Chapter 3: Danger

2261 Words
NARATING KAAGAD ni Blaze ang kanilang bahay. Binaybaybay niya iyon kanina nang kumakabog ang dibdib at nasa matinding pag-aalala. Hindi niya alintana kung may aksidenteng mangyayari sa kanya. Ang nasa utak niya lang nang mga sandaling iyon ay ang kapatid na naiwan. Ipinarada niya na lang basta ang sasakyan na halos paliparin sa bilis ng pagpapatakbo kanina. Nanigas ang binata sa kinatatayuan nang makitang wala ng buhay ang nag-iisang guwardya nila. Masyado siyang nakampanteng hindi na muling babalik ang panganib kaya umasa sa mga trap na inilagay ng de la Vega sa bahay nila. Ngunit mukhang magaling ang hacker. Nagawa nitong alamin at lusutan ang mga patibong na ginawa ng mga de la Vega. Tila dinaanan ng bagyo ang kanyang nabungaran dahil sa matinding pagkakagulo ng bahay. Basag ang mga plorera. Tumba ang ibang mga kagamitan. Sandaling napahinto sa kinatatayuan si Blaze. Ramdam niya ang panghihina ng kanyang tuhod dahil sa nakikita. Maaaring nanlaban ang kapatid niya, o hindi naman kaya ay tumakbo ito upang makatakas. Iyon ang senaryong tumatakbo ngayon sa utak ni Blaze. "Pebby. Princess!" tawag niya sa kapatid. "Nandito na si kuya!" ulit niyang muli. Hindi niya na kakayaning mawala pa ito sa kanya. Tama na ang ilang taong pangungulila niya rito at pagkakawalay nito sa kanya. Ginalugad ni Blaze ang kanilang bahay sa pagbabakasakaling makikita pa ang kapatid sa mga lugar na maaaring pagtaguan nito. Ngunit, bigo siya. Hindi niya ito natagpuan. Kahit bakas ng kapatid ay hindi na mahanap. Galit na pinagbuntungan ni Blaze ang pader. Doon niya ibinaling ang samut-saring emosyon na nararamdaman. Pinipilit niyang huwag magpatalo sa galit ngunit kung hindi niya roon ibabaling ang nararamdaman ay mababaliw siya. Kailangan niyang makaisip ng paraan. Kinakabahan siya sa maaaring mangyari sa nakababata niyang kapatid. Marami na itong pinagdaanan sa murang edad. Tama na ang mga iyon. Dali-dali siyang lumabas muli ng bahay. Katulad kanina, halos paliparin niyang muli ang sasakyan papunta sa mansyon ng de la Vega. Maaaring may alam ang mga ito sa nangyayari. Ang mga ito na lamang ang pag-asa niya ngayon. Hindi kalayuan ang bahay ng mga ito kaya nakarating din siya kaagad. Bago makarating sa bahay ng mga ito, ang unang mabubungaran ay mga bako-bakong kalsada na susundan ng patag na daan. Tila walang hanggang mga puno ang makikita sa magkabilang bahagi bago marating ang malaking pilak na tarangkahan ng mansyon. Aakalain ng kahit na sino na simple lang ang nakikita ng mga mata nila ngunit maaaring ikamatay ng mga iyon ang pagpasok doon nang walang pahintulot sapagkat punong-puno ng trap ang buong paligid ng bahay. Dinisenyo iyon ng magkakapatid na de la Vega. Ang mga ito ang nagpatuloy ng iba pang plano ng kanilang ama. Maaari ding ma-detect ng scanner kung sino ang laman ng sasakyan kaya hindi niya na kailangang lumabas pa upang ibalandra ang kanyang pagmumukha. Halos hindi sila magtiwala sa ibang tao dahil sa dami ng kanilang kalaban kaya walang makikitang pakalat-kalat na guwardiya na nagbabantay sa paligid. Mas may tiwala pa ang mga ito sa mga trap na nakakalat sa kung saan-saan ng bahay kaysa sa tao katulad niya. Hindi sila masisisi ng kahit sino. Ilang beses na silang nakaranas na traydorin. Pagdating niya sa loob ng bahay ay hindi niya maiwasang kunutan ng noo nang makitang naroon ang halos lahat ng miyembro ng kanilang pamilya. Umupo siya sa isang silya at piniling manahimik habang pinapakinggan ang lahat. "Blaze!" kakarating lang din ni Diezel at kasama si Patrick. Bakas din sa kaibigan niya ang pagiging problemado. Patunay na roon ang pag-aalala rito. Halata sa Kuya Patrick niya ang pagkabalisa sa pagkakadukot ng asawang si Pink. "Planado ang lahat," panimula ni Alluka. "Itinaon nilang abala tayo. Ang detector at sensor ay hindi na gumagana. Masyado silang tuso at mautak para maisahan tayo nang walang nakakahalata." "Nawawala ang mga pamangkin ko," bakas ang matinding galit kay Sage habang nagsasalita at matindi ang pagkakahawak sa baso. "They messed up with the wrong family. They would not like it if I made a move.” “Sage…” mahinang saad ni Alluka na girlfriend nito kasabay ng paghila sa kamay ng kasintahan. “Why?” nagtatakang tanong ni Sage bago mabaling ang atensyon sa kamay na nagdurugo na. Nabasag ang basong hawak nito ng wala itong kamalay-malay. Isang malalim na bungtonghininga ang pinakawalan ni Blaze. Ngayon niya na lamang ulit nakitang magalit nang ganoon katindi si Sage. Nagtungo rin siya sa kinalalagyan ng medicine kit para iabot kay Alluka ang gagamitin sa panggamot ng sugat ni Sage. Kaagad naman nitong dinaluhan ang sugat ng kasintahan upang gamutin iyon. Nakatulala ngayon ang dalawang kapatid ni Sage at hindi makausap. Hindi matanggap ng mga ito na hindi nakalaban sa kabila ng kakayahang maprotektahan ang pamilya. Sigurado si Blaze na wala sa plano ng mga kalaban na patayin ang kahit na sinong miyembro ng kanilang pamilya. Nagkaroon na ang mga ito ng pagkakataon ngunit hindi iyon ginawa. Kung anuman ang binabalak ng mga ito sa mga bata, hindi niya alam. Isa iyong palaisipan sa kanya. Sigurado rin siyang hindi iyon mga ordinaryong panloloob. Nasa labas pa lamang kase ang mga ito ay manganganib na ang buhay dahil sa mga trap. Walang kakayahan ang mga itong makapasok. "Ang nakapagtataka lang, paano nila na-hack ang lahat ng security detector codes na gamit natin ng hindi kilalang IP address," komento ni Xenus na isa pa nilang kaibigan habang hawak ang isang laptop at pinipilit ayusin ang system. "Sinubukan kong tignan ang lahat ng posibilidad ngunit hindi ko makita. Matagal ko na ring hindi ma-contact si Koddie kaya hindi ko maitanong sa kanya ang tungkol dito." Ang tinutukoy nito ay ang kapatid ni Alluka na nakatira sa malayong lugar. Tumayo si Gable mula sa pagkakaupo habang nilalaro ang mga baraha. "Kung hindi makikita rito iyang mga sinasabi niyo, isa lang ang maaaring dahilan—" "Wala rito, o kahit saang bansa ang IP address na iyan," segunda naman ni Xenus sa kaibigan nilang pinatapos ang sasabihin. "Guys!" Sigaw ni Diezel. "Diezel, huwag ngayon!" Halos nagkasabayan pa ang lahat upang pagbawalan ang pobreng kaibigan niya. Ngayon tuloy ay nakasambakol na ang mukha nito at pwede ng pagsabitan ng kaldero ang nguso. Binitawan nito si Patrick na muntikan pang tumumba. Ikinakunot ng noo ni Blaze ang naging asta nito ngunit pinabayaan niya lang ang kaibigan. "Kung ganoon, ang ibig mong sabihin, wala sa kahit saang bansa. Hindi ito nage-exist?" tanong naman ni Maribel na malapit na kaibigan ni Pink. Ang buntis na nadukot sa kanilang grupo. "Kinda," sagot naman ni Alluka. "Have you heard about the city called Reiffton?" "Reiffton City?" nangunot ang noo ni Blaze at kinuha agad ang papel na ibinato sa bintana noong birthday ni Alluka. Matagal