Chapter 5

3476 Words
RAMDAM ni Tazmania ang malakas at mabilis na t***k ng kanyang puso habang hinahabol ang hininga, at hindi maikokompara ang ingay niyon sa ingay ng tren na nakalagpas na sa kanila. Mahigpit pa rin ang yakap niya kay Odie, sinisigurong hindi ito mabubunggo ng mga taong nag-uunahan sa paglabas at pagsakay sa tren. He wanted to keep her safe in his arms. "Tazmania!" Natauhan lang si Tazmania nang maramdaman ang pagbayo ni Odie sa dibdib niya. Nang luwagan niya ang pagkakayakap, itinulak siya nito nang malakas dahilan para mapaatras siya at mabunggo ang tao sa likuran. "Bakit mo 'ko niyakap?" galit na tanong ni Odie. Hindi naman ito sumigaw, pero lumakas ng kaunti ang boses, dahilan para pagtinginan at pagbulungan sila nang mga tao sa malapit. Namaywang si Tazmania, habol pa rin ang hininga. Ngayon lang niya naramdaman ang pagod. Siguro ay dahil nakahinga na siya nang maluwag na ligtas na si Odie. Kinalkal na lang niya sa isip ang unang palusot na naisip niya. "Well, gusto ko lang pasalamatan ka sa paghuhugas ng mga tasa." Okay, that sounded lame. Hindi na siguro nakakapagtaka kung kumunot ang noo ni Odie at tapunan siya ng nagdududang tingin. "Huh? Niyakap mo 'ko bilang pasasalamat sa paghuhugas ko sa bahay mo?" Nagkibit-balikat siya. "Bakit hindi? I hug people I'm grateful to." Now I sound like a p*****t! "May problema ho ba?" tanong ng lumapit na guwardiya sa kanila. "Wala po," mabilis na sagot naman ni Odie. "Nag-uusap lang kami," dugtong naman ni Tazmania. Binigyan sila ng nagdududang tingin ng guwardiya, pero sa huli ay tumango ito at iniwan na sila habang bubulong-bulong ng: "LQ siguro." Umatras si Odie palayo sa kanya. Kakaiba na ang tinging ibinibigay sa kanya ngayon. "Ang weird mo ngayon, Tazmanian Devlin Fortunate." Tumikhim si Tazmania, nang kahit paano naman ay mapagtakpan ang pagkapahiya niya. "Odie, when life gives you lemons, you're supposed to make lemonade, not squeeze the juice into your eyes and cry. Speaking of lemons, gusto mong mag-almusal kasama ako?" Matigas na umiling si Odie. "Huh? Ano ba'ng sinasabi mo? Pagkatapos ng inasal mo ngayon, 'tingin mo sasama ako sa 'yo? No. Umuwi ka na nga. Baka kulang ka pa sa tulog." "Mauna ka." "Huh?" "Mauna kang umuwi. At mag-bus ka na lang. Huwag ka nang sumakay ng tren." Alam naman ni Tazmania na hindi papayag si Odie na ihatid niya pagkatapos ng nangyari, kaya hindi na rin siya nag-alok. Sisiguruhin na lang niyang hindi ito magpapasagasa sa tren. "Bakit naman?" "Hindi ka ba nanonood ng news?" pagsusungit-sungitan ni Tazmania. "Delikadong sumakay ng MRT ngayon dahil sa sunod-sunod na aksidente nitong nakaraan." Tinapunan siya ng masamang tingin ng mga commuter na nakarinig sa kanyang sinabi. Tumikhim lang uli siya at binalingan si Odie at sinenyasan itong umalis na. "Umuwi ka na, dali." Sumimangot si Odie, halatang gulong-gulo na sa ikinikilos niya. "Your age has probably caught up with you." "What about my age?" iritadong tanong ni Tazmania. Wala siyang problema sa edad niya dahil sa mga lalaki, bata pa ang treinta y uno. Pero sa paraan ng pananalita ni Odie, parang insulto ang pagpapaalala nito sa edad niya. Heck, she didn't even know how old he was. "Nagse-second childhood ka na siguro," iiling-iling na sabi ni Odie, masama pa rin ang tingin sa kanya. "I'm only thirty-one, woman! Just three years older than you are!" "Aalis na 'ko. Huwag mo 'kong susundan," banta ni Odie, bago siya tinalikuran. Pero mabilis ding sumunod si Tazmania kay Odie. Pero tatlong hakbang ang layo niya sa dalaga dahil ayaw naman niyang matakot ito sa kanya. "Uunahan na kita—hindi kita sinusundan. Ito lang naman ang daan pababa, saan ka pupunta?" Dere-deretsong sumunod si Odie sa mga taong nakapila sa loob ng elevator. Sumakay din siya sa elevator. Akmang magrereklamo ang dalaga at nakahanda na rin naman ang kanyang depensa, pero biglang may tumunog na tila alarm. "Overload na," masungit na sabi ng matandang babae. Tumingin kay Tazmania ang lahat ng tao sa elevator. Maging si Odie ay tinapunan siya ng nayayamot na tingin, pero ngumisi ito at sinenyasan siyang lumabas. Itinaas ni Tazmania ang mga kamay, at humakbang paatras nang hindi inaalis ang tingin kay Odie. Hindi niya alam kung bakit biglang gumaan ang kanyang pakiramdam at napangiti pa siya. "Be careful around trains, okay? Maybe you should take a bus instead." Odie just glared at him until the elevator doors closed. Parang tangang ngingiti-ngiti pa rin si Tazmania habang pababa ng hagdan. Ang ganda ng pakiramdam niya? Bakit hindi? He had just found a girl worth caring for. *** "NAGPAPAKAMATAY si Odie?" tanong uli ni Oreo. "In the dumbest way possible," dugtong pa ni Tazmania, saka kunot-noong nilingon si Oreo na nakahiga sa sofa, ala Cleopatra, habang may nakaipit na lollipop sa pagitan ng mga labi. "Pangsampung beses mo nang tinanong 'yan, ha." "I just can't believe it." Tumingala uli si Tazmania sa kisame. Nakahiga siya sa carpet sa sala, may mga bote ng alak sa kanyang tabi. Tinawagan niya kanina si Oreo at pinapunta sa condo unit niya. Sinabi niya sa kaibigan ang lahat ng nalaman niya tungkol kay Odie, pati ang hinala niya na nagpapanggap lang na okay ang dalaga pero ang totoo ay dumadaan ito sa depresyon. Hindi siya madaldal na tao, lalo na kapag sekreto ng iba. Pero hindi niya kayang sarilinin ang natuklasan at alam niyang hindi rin niya kakayaning protektahan si Odie nang nag-iisa. Kailangan niya ng tulong ng pinagkakatiwalaan niyang tao. Naisip ni Tazmania na sabihin kay Oreo ang nalaman niya dahil bukod sa matalik na kaibigan niya ang lalaki, malapit ito sa mga Serrano. Puwedeng bantayan ni Oreo si Odie sa mga pagkakataong hindi niya magagawa, nang hindi nahahalata ng dalaga na alam nila ang masamang balak nito sa sarili. Habang nakatitig sa kisame, nakita ni Tazmania ang imahen ng nakangiting mukha ni Odie noong unang beses niya itong makita sa ospital. "Mahirap ngang paniwalaan," sang-ayon ni Tazmania kay Oreo. "This a serious matter, Taz. Bakit hindi mo kay Garfield sinabi 'to?" "Sa tingin ko, may hinala na rin si Garfield na gustong magpakamatay ni Odie. Ngayon alam ko na kung bakit tinanong ako ni Garfield noon kung naniniwala raw ba akong aksidente lang ang sunog sa bahay ni Pluto. He knew, but he refused to believe that his twin sister was still planning to commit suicide. He thinks that Odie's fine." "Well, naiintindihan ko si Garfield. Mas madaling paniwalaan na naka-move on na ang kakambal niya, kaysa isipin na may listahan ito kung paano magpapakamatay na magmumukhang aksidente." Tinawag si Tazmania ni Oreo, kaya nilinga uli niya ang kaibigang seryoso nang mga sandaling iyon. "Hindi kaya kailangan na ni Odie ng professional help?" Naisip na rin iyon ni Tazmania, pero sa tingin naman niya, hindi pa ganoon kalala si Odie. Kung talagang wala na sa sarili ang dalaga, matagal na itong nagpakamatay. Pero hindi. Naniniwala siyang nilalabanan pa rin ni Odie ang kalungkutan dahil nagagawa pa rin nitong mag-alala para sa kapatid at ina. "She doesn't need professional help yet." Siguro, minsan ay talagang hindi lang nakakapag-isip nang maayos si Odie, lalo na't mag-isa lang ito sa bahay. Iyon ang kailangan niyang solusyunan. Naputol lang ang pag-iisip ni Tazmania nang tumunog ang kanyang cell phone. Napaungol siya nang makita ang pangalan ni Natalia. Argh, his crazy ex-fling. "Bakit in-off mo ang phone mo?" nagtatakang tanong ni Oreo nang makita ang ginawa niya. "Natalia," frustrated na sagot niya. Natawa nang mahina si Oreo. "I keep telling you that girl's crazy. Binalaan naman kita, pero hindi ka nakinig sa 'kin." Tumikhim lang si Tazmania, ayaw pa ring amining nagsisisi na siya at pinatulan pa niya si Natalia. In his defense, it was hard to resist a woman who radiated s*x like Natalia did. She was really, really good in bed and he always enjoyed himself with her. Okay naman ang lahat sa pagitan nila, hanggang sa mabaling sa ibang babae ang atensiyon niya. Well, Natalia wasn't his girlfriend so he was free to enjoy other women's company. Pero iba pala ang intindi ni Natalia sa relasyon nila kaya umarte ito na parang girlfriend niya, at inaway ang lahat ng babaeng napapalapit sa kanya. Napagod na siya kakapaliwanag kay Natalia, at paghingi na rin ng tawad. Pero makulit ang babae, at walang ginawa kundi ang tawagan siya at puntahan sa condo unit niya. Reporter si Natalia, kaya siguro malakas ang pang-amoy pagdating sa kanya. Napabangon si Tazmania. "s**t. I think I need to move out. Natalia creeps me out every time she comes here." Ipinaikot ni Oreo ang mga mata, saka kinagat ang lollipop at stick na lang ng candy ang nilabas nito mula sa bibig. "You talk as if you don't enjoy bedding her." "Shut up. She was fun until she started acting crazy," iiling-iling na sabi ni Tazmania, nag-iisip ng paraan para makaiwas kay Natalia. He had no time to deal with her. "I need a new place." "Bibili ka uli ng bahay? Maninibago ka na naman niyan. Kahit sanay kang mag-isa, iba pa rin ang pakiramdam kapag lumipat ka. Pag-isipan mong mabuti 'yan," payo ni Oreo. "Pareho lang 'yon kung lumipat ako. I live alone, anyway..." Unti-unting natigilan si Tazmania nang marinig ang sarili. Ano nga ba iyong sinasabi niya kaninang problema ni Odie kaya siguro ito nalulungkot? Na nagkakaganoon siguro ang dalaga dahil mag-isa ito sa tinitirhang apartment. Napangiti si Tazmania. "I think I know the solution to Odie's problem." "Huh? Si Odie ba uli ang pinag-uusapan natin?" "Kailangan ni Odie ng makakasama para may magbabantay sa kanya, at pipigil sa mga masamang plano niya sa sarili," nakangising sabi ni Tazmania. "What do you mean?" "She needs a housemate." Binigyan siya ng kakaibang tingin ni Oreo, saka pumalatak habang iiling-iling. "Tazmanian Devlin Fortunate, not Odie, please. Iba siya sa mga babaeng kinakama mo." "What? You think I have an ulterior motive for helping her?" "Taz, kilala kita. You have a heart of stone. Hindi ka tumutulong sa ibang tao nang walang hinihintay na kapalit. Lalo na sa mga babae." "Wow. Ganyan pala kataas ang tingin mo sa 'kin. Salamat, pare," sarkastikong sabi ni Tazmania. Hindi naman niya masisisi si Oreo kung ganoon ang tingin nito sa kanya. He wasn't going to deny that he was a confirmed womanizer. "Pero kahit ganito ako, alam ko naman kung sinong babae ang hindi dapat gaguhin." "Then why be so concerned about Odie?" Natahimik si Tazmania. Hindi niya akalaing mapapaamin siya ni Oreo nang wala sa oras, pero kailangan niyang magtapat sa kaibigan, bago pa magbago ang tingin nito sa kanya. "I honestly don't know why I care for her, Oreo. But I have a hunch. Maybe it's because I'm grateful to her." "Grateful?" Tumango si Tazmania. Naalala niya ang araw na umiyak si Odie habang nakalubog ang mga paa sa baha, at tinatakpan ng mga kamay ang mukha para itago ang pag-iyak. "I grew up in a world where everyone faked their feelings. Ilang taong nagpanggap sina Mommy at Daddy na mahal nila ang isa't isa, alang-alang sa pangalan ng pamilya. Lahat ng babaeng lumalapit sa 'kin, nagpapanggap na gusto ako para lang makapasok sa mundo ko." Nagpapanggap akong walang pakialam para hindi makita ng iba ang kahinaan ko. "Ang akala ko tuloy, wala nang totoo sa mundong 'to. Pero ipinakita sa 'kin ni Odie na puwede rin palang maging tapat at totoo sa damdamin ang isang tao sa kapwa nito. Her love for Pluto is something I admire. She makes me want to believe that this world is not totally f****d up. It makes me feel good. She proved to me that genuine feelings can still exist and I can't let her kill herself." May isa pang dahilan si Tazmania kung bakit malaki ang pasasalamat niya kay Odie. Pero hinding-hindi niya iyon sasabihin kay Oreo. Ni hindi nga niya iyon magawang aminin sa sarili. Matagal bago muling nagsalita si Oreo. "Wow. That was..." Tumaas ang kilay ni Tazmania, handa na sa pang-aasar ni Oreo dahil iyon ang unang pagkakataon na nagsalita siya ng ganoon. "What? Too romantic?" Ngumiti si Oreo. "So unlike you. Pero mukhang wala namang malisya ang pagtulong mo kay Odie kaya susuportahan na lang kita d'yan sa kalokohan mo." Kumunot ang noo ni Tazmania nang maalala ang sinabi ni Odie noong nasa MRT station sila—ang pagpapamukha ng dalaga sa kanya na matanda na siya. "Odie is too young for me." "Too young?" Natawa si Oreo. "Magkasing-edad lang kami nina Odie at Garfield. Hindi naman gano'n kalaki ang tatlong taong age gap." Humiga uli sa sahig si Tazmania at tumitig sa kisame. "Kailangan kong mapigilan si Odie sa pagpapakamatay. Iyon ang magiging priority ko sa pagtira sa kanya." "Sure. I trust you this time, dude." Ipinatong ni Tazmania ang isang braso sa mga mata. "It's like playing Dumb Ways To Die. I have to be really careful. One wrong move, and the character will die because of something really dumb. I hope Odie's not playing that game." *** PAGBABA ni Tazmania sa kotse, tinanggal niya ang shades niya at binasa ang pangalan ng establisimyento: Tee House. Iyon ang clothing shop ni Odie, at ayon sa dalaga noon, ginawa nitong apartment ang second floor ng shop. "Looks small," iiling-iling na sabi ni Tazmania. Gayunman, pumasok pa rin siya sa loob ng shop. Bumati sa kanya ang dalawang salesclerk—isang babae at isang lalaking nakasuot ng couple shirt. Tumango lang siya sa pagbati ng mga ito. "Nandiyan ba si Miss Odie Serrano?" "May appointment ho ba kayo kay Miss Odie?" magalang na tanong ng lalaking staff. "Wala, pero pakisabi na hinahanap ko siya. I'm Tazmania Fortunate, by the way." Nagkatinginan ang dalawang staff na para bang pinagdududahan ang sinabi niya. "That's my real name," naiinis na sabi ni Tazmania. Namula ang mukha ng babae dala ng pagkapahiya. "Sorry po, Sir. Tatawagin ko lang po si Miss Odie." Pagkatapos ay umakyat ito sa second floor. "Cool name," nakangiting sabi ng lalaking staff kay Tazmania. Mukhang nasa early twenties lang ito, at mukhang anak-mayaman na pinilit lang magtrabaho ng mga magulang sa shop na iyon. He didn't look like someone who belonged in a small shop like Tee House. "I'm Sylvester, by the way." "Huh?"' Ngumisi si Sylvester. "That's also my real name, dude." "Don't 'dude' me, kiddo. Mas matanda ako sa 'yo." Tumawa lang si Sylvester. Mayamaya ay bumaba na ang babaeng staff mula sa ikalawang palapag. Nakangiti na ito. "Umakyat na lang daw po kayo, Sir Tazmania," nakangiting sabi ng babae. "Thanks," pormal na sabi ni Tazmania, saka umakyat sa ikalawang palapag ng shop. Hindi nahirapan si Tazmania na hanapin si Odie dahil pag-akyat pa lang niya ay nakita na niya agad ito. The second floor was designed like a living room. May sofa at dalawang settee roon at center table. Nakasalampak sa sahig si Odie at nakaupo sa unan habang may ginagawa sa laptop nito. Dahil nakatalikod mula sa kanya ang dalaga, nakita niya ang ginagawa nito. She was making designs for her clothing line. Tumikhim si Tazmania. "Hey." Binalingan siya ni Odie. "Hey. Maupo ka muna, tatapusin ko lang ang design na 'to. Just give me a minute." Umupo si Tazmania sa sette. "Sure." Nakita ni Tazmania ang nakasulat sa mga T-shirt na dine-design ni Odie. Pulos one word lang ang mga nakasulat doon gaya ng: Sparks at Forever. Pero base sa obserbasyon niya, hindi masaya ang dalaga sa nagawa dahil nakasimangot ito. She saved the file, then turned off her laptop. Tumayo si Odie at nag-inat. Tazmania's jaw dropped. As Odie arched her back, he had a pefect view of her nicely proportioned body. Shit, stop, saway niya sa sarili. Odie's off-limits, okay? Pumihit si Odie paharap kay Tazmania, pagkatapos ay umupo ito sa katapat na sette. "Hello. Ano'ng ginagawa mo rito? Bukas pa tayo magkikita, 'di ba?" "Oo sana. Pero nagkaroon ako ng problema, kaya naisipan kong puntahan ka dahil alam kong matutulungan mo 'ko," deretsong sabi ni Tazmania. He wasn't one to beat around the bush. Halatang nagulat si Odie sa sinabi niya. "Ako? Paano kita matutulungan? At sa anong problema ba?" Humugot ng malalim na hininga si Tazmania bago nagpaliwanag. "There's this crazy woman who won't stop bothering me. I decided to move out of my place. Pero dahil alam niya ang lahat ng bahay at apartment na pag-aari ko, nagdesisyon akong sa ibang lugar muna tumuloy. Doon sa hindi niya alam." Kumurap-kurap lang si Odie na para bang hinihintay siyang magpatuloy. "Naisip kong baka puwede namang dito muna 'ko sa... uh..." Tumingin si Tazmania sa paligid, hindi alam kung anong itatawag sa maliit na space na iyon na tinatawag ni Odie na apartment unit nito. "Dito sa lugar mo mag-stay." "I'm sorry, but you can't," mabilis na sagot ni Odie. Pumagitna ang katahimikan. Inaasahan ni Tazmania ang pagtanggi ni Odie, pero hindi niya inaasahan na magiging ganoon kabilis. "Miss Odie, heto na po ang merienda na pinabili n'yo," masiglang sabi ng babaeng staff, saka nilapag ang dalawang espresso mula sa KopeeBook—isang coffee shop. "Salamat, Daisy," sabi ni Odie sa babae, na magalang nang nagpaalam at bumaba na uli sa ground floor. Binitbit ni Odie ang kape sa pagtayo nito. "Kung wala ka nang sasabihin, puwede ka nang umalis. May trabaho pa 'ko." Tumayo si Tazmania at humarang sa daan ni Odie. "Hey, pakinggan mo muna 'ko. Odie, kailangan ko talaga ng tulong mo. Kailangan ko lang naman ng matitirhan nang panandalian. Kapag naayos ko na ang issue namin ng babaeng ito, aalis din agad ako." "May ibang kaibigan ka naman siguro na puwedeng hingan ng tulong. Bakit sa 'kin pa?" "Kilala ni Natalia ang lahat ng kaibigan ko. She's like some sort of stalker. Pero ikaw, hindi ka pa niya kilala. Your place is the perfect hideout for the meantime," desperadong pakiusap ni Tazmania. "Please, please, please?" Bumuntong-hininga si Odie. "Tazmania..." "Wala akong masamang balak sa 'yo, kung 'yon ang inaalala mo. Desperado lang talaga ako. I promise I won't be a bother. I'll pay for my own meals, and I'll behave. Isa pa, buong maghapon naman ay nasa opisina ako. Kailangan ko lang ng matutulugan." "Ayoko sanang madamay sa problema ninyo ng girlfriend mo..." "Hindi ko siya girlfriend," tanggi ni Tazmania. "Just... we just had a few casual encounters." "Oh," namumula ang mga pisnging sagot ni Odie. Base sa reaksiyon nito, naunawaan na nito ang relasyon ni Tazmania kay Natalia. Walang dapat ipaliwanag si Tazmania kay Odie tungkol sa mga relasyon niya sa kahit na sino, pero nang mga sandaling iyon, gusto niyang depensahan ang sarili. Pero alam niyang lalo lang siyang magmumukhang gago. Kaya nanahimik na lang siya. They were both adults, anyway. "Saka magandang setup din kung sa iisang bubong tayo pansamantalang titira," pagpapatuloy ni Tazmania. "Mas mapapabilis ang pagdo-document ko sa kuwento mo. Ayaw mo n'on? The sooner we finish the job, the sooner you'll see the last of me." Humalukipkip si Odie na tila ba pinag-iisipan ang sinabi niya. "Gusto ko na ring matapos ang documentation natin. Kailangan ko na rin namang umalis." "Saan ka pupunta?" "Somewhere far," tila wala sa sariling sagot ni Odie. Kinutuban nang masama si Tazmania. She saw a tinge of madness in Odie's eyes for a second, but it vanished just as quickly. Lalong mas kailangan niyang makumbinsi ang dalaga na patirahin siya sa lugar nito para mapigilan niya ang masamang plano nito. "Kaya nga hayaan mo na 'kong tumira dito. Para mapabilis ang trabaho." "Baka sugurin ako ng ex mo rito." "Mag-iingat ako. Hindi malalaman ng mga tao na dito ako nakatira," pangako ni Tazmania. Binigyan si Tazmania ng nagdududang tingin. Pero sa huli, bumuntong-hininga ito at umiling-iling. "Hindi ko alam kung bakit ko 'to gagawin, pero sige, pumapayag na 'ko. Bilang pasasalamat na rin sa pagliligtas mo sa 'kin nang ilang beses, ako naman ang tutulong sa 'yo ngayon." Gustong ngumisi ni Tazmania, pero pinigilan niya ang sarili. Baka iba ang isipin ng dalaga kung sakali. "Salamat. You won't regret it." "Huwag sanang magulo ang tahimik kong mundo, ha? Ayokong may babaeng susugod sa 'kin at aakusahan ako ng kung ano-ano ng dahil sa 'yo," paniniguro ni Odie. "Hindi mangyayari 'yon," giit ni Tazmania. "Okay. I have two rooms on this floor. Pero 'yong isa kasi, storage room. Ipapalinis ko muna para maging kuwarto mo." "Oh, don't worry. Ako nang bahalang kumuha ng mga tao na maglilinis ng kuwarto, at maglilipat ng mga gamit ko." Tumango-tango si Odie. "Okay, sige. Maiwan muna kita. May gagawin pa 'kong trabaho, eh. Please make yourself comfortable." "Okay." Pagtalikod ni Odie, sumuntok sa hangin si Tazmania. Yes! "Tazmania?" Sumeryoso si Tazmania bago pumihit paharap kay Odie. "Yes?" Napansin niyang bahagyang nakakunot ang noo ni Odie. "May naiwan ba 'kong notebook sa unit mo? Nilabas ko kasi 'yon nang mag-iwan ako ng note sa 'yo. Pero nang i-check ko ang bag ko pag-uwi, wala na ro'n ang notebook ko. May Eiffel Tower design sa cover n'on." Naging matigas ang paggalaw ng ulo ni Tazmania nang umiling siya. He was never good at lying to nice girls. "Nope. Wala naman akong nakitang notebook sa unit ko. Baka nilabas mo rin 'yon sa ibang lugar, at do'n mo naiwan." "Madalas akong magsulat sa bus. Iniisip ko nga na baka do'n ko naiwan..." tila nanghihinayang na sagot ni Odie. Mukhang mahalaga talaga rito ang notebook na iyon. "I can buy you a new notebook if you want. Kung gusto mo, Tokyo Tower naman ang design. O Big Ben ng London. Puwede ring Empire State Building ng New York." Natawa si Odie, saka umiling-iling. "Nah, kahit hindi na. Salamat sa offer." Tumango si Tazmania. "Sabihin mo lang kung magbago ang isip mo." Ngumiti lang si Odie, saka naglakad palayo. Habang pinapanood ang dalaga na maglakad, tahimik na humingi ng dispensa si Tazmania rito. Sorry if I had to lie to you, Odie. Pero hindi ako papayag na magpakamatay ka.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD