Chapter 18

3322 Words
UMUNGOL bilang protesta si Tazmania nang may maramdaman siyang mabigat at malikot na bagay sa tiyan niya. Nang imulat niya ang mga mata, sumalubong sa kanya ang nakatawang si Jerry. Nawala bigla ang init ng ulo niya at sa halip ay napangiti siya. Hinawakan niya sa baywang ang bata, para maalalayan ito sa pagbangon niya. Ang totoo niyan, masakit ang katawan niya, lalo na ang kanyang ulo paggising pa lang niya kanina. Pero ngayong nakikita niya ang matataba at mapupulang pisngi ni Jerry, gumaan na ang kanyang pakiramdam. "Good morning, Jerry. Ano'ng kailangan ng baby kay Toto?" masiglang tanong ni Tazmania. Ang ganda ng gising niya kapag ganito ka-cute na bata ang sasalubong sa kanya. "Tadie! Shower!" Hinawakan ni Jerry ang basang buhok na para bang ipinapakita sa kanya, pagkatapos ay bumungisngis. Nakuha naman ni Tazmania ang gustong mangyari ni Jerry, kaya yumuko siya at inamoy ang buhok nito. "Hmm. Ang bango naman ng baby, ha? Ang aga ka yatang pinaliguan ng Tadie n'yo? Nag-pupu ka ba?" "Taz!" Lumuwang ang ngiti ni Tazmania nang makita naman si Tom na tumatakbo na diaper lang ang suot papunta sa kanya. Gamit ang isang braso, hinapit niya sa baywang si Tom at kinandong ito. Inamoy niya ang buhok ng bata. "Hmm. Mabango ka na rin, ha?" Kiniliti niya ang matabang tiyan ni Tom. "Pero bakit naka-diaper ka lang?" "Tadie!" sagot ni Tom. "Kids, bakit n'yo ba 'ko tinatakbuhan?" Napunit na ang mga pisngi ni Tazmania sa pagngiti nang si Odie naman ang lumabas mula sa kuwarto. Napansin niyang naka-pajama pa rin ito, pero ang ganda-ganda pa rin. "Good morning, Odie." Ngumiti si Odie. "Good morning, Tazmania. Mabuti naman gising ka na. Bantayan mo muna ang kambal, ha? Maliligo lang ako." "Ang aga n'yo yatang mag-ayos. Mamamasyal ba kayo?" Kumunot ang noo ni Odie at namaywang. "Wait, Tazmania. Nakalimutan mo bang ngayon ang araw na isasauli natin ang kambal kina Garfield?" Biglang natigilan si Tazmania, kasabay ng tila pagbuhos ng malamig na tubig. How could he have forgotten? Tumawag nga pala kagabi si Garfield at sinabing miss na miss na ni Snoopy ang mga anak. Kaya nagdesisyon ang mag-asawa na maghanap na talaga ng mga yaya para sa kambal, at sisiguruhin na lang na mapagkakatiwalaan talaga ang makukuha. Nawala iyon sa isip niya dahil masyado siyang masaya sa mga lumipas na araw, lalo na pagkatapos ng pag-uusap nila ni Odie at sabihin nitong gusto nang mabuhay ng dalaga. Tiningnan ni Tazmania si Tom, pagkatapos ay si Jerry. Parehong nakatingin at nakatawa sa kanya ang kambal na magkamukhang-magkamukha. Bigla-bigla ay parang may sumuntok sa kanyang dibdib. Iyon na pala ang huling araw na may maiingay at nag-iiyakang bata ang gigising sa kanya sa umaga, at sa kalaliman ng gabi. "Malungkot ka," puna ni Odie. "Hindi, ah," kaila ni Tazmania. "Okay nga 'yon, eh. Wala nang mang-iistorbo sa tulog ko. Wala na ring magdo-drawing sa pader nitong unit ko." Dumako ang tingin ni Tazmania sa pader na punong-puno ng mga guhit ng krayola. Na gawa nina Tom at Jerry. Naalala niya ang gabing umuwi siya na tahimik ang kambal, ganoon din si Odie na mukhang guilty na guilty. Pagkatapos, nakita niya ang puting dingding niya na biglang naging makulay. Ang sabi ni Odie, tinitimplahan lang niya ng gatas ang kambal at pagbalik niya, ang pader na ang kinukulayan ng mga ito at hindi ang coloring book. Sorry nang sorry si Odie, pero dahil hindi naman siya