na iyong nakatago sa kanyang wallet. Hindi niya tinatanggal. Iyon na lang kase ang pinanghahawakan niyang buhay pa si Goldee. "So, this place really exists?" "Mga truepa!" todo taas na naman ng kamay si Diezel. Kating-kati na itong sabihin ang nais. "May nakita nga kase ako sa mall. Pakinggan niyo kaya ako?" "Siguraduhin mo lang na hindi kalokohan iyan," pagbabanta ni Sage. "Ito," inilabas ni Diezel ang cellphone nito at ipinakita ang nakuhanang litrato. "Kanina nang nasa mall kami, nagtaka ako sa sunod-sunod na pagtama ng baril sa pader. Alam kong may ibig sabihin ang mga butas na ito kaya hindi ko binalewala. Gusto ko lang malaman kung parehas tayo ng pagkakaintindi rito." Pinakatitigan nilang mabuti ang nakuhang papel. Ang naiiba lamang doon ay ang spray paint na number two habang ang karamihan na ay butas ng pader na likha ng bala. Sa unang bahagi ay may apat na butas na gawa ng baril bago ang number two. Sa ibaba naman niyon ay may tama muli ng baril habang may tama pa ng isa sa gitna. Para iyong letter ‘t’ na binawasan ng guhit sa kaliwa. Tapos sinundan muli ng dalawang magkatabing tatlong tuldok. Para naman iyong letter ‘v’ na ang tusok ay nakaharap sa kaliwang itaas na bahagi. Bago susundan ng dalawang nasa ibaba at nasa itaas na tama ng baril. Ang panghuling tama ay parang bumubuo ng wirdong numerong ‘7’ ngunit sa paraang apat na tuldok. ⠛ 2 ⠗⠋⠋⠞⠝ "May ganyan din akong nakita," isang mahabang papel ang inilabas ni Maribel. Mukha iyong resibo ng grocery sa malayuan. "Kailangan nating i-decode ang code na ito." "Let's check it first," gamit ang fingerprint detector ay sinubukan ni Russ na hanapin ang mga maaaring pagkakakilanlan ng mahabang papel. Ngunit walang lumabas. Professional ang gumawa niyon at hindi basta-basta dahil wala silang mabasa. Tinitigan ni Blaze ang papel. Hindi ang bagay na iyon ang ikinababalisa ngayon ng isipan niya. Kahit gustuhin niya mang magtanong ay pinili niyang huwag ng kumibo. Magsimula nang makakuha sila ng secret message mula kay Goldee ay masusing nag-aral si Blaze sa mga paraan ng pagde-decode. Pero, masasabi niyang mas magaling sa maliliit na detalye si Diezel kaya hindi ito maaaring mawala sa mga krimeng nireresolba nila. Kahit maloko ito ay marami itong naitutulong sa team nila. "Let's decode this," itinuro ni Alluka ang nasa monitor na galing sa cellphone ni Diezel. "Are you familiar with Braille?" "Yes. It is developed by Louis Braille. A system writing for blind people. The letters of the alphabet are arranged in two columns and three rows. It depends on the position and number of every dot," tuloy-tuloy na wika ni Sage, "kung hindi ako nagkakamali." Gamit ang controller ay isinulat nila ang posibleng letra na mabubuo doon. "Everything makes sense in the first place. It was connected with Reiffton City," komento ni Blaze. G 2 RFFTN Ang mga letra at numerong iyon ang nabuo nila sa pattern ng tama ng baril. "Tamad naman ng bumaril ng butas. Hindi pa kumpleto ang letra—aray naman! Bakit mambabatok, Gable?" nakakunot-noong angil ni Diezel. “Shunga ka ba?” tanong ni Gable. “Ako nga, kumilos pa lang, tinatamad na. Paano pa kaya ang bumaril ng pader? Atsaka, kakain ng oras kung kumpleto pa. Mahuhuli siya!” “Ganoon ba iyon?” namamanghang tanong ni Diezel. Umiling na lamang si Gable at ipinikit muli ang mga mata para matulog, pero alam ni Blaze na nakikinig ito. Tamad lang talaga ang kaibigan niyang ito. Sunod nilang binigyang pansin ang hawak ni Maribel na mahabang papel. Kung tititigan nang mabuti, mukha iyong normal na may mga tuldok-tuldok na tinta ng ballpen. Ngunit kung may alam sa pagbasa ng braille, mapapansin na may kakaiba roon lalo na sa magkakahiwalay na tuldok pababa ng papel na parang resibo. ⠠⠽⠠⠕⠠⠥ ⠠⠁⠠⠗⠠⠑ ⠠⠺⠠⠑⠠⠇⠠⠉⠠⠕⠠⠍⠠⠑ ⠠⠃⠠⠥⠠⠞ ⠠⠝⠠⠕⠠⠞ ⠠⠊⠠⠝⠠⠧⠠⠊⠠⠞⠠⠑⠠⠙ "Kuya Russ, at Kuya Clud. Puntahan niyo muna ang mga asawa niyo. Kami ng bahala rito," bakas pa rin kay Sage ang pag-aalala. "Kailangan nila kayo ngayon." Nang una ay hindi pa kumbinsido ang dalawa. Pinapakiramdaman pa nila ang paligid. Nang mapansing tahimik lang sila at walang tumitinag sa pag-aalis ng tingin, saka kumilos ang dalawa. Tumango na lamang ang dalawa at sinunod ang nakababatang de la Vega. Hindi man umiimik ang dalawa ay makikita ang pag-alala sa mukha ng mga ito. Parehong nasa trabaho ang dalawa nang pasukin ang bahay ng mga de la Vega. Wala rin noon sila Sage dahil may dinaluhang pagtitipon sa loob ng Fortress. Katulad ng kapatid ni Sage, ay sinisisi rin ng dalawa ang sarili. "And you, Kuya Patrick. You better go too. Magpahinga ka muna. Maaaring pagpaparalisa rin ang ginawa sa iyo. Baka may side effect pa iyan. We will monitor your condition. Kami nang bahalang maghanap sa mag-ina mo," payo naman ni Alluka. Hinawi pataas ni Patrick ang kulot at may kahabaang buhok. Huminga ito nang ilang ulit para pakalmahin ang sarili bago tumayo sa kinauupuan. Inalalayang muli ni Diezel papuntang kwarto si Patrick. Nang makabalik ang kaibigan niya ay saka sila nagpatuloy muli. "This is Scytale," komento ni Diezel. "Yes. And we need a cylinder to decode this for us," mabilis na pagsang-ayon ni Maribel. Matapos ng ilang minuto, nilagyan nila ng tape ang itaas ng papel bago ikutin sa cylinder ang mahabang papel na parang resibo. Ngunit bigo sila. Wala silang nabuong letra sa unang subok. "It doesn't make sense," komento ni Alluka. "Dahil ibang cylinder ang ginamit sa paggawa nito," pagbibigay alam ni Sage. "To decode that, we need to find the same size of the cylinder," dagdag ni Xenus. "Kakain ng mahabang oras," kontra ni Blaze. "Killing so much time is okay right now, Blaze. As long as we are sure of everything," pangaral naman ni Maribel. “Hindi tayo pwedeng magkamali. Buhay ng susunod na henerasyon ng mga de la Vega at kapatid mo ang nakasalalay rito.” Hindi na lamang siya umimik. Tama ito. Muli na lamang niyang tinitigan kung may nabuo ng salita roon. Katulad ng sinabi ng mga ito, muli silang naghanap ng cylinder na bubuo ng mas maayos na salita sa papel. "You are welcome but not invited?" hindi maaaring magkamali si Blaze sa kanyang nabasa matapos makuha ang akmang sukat ng cylinder na ginamit. "Another sentence that doesn't makes sense," komento niyang muli. "Everything is on point now, Blaze. They are trying to warn us," pagbibigay klaro ni Alluka. "We are welcome to Reiffton City. But we are not invited because the predator is waiting for its prey. And we are the prey, Blaze. They are waiting for us…” Isang katahimikan na naman ang namayani noong mga sandaling iyon. Hindi basta-basta ang mga kalaban nila. Dobleng ingat ang kailangan nila... Kung tuso ang kalaban nila, kailangan din nilang mas maging tuso. Sa ganoong paraan lamang nila ito matatalo. Sa ganoong paraan din nila maililigtas ang mga mahal sa buhay…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD