakikita ko—ay mali! Magbubukas ako ng mga social media ko. Ituturo ko sa kanila kung paano magkaroon ng afam!" palusot niyang turan. “Step by step process ito para sure ball!” Walang ano-ano'y tumayo si Alluka at hinila ang kanyang taynga nang maabutan siya. Hindi naman siya nakapalag dahil sa pagkagulat. "A-aray! Tama naman na, Alluka? May feelings din ako na nasasaktan. Maraming iiyak na babae at lalaki sa mundo kapag nawala ako dahil sa pamimingot mo!" nakangiwi niyang hiyaw. "Bakit ba nadadamay ako rito? Kagigising ko lang ah! May kasalanan ba ako na hindi ko alam? Lahat na lang ng nakapaligid sa akin mga brutal! Wala naman akong kasalanan sa inyo ah," pasalampak siyang naupo sa upuan. Nagulat siya nang magbato ng kutsilyo si Alluka! Nanlaki ang kanyang mga mata. Mabuti na lamang ay nailagan niya iyon. Mabuti na lang din talaga at sanay siyang ginagawa iyon ng mga de la Vega. Kung hindi, baka nagilitan na siya ng leeg ngayon. Tila magkakatotoo na rin yata ang pagpunta niya sa banyo sapagkat tinatawag na siya ng kalikasan dahil sa matinding kaba. “Bakit ba kase? Anong kasalanan ko sa inyo?” tanong niya na naman sa mga kaibigan nang naguguluhan. "Give me your watch, Diezel!" "Ano bang watch?" nagtatakang tanong ni Diezel. "Panooran? Mata lang ang meron ako. Gamit ko ito sa pakikitsismis! Huwag niyo sabihing may nakikita kayo na hindi ko nakikita? Kinakabahan na ako ha..." nang hindi makatiis, kinusot niya ang mga mata. "Toleg! Ang relo mo. First honor ka talaga minsan sa pagiging shunga, Diezel." natatawang wika ni Goldee ngunit halata pa rin ang panghihina nito. "Wow ha, Goldee! Galing talaga sa iyo ‘yan? Nakakuha ka nga lang ng seventy-five sa card, nag-post ka na ng nakakaiyak na talata sa social media. Tapos pati principal, naka-tag sa post mo, sabi mo dati sa akin—” “Laglagan na talaga?” nakangiwing tanong ni Goldee. Dinilaan niya ang kaibigan bago sumimangot. Hindi pa siya nakakabawi sa ginawa ni Alluka ngunit muli na naman siyang nagulat sa paglalabas ni Zina ng martilyo at walang awang pinagpupukpok ang mamahaling relo na tinanggal nito sa kamay niya. Hindi niya man alam kung paano iyon napunta sa kanyang kamay pero labis din ang panghihinayang niya. Nakanganga lamang si Diezel habang nakikitang winawasak iyon. Parang nabawasan siya bigla ng kalahating buhay. Pwede nila iyong isanla kapag nagipit sila. Mahirap talaga kapag mayayaman. Ginagawa lang barya ang milyones nila. Sumpain na ang kauna-unahang nagtanong kung itlog o manok ba ang nauna! Sana maligaw ka kasama ni Dora, Alluka. Nanggagalaiti niyang wika. Tinitigan niya ito nang masama. "May sasabihin ka, Diezel?" tanong ni Alluka nang mapansin nitong nakasimangot siya. "Mahal iyan! Mahal," pinipilit niyang umiyak ngunit walang lumalabas na luha. Nagsisisi na siyang hindi aktor ang kinuha niyang trabaho. “Aanhin mo ang mahal, tinanong mo ba kung mahal ka?” tanong naman ni Goldee. "Aanhin mo ang mahal kung patay ka na?" tanong ni Blaze. "Par! Akala ko ba tayo ang magkakampi rito?” baling niya kay Blaze habang masama ang tingin dito. “Pinag-usapan na natin iyan kagabi. Walang iwanan 'di ba? Wala pang twenty-four hour trinaydor mo na ako!" "Wala akong matandaang nag-usap tayo?" nakakunot ang noo ni Blaze habang nagtataka. "Nilaglag ako," hindi lalong maipinta ang mukha ni Diezel. "Ano bang nagawa ko sa mundo at pinapatay niyo na ako sa isipan niyo ngayon? Sagot!" tumayo siya matapos hampasin ang lamesa bago pumamaywang pa. "Hindi bebenta sa akin iyan, Diezel." Umiiling na wika ni Alluka. "Saan galing ang relo mo? Umamin ka." "Sa..." hindi niya mapigilang mapakamot ng ulo. “Lumitaw lang iyan sa kamay ko. Magic ‘no—” Nagulat siya nang hampasin ni Alluka ang lamesa. Umalog ang mga nakalagay doon sa lakas ng paghampas nito. "Hindi ko naman kase talaga alam, promise!" itinaas pa niya ang kamay. "Akala ko pa-birthday na sa akin ni Santa Claus kaya hindi ko na tinanggal," anas niya habang kakamot-kamot sa ulo. Nakuha niya pa ring magbiro sa kabila ng matinding kaba. Sa una ay nagtaka siyang nasa kamay niya iyon. Ngunit dahil kagigising niya lang binalewala niya iyon. Nanlaki bigla ang mga mata ni Diezel nang may mapagtanto. "Huwag niyo sabihing may tracker ang relo na iyan?" "May tracker ang relo na ito," walang ganang wika ni Alluka. Nanlulumo siyang napaupo sa kanyang upuan. “A-ano! Hindi ko talaga alam kung paano iyon napunta sa kamay ko. Maniwala kayo peksman!” itinaas niya pa ang kanang kamay nang sabihin ang huling kataga na iyon. Nang mapansin niyang walang umiimik sa mga kasama, unti-unti na siyang kinakain ng konsensya. Siguro nga’y hindi niya napansin na napunta iyon sa kamay niya habang tumatakas sila kagabi. Sising-sisi siya na hindi nag-iingat. "Kasalanan ko. Kung nag-ingat sana ako, hindi mangyayari ito." "Buti naisip mo iyan," Umiiling na wika naman ni Quest. "Careless like the old times." "Minsan ka na nga lang magsalita, masakit pa," lalong sumimangot si Diezel. Pakiramdam niya ay pinagtulungan siya ng narito. Maaaring humahalakhak na ngayon ang tadhana sa hindi magandang biro nito sa kanya. Tumayo siya sa upuan at tumalikod. "O, saan ang punta mo?" tanong ni Goldee sa kanya. "Magbabalot na ng gamit ko! Aalis na ako rito. Wala na akong karapatang magsumiksik dito ngayong iba na ang tingin niyo sa akin—" "Par, wala kang gamit dito," kontra naman kaagad ni Blaze. Muling napakamot si Diezel ng ulo niya habang iniisip kung paano napunta sa kamay niya ang relo. Sigurado siya na wala siyang suot kagabi kaya nagtataka rin siya kung paano iyong napunta doon. "Pfftt... hahaha! Pwede na bang tumawa?" lalong lumakas ang pagtawa ni Zina. "Wow? Feeling close. Bigay na bigay sa pagtawa. Pero sige itawa mo lang," nanghihina ring tumawa si Goldee. "Balik ka na rito, Diezel. Nakaganti na kami." "Ha?" nagtataka niyang tanong. "Galing kay Zina ang relo. I mean, sa ex-boyfriend niya," walang ganang wika ni Alluka. "Alam naming mahuhuli ka na naman ng gising kaya nagawa namin iyan sa ‘yo. Total itatapon na rin ni Zina ang relo. Pagtripan ka muna namin." "Ano! Seryoso?" nanlalaking matang tanong niya bago bumalik sa kinauupuan kanina. “May jowa ka pala, Zina? Bakit kayo nag-break? Anong dahil—” “Tsismoso!” Blangkong pinasakan ni Alluka ang bibig niya ng nilagang itlog kaya hindi na naituloy ni Diezel ang sasabihin. "Maiba tayo ng usapan, sigurado ka na ba sa balak mo, Blaze?" nag-aalalang tanong ni Alluka. Sa kanilang magkakaibigan, si Blaze ang may pinakamalaking pagbabago sa paglipas ng panahon. Kahit na minsan ay masungit ito. Iba ang pakikitungo sa kanila ay kakikitaan ito ng pagmamahal sa grupo. Iyon ang isa sa napatunayan niya nang makilala ito nang mabuti. Agad namang tumango si Blaze. Tinitigan ni Diezel ang kaibigan. Kanina pa ito seryoso. Kung ibang tao, iisipin na lagi naman itong seryoso, pero siya ang mas nakakakilala rito. "Papasukin ko ang lugar na sinasabi ni Goldee. Maaaring nandoon sila Pebby." "Sa Wonton?" gulat na tanong ni Diezel. "Dumplings ang Wonton," pagbibigay alam ni Quest. "Wardron hindi Wonton. Kumakain na nga, pagkain pa rin naiisip!” Hindi niya naman pinansin ang sinabi ni Quest dahil ang atensyon ni Diezel ay na kay Blaze. "Naalala mo ang lalaking tumapak sa kamay mo noong naging feeling stunt man ka sa helicopter, Blaze? Nakita ko ulit siya paglabas ko sa pintuan papunta rito. Iyong lugar ng akala ko mga sundalo. Kalaban pala." "If plan A didn't work then, we should proceed with plan B," seryosong pahayag ni Alluka. "Pero hindi ko pa rin lubos maisip na may tatraydor sa atin sa kabila ng mga pinagdaanan natin," malungkot na pahayag ni Diezel. Hindi maiwasan ni Diezel na huwag pagmasdan si Blaze. Nakailang tuktok at katok na ito sa lamesa. Ganito ito kapag may malalim na iniisip o bumubuo ng plano. “Ayos ka lang?” tanong niya kay Blaze nang hindi makatiis. "Diezel, I just realized that we should not fear our enemies who stab us face to face. But the friend who's attacking us from behind. I don't know how to handle it without getting hurt," mahinang hinabol ni Blaze ang paghinga. “Hindi ko alam ang magagawa ko sa tatraydor sa atin…” "Blaze..." mahihimigan ang malungkot na boses ni Goldee. "Sa ngayon, hindi pa natin kilala kung sino ang kalaban natin kaya hindi tayo pwedeng kumilos nang basta-basta. Isang maling galaw lang natin, pwede tayong pulutin sa kangkungan," pangaral ni Zina. Natahimik sila. Kung nandito lang sana ang iba nilang kaibigan ay makakaisip sila nang mas magandang solusyon. "You know the win-win?" tanong ni Quest. Nagliliwanag ang mukha ni Zina matapos ibagsak ang plato na may lamang pagkain. "Either of the two choices, will we win?" takang tanong ni Goldee. "Win-win is the more chances of winning!" siya naman ang nagbagsak ng kamay sa lamesa habang puno ng pag-asa. "Pero ano bang pinag-usapan niyo kanina?" "Tulog lang kase nang tulog, Diezel!" dumila pa si Goldee upang asarin siya. “Kulang ang araw ngayon ng tsismoso! Hindi nakasagp ng tsismis.” Alam niyang may dahilan ang mga ito kaya hindi sinasabi sa kanya ang mga plano. Katulad nang dati, kailangan niyang magpanggap na walang alam. Ginagawa niya lang ang gustong mangyari ng mga nakapaligid sa kanya. Sa ganoong paraan ay mas nagiging madali ang buhay. Sa ngayon ay magtitiwala na lamang siya sa mga kaibigan habang sumasabay sa agos ng buhay…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD