"Bitiwan ninyo ako! Hindi n'yo pwedeng gawin sa akin ito!" Nanlilisik ang mga mata ni Shiela habang sumisigaw. Pilit na kumakawala sa pagkakahawak ng mga pulis. Napahawak sa braso ni Ethan ang dalaga sa nakikitang galit sa mga mata ng babae ng bumaling ito sa kanya. "I hate your father, Jade!" sambit nito. "A-ano ang ginawa sa iyo ng daddy, Shiela?" Bahagyang nawala ang panlilisik sa mga mata nito pagkatapos ay tumingala kay Jade. "I...I have learned to adore your father. He was the father I never had. Alam kong parang anak na rin ang turing niya sa akin subalit nabaling ang atensyon niya sa iyo nang malaman niyang anak ka niya. He was never been happier." "Get her out of her," utos ni Ethan sa mga pulis. Isasakay na sa police si Shiela nang mabilis na lumapit si Jade. "My father l

