Chapter 6

1422 Words
NAGISING si Tazmania na masakit ang katawan, at puyat. Hindi siya nakatulog nang maayos kagabi dahil mukhang namamahay siya. Hindi siya komportable sa bagong tulugan niya. Maliit ang "storage room" na iyon sa lugar ni Odie. Hindi nga kasya ang kama roon, kaya binigyan na lang siya ni Odie ng foam na inilatag niya sa sahig kagabi para higaan. Medyo mainit sa kuwarto dahil bukod sa walang bintana, sira din ang air conditioner. Kaya isang electric fan lang ang nakatutok sa kanya para maging komportable siya. Nailipat na niya ang kanyang mga damit sa maliit na cabinet, at nadala ang ilang importanteng gadget gaya ng iPad at laptop niya. Pero masyadong masikip ang kuwarto para madala niya ang kanyang TV. Bumangon si Tazmania at naiinis na ginulo ang buhok. "s**t. Ano'ng kagaguhan ba 'tong pinasok ko?" Ilang beses na rin niya iyong naitanong sa sarili kagabi, pero wala pa rin siyang nahanap na matinong sagot. Gusto niyang pigilan si Odie sa balak nitong pagpapakamatay dahil iyon ang tamang gawin, dahil kargo de konsiyensiya niya ang dalaga kapag nagkataon. Pero kailangan ba talaga niyang magsakripisyo nang ganoon para lang makatulong sa isang estranghera? Biglang pumasok sa isip niya ang imahen ng likod ni Odie habang nakatayo ito sa dulo ng platform sa MRT station. Kahit nakatalikod ang dalaga mula sa kanya noon, napansin niya ang matinding kalungkutan nito base pa lang sa bagsak nitong mga balikat. Nang dahan-dahan itong humakbang na animo ay tatalon na habang mabilis ang andar ng tren, may kung anong nagising sa damdamin niya—awa. Aside from love, hate, and fear, he didn't know there was one more powerful feeling a person could possess—pity. At si Tazmania ang tipo ng tao na naniniwalang bale-wala ang pagkaramdam ng awa kung walang kaakibat na tulong. Kaya iyon ang ginagawa niya ngayon. I'm so f****d up, iiling-iling na sabi ni Tazmania sa isipan, bago hinila ang sariling tumayo at lumabas ng kuwarto para magbanyo. Nang subukan niyang pihitin ang seradura, doon lang niya na-realize na naka-lock iyon. Ah, ginagamit siguro ni Odie ang banyo. Nakalimutan niyang iisa lang ang banyo sa palapag na iyon. Mayroong banyo sa ibaba, pero hindi iyon puwedeng liguan. Dahil inaantok pa, humiga muna si Tazmania sa sofa. Mapipikit sana siya nang may makitang botelya sa ibabaw ng center table. Kinuha niya iyon at inalog. Base sa narinig niya, pills ang laman ng botelya. Pero nakapagtatakang walang label ang bote. Sleeping pills kaya 'to? Pero bakit walang label? At bakit nakakalat lang dito? Masama ang kutob niya sa pills na iyon, kaya ibinulsa na lang niya iyon at itatapon mamaya paglabas niya. Siguradong kay Odie iyon, kaya sigurado rin siyang masama ang magiging epekto ng gamot na iyon sa dalaga. Kabisado na niya ang "listahan" ni Odie, kaya may ideya siya sa kung para saan ang gamot na iyon. I'm sorry, Odie. But we have to cross number four out of your list. I won't let you take medicines which are probably expired. Nang marinig ni Tazmania ang pagbukas ng banyo, mabilis siyang nagpanggap na natutulog. Pero mahirap palang magpanggap, lalo na't biglang napuno ang buong palapag ng mabangong amoy ni Odie. Amoy-baby ito, na dahil siguro sa ginamit nitong shampoo at sabon. Ang amoy na iyon pa naman ang gustong-gusto niya sa mga babae. Ah, shoot me. Pasimpleng iminulat niya ang isang mata. Nakita niya si Odie na tila may kung anong hinahanap sa ilalim ng mesa. Doon na siya kumuha ng timing para "gumising." Nag-inat siya at naghikab pa kunwari. "Good morning, Odie." Binigyan siya ng distracted na tingin ni Odie. "Good morning, Tazmania. May nakita ka bang botelya dito kanina?" Tazmania took a good look at her first. Hindi niya napigilang hindi humanga sa magandang hubog ng katawan ni Odie na kitang-kita sa suot nitong sando at maiksing shorts. Mukhang nakabihis ito para tumakbo. God, her skin was flawless. Pantay ang pagkaputi nito sa lahat ng parte ng katawan. She looked so smooth and so soft. At ang sexy tingnan ng basang buhok nito na nakalugay lang. Pilit niyang ibinalik agad sa mukha ng dalaga ang atensiyon niya bago pa nito mahalata ang ginagawa niya. Pero lalo lang yata siyang na-distract. Her bare face looked nice. Kahit walang kolorete sa mukha, ang ganda pa rin ni Odie. It was going to be hard to concentrate on his mission if she was always going to look. "Tazmania?" untag ni Odie. Tumikhim si Tazmania para ibalik sa huwisyo ang sarili. "Wala. Wala akong nakitang botelya dito paglabas ko. Baka na-misplace mo lang." Dumaan ang pagtataka sa mukha ni Odie. "Mukhang parati ko na lang nami-misplace ang mga gamit ko lately." "Your age is probably catching up with you," nakangising sabi ni Tazmania. Ah, ang sarap sa pakiramdam na maibalik kay Odie ang mga salitang sinabi nito sa kanya noong nakaraan. Binigyan siya ng kakaibang tingin ni Odie, saka ito napangiti habang iiling-iling. "Maiwan muna kita." "Saan ka pupunta nang ganito kaaga?" "Magba-bike." Napaderetso ng upo si Tazmania. Bigla niyang naalala ang panlima sa listahan ni Odie ng pagpapakamatay—ang magpasagasa sa van habang nagbibisikleta ito! "Sasama ako." Kumunot ang noo ni Odie. "Huh?" Mabilis na tumayo si Tazmania. "Magandang araw ito para kuwentuhan mo ako tungkol sa inyo ni Pluto. I'm just going to take a quick shower." Bago pa makapagprotesta si Odie ay iniwan na ito ni Tazmania. He went back to his room, grabbed a towel, then went straight to the shower. Binilisan lang niya, at paglabas niya, wala na ang dalaga. Naalarma siya, kaya binilisan niya ang pagbibihis. Dinampot niya ang kanyang camera bago lumabas ng kuwarto. Pagkatapos ay patakbo siyang bumaba ng hagdan. Sa labas lang ng Tee House ay nakita na niya si Odie na nakaupo sa gutter, malayo na naman ang tingin. May kulay-pink na bisikleta sa tabi nito. Napabuntong-hininga si Tazmania. Napansin niya na habang tumatagal, nagiging malungkutin na si Odie, hindi gaya noong unang beses nilang magkita na wala itong ibang ginawa kundi ang ngumiti at tumawa—na pinepeke lang pala nito. Siguro, napapagod na ito sa pagpapanggap kaya ngayon ay nakakalimutan na nito ang tungkol sa façade nito. So this is the real Odie. Sad, lonely and suicidal. May kung ano ang sumuntok sa dibdib ni Tazmania. Ito na nga ba ang dahilan kung bakit ayaw niya sa mga miserableng babae—madali siyang maawa. Naramdaman yata ni Odie ang presensiya niya, kaya lumingon ito sa kanya at ngumiti. "Hello. Ang bilis mo nga, ha." "Sabi ko naman sa 'yo, mabilis lang ako," pakikisakay ni Tazmania sa magandang mood ni Odie. Inangat niya ang hawak na camera. "Puwede na ba tayong magsimula?" Tumayo si Odie at tinanggal sa pagkaka-lock mula sa poste ang bisikleta nito. "Noon, madalas kaming nagba-bike ni Pluto sa umaga. Gustong-gusto niyang pinagpapawisan, saka kami kakain nang marami. We always eat burgers after a workout..." Nagpatuloy lang si Tazmania sa pagkuha kay Odie ng video habang naglalakad ito, hila-hila ang bisikleta. Nasa gilid lang sila ng kalsada. Dahil mag-aalas-singko pa lang ng umaga noon, wala pang masyadong tao sa paligid, maliban sa mangilan-ngilan na jogger. Kahit sa kalsada, kakaunti pa lang ang sasakyang dumadaan. Napansin niya na walang suot na protective gear si Odie kahit halata namang matagal na itong nagbibisikleta. He felt sick just remembering her suicide list. Malamang ay plano talaga nitong magpasagasa sa sasakyan. Natigilan si Odie nang may dumaang van sa kalsada. "Wait. Gusto ko na yatang mag-bike." Nanlamig ang katawan ni Tazmania nang sumampa na sa bisikleta si Odie, habang matamang nakatingin sa kalsada na para bang may inaabangan. Hindi nakaligtas sa paningin niya ang pagkislap ng mga mata ng dalaga nang may marinig silang makina ng sasakyan. Ng malaking sasakyan. Nanlaki ang mga mata ni Tazmania. Posible bang alam ni Odie na may dadaang truck sa kalsadang iyon nang ganoong oras? Tagaroon ang dalaga, kaya hindi iyon imposible. Isa pa, mukhang planado talaga ni Odie ang pagpapakamatay. Kaya ginawa niya ang nag-iisang bagay na naiisip niyang gawin para pigilan si Odie nang mga sandaling iyon—nang magsimula itong mag-pedal, umangkas siya sa likod dahilan para gumiwang ang pagbibisikleta ng dalaga. "Tazmania!" biglang bulalas ni Odie. Nahimigan niya ang gulat sa boses nito. Kumapit si Tazmania sa mga balikat ng dalaga. "Paangkas. Mukhang masarap magbisikleta ngayon, eh." "No! Hindi ako sanay na may angkas!" Mukhang nagsasabi nga ng totoo si Odie dahil pagiwang-giwang ang andar nito na parang hindi mabalanse sa bisikleta ang bigat nilang dalawa. Pero wala nang oras si Tazmania. Kung hindi niya iyon gagawin, tiyak na sasalubungin ng dalaga ang paparating na truck. He couldn't let her die, even at the expense of his own safety. Bago pa dumeretso si Odie sa kalsada, itinagilid ni Tazmania ang kanyang katawan sa kanan. At dahil sa bigat niya, hindi nakapagtatakang nawalan ng balanse ang dalaga at sumemplang sila sa may damuhan. Lumagpas na ang truck.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD