“Why did you do that?!” Pabulong na sigaw ko nang matanggal ko iyong kamay niya mula sa pagkakatakip sa aking bibig. Agad ko siyang nilingon at nakita si Eedrix na buhat pa rin si Casey na ngayon ay nakatakip din ang bibig gamit ang kaniyang mga kamay. Sinenyasan niya naman ako bigla na tumahimik kaya naman kahit naiinis ako ay tumango na lang ako at napahalukipkip. Lumapit si Eedrix sa pinto at ibinaba iyong si Casey. Lahat naman kami ay napalingon sa direksiyon ng pintuan nang makarinig kami ng sunod-sunod na hakbang. “You stay with Casey. I’ll deal with those kids,” utos sa akin ni Eedrix. “Why, what happened? I’ll deal with those and you deal with this,” I said as I pointed my finger to the young girl. “It’s fine… I can deal with them…” sabat ni Casey na napakamot sa pisngi ni

