“Who the hell are you?” Napatingin naman sa akin si Eedrix nang bumulong ako sa sarili ko nang makalapit iyong batang babae sa amin at niyakap ako. “Mommy!” sigaw pa noong bata. Muli kong ibinalik ang tingin ko sa kaniya. The girl is wearing her pale pink uniform with her black hair all tied out in a french braid, her socks all neat, and shoes all polished. She presses her cheeks even harder against my hip as she tightens her grip as well. Agad ko namang inilapat ang kamay ko sa maliliit niyang kamay at sinubukang tanggalin iyong pagkakayakap niya sa akin ngunit lalo naman niyang diniinan ang pagkakayakap sa akin. "I am not your mother," saad ko tsaka sinenyasan si Eedrix na ilayo sa akin iyong bata. Agad naman niyang kinuha iyong bata saka ito ibinuhat sa kaniyang kanang br