nagalit, tinawanan lang niya iyon. Para mabawasan ang guilt ni Odie, sinamahan pa niya ang kambal sa pagdo-drawing sa dingding. Dahil wala naman siyang dugong artist, lalo lang dumumi ang dingding. But the next morning, he was surprised to see a beautiful mural on his wall, thanks to their "resident artist," Odie. Natauhan lang si Tazmania nang ikulong ni Odie ang mukha niya sa mga kamay nito, dahilan para tingalain niya ito sa gulat. Ngayon lang uli nauna si Odie na hawakan si Tazmania, kaya naman parang sasabog na ang dibdib niya sa sobrang saya nang mga sandaling iyon. Mabuti na lang at kandong niya ang kambal, kung hindi ay baka hindi na siya nakapagpigil at nayakap na niya ang dalaga. So he just sat there quietly, savoring the feel of her warm skin against his. May mga pagkakataon talaga na mahihiling na lang ng isang tao na sana huminto ang oras. At isa ang sandaling nakapatong ang mga palad ni Odie sa mga pisngi ni Tazmania sa mga pagkakataong iyon. "May ilang oras pa naman tayo bago pumunta kina Garfield. Makakasama pa natin ang kambal. Saka puwede pa tayong gumawa ng remembrance," suhestiyon ni Odie. "Remembrance?" "May regalo ako sa 'yo," masayang sabi ni Odie, saka binitawan ang mukha ni Tazmania. Saglit itong nagpunta sa kuwarto at pagbalik ay may bitbit ng regalo. "Heto. Isuot mo mamaya." Napangiti si Tazmania. Ang suwerte naman niya yata ngayong araw dahil niregaluhan pa siya ni Odie. Gusto na tuloy niyang maging sobrang bait na nilalang. "Thank you, Odie." Ngumiti nang matamis si Odie. "You're welcome, Tazmania." Naging mabilis ang oras nang umagang iyon. Pagkatapos makaligo ni Odie, si Tazmania naman ang naligo dahil ang dalaga na ang nagbabantay sa kambal. Isinuot agad niya ang ibinigay na T-shirt ni Odie sa kanya. Which turned out to be a personalized statement shirt. Tumayo si Tazmania sa harap ng salamin at nakita niya ang repleksiyon na ngumiti nang mabasa ang nakasulat sa blue na T-shirt sa malaki, at makapal na mga letra: TOTO. Paglabas niya ng kuwarto ay naabutan niyang nasa sala ang kambal na katatapos lang bihisan ni Odie. Natawa siya nang mabasa ang nakasulat sa T-shirt ng magkapatid. Sa T-shirt ni Tom ay: HI, I'M JERRY. Sa T-shirt naman ni Jerry ay: NO, HE'S TOM. "Very clever," natatawang komento ni Tazmania, saka dumako ang tingin sa T-shirt ni Odie. Isang salita lang ang nakasulat doon: TADIE. Lumuwang ang ngiti niya. "You've got us all nice shirts. Kailan mo ginawa ang mga 'to, ha?" "Matagal ko nang nagawa ang sa kambal. Hetong sa 'tin naman, no'ng nakaraang linggo lang. Pina-rush ko nga dahil balak ko talagang regaluhan ka bilang thank you gift dahil sa pagkupkop mo sa amin ng kambal," nakangiting paliwanag ni Odie. "Let's take a picture together." Warmth filled Tazmania's heart. Mahal na mahal talaga niya ang babaeng ito, at lalo pa yata niya itong minamahal habang tumatagal. Wala itong ideya kung ano ang ginagawa nito sa kanya nang mga sandaling iyon. "Okay." Nakipagkulitan si Tazmania sa kambal habang sine-set up ni Odie ang SLR camera at tripod nito. Mayamaya lang ay sumisigaw na ang dalaga. Natawa na lang siya. Malamang ay nag-set up ng timer ang dalaga kaya ganoon na lang kung mag-react. "Pose na, pose na!" excited na sigaw ni Odie, saka kinuha si Tom at kinarga. Kinarga rin ni Tazmania si Jerry. Pagkatapos ay tumabi siya kay Odie kaya ngayon, para na silang mag-asawa na karga ang mga anak nila. Now, he really felt like they were a real family posing for their family portrait. Naalala ni Tazmania noon na ang huling "family picture" nila ng mommy at daddy niya, ay iyong picture na ilalabas para sa magazine na nag-feature sa pamilya nila. Naalala niya kung gaano sila ka-stiff noon, halatang hindi komportable sa isa't isa. Pero ngayon, napakanatural ng pagngiti ni Tazmania sa harap ng camera. Pakiramdam niya ay may apoy sa dibdib niya na tumutunaw sa kanyang puso. He was just so happy. "Tazmania, bakit ka umiiyak?" natatarantang tanong ni Odie. Natawa si Tazmania para pagtakpan ang pagkapahiya niya. "Wala... wala 'to. I just kinda felt nostalgic. Ngayon lang uli ako nagpa-'family picture.'" Gumuhit ang pang-unawa sa mukha ni Odie. Naalala siguro nito ang kuwento ni Tazmania tungkol sa pamilya niya, kaya naiintindihan nito kung gaano kahalaga para sa tulad niyang nagmula sa sirang pamilya ang sandaling iyon. "We can be your family, Tazmania," malambing na sabi ni Odie. "Thank you," nakangiting sabi niya, saka pinahid ng libreng kamay ang mga lintik niyang luha sa magkabilang pisngi. "Thank you for being a part of my pretend family for a while, Odie." *** NAKANGITI si Tazmania habang pinapanood sina Tom at Jerry na tumakbo agad at yumakap kay Snoopy matapos niyang pakawalan ang kambal. Kahit nalulungkot siya dahil mami-miss niya ang mga bata, masaya naman siya dahil kasama na ng mga ito ang mga magulang. Kitang-kita niya nang umaliwalas ang mukha ni Snoopy. Noong nakahiga lang sa kama, mukha itong hinang-hina. Pero nang makita sina Tom at Jerry ay biglang nagkabuhay ang mukha. Parang nagkaroon ito ng lakas nang makita ang mga anak. "Kids, huwag n'yo munang masyadong pagurin si Mommy, ha?" bilin ni Odie sa mga bata. "Mommy!" malambing na sabi lang nina Tom at Jerry, saka yumakap kay Odie. "I've missed you, babies," maluha-luha namang sabi ni Snoopy, saka hinalikan sa noo sina Tom at Jerry na sabay bumungisngis. Dumako ang tingin ni Tazmania kay Odie na nakangiti rin habang pinapanood ang muling pagkikita-kita ng mag-iina. He could see the glow of genuine happiness in her eyes now. Hindi gaya noon na pinepeke at pinipilit nito ang mga tawa at ngiti. Tumikhim si Garfield na hindi niya namalayang nakatayo na pala sa kanyang tabi. "Baka matunaw na ang kapatid ko niyan, ha." Napakamot sa batok si Tazmania. Ngayong inamin na niya sa sarili na mahal niya si Odie, nahihirapan na siyang itago iyon sa ibang tao. Natatakot nga siya na baka si Odie mismo ay makahalata na dahil parati siyang nakatitig dito, at mapapangiti na lang tuwing magtatama ang mga mata nila. "Masaya lang ako dahil mukhang nakatulong kay Odie ang ginawa natin." "Nakikita ko nga, kaya nga nagpapasalamat ako sa 'yo," nakangiting sabi ni Garfield, saka siya tinapik sa balikat. "Salamat dahil tinulungan mo siyang alagaan ang mga anak ko. And... thank you. Thank you for taking care of my sister, Taz. Her mood seems much improved. She seems happier now." Tumango si Tazmania bilang pagsang-ayon. "Nakatulong talaga ang kambal kay Odie." "Yes, but I think malaking tulong ka rin sa kapatid ko," seryosong sabi ni Garfield. "Ikaw lang ang pinapasok niya sa buhay niya nang ganito pagkatapos ng mga nangyari. Thank you for being a good friend to Odie, Tazmania." Tumabingi ang ngiti ni Tazmania. Hindi niya naiwasang maging sarkastiko sa isipan. Wow, thank you, dude. Salamat sa pagpapaalala sa 'kin na hanggang magkaibigan lang kami ni Odie. "Tazmania, I know you like my sister," halos pabulong na dagdag ni Garfield. Napaderetso ng tayo si Tazmania. Mahina ang pagkakasabi ni Garfield, kaya hindi niya sigurado kung totoo ang kanyang narinig o guniguni niya lang iyon. "Kung noon ko siguro napansin ang damdamin mo para sa kapatid ko, baka pinigilan lang kita dahil alam naman nating lahat kung gaano niya kamahal si Pluto," pagpapatuloy ni Garfield. Mababa lang ang boses nito para hindi marahil marinig ni Odie ang sinasabi, pero seryosong-seryoso ito. "Pero sa nakikita ko ngayon, kaya na ni Odie na mag-move on. Kung nagagawa na niyang mabuhay uli nang normal, baka magawa niyang magmahal uli. Siguro nga hindi pa ngayon o baka nga matagalan pa. But if she falls in love again, I want her to fall for you." Sa totoo lang, masaya si Tazmania sa narinig. Pero hindi niya iyon ipinahalata. Stupid male pride. "Bakit ako?" "Dahil nakikita kong totoo ang nararamdaman mo para kay Odie. Sana lang hindi ako nagkamali ng tingin." Nilinga siya ni Garfield na para bang sinusuri siya. "Mali ako ng isipin kong si Pluto lang ang mamahalin ng kakambal ko sa buong buhay niya. I've realized that I don't want my twin sister to grow old alone. I hope you're her 'second chance guy.' She deserves to be happy. She deserves to be loved. Pero siyempre, hindi naman kita pipilitin na gawin 'yon para sa kapatid ko." "Hindi mo naman kailangang sabihin pa 'yan, Garfield. Alam ko ang ginagawa ko," nakangiting sabi ni Tazmania. Alam niyang hindi na niya kailangang ipaliwanag ang lahat dahil kumislap na ang pang-unawa sa mga mata ni Garfield. Tinapik siya ni Garfield sa balikat. "Good luck. Tiyak na matutuwa si Mommy kapag sinabi ko sa kanya ang tungkol sa 'yo. Sayang nga lang at umuwi si Mommy sa bahay niya para kumuha ng mga gamit niya, kaya hindi mo siya makikilala ngayon. But as soon as she comes back, tatawagan kita at ipapakilala kay Mommy." Hindi na napigilan ni Tazmania ang mapangiti. May basbas na siya ni Garfield, at ngayon naman, gusto pa nitong ipakilala sa magulang nito at ni Odie. Magiging mabuting nilalang na talaga siya mula ngayon. "Salamat." Ngumiti lang si Garfield, pagkatapos ay nagpaalam na nang makitang papalapit sa kanila si Odie. Pinuntahan nito ang asawa at nakipaglaro na sa kambal. "Ano'ng pinag-usapan n'yo ni Garfield?" kunot-noong tanong kay Tazmania ni Odie nang makalapit sa kanya. Nagkibit-balikat si Garfield. "Nagpasalamat lang dahil tinulungan kitang alagaan ang kambal." "Oh." Napatitig sa kanya si Odie, pagkatapos ay bumakas ang pag-aalala sa mukha nito. "You look pale. May sakit ka ba?" "Wala." Sinalat ni Odie ang noo niya. Nanlaki ang mga mata nito. "May lagnat ka!" Sumimangot si Tazmania, saka marahang inalis sa noo niya ang kamay ni Odie. He loved feeling her skin against his, pero hindi sa ganoong paraan. Ayaw niyang nagkakasakit, at lalong ayaw niyang nakikita ng babaeng gusto niya sa mahina niyang estado. "Ayos lang ako." "Hindi ka okay," giit ni Odie, pagkatapos ay hinawakan siya sa pulsuhan. "Kailangan mong magpahinga." "You can use the guest room," sabi ni Garfield. Narinig pala nito ang pinag-uusapan nila ni Odie. Napataas kasi ang boses ni Odie kanina at puno iyon ng pag-aalala. "Magpahinga ka muna dito sa amin." "Oo nga, dito muna tayo para mabawi mo ang lakas mo," sang-ayon naman ni Odie, bakas pa rin sa mukha ang pag-aalala. Tumingin si Tazmania kina Garfield at Snoopy na binibigyan siya ng nanunuksong ngiti, pagkatapos ay sa kamay ni Odie na nakahawak sa pulsuhan niya. Pagkatapos ay sa kambal na nakatingin sa kanya. He would get to spend one more day with them if he stayed. "Okay. Panalo na kayo." *** "KAILANGAN ba talaga 'yan?" paungol na reklamo ni Tazmania. Magaspang ang boses niya dahil sa sipon at ubo. "Oo. Mabilis mawawala ang plema mo sa ganitong paraan. Please," pakiusap ni Odie. Then, she looked at him with big, puppy eyes. Napasimangot si Tazmania. It was bad enough that Odie had to see his weak side. At ngayon naman, gusto pa nitong "gamutin" ang plema niya. That sounded gross and really embarrassing. Pero hindi niya matanggihan ang dalaga lalo't nagpapaawa ito ng mukha. "Fine." Pinilit ni Tazmania ang sarili na maglakad palapit sa kalan, at itapat ang mukha niya sa usok na nagmumula sa kawali na may kumukulong tubig. Napasimangot lalo siya dahil sa init na hatid niyon sa mukha niya, pero nagtiis siya. Ayon kasi kay Odie, nabasa nito sa Internet na mabisang paraan iyon para mawala ang lintik niyang plema. Marahang hinagod ni Odie ang likod ni Tazmania. "'Yan. Good boy." Napaderetso at nanigas si Tazmania sa kinatatayuan. Nagustuhan niya ang ginagawa ni Odie na marahang paghagod sa likod niya. Unti-unti tuloy nag-init ang katawan niya at sigurado siyang mainit pa sa kumukulong tubig ang temperatura niya nang mga sandaling iyon. Fuck, concentrate, seryosong sabi ni Tazmania sa isip. Mabuti na lang at tumigil na si Odie sa ginagawa sa likod ni Tazmania, dahil magtitimpla raw ito ng kalamansi juice para sa kanya. Kamuntikan na talagang kumalat ang init sa pagitan ng kanyang mga hita. He couldn't afford to have a hard-on with Odie around, and in her twin brother's kitchen too. Dahil sa lagnat ni Tazmania, hindi pumayag si Odie na umuwi siya sa unit niya dahil wala raw mag-aalaga sa kanya. Nagpumilit na rin sina Garfield at Snoopy na panatilihin muna siya sa bahay ng mga ito para daw makapagpahinga siya. Pinahiram pa nga siya ni Garfield ng mga damit-pantulog. Pumayag na rin siya dahil kanina, nakatanggap siya ng tawag mula kay Natalia na sinasabing kilala na nito kung sino ang bagong babaeng "kinahuhumalingan" niya, at nagbantang guguluhin siya kapag hindi siya nakipagkita rito. Hindi na lang niya pinansin dahil madalas naman ay ganoon ang banta ng babaeng iyon. Sigurado siyang hinahanap siya ni Natalia kaya pagtataguan muna niya ito. Haharapin na lang niya ang babae kapag may lakas at pasensiya na uli siya. At siyempre, bukod doon, may isa pang dahilan kung bakit pumayag siyang manatili muna sa mansiyon ng mga Serrano. Nang nagprisinta si Odie na alagaan siya, naisip niyang hindi na masamang makitulog muna sa bahay ng may bahay. "Come to think of it, ito ang unang beses na nakitulog ako sa bahay ng iba. Kadalasan kasi, ang mga kabarkada ko ang natutulog sa lugar ko," kuwento ni Tazmania mamaya. "Talaga? Hindi ka natutulog sa bahay o lugar ng mga babae mo?" natatawang tanong ni Odie na halatang nagbibiro lang. No, he wasn't the type of guy who slept at his f**k buddy's place. He was the type of bastard who left before the woman woke up—or at least after the "deed" was done. Pero hinding-hindi niya iyon sasabihin kay Odie dahil wala na siyang balak balikan kung gaano siya kagago noon. "Gaano ba kasama ang reputasyon ko sa mga babae na nakaabot sa 'yo?" Natawa lalo si Odie. "Hmm... tingnan natin. Ayon sa narinig ko, isang malaking playboy daw ang may-ari ng Devlin Films, at walang kabalak-balak mag-asawa dahil hindi niya kayang maging faithful sa isang babae." Ah, so Tazmania really had a bad reputation with women. "Naniniwala ka ba do'n?" Pinatay muna ni Odie ang kalan bago ito sumagot. "Noon siguro, oo. Pero pagkatapos kong makita kung gaano ka kabait sa kambal, na-realize ko na puwede ka namang maging mabuting ama kung gugustuhin mo. And maybe, just maybe, you can be that loving and gentle to a woman someday. Baka hindi mo pa lang nahahanap ang katapat mo..." Well, news flash. I've already found her and she's standing right in front of me. May iba pang mga sinabi si Odie na hindi naintindihan ni Tazmania dahil napatitig na lang siya sa magandang mukha ng dalaga. Lalo na sa mga labi nito. Sometimes, he couldn't help but stare when she spoke, and wonder how her lips would taste. "Can I wash my face?" pag-iiba na lang ni Tazmania sa usapan dahil nahuhuli na naman niya ang sarili na pinagpapantasyahan si Odie. Baka makahalata na ang dalaga. "Oh, sure." Ayaw man ni Tazmania, tinalikuran niya si Odie para maghilamos sa lababo. Kailangan niyang gawin iyon para linisin ang mukha at pag-iisip niya. Ngayon lang talaga siya naging ganito kabaliw sa isang babae kaya nahihirapan siyang kontrolin ang sarili. Saglit na nawala si Odie sa tabi ni Tazmania. Pagbalik nito, may dala na itong face towel na iniabot sa kanya. "Here." "Thanks," sagot ni Tazmania, saka pinunas ang malambot na tuwalya sa mukha niya. "Inumin mo muna 'yong tinimpla kong kalamansi juice bago ka matulog." "Ayoko ng maasim." Nagpaawa na naman ng mukha si Odie. "Kahit isang baso lang." "Fine." Sinundan niya si Odie sa kitchen counter kung saan umupo sila sa magkatabing high stool. Pagkatapos ay sinalinan pa siya ng dalaga ng kalamansi juice sa baso. "Seriously, Odie. I'm not a child," protesta niya. Hindi naman sa ayaw niya ng inaalagaan siya ni Odie. Ayaw lang niyang isipin nito na alagain siya sa edad niyang iyon. "Gusto ko lang namang bumawi sa 'yo," katwiran ni Odie. "Para saan naman?" Nangalumbaba si Odie sa mesa at saka siya binalingan. "Kasi ang bait-bait mo sa 'kin. Kung hindi dahil sa 'yo, hindi ko na siguro alam kung ano'ng nangyari sa 'kin." Uminom muna ng kalamansi juice si Tazmania bago nagsalita. "Wala 'yon." Natawa si Odie. "Wala lang siguro sa 'yo 'yon, pero malaking bagay 'yon para sa 'kin. Hindi ko alam kung ilang 'thank you' ang kailangan kong sabihin para malaman at maiparamdam ko sa 'yo kung gaano ako ka-grateful na nandiyan ka sa tabi ko." Hindi rin naman maliit na bagay kay Tazmania ang pinagsamahan nila, pero ayaw niyang ipaalam kay Odie kung gaano ito kaimportante sa kanya. Hindi pa iyon ang tamang panahon. Kailangan ni Odie ng kaibigan sa ngayon. "Kung gusto mong makabawi sa 'kin, isa lang naman ang kailangan mong gawin. Live well, Odie. Kapag nakita kong okay ka na, bayad ka na." "Kung noon mo siguro sinabi sa 'kin 'yan, baka maging imposibleng bagay 'yan para sa 'kin," halos pabulong na sabi ni Odie. "Mahina ako, Tazmania. Madaling gumuho ang mundo ko kapag nasasaktan ako. Pero ngayon, pagkatapos ng mga nangyari, naisip kong kailangan kong maging malakas. Hindi ko alam kung paano, pero may oras pa naman ako para malaman, 'di ba?" Ipinatong ni Tazmania ang kamay sa ulo ni Odie. "Good girl."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD