"And why does it matter?" Napakunot ang noo ko at kinapa ang lalagyan ng popcorn. Naramdaman ko naman na may malamig akong kamay na nabangga kaya naman naiurong ko iyong kamay ko. “What do you mean?!” I did not bother looking at who owns the hand. It’s just either Kimberly or Eedrix. Nakaramdam naman na ako ng pagkangawit dahil kanina pa nakaangat iyong kamay ko kaya naman sinubukan ko na kumuha ng popcorn ulit ngunit muli kong naramdaman iyong malamig na kamay kaya naman napalingon na ako sa mga katabi ko. Nagtama ang tingin namin ni Eedrix na agad namang ibinawi ang kaniyang tingin saka ipinagpatuloy ang pagkuha ng popcorn na hawak ni Kimberly. Si Kimberly naman ay diretso lamang ang tingin sa huge screen ng sinehan habang hawak niya iyong lalagyan ng popcorn at panay kain ng frie

